banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Aiza Seguerra denies break-up with Chen Sarte

 

 aiza.JPG

Twice nang nakakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang mahusay na mang-aawit at out na out sa pagsasabi at pagpapakita sa kanyang sekswalidad na si Aiza Seguerra. Una, sa dressing room ng mga guests ng Homeboy last Tuesday, June 12, pero hindi namin siya naistorbo dahil kailangan na silang isalang sa taping. Ang ikalawa ay last Friday, June 15, sa cashier ng Fully Booked sa Gateway.

Nagkumustahan kami at nausisa pa namin ang binibili nito.

“Book ni Paulo Coelho,” sabi ni Aiz, at idinagdag din niyang naghahanap siya ng isang showbiz magazine.

Tinanong namin si Aiza kung bakit siya naghahanap ng nasabing magazine.

“Naku, may nagsulat daw na break na kami ng lovey-dovey kong si Chen. Nakakagulat nga, e, kasi hindi totoo. Di ko naman malaman kung saan naman nila napulot ‘yong ganoong balita,” sagot ng singer-actress.

Hinanap namin kay Aiza ang kanyang girlfriend na si Chen Sarte.

“Nandiyan siya sa labas, nag-iikot-ikot nga lang kami, e. And meron nga pala kaming ipo-produce na show sa bar ni Mamu [Andrew de Real] sa Biñan, Laguna. Dun kami abala ng honey ko pag wala akong mga gigs. We’re into producing shows na rin. Kaya bakit nasusulat na wala na o naghiwalay na o break na kami?” nagtataka niyang sabi.

Ano naman ang puwedeng maging dahilan para mag-break sila ng kanyang mahal?



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

“Nakakatawa! Nananahimik kami, e. Siguro nakita lang na hindi kami magkasama, ganon,” sabi niya.

Ano naman ang reaksiyon ni Chen nang mabalita na break na sila?

“Wala,” sagot ni Aiza. “Pareho kami. Tumawa na lang kami. Gusto ko lang mabasa kung ano ‘yong nasulat.”

Aiza was not able to get a copy of the magazine she was looking for na nandoon ang item about her and Chen. Pero nakita ko na tuwang-tuwa siya when she got hold of a copy of Coelho’s book. Later on ay nakita na namin silang magkasama sa pagsa-shopping.

Source

Popularity: 3% [?]

  1. One Response to “Aiza Seguerra denies break-up with Chen Sarte”

  2. By RuffaMaeGutierrez on Jun 19, 2007 | Reply

    byaning din ba jowa nya? hindi halata! anong nagustuhan nya kay aiza?

    [reply this comment]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.