Gretchen Barreto and John Estrada’s Kissing Pics, not an Affair but John camp’s idea?

 

gretchandjohnny.gif 

Kasunod ng pag-amin ng kampo ni Gretchen Barreto na totoo ang kumalat na litrato sa internet kung saan naghahalikan sila ni John Estrada, nagsulputan din ang mga espekulasyon kung sino ang nagpakalat nito at pinagbibintangan umano ng panig ng aktres ang kampo ng aktor na siyang may kagagawan ng pagkalat ng kontrobersiyal at ngayo’y tinaguriang ‘kissing photo’.

Hindi pa lumalabas sa publiko si Gretchen para magsalita hinggil sa kontrobersiyal na litrato nila ni John subalit kahapon ay nagsalita ang kanyang manager at TV host na si Boy Abunda sa programang “The Buzz” ng ABS-CBN at isiniwalat na ang aktres at aktor nga ang nasa larawan.

“Hindi po idini-deny, hindi po ikinakatwa ni Gretchen Barreto ang mga litratong `yan. Pero nais ko rin pong iklaro na there is no affair between Gretchen and John,” ayon kay Abunda.

Cellphone umano ng aktor ang ginamit sa pagkuha ng ‘kissing photo’ at ang kumuha nito ay isang nagngangalang Jay na kaibigan ni John. Subalit naging malaking palaisipan kung paano o sino ang nag-post ng litrato sa internet at ano ang motibo sa pagpapakalat nito.

Diumano, nagagalit ngayon si Gretchen kay John at pinagbibintangan ang kampo ng aktor na siyang nag-post ng kanilang litrato sa internet.

Maliban sa ipinahayag ni Abunda kahapon, hindi pa alam kung magsasalita pa o mananatiling tahimik na lamang ukol sa naturang kontrobersiya si Gretchen. Maging si John ay hindi na rin nagsalita bagama’t itinanggi na nito sa naunang panayam sa kanya ng “The Buzz” na mayroon silang ‘affair’ ni Gretchen.

Samantala, base pa rin sa ilang source, tinanong umano si Gretchen ng mister nitong si Tonyboy Cojuangco kung may ‘affair’ sila ni John bagay na itinanggi ng aktres.

Inamin din umano ni Gretchen na totoo ang halikan sa kumalat na litrato subalit lasing umano ito nang kunan sila ni John at hindi na alam ang mga nangyayari.

Matapos umanong usisain ukol sa ‘kissing photo’ binalewala na ito ni Tonyboy at parang walang anumang nangyari kaya nagulat din umano si Gretchen sa naging reaksyon ng asawa sa nasabing iskandalo.

“He hugged me. He understands,” ayon pa umano kay Gretchen. 

Source

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Gretchen Barreto and John Estrada’s Kissing Pics, not an Affair but John camp’s idea?"

Leave a Reply

%d bloggers like this: