More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika


  • View My Stats

Anne Curtis on ex-boyfriend Oyo and Kristine: “They’re dating talaga.”

anne_curtis.jpg

Ayaw magsalita ni Anne Curtis kung may relasyon na ba sina Kristine Hermosa at ang kanyang ex-boyfriend na si Oyo Sotto.

Noong i-launch nga siya bilang bagong celebrity endorser ng Freeway sa The Embassy Super Club sa The Fort last October 18, magkasabay na dumating sina Kristine at Oyo. At ayon pa sa mga nakasaksi, hindi nga raw naghiwalay ang dalawa sa naturang event.

“I guess si Oyo at Kristine na lang ang tanungin ninyo about that,” ang sabi ni Anne habang nakangiti. “As far as I am concerned, wala akong puwedeng masabi about them. Siguro ang nalalaman ko lang is they are dating talaga. Ilang beses ko na rin sila nakikita accidentally na magkasama. If you want to know more, siguro sila na lang ang tanungin ninyo.”

Anyway, kakagaling lang pala ni Anne sa kanyang ginawang soul searching sa iba’t ibang bansa. Noong sumakabilang-buhay ang kanyang bunsong kapatid na si Claire, nag-decide si Anne na magpalipas ng kanyang lungkot by traveling alone.

“I needed more time for myself kaya I dared myself to go travel alone and do some soul searching. I want to find out for myself kung ano ba ang worth ng buhay ko and where will it lead to.

“Masarap pala ang mag-isa kang bumiyahe. I went to Hawaii and Thailand na mag-isa lang ako. At wala akong reservations na ginawa. Basta I packed my bags and got myself a flight to where I want to go. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin, basta I prayed na I would be safe parati.

“It turned out so rewarding kasi I got to do the things I like without the worry na may kasama ka. Bumiyahe ako na walang makeup at naka-simple shirt and jeans lang ako, ” ang salaysay ng dalaga.

Idinagdag pa niya ang mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya. “Nakakatuwa ay naging very helpful sa akin ang mga kababayan natin. Like sa Hawaii, maraming Pinoy doon na nagulat, kasi mag-isa lang akong dumating sa hotel. Sila yung mga nag-entertain sa akin at marami…sila pa yung nanlibre sa akin. Kahit saan talaga, matulungin ang mga Pinoy.”

Sa pag-uwi ni Anne ay nag-celebrate siya ng kanyang tenth year in showbiz. Nagpapasalamat nga siya sa mga supporters niya, lalo na ang Viva Artist Agency na matagal na niyang mother studio.

Dalawang bagong shows nga raw ang gagawin ni Anne for ABS-CBN, The Weddings at ang book two ng Maging Sino Ka Man. Sa movies naman ay sinimulan na niya ang movie niya with Aga Muhlach sa ilalim ng Star Cinema.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails
«
»

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled
Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com