Martin Jickain reunites with daughter Marthena after three-month separation

 martin_jickain.jpg

Nakuha ni Martin Jickain noong Linggo (October 28) ng hapon ang itinakda ng husgado na visitation rights sa kanyang anak na si Marthena.

Tatlong buwan ding hindi nagkita ang mag-ama.

Bandang 12:15 dumating ang kanyang unica hija, inihatid ito ng bodyguard at nanay ni Councilor Aiko Melendez sa tahanan ng mga Jickain sa White Plains, Quezon City.

Naluha si Martin dahil labis niya raw na-miss ang kanyang anak. “Akala ko nga hindi ako makikilala ng anak ko, tatlong buwan niya akong hindi nakita. Hindi pa siya naglalakad noon, pero ngayon lumalakad nang mag-isa. Buti na lang sumama sa akin agad,” pahayag ni Martin.

Nasaksihan ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang closeness ng mag-ama. Kahit saan pumunta si Martin, sunod naman si Marthena. Umiiyak pa ito kung hindi makita ang ama.

Walang sandaling hindi namin makitang akap-akap at hinahalikan ni Martin ang kanyang anak.

“Nagpapasalamat na rin kami sa judge at kay Aiko dahil na-grant nila ang visitation rights ko. Kahit ilang oras lang isang linggo, puwede na rin basta makita ko lang ang anak ko,” wika ni Martin.

Sabi naman ng mommy ni Martin na si Cecille Trono-Jickain,”Sana dumating ang araw na hindi lang tatlong oras sa isang linggo namin puwedeng makita ang apo ko. Sana kahit isang buong araw. Pero hindi kami magko-kontes sa husgado. Ire-request lang namin kay Aiko at sa korte kung papayag lang sila. Pero ngayon, ok na ito.”

Kumpleto ang pamilya Jickain noong hapon na iyon. Pati mga pinsan at tiyuhin nila, nagsidatingan lahat para sa espesyal na okasyong ‘yon. Naglagay pa nga ng maraming lobo na kulay pink si Martin sa paligid ng bahay.

“Nagpaluto pa ako ng nilaga at mashed potato. Paborito kasi ni Marthena yun. Yung bahay nilagyan ko ng maraming balloons para i-welcome siya at saka favorite niya rin ‘yun.

Nabanggit din ni Martin na miss na rin niya ang anak ni Aiko kay Jomari Yllana na si Andrei. Napalapit na rin siya kay Martin sa panahong magkasama sila ni Aiko at hindi na raw iba ang turing niya dito.

“Who knows payagan din siya ni Aiko na makasama kay Marthena sa tuwing magkikita kami. Nami-miss ko na sobra si Andrei at alam ko nami-miss din naman ako nung bata,” sabi ni Martin.

Souce: PEP

Related Posts with Thumbnails

Be the first to comment on "Martin Jickain reunites with daughter Marthena after three-month separation"

Leave a Reply

%d bloggers like this: