More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika


  • View My Stats

Angel Locsin remains silent about negative issues thrown at her

angel_locsin2.jpg 

Marami ang nag-akala na magiging “no show” si Angel Locsin sa cast party ng action-adventure series ng GMA-7 na Asian Treasures, na ginanap kagabi, June 28, sa 22nd Street along Marcos Highway in Antipolo.

May nagparating daw kasi sa mga reporters ng GMA shows na 24 Oras, Startalk, at Showbiz Central na baka hindi makarating si Angel sa cast party dahil may iba itong lalakarin.

Dumating sa cast party sina Robin Padilla, Eddie Garcia, Glaiza de Castro (kasama ang brother niyang si Alchris Galura), Gio Alvarez (kasama ang kanyang wife), Caridad Sanchez, Ella V., at ang may-ari ng 22nd Street na si Mon Confiado (kasama ang girlfriend niyang si Ynez Veneracion).

Hindi na namataan ng mga TV crew ang iba pang cast na sina Marvin Agustin, Marky Cielo, Sandy Andolong, at Diana Zubiri.

Pero pasado alas-dose ng madaling-araw ay dumating si Angel. Pero pilit niyang iniwasan ang mga TV cameras na gusto siyang hingan ng pahayag tungkol sa mga negative issues sa kanya. Pero ang tanging nasagot ni Angel ay: “Masaya po ako!”

Ilang araw na ring nagsisilabasan ang hindi magagandang issues regarding Angel. Nagsimula ito sa hindi raw niya pagtanggap ng proyektong Marimar at ang hindi niya pagpirma ng bagong kontrata sa GMA Artist Center. Gusto raw kasi ng kanyang manager na si Becky Aguila na solo nitong ima-manage si Angel, unlike before na katuwang ang Artist Center.

Si Becky rin diumano ang nagpipigil na magsalita si Angel sa media para magpaliwanag sa mga hindi magandang issues laban sa kanya.

Dahil late dumating si Angel sa cast party, hindi niya naabutan ang senior vice president ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, na nagbigay ng mensahe sa buong cast and crew ng Asian Treasures. Nabanggit nito na may bagong show ulit para sa kanila na ikinatuwa ng mga naroon sa party.

Kung napaaga ang pagdating ni Angel ay baka naging madrama ang tagpo nila ni Ms. Galvante.

Tutulak patungong United States si Angel this July para sa ilang screenings ng pelikula niyang Angels. Tapos ay diretso na siya sa London para sa kanyang binabalak na two-month course in fashion designing.

Related Posts with Thumbnails
«
»

Comments

7 Responses to “Angel Locsin remains silent about negative issues thrown at her”
  1. tin says:

    angel is such a nice person..mabait at mapag kumbaba, wag nyo namang sirain..

  2. Angel Locsin-Laos says:

    “angel is such a nice person..mabait at mapag kumbaba, wag nyo namang sirain..”

    -Hoy, close kayo?!” “Ano ka P.A ni Angel?” hahaha!
    Isa lang ang masasabi as of now na isinusulat ko itong comment…As is walang trace of Angel Locsin sa ABS noh!!! Hoy Laos…… Lipat ka na lang sa Home TV shopping… HAHAHA

  3. arjen says:

    hooyyy..KApal mung sbhan si angel na laos!ehh nag sho-shooting pa nga weh..inggit ka lang
    kc..magsama kayo ng gma mung LAOS!shit ka!maninira na lang kayo ang dyosa pa ng 2 ang napili muh..kung wla kang mgawa sa buhay mo mag dukit ka nalang kesa manira ka ng taong hindi k pinapakialaman ok??ang talas ng bunganga muh..putulan kita dyan ng dila ehhh..punyeta ka.!pangit muh!!!!!!!!!gagawa nga ng himala,at maria mercedes c angel nuh!!maghintay ka nga maxyado kang mainit..at for ur information pagtatamblin c jonlhoyd at angel nuhhh.i think superrr ganda nun!sino pinagmamaliki muh si DONG-YAN muh..nkakasawa na mga mukha niyan,,laging naka expose!hemff…mas magnda nmn c angel ke marian kc proporsion beauty ni angel PILIPINANG PILIPINA ANg dating..kahit maitim xia labas ang pagkaganda nya..hindi gaya ni MARIAN puti lang ang nagdadala..bigyan niyo ng role na maitim yang PALINGKIRA NA yan…supeeeeerrrrrr pangit nyan!ewwww!pandak pa..sikat ka sa siete kc ikw lang pinkamaganda jan nuhh..try muh lipat sa 2 di mapapansin ang beauty muh dun..harharhar…kea tama ka na jan sa gma!hahahahha…nkakasawa beauty muh…xamapa ng ugali…haaayy GO GO GO ANGEL AND ABS-CBN..!more movies to come angel..love u muahhh…wag ka xanang gagaya sa malansang isda na c dyesebel ha…GOODLUCK/..!!

  4. MICHELle says:

    tama ka jan girl ilove angel LOCSIN so much…superrr ganda mo angel…haaayyysssssss…pwede kang lumaban ng miss.earth…aabangan ko darating mong pelikula
    with jhonlhoyd at maria mercedes…hope magka-inlaban kayo…wow!BAGAY!love u girl..xana ikaw din ang gumanap ng maria de jesus…bagay seu un ee,,magkamukha keu ni ,marichuy!!tpos partner mo c jericho,,hehehhehe,,,muahhhh..ilove u angel

  5. agatha says:

    go angel!!

  6. mianckogel says:

    hay naku, talagang mas mganda si angel locsin, go angel sana mkita ka ulit namin sa tv shows, congrats nga pala sa success ng lobo ha at nag karoon ka ng presatigious awards in accordances sa iyong napakagaling na role sa teleseryeng iyon with piolo. love you!!!!!!

  7. mianckogel says:

    love you angel muahhhhh

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled
Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com