Tension heats up between ex-sweethearts Sunshine Dizon and Polo Ravales
Oh boy! I love Polo Ravales. Did you see the gay film that he made? There was a hot scene there that is unforgettable. If you get the chance, you should rent the DVD and see it.
I wonder why this is an issue all of a sudden? Hmmm… read on.
-Chuva Chienes
Naramdaman ang tensiyon sa pagitan ng dating magkasintahan na sina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa presscon ng La Vendetta na ginawa sa Ilustrado restaurant sa Intramuros, Manila, last Tuesday, October 23. Bago ang presscon proper, bumaba kami para makibalita sa cast na that time ay nasa ibaba ng naturang restaurant.
Naabutan ng PEP si Polo at hiningi namin ang reaction niya sa TV interview kay Sunshine, kung saan sinabi ng aktres kung bakit hindi sa kanya sinasabi ni Polo na gusto niya itong balikan at bakit sa press niya unang ipinaalam.
“Paano ko sasabihin sa kanya ‘yon, tanong lang ‘yon? Sinagot ko lang ang tanong na sino sa ex ko ang gusto kong balian if ever. Siya [Sunshine] ang binanggit ko dahil gusto kng subukan kung this time, magwo-work ang relationship namin. We were young nang maging kami, and yet, umabot kami ng four years. We’re older now, naisip ko na baka mas maging maayos kung muli kaming magkaka-relasyon,” paliwanag ni Polo.
Sisismulan na ba niyang manligaw uli kay Sunshine ngayong magkasama na uli sila sa iisang programa?
“We will see. Bago pa lang ang show at sa Monday [October 29] pa lang ang pilot, ligawan agad ang tinatanong ninyo!” natatawa niyang sabi.
At this point, lumabas ng resto si Sunshine kasama si Lotlot de Leon. Walang nagsalita kina Sunshine at Polo, nakatingin lang ang aktor sa kanyang ex-girlfriend habang kausap ng PEP. Pero sinabi ni Polo na nagbatian naman daw sila ni Sunshine sa loob.
“Hindi ko alam” ang sagot ni Polo sa tanong kung aware ba siyang may boyfriend ngayon si Sunshine. Either in denial ito dahil alam nang may Jojo Manlongat ang aktres o talagang hindi niya alam na taken na ito as of this moment.
SUNSHINE’S REACTION. After the presscon proper ay nakausap naman ng PEP si Sunshine at nagbigay rin siya ng pahayag sa lumalaking isyu sa pagitan nila ni Polo.
“Hindi ko siya maintindihan, he knows me very well at matagal na kaming magkakilala at mag-ex pa. I appreciate it very much kung didiretso siya sa akin dahil buong mundo na ang nakakaalam, except me. Pag nagkikita kami, hi and hello lang kami, bakit hindi siya magsalita? It confuses me. Ako na lang ang hindi nakakaalam. He could at least talk to me personally,” halatang may hinanakit na pahayag ni Sunshine.
Galit ba siya kay Polo kaya dine-deadma niya ito?
“Hindi ko siya dine-deadma,” paglilinaw niya. “Kilala ako ni Polo at ‘pag ako nang-deadma, nakakatakot. Inuulit ko, hindi ako galit, confused lang.”
Samantala, ayaw pa ring pag-usapan ni Sunshine si Jojo. Pero napag-alaman ng PEP na bago pumunta ang aktres sa presscon ng La Vendetta ay tumawag ang businessman para i-remind siya na agahan ang alis ng bahay dahil umuulan at ma-traffic.
“I hope you understand if I don’t wanna talk about my personal life. Basta, I’m very, very happy with my life right now at pati sa career ko,” pagtatapos ni Sunshine.
Source: PEP
Ai-Ai delas Alas reveals dream of singing Lea Salonga’s hits in a concert
Nahingan ng kanyang panig si Ai-Ai delas Alas sa tampuhan na namagitan sa dating magkasintahan na sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos nang magdaos ang huli ng kanyang concert sa Araneta Coliseum, kung saan isa sa special guests si Ai-Ai.
Nagulat na lang si Ai-Ai nang madawit siya sa usapan at makarating sa kanya na may sama ng loob si Rufa Mae. Kinausap daw agad ni Ai-Ai ang co-star niya sa pelikulang Pasukob, at inalam kung ano ba ang naging problema.
“Umiiyak sa akin si P-chi [palayaw ni Rufa Mae], nag-breakdown ang lola mo!” tili ni Ai Ai nang harapin niya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nabanggit na isyu. “Hindi ko naman napansin noong time na ‘yon na hindi siya ina-acknowledge ni Erik. Kasi parang okay lang, pine-playtime ko lang yung dalawa.
“Pero kinabukasan yata, nag-usap na rin sila. Nag-sorry si Erik kay P-chi. Pero sumama ang loob ng lola mo na talagang super-crayolo siya kay Ama [Boy Abunda, their common manager]. Nakakaloka!” tuluy-tuloy na sabi ng komedyana sa presscon ng Pasukob kahapon, October 24, sa Guilly’s restaurant sa Quezon City.
Sa nasabi ni Rufa Mae kanya, napag-isip-isip daw ni Ai-Ai na parang mahirap din para kay Erik yung situwasyon.
“At that time kasi, ininitindi niya ang spiels. Naghahagilap siya ng sasabihin. Tensyonado siya sa concert, at mabuti na lang nairaos ni Erik,” sabi ni Ai-Ai.
ROSANNA & SNOOKY. Since Pasukob ang title ng pelikula nila ni Rufa Mae sa OctoArts Films, tinanong si Ai-Ai kung sino kina Rosanna Roces at Snooky Serna, na nakasagutan niya sa mga isyu, ang tipong makikisukob siya sakaling makita niya ang dalawa sa labas habang umuulan at nakapayong ang mga ito.
“Bongga naman ang tanong na ‘yan!” humagalpak ng tawa si Ai-Ai. “Wala siguro kasi pareho ko naman silang hindi gusto. Pag-iisipan ko pa yung kay Osang, pero huwag na lang. Naku, bahala sila, at pababayaan ko na lang na mapulmonya ako! Magpapakabasa na lang ako kesa makisukob sa kanila!”
Paano kung siya ang may payong at makita niya sina Osang at Snooky na nababasa? Sino ang pasusukubin niya?
“Naku, wala!” tili ng komedyana. “Bahala silang magkapulmonya…magka-tubercolosis pa sila, wala akong pakialam!”
Pero sa mas seryosong usapan, actually ay naaawa raw si Ai-Ai kay Snooky.
“Siguro lang, kailangan ng trabaho,” sambit ni Ai-Ai. “Hindi ko lang talaga maisip kung bakit ako ang napagdiskitahan niya. At isipin ko man siguro na bigyan siya ng trabaho, ano ang mangyayari? Nakakatakot! Baka hindi niya siputin.”
AI-AI’S CONCERT. This November 16, itatanghal sa Araneta Coliseum ang Greatest Performance of My Life concert ni Ai Ai. Kaugnay nito, naging isyu nga raw ang pagba-backout diumano ng international singer na si Beyonce Knowles, na magku-concert din dito sa Pilipinas, dahil nag-react daw ito sa isyu pati ang producer ng show ng nabanggit na foreign act.
“Patulan ba? Hello?” sabi na lang ni Ai-Ai. “Nagpe-playtime lang ako. Kasi alam mo sa last conversation namin ni Beyonce…conversation daw, o! Huwag ko raw sabayan ang concert niya. ‘Please, no!’ sabi pa niya.
“Sabi ko, ‘Go ahead, make your day! You can have it ahead of mine. This is my country anyway!’” pagbibiro na naman ng nakakalokang si Ai-Ai.
Pero nabanggit din ni Ai-Ai na gusto niya ang konsepto ng isang producer na inialok sa kanya, tipong “Delas Alas Sings Salonga.”
“Sosyal! Sing ako ng Broadway songs ni Lea, from Miss Saigon to Les Miserables! Gustung-gusto ko kasi ang mga kanta ni Lea,” sabi ni Ai-Ai kasunod ng pagkanta niya ng ilang mga awitin ni Lea habang ginagaya ang perfect diction ng international singer kapag kumakanta.
“Kakaririn ko talaga ‘yan ‘pag natuloy. Sana makapanood si Lea at ang mommy niyang si Ligaya, na I’m very sure pamemeywangan ako habang pinaglalaruan ko ang mga kanta ng anak niya!” at saka tumawa nang halos walang puknat si Ai-Ai sa kanyang mga pinagsasabi.
Source: PEP
Young actor Andrew Schimmer joins body fitness contest
Lingid sa kaalaman ng marami, kasali pala ang young actor na si Andrew Schimmer sa 2007 Slimmers World Great Bodies Search.
Ginanap ang press launch ng naturang fitness contest for men and women noong Tuesday, October 23, sa Center Stage ng Mall of Asia.
Namigay rin ng special awards ang ilan sa mga sponsors at tatlo sa anim na special awards ang nakuha ni Andrew: Mr. Berocca Energy Drink, Mr. Biofresh Socks, at Mr. Nutrilife Healthy Body. Mismong ang mga sponsors ng naturang special awards ang pumili sa young actor bilang winner.
Sa darating na December 1 ang finals ng 2007 Slimmers World Great Bodies Search na idadaos sa PICC.
Samantala, ipapalabas na sa November 14 ang Green Paradise, ang launching movie ni Cristine Reyes kung saan si Andrew ang kanyang leading man Martinez.
Source: PEP
Match-ups ready for “Pinoy Mano-Mano Celebrity Boxing Challenge”
Hosts Cesar Montano and Bayani Agbayani unveiled the line-up of boxing matches during the presscon of the new reality TV show, Pinoy Mano-Mano Celebrity Boxing Challenge, which will premiere on October 27.
First to step up on the ring will be TJ Trinidad against Jordan Herrera. They will be followed by Michael Roy Jornales and Biboy Ramirez. The two Rico’s, Barrera and Robles, will be slugging it off while Joem Bascon and Eric Fructuoso complete the elimination matches.
Also present at the luncheon held at the ABS-CBN compound last week were noted sports broadcaster Ed Picson, boxing analyst Dennis Principe, Amateur Boxing Association (ABAP) Sec-Gen Roger Fortaleza, Joseph Pagulayan of Red Corner Boxing, director Abet Ramos and the show’s creator Richard Arellano.
Ed Picson shared that he came on board the show because he wants to give the fights some good annotations.
“We’re looking foreward to a lot of drama, a lot of action. Hopefully, walang mangyaring pikunan. Pero as a sportscaster, I’m looking forward to this project. Alam ko malaki ang pag-asa na susundan ito hindi lang ng mga sports-minded fans but also those na inevitably na magiging boxing fans din dahil sa mga participants natin,” the sports anchor said.
Dennis Principe, on the other hand, was apprehensive about joining the show.
“I was having a few doubts and curious din ako kasi I have been covering a lot of professional fights. Kasi we know very well na pinaka-puhunan nila ay yung hitsura nila. Eh, pa-paano iyon, magbabakbakan. When I saw them na palitan talaga ng suntok, parang actual na yung pinagdadaanan nila. The more na na-convince ako na isang magandang idea ito.”
“Sila po ay araw-araw nag-tre-training. At ang iba po sa kanila, para makasiguro po sa lakas nila at kakayahan, dalawang beses po nag-tre-training sa isang araw, hindi lang po isang beses. Dinadagdagan po nila,” Cesar proudly tells Philippine Entertainment Portal (PEP).
The actor also recalled the bloody nose Jordan got in the mock fight. “Hindi po natin masisiguro na si Jordan po ay tatamaan ulit sa ilong sa susunod po. Iba pa yung sampahan sa ring at iba po talaga ang kanilang nararamdaman.”
But the show is not all about breaking each other’s faces.
Show creator Richard Arellano said the participants will be competing for their chosen charitable institution.
“They’re not fighting only for themselves, but they’re fighting for their family, their fighting for their fellowmen.
“Ma-di-discover din nila yung sarili nila kung hanggang saan ang kakayahan nila. Makilala nila yung pagkatao nila,” assured Richard.
Pinoy Mano-Mano: Celebrity Boxing Challenge is set to premiere on ABS-CBN this Saturday, October 27, after TV Patrol.
Source: PEP
Wendell Ramos dismisses intrigues embroiling him with Sheryl Cruz and Marian Rivera
Nasasangkot ngayon ang aktor na si Wendell Ramos sa dalawang babaeng artista—Sheryl Cruz at Marian Rivera. May relasyon diumano sina Wendell at Sheryl, samantalang pinag-aaway naman ang aktor at si Marian.
Sinagot ni Wendell ang mga naturang isyu sa presscon ng kinabibilangan niyang bagong suspense-drama series ng GMA-7, ang La Vendetta, noong October 23 sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila.
SHERYL CRUZ. Ang issue tungkol kina Wendell at Sheryl ay nagsimula pagkatapos ng kanilang pinagsamahang afternoon soap opera sa Kapuso network na Sinasamba Kita. Nagsimula sa mga blind items ang secret relationship diumano nina Wendell at Sheryl na nabuo noong nagte-taping sila ng naturang Sine Novela.
Ayon pa sa blind item ay super-asikaso raw ni Sheryl kay Wendell at dumating pa sa point na dinadalhan pa raw ng pagkain ng aktres ang aktor sa taping. Naisulat din na para hindi raw halata ay may dala rin diumanong pagkain si Sheryl para sa lahat ng cast and crew, pero nakabukod daw ang kay Wendell.
Nauna nang pinabulaanan ni Sheryl ang naturang isyu sa kanila ni Wendell. Si Wendell naman ay natawa nang usisain namin siya tungkol sa napabalitang relasyon nila ni Sheryl.
“Ano ba ‘yon?” tawa niya. “Tapos na show namin, huh! Ngayon pa ba kami matsitsismis? Wala naman ‘yon. Naging close lang kami ni Sheryl because lagi kaming may mga eksena sa Sinasamba Kita. Pero wala kaming naging secret relationship. Wala ‘yon. Nakakagulat naman ang tsismis na ‘yan!”
Wala rin daw matandaan si Wendell na dinalhan siya ng pagkain ni Sheryl. Minsan lang daw niya nakita si Sheryl na nagdala ng pagkain sa taping, pero ito’y para sa lahat daw at walang nakabukod sa para kanya.
“Bakit naman gagawin ‘yon ni Sheryl, di ba? I think one time nagdala siya ng food sa set pero para sa lahat ‘yon. May sarili akong baon minsan, pero hindi galing kay Sheryl,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, “Nakakahiya naman kay Sheryl kasi may asawa yung tao. Ayoko namang ma-involve sa ganyan kasi may sarili rin akong pamilya. ‘Tsaka nasa kabilang network [ABS-CBN] na si Sheryl kaya huwag na natin siyang intrigahin pa, kasi tapos na ang show namin. One of these days kapag aksidenteng nagkita kami ni Sheryl, I’m sure pagtatawanan lang namin lahat ng tsismis na ito.”
MARIAN RIVERA. Iyong tungkol kay Marian ang mas ikinagulat ni Wendell. Ayon kasi sa mga lumabas na balita, may nakarinig daw kay Wendell na sinabing masyado raw feeling maganda si Marian at feeling nito na lahat ng lalake ay magkakagusto sa kanya.
“Wala akong matandaan na nasabi ko ‘yan or naging comment ko ‘yan against Marian,” mariing tanggi ni Wendell.
“Unang-una, magkaibigan kami ni Marian. Ilang beses na kaming nagkatrabaho niyan. Just a week ago, nagkita at nagkuwentuhan pa nga kami. ‘Tsaka napaka-ungentleman ko naman kung sasabihin ko ‘yon sa kanya. It’s not true. In fact, masaya ako for Marian kasi ang ganda ng mga nangyayari sa kanya because of Marimar.”
In fairness, sa hiwalay na panayam kay Marian ay sinabi nitong hindi siya naniniwala na puwedeng sabihin ‘yon ni Wendell tungkol sa kanya.
“Oo naman! Ako pa ba magsasalita ng ganun?” bulalas ni Wendell.
“In fairness naman, maganda si Marian at marami talaga ang liligaw sa kanya, lalo na ngayon na sikat na sikat na siya. Basta kami ni Marian, magkaibigan kami at wala akong sinasabing hindi maganda laban sa kanya.”
Source: PEP
Snooky Serna grateful to GMA-7 for giving her another chance
In good mood ang aktres na si Snooky Serna nang dumalo siya sa presscon ng kauna-unahang suspense-drama ng GMA-7, ang La Vendetta, noong October 23 sa Ilustrado restaurant sa may Intramuros, Manila. Very happy si Snooky dahil sa bagong project niya at ang ganda ng aura niya dahil muling nagiging aktibo ang kanyang career. Sobra-sobra rin ang pasasalamat niya sa Kapuso network sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya.
“I feel so grateful kasi sila [GMA-7] ang nasaktan ko the most, yet they’re the ones who gave me another chance. Every time I go back to showbiz, Channel 7 is always there to take me in. Dapat magpakasipag ako kasi may usapan kami sa set na kapag na-late ng 30 minutes sa trabaho, may fine kami. Kapag hindi pa ako nag-behave, there’s really something wrong with me na,” sabi ni Snooky sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.
Thankful din daw siya dahil hindi siya pinagkakaitang bigyan ng trabaho, especially ng GMA-7, sa kabila ng iba’t ibang problemang kanyang kinakaharap.
“Talagang nagsisisi ako kasi I was going through so much at the time. Gusto kong bumawi nang husto. Not only for Channel 7 but for my kids who went through so much trials. I don’t want to make it appear na pa-self righteous ako, but God really humbled me so much,” sambit niya.
Suwerte rin daw si Snooky sa kanyang mga anak dahil hindi siya iniwan ng mga ito noong panahong magulo ang lahat para sa kanya.
“My children, Sachi and Samantha, I’m thankful they have a dad [Ricardo Cepeda] who has strongly influenced them. They’re very flexible. They’re very matured for their age.
“We’re not perfect people but our families [their dad's and mine] have instilled in them faith in God and gratitude. No matter how many times I stumble, my kids see me rise, that I think has rubbed off on them,” pahayag ni Snooky.
LESSONS LEARNED. Ano naman ang mga natutunan niya sa buhay sa dami ng mga pinagdaanan niya?
“For the first time in 41 years, I realized I’m strong” sabi niya. “Those two years turned out to be blessings in disguise. I think it’s God’s way of telling me I’m not weak. The Lord is really in control of everything. I owe my life to Him.
“Marami akong nagawang pagkakamali sa buhay, pero hindi pa huli ang lahat para magbago ako. Life is beautiful and I should cherish every minute of it. I have my children na sandigan ko sa lahat ng bagay.”
Meron bang dapat sisihin sa mga nangyaring ito sa kanya?
“I don’t blame anybody for my mistakes, it’s just me to be blamed. Kung anumang kapalpakan ang nangyari sa akin, it’s my choice. I can’t blame anyone,” sagot ni Snooky.
Kumusta naman ang relasyon nila ng kanyang ina na si Mila Ocampo ngayon?
“My mom and I always had a love-hate relationship,” pag-amin niya. “I don’t think there’s a perfect relationship anyway. Even though she’s my mom, we’re still two different individuals, so we have our own beliefs. My mom is not perfect, so am I, and so is everyone here,” sagot ng aktres.
Tungkol naman sa issue sa kanila ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na sinabihan niyang “pinaka-plastic na artista sa showbiz’,” nagbigay na ng pahayag ang aktres ukol dito.
“Kung sino man ang mga nakabangga ko lately, I don’t mean na saktan kayo. I ask for forgiveness. Opinion ko lang naman kasi ‘yon,” sabi niya.
After soul searching, ayon kay Snooky everything went into places at matapang na niyang hinaharap ang hamon ng buhay.
“I have a condition which my doctor calls a dystemic mood disorder, a little bit of a manic condition. I have to take certain medications at sa tingin ko naman, okay na ang lahat sa akin. Kailangan ko lang talagang mag-focus sa mga ginagawa ko and live life to the fullest. Life is so short, so I should enjoy every minute of it,” paliwanag ni Snooky bilang pangwakas.
Source: PEP
Major Cheezmax: Officials say Arson Behind Santiago Fire
(CBS/AP) CBS News has learned a task force of agencies, including the FBI, ATF, the Orange County Fire Authority and the California Department of Forestry will announce shortly that the massive Santiago Canyon Fire – which has caused an estimated $10 million in damage – is being officially declared an arson, and a $50,000 reward is being offered to find the arsonist.
Investigators have identified two separate “points of origin” where they believe the fire was set, CBS News has learned. FBI agents secured the scene to “maintain its integrity.”
The Santiago Fire has burned about 19,200 acres east of Irvine, officials said, and it is around 30 percent contained. Six homes and eight outbuildings have been destroyed, with another eight homes and 12 outbuildings damaged. Four firefighters have been injured fighting the blaze and about 3,000 people evacuated.
The devastating wildfires in Southern California have caused at least $1 billion in damage in San Diego County alone, officials said Wednesday, as easing wind gave firefighters hope that they begin to gain ground against the flames.
Other blazes were believed to have been started by downed power lines and a car fire.
The fires, now in their fourth day, have destroyed 1,500 homes and caused nearly 1 million people to flee – the largest evacuation in state history. At least 1,200 of the damaged homes were in San Diego County, and officials believe that number will rise.
“Clearly, this is going to be a $1 billion or more disaster,” Ron Lane, San Diego County’s director of emergency services, told reporters during a news conference.
The announcement of San Diego’s staggering losses came as President Bush signed a major disaster declaration for California in the wake of the wildfires that have burned about 426,000 acres, or about 665 square miles.
The declaration puts in motion long-term federal recovery programs to help state and local governments, families, individuals and certain nonprofit organizations recover.
“Americans all across this land care deeply about them,” the president said after a Cabinet meeting convened to coordinate federal relief efforts. “We’re concerned about their safety. We’re concerned about their property.”
With nearly 1 million people ordered out, it marks one of the largest evacuations in U.S. history, reports CBS’ The Early Show co-anchor Harry Smith.
The Bush administration’s disaster assistance chief promised no repeat of the Hurricane Katrina experience Wednesday, saying “this is a new FEMA” as Washington weighed options to help California wildfire victims.
“We’re going to make sure this operation runs as smoothly as possible given the size of this disaster,” said head of the Federal Emergency Management Agency David Paulison, when asked if people who lost homes can expect a more aggressive response than when Hurricane Katrina struck the Gulf Coast in late summer 2005.
The fierce Santa Ana wind that has stoked the explosive blazes had started to moderate slightly across the region Wednesday although stiff gusts continued to blow through some canyon areas. Forecasters said the wind eventually would be followed by cooling sea breezes.
Wind was reported blowing at a sustained speed of 21 to 36 mph in some areas Wednesday, considerably less than the gusts of up to 100 mph earlier in the week.
The shift could allow for a greater aerial assault and help firefighters beat back the most destructive blazes, said Homeland Security Secretary Michael Chertoff.
Crews were anticipating an injection of additional firefighters and equipment from other states, mostly throughout the West. Frustration over the firefighting effort began to emerge Tuesday when a fire official said not enough had been done to protect homes.
Orange County Fire Chief Chip Prather told reporters that firefighters’ lives were threatened because too few crews were on the ground. He said a quick deployment of aircraft could have corralled a massive blaze near Irvine.
“It is an absolute fact: Had we had more air resources, we would have been able to control this fire,” he said.
Twenty-one firefighters and at least 24 others have been injured. One person was killed by the flames, and the San Diego medical examiner’s officer listed four other deaths as connected to the blazes.
The state’s top firefighter said Prather misstated the availability of firefighters and equipment. Eight of the state’s nine water-dumping helicopters were in Southern California by Sunday, when the first fires began, along with 13 air tankers, said Ruben Grijalva, director of the California Department of Forestry and Fire Protection.
Grijalva said the fires, spread by wind that at times topped 100 mph, would have overwhelmed most efforts to fight them.
“Anyone that is complaining about the planes just wants to complain because there’s a bunch of nonsense,” he said. “The fact is that we could have all the planes in the world here – we have 90 aircraft here and six that we got especially from the federal government – and they can’t fly because of the wind situation.”
Thousands of people packed emergency shelters, where many had an agonizing wait to find out whether their homes had survived.
“I’m ready to go, but at the same time, I don’t want to go up there and be surprised,” said Mary Busch, 41, who did not know whether her home in Ramona, in San Diego County, was still standing. She has lived at the evacuation center at Qualcomm Stadium since Monday, sleeping in her SUV with her 11- and 8-year-old sons.
Others were eager to return to houses they were confident had survived.
“I called my home and my answering machine still works, so that’s how I know we’re OK,” said Rancho Bernardo resident Fuli Du, who packed his belongings Wednesday preparing to leave Qualcomm.
He spent his 41st birthday Tuesday at the stadium, where he has been living with his wife and two young sons.
Thousands of people packed evacuation centers, where many had an agonizing wait to find out whether their homes had survived. At the Del Mar Fairgrounds in northern San Diego County, which was converted into a shelter, many stared at television sets blaring reports from the fire lines and damaged neighborhoods.
Paulison was optimistic about the conditions at Qualcomm. “I was just there yesterday, last night actually,” he told The Early Show anchor Hannah Storm. “Things are under control. There’s plenty of food, plenty of water. There’s lots of security.”
During Katrina, New Orleans’ attempt to shelter people in a sports stadium went terribly wrong. The Superdome turned into a small city of violence, filth and chaos. But even with an estimated 10,000 people sleeping in Qualcomm, the stadium is getting high marks, reports CBS Evening News anchor Katie Couric.
More evacuation orders were issued Wednesday. Residents of the San Diego County communities of Fallbrook and Julian, an area devastated by a 2003 wildfire, were ordered out of their homes. Officials also were evacuating De Luz, an unincorporated community north of Camp Pendleton that was being threatened by a wildfire on the Marine base. The fire also closed Interstate 5 and the Metrolink commuter rail, snagging the morning commute.
However, residents were allowed to return to some areas of San Diego County including Carlsbad, Chula Vista, Del Mar, Encinitas and Solana Beach.
“There are some hot spots and issues there, but we wouldn’t be letting people go back if it weren’t safe,” county spokeswoman Lesley Kirk said.
The city of San Diego was assessing whether to allow people to return to their homes in Rancho Bernardo, one of the hardest-hit areas, Mayor Sanders said.
So far, the fires have inflicted the worst damage in San Diego County, where five blazes continued to burn. The largest fire had charred 196,420 acres – about 300 square miles – from Witch Creek to Rancho Santa Fe, destroying 650 homes, businesses and other buildings. Other hard-hit areas included San Bernardino County, where hundreds of homes burned in the mountain resort communities.
The entire Lake Arrowhead area has been evacuated, reports CBS News correspondent Bill Whitaker. Officially, 300 houses that have been destroyed, but people fear that once they get back into these woods and take a full count, that that number will go much higher.
Source: CBS
U.S.-based Gladys Guevarra still hounded by intrigues
August 18 nang umalis ng bansa ni Gladys Guevarra kasama ang Fil-Am boyfriend na si Philip Peredo papuntang New Jersey.
Iniwan ni Gladys ang showbiz career at buhay niya rito sa Pilipinas dahil pangarap niya talagang mabago ang takbo ng buhay niya. Ito ay sa kabila ng magandang itinatakbo ng career niya rito.
Bagama’t tahimik na siyang namumuhay sa Amerika, hinahabol pa rin ng tsismis si Gladys dahil sa biglaang pagkawala niya. Nariyang buntis daw siya, pero kanyang idinenay ito sa mga talk shows via phone patch. Nariyan ding ikinasal na raw sila ni Philip, pero pinabulaanan din ito ng comedienne.
Bago umalis si Gladys, nabanggit niyang mag-aaral siya ng culinary arts sa New York. Hilig daw kasi talaga niya ang magluto, na isa sa nagustuhan sa kanya ng boyfriend niya.
Ang latest na balita kay Gladys ay binilhan siya ng red Hummer ni Philip, na ginagamit nila sa mga lakad nila sa New York. Walang nabanggit si Gladys tungkol dito, pero pinadalhan niya kami ng picture kung saan katabi nila ni Philip ang Hummer.
Sa February next year ang balik ni Gladys sa bansa. Hindi lang kami sigurado kung magbabalik-showbiz pa siya dahil balita namin, tatakbo sa eleksiyon sa Amerika si Philip. Puwede ba niyang hindi tulungan sa kampanya ang lalaking nagmamahal sa kanya nang lubos?
Souce: PEP
Beth Tamayo tapes “Maalaala Mo Kaya” episode in New York
Dumating last Sunday, October 21, ang magandang aktres na si Beth Tamayo mula sa Amerika kung saan nag-taping siya ng isang special episode para sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN.
“We left Manila for New York City last October 8. Magkakasama kami sa MMK episode nina Princess Punzalan na based na in Connecticut and si Raymond Bagatsing na based naman sa Los Angeles,” kuwento ni Beth sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through text message.
Kasama ni Beth na lumipad papuntang Amerika ang ina niyang si Mrs. Zeny Tamayo.
“Nag-taping kami for three days. Then the rest of the days ng stay namin, I spent with my Mom going around kasama ang best friend ko na based sa New York,” sabi pa ng aktres.
Then, lumipad na sila ng kanyang ina patungong Los Angeles to meet up with some relatives and friends. Nagkita rin sa Los Angeles sina Beth at ang best friend niyang si Judy Ann Santos, na may show doon with boyfriend Ryan Agoncillo.
“Hanggang Amerika, kami pa din ang magkasama!” bulalas ni Beth.
After L.A., ipinasyal naman ni Beth ang kanyang ina sa Las Vegas.
Ang Maalaala Mo Kaya episode nina Beth, Princess, at Raymond ay mula sa direksiyon ni John D-Lazatin. Last week of November or first week daw ng December ito malamang ipalabas sa ABS-CBN.
Source: PEP
Lotlot de Leon wishes nothing but happiness for mom Nora Aunor
Personal na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Lotlot de Leon kagabi, October 23, sa presscon ng bagong primetime soap opera ng GMA-7, ang La Vendetta, sa Ilustrado restaurant sa Intramuros, Manila.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad naming hiningi ang kanyang reaksiyon sa pagkaka-dismiss ng kasong drug possession na isinampa ng isang Los Angeles court laban sa kanyang ina na si Nora Aunor.
“I’m glad siyempre na tapos na ‘yon,” nakangiting bungad ni Lotlot. “Closed book na ‘yon and ‘yon naman ‘yong ipinagdadasal namin talaga.”
Ikinuwento ni Lotlot na nalaman niya ang magandang balita sa pamamagitan ng talent manager niya na si Cornelia “Angge” Lee.
“Good!” bulalas ni Lotlot nang aming tanungin kung ano ang nasabi niya sa sarili nang marinig ang balita tungkol sa pagkaka-dismiss ng kaso ng ina.
“At least, nakahinga na kami nang maluwag, lalo na mommy ko. Hindi na ‘yong maraming iniisip at kahit papaano nabawasan,” dagdag nito.
Ayaw na ring patulan ni Lotlot ang dati pang maugong na balitang diumano’y same-sex marriage ni Nora at ng longtime manager nitong si Norie Sayo sa Las Vegas, Nevada noong May 22, 2000.
Matatandaang naging very vocal si Lotlot sa pagsasabing hindi niya nagustuhan ang kumalat na balita, at lantaran din itong nagpahayag ng tampo kay Nora sa hindi paglilinaw ng issue sa kanilang magkakapatid.
“Basta ang importante sa akin maging okay siya, maging masaya siya, at maging at peace siya,” maikling pahayag ni Lotlot.
Wala naman daw galit si Lotlot sa kanyang ina bagama’t gusto muna niyang bigyan ng tamang panahon ang sarili bago harapin ito. Matagal na rin daw kasi mula nang huling nagkausap ang mag-ina.
“March ‘yon, birthday ko…pero matagal na talaga,” sambit niya.
Willing ba siyang tumulak patungang Amerika para bisitahin ang naabsuweltong ina?
“Not at the moment,” tugon nito. “Marami pa akong kailangang asikasuhin dito.”
Source: PEP
Jean Garcia felt nervous about her kissing scene with Polo Ravales
“Kissing scene wit Polo Ravales”? I would be nervous too!! Isn’t Polo Ravales such a hunk?! Come on peeps! Agree with me.
He’s so cute and cuddly. Jean is not bad at all. Jean – you have the beauty and the brain – - just go for it!
- Chuva Chienes
Mapapanood na naman si Jean Garcia bilang bida-kontrabida sa pinakabagong serye ng GMA-7 na La Vendetta, na mapapanood simula October 29. Fresh from her contravida role in Impostora, may kaibahan ba ang pagiging kontrabida niya ngayon sa La Vandetta?”Ang kaibahan nitong La Vendetta sa Impostora…sa huli kasi, she’s bad, pero may nakakatawa. Dito kasi [sa La Vendetta], medyo serious talaga. Manipulative. May revenge siya pagdating sa mga kapatid niya because of her father,” paliwanag ni Jean tungkol sa kanyang character sa presscon ng La Vendetta kagabi, October 23, sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila.
Hindi rin ikinakaila ni Jean na hanggang ngayon, tila mas identified pa rin siya ng mga tao bilang si Madam Claudia, ang role na pinasikat niya sa ABS-CBN drama series na Pangako sa ‘Yo.
Sabi ni Jean, “Actually, yun ang palaging tinatanong sa akin. Tinatanong din nila kung hindi raw ba ako nagsasawa sa pagiging kontrabida ko. Pero ako kasi, iniiba-iba ko naman ang atake.
“I always ask my director sa bawat soap na ginagawa ko. Tinatanong ko sila at sinasabi ko na siyempre, bilang direktor, kayo ang masusunod. Pero after two weeks, kapag kabisado at alam na alam ko na ang character ko, nagsa-suggest din ako at nag-i-input para maiba naman. Actually, madali naman kasi iba-iba naman ang istorya, tulad nga rito sa La Vendetta na may pagka-drama-suspense naman,” paliwanag ng award-winning actress.
KISSING SCENE WITH POLO. Sa ipinakitang trailer ng La Vendetta sa presscon, kasama rito ang isang kissing scene nina Jean at Polo Ravales. We asked Jean, how is it doing a kissing scene with a younger actor like Polo?
“Hay, my gosh! Come on! Naloloka ako! Kinabahan ako!” natatawa niyang reaksiyon. “Actually, first time akong makipag-kissing scene sa mas bata sa akin. Kasi usually, matanda sa akin. Even si Tonton [Gutierrez], mas matanda sa akin.”
Even in real life ba, first time niya na may makahalikan na bagets?
“In real life, hindi yata! Hindi yata si Polo ang bagets! Basta, hindi n’yo kilala!” natatawa niyang sabi.
Ano ang naramdaman niya sa naturang kissing scene nila ni Polo?
“Naku, hindi ko nga masyadong naramdaman kasi kinabahan ako!” tawa niya ulit. “Hindi naman siya torrid, pero medyo matagal lang. E, kasi hindi naman na talaga ako gumagawa ng mga kissing scenes na ganyan!
“Nanginig talaga ako…naloka talaga ako! Talagang sinasabi ko sa script, ‘Gagawin ba to?’ Feeling ko, dadayain naman. Pero noong sinabi nilang gagawin talaga, talagang ako, ‘Sigurado ba kayo?’” natatawang kuwento ni Jean.
Ano naman ang nakita niyang naging reaction ni Polo pagkatapos kunan ang kissing scene nila?
“After ng scene, sabi niya, ‘Ms. Jean, bakit nanginginig ka? Bakit kinakabahan ka?’
“Sabi ko, ‘Aba siyempre, kinakabahan ako! Bakit ikaw, hindi ka kinabahan?’
“Sabi niya, ‘Hindi ah!’
“Kaya sabi ko, ‘Naku, ewan ko sa ‘yo! Ang pangit mo ha!’ Para makaganti lang,” natatawa pa rin niyang kuwento.
OUT-OF-TOWN CONTROVERSY. Naitanong din namin kay Jean ang tungkol sa nakaraang insidenteng kinasangkutan niya sa isang out-of-town engagement niya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang i-reveal. Dahil sunud-sunod ang mga intrigang kinasasangkutan niya, ano ang masasabi niyang natutuhan niya sa mga ito?
“Siguro natuto na ako kung paano ko ba iti-treat na medyo maganda ulit at hindi maiiba ang ano… Well siguro, at my age right now, lahat ng pupuntahan ko or makakahalubilo ko, yung hindi ako ganun ka-trustful,” sagot ni Jean.
Na-trauma na ba siya dahil sa naturang pangyayari?
“Hindi ko masasabi, e. Ayoko na kasing pag-usapan. Siguro ang dapat ko lang gawin, mas pagtutuunan ko na lang ng pansin ang mga taong totoong nagmamahal sa akin. Kesa i-take for granted ko sila, mas sila ang mga taong dapat kong pagtuunan ng pansin. And I’ll be grateful at huwag muna kong maghanap ng mga taong akala ko mahal nila ako, pero hindi pala,” pahayag niya.
Kaugnay ng naturang insidente sa isang probinsiya, may naglabas ng kuwento na totoong nangyari diumano kay Jean. Nagsimula raw ang sinasabing insidente dahil naunang magwala rito ang aktres. Ano ang masasabi ni Jean dito?
“Ang masasabi ko lang, ever ba nagkaroon ako ng record na nagwala ako sa set, sa bar, sa disco? Sa party ni ganito? Actually, I don’t attend nga showbiz parties. Hindi talaga ako showbiz. Alam n’yo ‘yan. Sana lang, huwag na lang akong gawan ng ibang story para lang may masabi sa akin,” pakiusap niya.
Sa tingin niya ba ay tama ang naging desisyon niya na manahimik na lang?
“That’s my decision,” diin niya. “I would rather yung huwag nang palakihin. Maybe meron akong mga pinoprotektahan. Maybe I’m protecting myself, I’m protecting my family. Whoever I’m protecting, it’s my right. Hindi ko sinasabi na I am protecting myself dahil natatakot ako. Siguro mas maganda na ipasa-Diyos na lang natin ang lahat. Sabi nga nila, tanggapin mo na lang. Okay na ako.”
Source: PEP
Oyo Sotto insists that Kristine Hermosa is just a friend
It’s way too obvious that these two are dating. Come on guys! Just admit it. Nothing’s wrong with dating specially if your marriage was ‘annulled’ anyway. You’re free to see whomever you want to see. They’re human – - they have needs!
- Chuva Chienes
Kung naipakilala na ni Angel Locsin si Luis Manzano kay Ali Sotto, ang ina ng namayapang boyfriend ni Angel na si Miko Sotto, balita naman ang madalas na paglabas-labas at mga lakad ng ex-boyfriend ng young actress na si Oyo Boy Sotto kasama si Kristine Hermosa.
Matagal nang lumabas ang balitang ito tungkol kina Oyo at Kristine, pero naulit lang muli nang maging visible na naman sa mga showbiz gatherings ang dalawa. Ang pinakahuli ay nang sabay silang dumating sa nakaraang launching ni Anne Curtis bilang endorser ng isang clothing line.
Sa mga interview dati ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kristine, paulit-ulit niyang sinabi na mahal na mahal pa rin niya si Diether Ocampo. Ayon pa nga kay Kristine, si Diether daw ang taong alam niyang makakasama niya habambuhay, sa kabila na nasa korte na ang pagpapa-nullify ng kanilang kasal.
Sa panayam naman ng PEP kay Oyo, tinanong namin siya kung hindi kaya ang madalas na paglabas nina Oyo at Kristine ay pagsimulan ng away sa pagitan ni Diet at ni Oyo?
“Huwag naman, ayoko ng gulo!” bulalas niya. “Kung may ginagawa kaming masama, hindi kami lalabas at makikita in public. Sa akin, wala kaming itinatago, so ano ang kailangang ikatakot?
“Tinatanong nila ako kung ano ang totoo. Alam ko naman ang totoo, hindi naman ako magde-deny. Wala namang masama kung lumabas kaming dalawa. Alam ko naman sa sarili ko na wala kaming tinatapakang tao. Kung anuman ang mga isyu sa kanila or may problema sila, ayokong makialam dun. Kumbaga, sa kanila ‘yon,” paliwanag ni Oyo.
Bilang pagpapatunay na walang namamagitan sa kanila ni Kristine bukod sa pagiging magkaibigan, inisa-isa pa sa amin ni Oyo ang mga mga naging lakad nila ng aktres.
“Unang lumabas ‘yan nung nanood kami ng movie. Kasama namin ang Mommy niya, nanood kami sa Greenbelt. Then, sa launching nga ni Anne sa Freeway,” banggit ng binatang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.
Nang tanungin naman namin siya kung nanliligaw siya kay Kristine, iginiit ni Oyo na magkaibigan lang talaga sila ng aktres. Pero hindi niya itinatanggi na espesyal at nandun ang admiration niya para kay Kristine.
“Hindi ako nanliligaw, close fiend lang talaga,” sabi ni Oyo. “Marami kaming bagay na napagkakasunduan. Okay kami, we’re enjoying each other’s company.
“She’s special to me. Tinatanong nga nila kung ina-admire ko si Tintin, ang tanga naman kung hindi, di ba? Sa ngayon, magkaibigan talaga kami. Hindi naman ako nagmamadali or humihingi sa kanya ng kapalit, walang ganun,” banggit niya.
Kinunan din namin ng pahayag si Oyo tungkol sa pagpapakilala ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin kay Luis Manzano sa tiyahin ni Oyo na si Ali Sotto. Wala ba siyang selos na naramdaman kahit kaunti sa naging aksyon ni Angel?
“Walang selos,” sagot niya. “Nag-umpisa kami ni Angel bilang magkaibigan. Kung matatapos man kami, magkaibigan pa rin. Sa akin walang problema ‘yon. Actually, wala pa ngang naikukuwento sa akin si Angel, pero ang dami kong nababalitaan.
“Sa akin naman, kung saan happy si Angel, okay ako. As long as she’s happy, I will also be happy. Kung sila na talaga ni Luis, okay sa akin. Ako naman, nandito lang ako para sa kanya,” pagtatapos ni Oyo.
Source: PEP
Judy Ann Santos’ manager upset with cancellation of “Ouija” U.S. premiere
Why would that cause such a ruckus? The movie wasn’t good I heard. It wasn’t as scary as ‘Feng Shui’, and the plot is similar. People don’t usually go for copycats, so who really cares? I mean – promote the good movies. Juday – be glad the promo was canceled.
- Chuva Chienes
Alfie Lorenzo is upset with the people who pressured the U.S. organizers to cancel the premiere of the horror film Ouija. The movie, which stars his talent Judy Ann Santos, was supposed to be shown in five U.S. cities.
In his Abante column today, Alfie wrote that there were efforts by The Filipino Channel (TFC) in the U.S. to cancel the premiere. Out of the five cities where Ouija was supposed to premiere, only the New Jersey premiere pushed through. The other four cities cancelled allegedly due to the influence of people working at TFC.
TFC is owned by ABS-CBN, where Judy Ann is a contract artist. Ouija was produced by rival company GMA Films in co-production withViva Films. Also in the movie were Jolina Magdangal, Iza Calzado, and Rhian Ramos.
Viva Films sold the distribution rights of Ouija to ABS-CBN’s Star Cinema for its U.S. video release. Viva earlier sold the U.S. distribution rights of another movie, Paano Kita Iibigin, starring Regine Velasquez and Piolo Pascual, to the same outfit.
A week before they left for New York, Alfie already prodded the New Jersey organizer to just cancel the premiere. The New Jersey organizer also told Alfie that someone also threatened them if they push through with the showing of Ouija.
“Hindi naman na-upset sina Juday at Ryan [Agoncillo, her boyfriend] dahil mas makakabakasyon sila at pasyal nang husto. Hayun nga at nag-enjoy sila nang husto sa Catalina Island,” Alfie wrote.
Judy Ann would have made stops at the following U.S. cities: Las Vegas, San Francisco, Los Angeles, San Diego, and New Jersey. This would have been the first time that Judy Ann would be present in a movie premiere in the U.S. Alfie shared that in the past, Judy Ann would have been unable to attend an event in the U.S. because of her busy schedule.
Alfie added, “Juday was never brought to America to attend the preem nite of her movies with Star Cinema. Ewan ko kung bakit? Gayung yung mga stars of lesser magic ay naibiyahe patungong Amerika para lang magteyping o mag-shooting ng movie nila sa iba’t ibang panig ng mundo, gayung heto si Juday at most qualified to represent the network’s movie arm.”
JUDAY-RICHARD MOVIE. Alfie also revealed that the movie of Judy Ann that will pair her with GMA-7’s prized talent, Richard Gutierrez, would push through with a planned showing date for February.
According to Alfie, the Juday-Richard movie was was to be produced by Mother Lily Monteverde. But the Regal matriarch backed out after some quarters said that an ABS-CBN executive told her to back off from the project. The planned movie would go up against an Angel Locsin-Piolo Pascual starrer in Star Cinema.
Alfie said that Ryan and Richard Gutierrez were able to get another financier, Attorney Richard Stein, who is based in California.
Alfie quoted Ryan: “With Richard and I producing the movie, no evil elements can stop us from doing the dream movie at ito ang first ever movie ni Juday na ipapa-premiere namin around the world, sa tulong ng aming legal adviser na si Atty. Stein.”
Alfie added it was Ryan who was upset at first about the aborted trip to New York. But the couple accepted the fact and there would be other times to do some sightseeing in the U.S.
Source: PEP
Angel Locsin introduces Luis Manzano to Ali Sotto
Pagkatapos aminin ni Angel Locsin sa nakaraang grand presscon niya sa ABS-CBN last October 19 na personal na niyang ipinakilala si Luis Manzano kay Ali Sotto, ina ng namayapang boyfriend ni Angel na si Miko Sotto, nabuo na sa isipan ng lahat na mukhang nauwi na sa espesyal na relasyon ang balitang panliligaw kay Angel ni Luis.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Luis last Sunday, October 21, sa ASAP ‘07 ay inamin ng binata na personal na niyang nakilala si Ali, sa kabila ng pangako ng binata noon na hindi na magsasalita pagdating kay Angel dahil na rin sa paratang sa kanya na ginagamit lang niya ang young actress.
“Not for anything, pero alam ko na nagsabi na ako na hindi na ako magsasalita about Angel. Yung aspect na ‘yan medyo personal ‘cause it brings someone else involved. Isa pang ibinabalik yung past niya, si Miko. But yes, ipinakilala na niya [Angel] ako kay Tita Ali.
“It happened nung lumabas yung issue, nabasa ko na ‘yan, a week back, two weeks back. Basta magkasama kami nun [ni Angel], sinabi niya na gusto niyang makilala ko si Tita Ali, parang ganun,” kuwento ni Luis.
Sa aksiyon na ito ni Angel, inisip ng iba that there’s something going between the two. Hindi naman ito itinanggi ni Luis at inaming ngayon ay masasabi niyang nagkakasundo na sila ng young actress.
“Siguro kasi nagkakasundo na kami and she wants me to meet the people special to her, aside from her family talaga. We’re perfectly happy and content, but work muna siya, mag-Lobo muna siya. I also have other things to focus on, especially siya na iba yung big leap niya,” paliwanag ni Luis, na ang tinutukoy na Lobo ay ang kauna-unahang serye ni Angel sa ABS-CBN, kasama si Piolo Pascual.
Nang tanungin namin kung may balak din ba siyang pormal na ipakilala si Angel sa inang si Gov. Vilma Santos, sinabi ni Luis na nakaplano na niya itong gawin.
“Definitely pag may oras, one of these days. Alam ko na gusto siya ng Mommy ko dahil nagkasama na sila sa Mano Po. Before I came in the picture, kahit papaano nakilala na ni Mommy si Angel off-cam.
“She’s excited but just like I always say, she never meddles when it comes to my relationship,” diin ni Luis.
Bukod kay Luis ang iba pang mga lalake na na-link noon o iniuugnay hanggang ngayon kay Angel ay sina Cogie Domingo, Marvin Agustin, at Atty. Michael Templo. Nang hingan namin ng reaksyon si Luis ay wala raw siyang alam tungkol sa mga nali-link sa dalaga.
“I have no idea and hindi ko papakialaman ang mga na-link sa kanya,” sabi ni Luis.
Best friend and soulmate na itinuturing ni Luis si Anne Curtis. Sa nakaraang mga interview kay Anne ay nagbigay siya ng approval para kina Luis at Angel, isang bagay na ipinagpapasalamat naman ng young TV host-actor sa malapit na kaibigan.
“Salamat, thank you!” bulalas niya. “Alam ko naman ang stand ni Nippy [palayaw ni Anne] pagdating diyan. I am very, very secured and kampante ako na ‘pag may nanakit sa akin, bubugbugin niya kahit babae o lalake. Ganun niya ako kamahal. ‘Pag may nanakit naman sa kanya, katakut-takot na sakit ang aabutin sa akin.”
Source: PEP
The new heartthrob – Miguel Esqueta – Isipin
Miguel Escueta is the newest heartthrob to hit the music scene of Philippine entertainment. The singer-songwriter tried his luck in showbiz in the past but failed. Now he decided to pursue once more his once halted music career and everything seems to work out this time. His latest single “Isipin” is now climbing the charts of various radio stations and music channels. But of course, aside from his talent, Miguel’s charm and “it” factor is working for him. ABS-CBN or GMA should be considering to contract this artist by now because this guy has a lot of potential to be a big star in the future. Itaga niyo sa bato yan ha! HeheheCheck out Miguel’s “Isipin” music video and lyrics …
Ai Ai delas Alas: ‘Matatalbugan Ko si Beyonce!’
Kararating lamang ng comedy concert queen na si AiAi delas Alas mula sa concert tour sa Amerika ay ibinato na sa kanya ang intriga tungkol sa paratang sa kanya ni Snooky Serna na siya raw diumano ang pinaka-plastic na artista. Pabiro ding idineklara ng komedyante na tatalbugan niya ang concert ni Beyonce sa November 7.
Mariel Rodriguez is the Viewers’ Messenger in PBB Celebrity Edition 2Mariel Rodriguez is the Viewers’ Messenger in PBB Celebrity Edition 2
Sa “Uber” episode ngayong hapon ay binigyan ng task ni Big Brother si Mariel Rodriguez na maging “messenger” ng mga manonood. This is similar to USA’s Big Brother 8 kung saan tinawag na “America’s player” ang napiling housemate na makikipagsabwatan sa mga manonood.Subalit hindi lang ito ang ginaya ng PBB sa Big Brother US edition. Maging ang “Head of Household” ay doon din nanggaling. Ok na sana kung inadopt din ang “Power of Veto” competition kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang nominated housemates na tanggalin ang sarili sa nominasyon. Ito ang nagbibigay ng “excitement” at “competitiveness” sa Big Brother US edition but I guess hindi ito kayang i-adopt ng PBB dahil mawawala ang “text voting” na isa sa mga nagpapasok ng pera (revenues) sa programa.























