More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika

Kyla “pressured and flattered” to sing “Lupang Hinirang” in Pacquiao-Barrera fight

kyla.jpg

Si Kyla (Melanie Calumpad sa totoong buhay) ang opisyal na napili ng Solar Sports at ni Manny Pacquiao para kumanta ng Philippine National Anthem sa laban ng Pambansang Kamao laban kay Marco Antonio Barrera ng Mexico sa October 7 (October 6 sa United States) sa Las Vegas, Nevada. Sa kabila ng earlier reports na ang sexy-singer na si Ara Mina ang kakanta ng “Lupang Hinirang,” nilinaw ng R&B singer na wala siyang sinulot o inagawan ng papel, dahil pormal siyang kinausap ng Solar Sports at ni Pacquiao mismo.Aminado si Kyla na malaking pressure ang kinahaharap niya ngayon dahil sa pag-awit niya ng “Lupang Hinirang” sa isang widely-publicized sports event na mapapapanood sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Honestly, I am very much pressured and flattered at the same time because I really did not expect that I would be chosen to sing the Philippine National Anthem in this big sports event,” sabi ni Kyla sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email.

Bilang paghahanda ay hiningan ng tulong ni Kyla ang dati niyang mentor na si Raffy Amaranto, na isang voice teacher, upang turuan siya sa tamang pagkanta ng “Lupang Hinirang.” Alam kasi ni Kyla kung gaano kahalaga ang tamang paraan ng pag-awit ng ating Pambansang Awit, lalo pa’t marami nang singers ang na-criticize dahil sa kanilang maling pagkanta o pagkalimot sa ilang letra ng “Lupang Hinirang.”

Aalis patungong Las Vegas si Kyla kasama ang kanyang ina on October 5, a day before the big and much-publicized Pacquiao-Barreira fight. Agad din siyang babalik para sa promotion ng kanyang bagong album.

Kasalukuyang napapanood si Kyla bilang isa sa mga judges ng Coke: Ride to Fame at mainstay din siya sa SOP. May inihahanda na ring bagong talent show hosting job for Kyla, whose stint as host in QTV 11’s Pop Star Kids proved to be very successful.

Ibinalita rin ni Kyla very much happy naman at going stronger ang kanyang lovelife with her boyfriend-cager Rich Alvarez. Nangako rin siya sa PEP na mabibigyan ng balita if and when nila planong ianunsiyo ang paglalagay nila sa tahimik.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails
« Healthcare, Good Credit and Driver’s License
And then she turned 60… »

Comments

One Response to “Kyla “pressured and flattered” to sing “Lupang Hinirang” in Pacquiao-Barrera fight”

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] Efron Kyla “pressured and flattered” to sing “Lupang Hinirang” in Pacquiao-Barrera fight » This Summary is from an article posted at Cheezmizan with Chuva on Tuesday, October 02, 2007 [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled

Spam Protection by WP-SpamFree

Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com