More Recent News

  • Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

    Chemistry.com

  • Recent Chorvas


  • View My Stats
  • Advertise here

  • Follow Chuva Chienes on Facebook

Some of Jake Cuenca’s suits are made by famous Gucci

jake_cuenca1.JPG

Ilang blind items na rin ang lumabas tungkol sa isang young actor na diumano’y ginawan ng kumpletong suit ng isang sikat na fashion designer. At nakasaad pang tila “pagbibigay-ligaya” ang naging kapalit ng kumpletong suit na yun ni young actor. May bonus pa nga raw na thirty thousand pesos in cash ang fashion designer, bukod sa libreng suit.

Nagsimula ang blind item na ito sa mga tabloids at recently nga ay sa “Da Who” segment ng GMA-7 talk show na StarTalk. Ilan sa mga clues na nabanggit ay dati raw itong part ng Land of Enchanted bago nag-ober-da-bakod at ang pangalan nito ay may initials na J at C.

Bago pa man umere ang naturang blind item sa StarTalk ay nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake Cuenca. Siya kasi ang pinakamalapit na sagot kung ang pagbabasehan ay ang mga clues na binanggit. Idagdag pa rito ang usap-usapan sa showbiz na siya nga raw ang tinutukoy sa kumalat na blind item.

In fairness to Jake, very cool lang ito at unaffected. Ang katwiran niya, “Ayoko na lang patulan or parang hindi na tamang mag-react dahil unang-una, it’s a blind item. Pangalawa, I am not affected at all dahil sobrang walang katotohanan.”

May hamon din si Jake na kung totoo man na may sikat na fashion designer na nagke-claim na nangyari ang naturang blind item, mas mabuti raw na lumantad ito.

Samantala, nakausap din ng PEP ang manager ni Jake na si Neil de Guia after lumabas sa “Da Who” ang nasabing isyu.

Ayon kay Neil, nakakatawa lang daw dahil siya mismo ay kaya niyang patunayan kung sinu-sino lang ang mga fashion designers na gumagawa ng suits ng kanyang alaga. Aniya pa, modesty aside, some of Jake’s suits nga raw are made by Gucci.

Pero pinaka-nakakatawa raw ang isyu na binigyan si Jake ng thirty thousand pesos ng fashion designer dahil mismong si Jake ang nagsasabi na sa ginagawa niyang pagtatrabaho ng halos 24 hours, seven days a week, ay hindi primarily because of the reason na gusto niyang kumita ng pera.

Mabubuhay pa rin daw si Jake ng maayos kahit hindi ito magtrabaho. In fact, nang pasukin daw ni Jake ang pag-aartista via Click, number one against sa desisyon niyang yun ang kanyang father na isang Spanish.

Say nga ni Neil, “Si Jake, nang makilala at magsimula kong i-manage yan, gumagawa lang siya ng mga commercial at the age of thirteen or mas bata pa. Around fifteen lang nang pumasok siya sa Click. Pero hindi pa namin una ginamit ang real surname niyang Cuenca, but instead, Cuenco. Nang okey na ang daddy niya, that was the time lang na pinalitan na namin into Cuenca. Against ang daddy niya sa pagso-showbiz ni Jake noong una dahil, at that time, sa isang international school pa raw nag-aaral ang young actor.

Dugtong pa ni Neil, “Kakakilala ko pa lang kay Jake, BMW na ang kotse niya. Bigay ng daddy niya…Kaya nakakatawa yung thirty thousand pesos dahil lalo na ngayon na mas marami pa siyang sasakyan dahil isa ‘yan sa hilig niyang talaga.”

Kaya raw nagpapakahirap sa pagta-trabaho si Jake, kahit halos wala na itong pahinga or oras sa sarili, ay dahil sa natutuwa raw ito sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN magmula nung lumipat siya rito. At higit sa lahat, ang mapatunayan sa mga magulang, especially sa daddy niya, na masaya at tama ang desisyon niyang maging isang artista, kaysa sumama sa mga magulang at kapatid sa Spain.

Lastly, naniniwala ang manager ni Jake na parte na raw talaga ng showbiz ang intriga, isang bagay na darating at darating sa kahit sinong artista. Especially nga naman na ang kanyang alaga ngayon ang maituturing na isa sa busiest young actors ng Kapamilya network. Si Jake ay napapanood sa Lastikman, That’s My Doc, ASAP at ang bagong bubuksan na primetime series na Palos.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails
«
»

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv badge
Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com