Regine Velasquez willing to give up her career for Ogie Alcasid

regine.jpg

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sabay na nagpa-interview sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez pagkatapos ng exclusive tell-all interview ni Ogie sa June 2007 issue ng YES! magazine. Magkasamang humarap sa media kahapon, June 20, sa Los Angeles, ang dalawa at malaya nilang pinag-usapan ang tungkol sa kanilang relasyon.

Sa Scientology Celebrity Center sa Los Angeles, California, naganap ang pagpapa-interview nang sabay nina Ogie at Regine sa media. Ito ay may kaugnayan sa press conference ng Love To Laugh concert sa Los Angeles ni Ogie kasama si Ai-Ai delas Alas. Special guests sa nasabing concert sina Regine at Martin Nievera.

Ayon sa correspondent ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa L.A., nag-dialogue daw si Regine, “I’m here in Los Angeles because of Ogie. This is the first time we faced the press as a couple, and I’m happy. I’m happy to be with Ogie.”

Dagdag pa ng aming correspondent, umiyak din daw si Regine habang sinasabi ang mga salitang ito: “Buong buhay ko inialay ko sa career ko, sa audience ko. Ngayon naman, gusto kong magkaroon ng kaligayahan. Kung kinakailangan kong i-give up ang career ko para lang kay Ogie, gagawin ko.”

Teary-eyed din daw ang karamihan sa mga reporters habang pinapakinggan ang madamdaming pahayag ng Asia’s Songbird.

Matatandaang pagkatapos umamin nina Ogie at Regine sa tunay na estado ng kanilang relasyon ay nakatanggap sila ng mga negatibong reaksiyon mula sa maraming tao, lalo pa’t may mga ilang katanungan pa na hindi nasasagot—gaya ng kailan talaga naghiwalay si Ogie at ang Australian wife nito na si Michelle Van Eimeren, at kung si Regine ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa kabila nito ay hinarap nina Ogie at Regine ang mga panghuhusgang ito ng mga tao na karamihan naman ay hindi alam ang tunay na pangyayari. Ang importante ay maligaya sila sa piling ng isa’t isa at nagmamahalan sila.

Going back to the press con sa L.A., kinilig daw ang mga reporter sa sobrang ka-sweet-an nina Ogie at Regine. Pati ang ibang mga kababayan natin na nagpunta roon ay nangakong susuportahan ang concert nina Ogie at Ai-Ai with guests Regine and Martin.

Balita namin ay sold out na ang tickets para sa naturang concert. Ang Love to Laugh L.A. concert ay proyekto ni Anna Puno ng Starmedia Productions.

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Regine Velasquez willing to give up her career for Ogie Alcasid"

Leave a Reply

%d bloggers like this: