Lolit Solis dares Rosanna Roces to guest in “Startalk”

 rosannaroces.JPG

Mula nang ma-dismiss ang kaso ni Rosanna Roces noong June 6, marami ang nagpiyesta sa kanyang mga pahayag nitong mga huling araw.

Ang ilan sa mga salita ng dating sexy star, mga salita ng kapatawaran at panghingi ng tawad kina Dr. Vicki Belo, dating manager niyang si Lolit Solis, at kay Lorna Tolentino.

Ang ilan naman sa kanyang mga pahayag tila pagbawi nito.

Matagal nanahimik ang kampo ng dating manager ni Osang at ng beauty doctor. Inirereserba raw nila ang kanilang mga reaksiyon sa Startalk.

Ngayon, June 16, tila sumabog na ang emosyon ni Lolit sa nasabing showbiz talk show. Halatang pikon na pikon si Lolit sa mga pahayag ni Osang. Hindi raw kasi niya naramdaman ang sinseridad ng dating alaga.

“Ang dami niyang sinabi. Noong una maayos, pero kita ninyo, matapos ang isang linggo, iba na ang tono,” litanya ni Lolit.

“Nung una talaga napaisip ako. Akala ko talaga nagbago na. Pero ilang araw pa lang ang nakakalipas, iba na naman ang sinasabi.”

Marami ang nagulat sa kainitan ng interview ng co-hosts niya sa Startalk na sina Joey de Leon at Butch Francisco sa kanya, sinabi ni Lolit ang kundisyon niya para patawarin ang dating alaga.

“Siguro kung magiging sincere siya sa paghingi ng tawad. Siguro kung ire-reenact niya ‘yong nangyari sa ilalim ng lalabo, papayag ako,” ani Lolit.

Ayon sa talent manager-TV host, patungkol daw ito sa isang insidente noong 2004 kung saan naglambitin si Osang sa isang elbow trap sa ilalim ng water closet para hindi mahuli ni Lorna. Magkasama raw noon si Osang at ang mister ni LT na si Rudy Fernandez. Kasagsagan noong panahong ‘yon ang isyu tungkol sa diumano’y illicit affair sa pagitan nina Daboy at Osang.

Ang gusto lang patunayan ni Lolit dito ay ang i-recognize ni Osang ang kanyang mga pagkakamali at maging sinsero ito sa paghingi ng tawad sa kanya, kay Lorna, at Dr. Belo.

Paano raw manghihingi ng tawad si Osang kung hindi naman nito inaako ang kanyang mga pagkakamali, tulad na lang nang ginawa niyang mga interviews kung saan siniraan niya si Dr. Belo?

Matatandaang nagkaharap na sina Lolit at Osang sa isang closed-door mediation proceeding sa Makati noong isang taon. Pero hindi pa rin nagkaayos ang dalawa.

Sa interview ni Osang noong June 6, sinabi nitong handa raw siyang mag-guest sa Startalk kung gusto ni Lolit. Hindi raw naniniwala si Lolit sa pahayag ng dating alaga. Bagkus, hinamon pa niya ito.

“Ipakita niya talagang matapang siya, mag-guest siya sa atin,” pahayag ni Lolit. “Mag-guest siya sa Startalk. Hindi ko siya aawayin dito. Sige, kung talagang hindi siya takot na makaharap ako. Bibigyan pa siya ng show ng honorarium.”

Nagpasaring din si Manay Lolit sa diumano’y bagong karelasyon ni Osang ngayon.

“Sana kung magkaroon ka ng relasyon, di mo na itago. Kasi may balita nga ako, ang bagong niyang karelasyon ay kapwa niya babae. Maitatago mo pa ba ‘yon?” sabi ni Manay Lolit.

Taliwas ito sa pahayag ni Osang sa mga nauna niyang interviews na wala siyang karelasyon ngayon.

Maging si Lorna, hindi na rin napigil sa pagbigay ng mensahe para kay Osang.

“Isa lang ang masasabi ko, patuloy pa rin kitang ipagdarasal,” one-liner ni LT.

Nasa set ng Startalk kanina si Dr. Belo at ikinuwento nitong pinag-aaralan daw niyang mabuti ang mga hakbang ngayon.

“Technically, I have 10 months to decide if I would re-file the case,” ayon sa beauty doctor. “Nakakatakot kasi if I don’t file. Baka si Osang will make sira again sa akin kapag wala na siyang demanda.”

Hindi rin itinago ni Dr. Belo ang kanyang pagkadismaya nang ma-dismiss ang kaso niyang tatlong taon na raw niyang inaabangan ang husga.

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Lolit Solis dares Rosanna Roces to guest in “Startalk”"

Leave a Reply

%d bloggers like this: