Another Imee Marcos son joins showbiz

mikemanotoc.JPG

Mag-aartista na ang pangalawang anak ni Congressman Imee Marcos sa dati nitong asawang si Tommy Manotoc na si Michael Manotoc.

Tatlo ang naging anak nina Imee at Tommy: sina Borgy, Michael, at Matthew. Kung si Matthew ang nakakuha ng sports enthusiasm ng kanilang ama, si Michael naman ang nakamana ng love for acting and the law ng kanilang ina.

Bata pa lang daw, mahilig nang umarte si Michael kaya nga nagulat ang pamilya nila nang si Borgy ang unang nakapasok sa showbiz, although as a model and a host lang. Si Michael kasi, nakapag-aral ng isang short course sa Royal Academy of Dramatic Arts sa London, na siya ring pinag-aralan ng ilan sa mga pinakamagagaling na Londoner Hollywood stars like Anthony Hopkins and Jude Law.

Twenty-one-year-old Michael finished his schooling sa New York University but will continue his Law proper here sa University of the Philippines (“it’s a family tradition,” sabi niya). He is busy rehearsing for the upcoming Repertory Philippines musical Cinderella. Siya ang gaganap na Prince.

Dito sila nagkaiba ni Borgy na modelling ang pinasok, although willing din naman daw si Michael to try it out.

Biniro namin si Michael if he can also do what Borgy has done—like posing in his briefs—at halos namula ang binata.

“No, I’m not that impressive,” sagot niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong namin kay Michael kung ano ang hindi impressive sa kanya at tumawa siya ulit.

“It’s my body that is not impressive. I’m payatot. I mean, I can also do something about it by going to the gym but I don’t think I can attain Borgy’s body which is super toned. I’m the most conservative in the family. I’m also the shortest in terms of height,” paliwanag niya.

Michael’s height is 5′ 10″ while 6-footer si Borgy at 6′ 2″ naman ang bunso nilang si Matthew.

Naitanong din kay Michael kung sino naman ang nakapagmana ng “kabaklaan” ng ina. Sabi niya, wala raw.

“I’ve learned certain gay words though today, like jumbag [umbag] and juding [bakla], so maybe later I can call my mom and say ‘Hey, I learned a lot of sward speak today!'”

Source

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Another Imee Marcos son joins showbiz"

Leave a Reply

%d bloggers like this: