Angel Locsin admits she still loves ex-boyfriend Oyo Sotto

 angel_locsin.jpg

Sa press con ng pelikulang Angels last June 14 ay inayunan ni Angel Locsin ang naunang pahayag ng ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto na wala silang relasyon ng iniuugnay sa kanya ngayon na si Marvin Agustin.

“Honest naman ako sa kanya [Oyo],” sabi ni Angel.

Ayon pa sa young actress, may communication pa rin sila ni Oyo, although hindi naman masasabi na super close na ulit sila gaya ng dati.

“Pero kahit papaano okey na rin. Kumukulit na rin kami kapag nag-usap. Dati kasi parang may wall, marami kaming hindi puwedeng pag-usapan. Kasi pag pinag-usapan namin, babalik na naman kami doon sa ganyan, ganyan, ganyan,” kuwento ng young actress.

Sa kasalukuyan ay nasa bakuran na ng ABS-CBN si Oyo, kung saan may show ito ngayon kasama ang isa pa niyang ex-girlfriend na si Anne Curtis. Gusto ba ni Angel na bumalik si Oyo sa GMA-7?

“Hindi naman,” sabi ni Angel. “Siguro kailangan lang talaga ng time, di ba, para maka-recover?

Hindi pa ba siya nakaka-recover kahit noon pang December 2006 sila nag-break?

“Okay naman ako. Naka-recover naman ako. Pero siyempre, mahal ko si Oyo. Sabi niya, mahal niya ako, pero ibang paraan.”

Mahal pa rin niya si Oyo?

“Oo, mahal ko siya,” diretsong sagot ni Angel.

Inamin din ni Angel na nami-miss na niya si Oyo.

“Si Oyo kasi very protective. Kahit anong mangyari, alam mo may kakampi ka,” aniya tungkol sa ex-boyfriend.

Hindi gaya ni Marvin?

“Hindi pa naman kasi namin kakilala ng ganun ang isa’t isa. Kinikilala ko pa lang siya. Nag-start kami sa Asian Treasures. Pero siyempre, hindi pa naman kami agad nag-jive, alam mo ‘yon? Ngayon ko pa lang siya ino-observe. Pero okay kami sa set,” paliwanag ni Angel.

Masasabi niya bang nanliligaw na sa kanya si Marvin?

“Hindi siya nanliligaw,” diin ni Angel. “Ewan ko sa kanya. Parang he’s just being nice. Basta ako naging open ako. Kunwari magdi-dinner kami ni Marvin alam niya [Oyo] ‘yon. ‘Uy, nag-dinner kami ni Marvin.'”

Paano kung manligaw sa kanya si Marvin? May pag-asa ba ang binatang ama?

“Hindi siya nanliligaw,” ulit niya. “Pag nanligaw siya, parang ang hirap-hirap. Nawalan nga ako ng boyfriend kasi wala nga akong time. Iyon ang isyu niya [Oyo], di ba? So, ayokong pumasok ulit sa isang relasyon na hindi pa ako ready. Kasi baka makasakit na naman ako ng tao, hindi ko kaya. Baka masaktan din ako.”

Kung babalikan siya ni Oyo, tatanggapin ba niya?

“Sinubukan naman niya ‘yon, e. Pero sa ngayon, mas okay kami as friends. Well, trinay niyang pag-usapan. Pero hindi naman ligaw. Hindi naman ako ganun ka-harsh na, ‘Hoy, bahala ka! Magmamaganda ako, ligawan mo ako ulit. Bahala ka sa buhay mo!’ Hindi, pero napag-usapan namin.

“Pero sabi ko [kay Oyo], ‘No, mas okay tayo na ganito. Alam mong busy ka, alam mong busy ako. If ever naman kung tayo, magiging tayo naman. So, wala kang dapat ikatakot. Mag-enjoy ka lang sa buhay mo. Dito lang naman ako lagi for you.'”

Ano ang isinagot ni Oyo sa kanya?

“Basta nagkaintindihan na kami doon,” maikling sabi ni Angel.

Paano kung nabalitaan niya na sina Oyo at Anne Curtis na ulit?

Ayon kay Angel, “Kung sasabihin lang niya sa akin, masaya ako. Pero kung itatago niya, siguro medyo maba-bad trip ako, na hindi mo naman kailangang itago dahil nandito lang naman ako lagi na handang sumuporta.”

What if ibang girl naman ang susunod na girlfriend niya?

“Sana ikuwento niya,” maikli niyang tugon.

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Angel Locsin admits she still loves ex-boyfriend Oyo Sotto"

Leave a Reply

%d bloggers like this: