Annabelle Rama’s birthday wish for Ruffa: Love wisely

ruffa-annabelle.JPG 

Hindi naniniwala si Annabelle Rama, ang ina ni Ruffa Gutierrez, na mai-in love ang anak only after ten years. Ito ay pagkatapos ng masalimuot na pakikipaghiwalay ni Ruffa sa Turkish husband nitong si Yilmaz Bektas.

Mother knows best, ‘ika nga. Kaya kilalang-kilala ni Annabelle si Ruffa, lalo na pagdating sa lalaki.

Ayon kay Tita Annabelle (as she’s fondly called in showbiz), “Ang advise ko lang kay Ruffa, alagaan niya ang sarili niya. At ngayon, choose wisely. Hindi lang basta guwapo, kailangan may laman ang utak, may laman ang bulsa, bago ka mai-in love ulit, Ruffa, please!

“Iyon ang advise ko sa ‘yo. I’m sure maraming patay-gutom diyan na dumidikit kay Ruffa. So, umpisa na naman ang away naming mag-ina,” mariing pahayag ng ina ni Ruffa.

May namamalayan na ba siya na nagpaparamdam na lalaki kay Ruffa?

“Wala pa naman,” sagot ni Tita Annabelle.

Babantayan ba niya si Ruffa?

“Hindi naman. Busy naman si Ruffa ngayon. Marami siyang trabaho ngayon, so I don’t think meron pa siyang time sa love,” kampanteng tugon niya.

Eto na: kung busy si Ruffa ay busy rin si Tita Annabelle dahil pumirma siya ng two-picture contract sa Regal Entertainment. Bakit finally ay naisipan niyang gumawa ng pelikula ulit after a long time?

The price is right, syempre!” malakas na tawa ni Tita Annabelle.

Sa Linggo, June 24, ay magse-celebrate ng kanyang birthday si Ruffa. Ano ang birthday wish ni Tita Annabelle kay Ruffa?

“Wish ko kay Ruffa maging wise siya sa pagpili ng lalake. Huwag siyang ma-in love ulit. At saka tuluy-tuloy ang suwerte mangyari sa buhay niya.”

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Annabelle Rama’s birthday wish for Ruffa: Love wisely"

Leave a Reply

%d bloggers like this: