Regine Velasquez: “I’m scared that I will be judged.”

by Dinno Erece

regine.jpg

Bago magsimula ang press launch for the grand finalists of Pinoy Pop Superstar (PPS) Year 3, hosted by Regine Velasquez, sa Studio 3 ng GMA-7 kaninang tanghali, May 21, may konting pustahan na naganap sa ilang entertainment press: Magsasalita ba si Regine about Ogie Alcasid’s revelation sa YES! Magazine tungkol sa relasyon nila o hindi.

Karamihan ay nagsabi na hindi raw at malamang pakantahin lang si Regine bilang host ng said GMA-7 singing contest. Some believed otherwise dahil, tomorrow, May 22, makakaharap din ulit ng press si Regine para naman sa promotion ng Star Cinema movie nila ni Piolo Pascual na Paano Kita Iibigin sa ABS-CBN compound.

Better na ngang maunang magsalita si Regine sa home turf niya bago sa ABS-CBN at para na rin hindi makasira sa promotion ng movie nila ni Piolo.

Sa initial spiel ni Regine, nagpatawa pa siya na alam niyang kating-kati na raw ang entertainment press na usisain siya tungkol sa rebelasyong ibinigay ni Ogie sa YES! Magazine, ngunit it’s not yet the time for her to speak pa raw in respect to the nine grand finalists ng PPS 3 na siya nga namang dahilan para sa nasabing press con.

Nang umiikot na si Regine sa mga press habang may audio-visual presentation ang PPS 3, bits and pieces ang mga binibitawan niya.

“Ina-absorb ko pa rin,” pabirong sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang tinanong namin ang reaction niya.

After the press presentation of the nine finalists and before the question-and-answer portion, bumalik si Regine sa stage and this time, nagsalita na siya.

“First of all, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga kaibigan ko sa press at sa mga taong naging mabait sa akin. Nagpapasalamat ako sa inyo at hindi nyo ako hinusgahan,” paunang salita ni Regine.

“I’m both happy and scared now right now. Happy ako although hindi halata dahil at least it’s now out. But at the same time, very scared on what people will say about me. I’m scared that I will be judged,” dito na nagsimulang tumulo ang kanyang luha.

“Also, scared ako dahil sabi nila kapag nilalabas na ang relasyon, naji-jinx!” pagpapatawa ni Regine.

“This relationship is important to me. This is the only relationship I have and the relationship I will ever have.

“Nagpapasalamat ako kay Ogie for protecting me. Hindi namin mailabas ito dahil napakaraming kailangang protektahan ni Ogie—hindi lang ako kundi pati pamilya niya.

“Napakaraming pinagdaanan ni Ogie ngunit hindi niya ako isinama at sinarili niya lang. Thank you, Ogie. I love him very very much,” pagtatapos niya.

Early this year, nangako si Ogie na may ia-announce siya ng June. Speculated nang ang relasyon nila ni Regine ang ia-announce niya, ngunit walang confirmation na nangyari. Sa unang press con ng Paano Kita Iiibigin, nagsabi na rin si Regine about this na pauunahin niya munang magsalita si Ogie bago siya magsalita.

Sa June 2007 issue ng YES! Magazine, nag-confirm si Ogie ng kanyang separation sa kanyang asawang si Michelle van Eimeren and that he is in love with Regine.

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Regine Velasquez: “I’m scared that I will be judged.”"

Leave a Reply

%d bloggers like this: