More Recent News

  • Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

    Chemistry.com

  • Recent Chorvas


  • View My Stats
  • Advertise here

  • RSS Feed

  • Follow Chuva Chienes on Facebook

Board Exam

CONGRATULATIONS,

teachers.jpg

Nabalitaan ko na nagdadagsaan daw sa paghahanap ang mga teachers looking for the 2007 Board Licensure Exam for Elementary and Secondary Results. Kaya, public service muna tayo rito. Here are the results in alphabetical order:

Elementary:

a-elementary.txt

b-elementary.txt

c-elementary.txt

d-elementary.txt

e-elementary.txt

f-elementary.txt

g-elementary.txt

NO ‘H’

i-elementary.txt

j-elementary.txt

k-elementary.txt

l-elementary.txt

m-elementary.txt

o-elementary.txt

p-elementary.txt

q-elementary.txt

r-elementary.txt

s-elementary.txt

t-elementary.txt

u-elementary.txt

v-elementary.txt

w-elementary.txt

NO ‘X’

y-elementary.txt

z-elementary.txt

Secondary:

a-secondary.txt

b-secondary.txt

c-secondary.txt

d-secondary.txt

e-secondary.txt

f-secondary.txt

g-secondary.txt

NO ‘H’

i-secondary.txt

j-secondary.txt

k-secondary.txt

l-secondary.txt

m-secondary.txt

n-secondary.txt

o-secondary.txt

p-secondary.txt

q-secondary.txt

r-secondary.txt

s-secondary.txt

t-secondary.txt

u-secondary.txt

v-secondary.txt

w-secondary.txt

NO ‘X’

y-secondary.txt

z-secondary.txt

CONGRATULATIONS TO THOSE WHO PASSED! MORE POWER – YOU ARE THE SEED PLANTERS IN THIS WORLD AND I WISH EVERYONE THE BEST IN THEIR ENDEAVORS!

Chuva Chienes

Credit: Inquirer.net and Reynaelena.com

Baywalk Bodies confirms sex video of Palmolive Palma and Will Devaughn

palmolive_will_sex_video.jpg

I know a lot of you have been looking for this video.  I’m sorry but I don’t have it.  It must be a rumor she is spreading to ride the coat-tails of Will Devaughn in his rise to popularity because of PBB2.  Hmmm – message to Palmolive -  show us the video if it does exist!  I think this is pure publicity stunt.

- Chuva Chienes

Kinumpirma ng Baywalk Bodies member na si Rejoice Rivera at ng manager nilang si Lito de Guzman na meron ngang sex video ang co-member niyang si Palmolive Palma at ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 housemate na si Will Devaughn.

Ayon kay Rejoice, last year pa raw ang naturang video. Ito ay unang nanggaling sa cell phone ni Palmolive. “Pero hindi si Palmolive ang kumukuha, nasa baba siya, e,” nangingiting pahayag ni Rejoice.

Napanood daw mismo ni Rejoice ang naturang sex video. Kaya nang muling itanong ng showbiz press na present sa album launching ng Baywalk Bodies, ang The Very Best Of Baywalk Bodies, kahapon, October 24, kung si Will talaga ang nasa video, sagot ni Rejoice: “Oo, si Will ‘yon. Sa amin kasi, natural na yung nagse-share ng naughty stuff. Nakakainggit nga, e!”

Diumano, sa naturang video ay binu-blowjob ni Palmolive ang Fil-Am model na si Will, na ngayon ay nasa loob ng Bahay ni Kuya, kaya hindi ito aware sa diumano’y sex video niya.

Ayon pa kay Rejoice, kasalukuyang nasa Australia si Palmolive at nagsu-show kasama ang ilang miyembro ng Baywalk Bodies.

Samantala, kinumpirma rin ng manager ng Baywalk na si Lito de Guzman ang naturang sex video nina Palmolive at Will. Sinabi ni Lito na nakita na rin niya at ng iba pang mga taga-kampo niya ang video, at lahat sila ay naniniwalang sina Palmolive at Will nga ‘yon.

Kuwento ni Lito, “Nung bagong dating pa lang si Will dito, hindi pa man siya commercial model o nag-aartista, nagkakilala sila’t yun na nga, naganap ang lahat. Si Will ang kumuha ng video. Ewan ko kung paano niya na-convince ang alaga ko, pero nangyari na nga ‘yon.

“‘Tapos nawala ni Palmolive yung cell phone niya, nawala sa Subic. Kaya nagulat ako nang makakuha kami ng kopya. Siguro nakita nung nakapulot ng cell phone, nagka-idea, ikinalat hanggang nakarating sa kung sinu-sino.”

Nakausap na rin daw ni Lito si Palmolive tungkol sa naturang sex video nila ni Will.

Ayon sa Baywalk Bodies manager, “Nalaman na niya yung tungkol sa isyu, pero tahimik lang siya. Ayaw na niyang pag-usapan ‘yan dahil matagal na nga. Basta ang alam ko, sa ngayon, tahimik lang siya. May Japanese boyfriend kasi siya’t baka makasira ‘yan sa relasyon nila. Kung ako ang tatanungin, mas mabuti rin na manahimik na lang siya.”

Source: PEP

Tension heats up between ex-sweethearts Sunshine Dizon and Polo Ravales

polo_ravales.JPG

Oh boy!  I love Polo Ravales.  Did you see the gay film that he made?  There was a hot scene there that is unforgettable.  If you get the chance, you should rent the DVD and see it.

I wonder why this is an issue all of a sudden?  Hmmm… read on.

-Chuva Chienes

Naramdaman ang tensiyon sa pagitan ng dating magkasintahan na sina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa presscon ng La Vendetta na ginawa sa Ilustrado restaurant sa Intramuros, Manila, last Tuesday, October 23. Bago ang presscon proper, bumaba kami para makibalita sa cast na that time ay nasa ibaba ng naturang restaurant.

Naabutan ng PEP si Polo at hiningi namin ang reaction niya sa TV interview kay Sunshine, kung saan sinabi ng aktres kung bakit hindi sa kanya sinasabi ni Polo na gusto niya itong balikan at bakit sa press niya unang ipinaalam.

“Paano ko sasabihin sa kanya ‘yon, tanong lang ‘yon? Sinagot ko lang ang tanong na sino sa ex ko ang gusto kong balian if ever. Siya [Sunshine] ang binanggit ko dahil gusto kng subukan kung this time, magwo-work ang relationship namin. We were young nang maging kami, and yet, umabot kami ng four years. We’re older now, naisip ko na baka mas maging maayos kung muli kaming magkaka-relasyon,” paliwanag ni Polo.

Sisismulan na ba niyang manligaw uli kay Sunshine ngayong magkasama na uli sila sa iisang programa?

“We will see. Bago pa lang ang show at sa Monday [October 29] pa lang ang pilot, ligawan agad ang tinatanong ninyo!” natatawa niyang sabi.

At this point, lumabas ng resto si Sunshine kasama si Lotlot de Leon. Walang nagsalita kina Sunshine at Polo, nakatingin lang ang aktor sa kanyang ex-girlfriend habang kausap ng PEP. Pero sinabi ni Polo na nagbatian naman daw sila ni Sunshine sa loob.

“Hindi ko alam” ang sagot ni Polo sa tanong kung aware ba siyang may boyfriend ngayon si Sunshine. Either in denial ito dahil alam nang may Jojo Manlongat ang aktres o talagang hindi niya alam na taken na ito as of this moment.

SUNSHINE’S REACTION. After the presscon proper ay nakausap naman ng PEP si Sunshine at nagbigay rin siya ng pahayag sa lumalaking isyu sa pagitan nila ni Polo.

“Hindi ko siya maintindihan, he knows me very well at matagal na kaming magkakilala at mag-ex pa. I appreciate it very much kung didiretso siya sa akin dahil buong mundo na ang nakakaalam, except me. Pag nagkikita kami, hi and hello lang kami, bakit hindi siya magsalita? It confuses me. Ako na lang ang hindi nakakaalam. He could at least talk to me personally,” halatang may hinanakit na pahayag ni Sunshine.

Galit ba siya kay Polo kaya dine-deadma niya ito?

“Hindi ko siya dine-deadma,” paglilinaw niya. “Kilala ako ni Polo at ‘pag ako nang-deadma, nakakatakot. Inuulit ko, hindi ako galit, confused lang.”

Samantala, ayaw pa ring pag-usapan ni Sunshine si Jojo. Pero napag-alaman ng PEP na bago pumunta ang aktres sa presscon ng La Vendetta ay tumawag ang businessman para i-remind siya na agahan ang alis ng bahay dahil umuulan at ma-traffic.

“I hope you understand if I don’t wanna talk about my personal life. Basta, I’m very, very happy with my life right now at pati sa career ko,” pagtatapos ni Sunshine.

Source: PEP

Ai-Ai delas Alas reveals dream of singing Lea Salonga’s hits in a concert

aiaidelasalas.JPG

Nahingan ng kanyang panig si Ai-Ai delas Alas sa tampuhan na namagitan sa dating magkasintahan na sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos nang magdaos ang huli ng kanyang concert sa Araneta Coliseum, kung saan isa sa special guests si Ai-Ai.

Nagulat na lang si Ai-Ai nang madawit siya sa usapan at makarating sa kanya na may sama ng loob si Rufa Mae. Kinausap daw agad ni Ai-Ai ang co-star niya sa pelikulang Pasukob, at inalam kung ano ba ang naging problema.

“Umiiyak sa akin si P-chi [palayaw ni Rufa Mae], nag-breakdown ang lola mo!” tili ni Ai Ai nang harapin niya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa nabanggit na isyu. “Hindi ko naman napansin noong time na ‘yon na hindi siya ina-acknowledge ni Erik. Kasi parang okay lang, pine-playtime ko lang yung dalawa.

“Pero kinabukasan yata, nag-usap na rin sila. Nag-sorry si Erik kay P-chi. Pero sumama ang loob ng lola mo na talagang super-crayolo siya kay Ama [Boy Abunda, their common manager]. Nakakaloka!” tuluy-tuloy na sabi ng komedyana sa presscon ng Pasukob kahapon, October 24, sa Guilly’s restaurant sa Quezon City.

Sa nasabi ni Rufa Mae kanya, napag-isip-isip daw ni Ai-Ai na parang mahirap din para kay Erik yung situwasyon.

“At that time kasi, ininitindi niya ang spiels. Naghahagilap siya ng sasabihin. Tensyonado siya sa concert, at mabuti na lang nairaos ni Erik,” sabi ni Ai-Ai.

ROSANNA & SNOOKY. Since Pasukob ang title ng pelikula nila ni Rufa Mae sa OctoArts Films, tinanong si Ai-Ai kung sino kina Rosanna Roces at Snooky Serna, na nakasagutan niya sa mga isyu, ang tipong makikisukob siya sakaling makita niya ang dalawa sa labas habang umuulan at nakapayong ang mga ito.

“Bongga naman ang tanong na ‘yan!” humagalpak ng tawa si Ai-Ai. “Wala siguro kasi pareho ko naman silang hindi gusto. Pag-iisipan ko pa yung kay Osang, pero huwag na lang. Naku, bahala sila, at pababayaan ko na lang na mapulmonya ako! Magpapakabasa na lang ako kesa makisukob sa kanila!”

Paano kung siya ang may payong at makita niya sina Osang at Snooky na nababasa? Sino ang pasusukubin niya?

“Naku, wala!” tili ng komedyana. “Bahala silang magkapulmonya…magka-tubercolosis pa sila, wala akong pakialam!”

Pero sa mas seryosong usapan, actually ay naaawa raw si Ai-Ai kay Snooky.

“Siguro lang, kailangan ng trabaho,” sambit ni Ai-Ai. “Hindi ko lang talaga maisip kung bakit ako ang napagdiskitahan niya. At isipin ko man siguro na bigyan siya ng trabaho, ano ang mangyayari? Nakakatakot! Baka hindi niya siputin.”

AI-AI’S CONCERT. This November 16, itatanghal sa Araneta Coliseum ang Greatest Performance of My Life concert ni Ai Ai. Kaugnay nito, naging isyu nga raw ang pagba-backout diumano ng international singer na si Beyonce Knowles, na magku-concert din dito sa Pilipinas, dahil nag-react daw ito sa isyu pati ang producer ng show ng nabanggit na foreign act.

“Patulan ba? Hello?” sabi na lang ni Ai-Ai. “Nagpe-playtime lang ako. Kasi alam mo sa last conversation namin ni Beyonce…conversation daw, o! Huwag ko raw sabayan ang concert niya. ‘Please, no!’ sabi pa niya.

“Sabi ko, ‘Go ahead, make your day! You can have it ahead of mine. This is my country anyway!’” pagbibiro na naman ng nakakalokang si Ai-Ai.

Pero nabanggit din ni Ai-Ai na gusto niya ang konsepto ng isang producer na inialok sa kanya, tipong “Delas Alas Sings Salonga.”

“Sosyal! Sing ako ng Broadway songs ni Lea, from Miss Saigon to Les Miserables! Gustung-gusto ko kasi ang mga kanta ni Lea,” sabi ni Ai-Ai kasunod ng pagkanta niya ng ilang mga awitin ni Lea habang ginagaya ang perfect diction ng international singer kapag kumakanta.

“Kakaririn ko talaga ‘yan ‘pag natuloy. Sana makapanood si Lea at ang mommy niyang si Ligaya, na I’m very sure pamemeywangan ako habang pinaglalaruan ko ang mga kanta ng anak niya!” at saka tumawa nang halos walang puknat si Ai-Ai sa kanyang mga pinagsasabi.

Source: PEP

Young actor Andrew Schimmer joins body fitness contest

andrew_schimmer.JPG

Lingid sa kaalaman ng marami, kasali pala ang young actor na si Andrew Schimmer sa 2007 Slimmers World Great Bodies Search.

Ginanap ang press launch ng naturang fitness contest for men and women noong Tuesday, October 23, sa Center Stage ng Mall of Asia.

Namigay rin ng special awards ang ilan sa mga sponsors at tatlo sa anim na special awards ang nakuha ni Andrew: Mr. Berocca Energy Drink, Mr. Biofresh Socks, at Mr. Nutrilife Healthy Body. Mismong ang mga sponsors ng naturang special awards ang pumili sa young actor bilang winner.

Sa darating na December 1 ang finals ng 2007 Slimmers World Great Bodies Search na idadaos sa PICC.

Samantala, ipapalabas na sa November 14 ang Green Paradise, ang launching movie ni Cristine Reyes kung saan si Andrew ang kanyang leading man Martinez.

Source: PEP

Match-ups ready for “Pinoy Mano-Mano Celebrity Boxing Challenge”

cesar_montano.JPG

Hosts Cesar Montano and Bayani Agbayani unveiled the line-up of boxing matches during the presscon of the new reality TV show, Pinoy Mano-Mano Celebrity Boxing Challenge, which will premiere on October 27.

First to step up on the ring will be TJ Trinidad against Jordan Herrera. They will be followed by Michael Roy Jornales and Biboy Ramirez. The two Rico’s, Barrera and Robles, will be slugging it off while Joem Bascon and Eric Fructuoso complete the elimination matches.

Also present at the luncheon held at the ABS-CBN compound last week were noted sports broadcaster Ed Picson, boxing analyst Dennis Principe, Amateur Boxing Association (ABAP) Sec-Gen Roger Fortaleza, Joseph Pagulayan of Red Corner Boxing, director Abet Ramos and the show’s creator Richard Arellano.

Ed Picson shared that he came on board the show because he wants to give the fights some good annotations.

“We’re looking foreward to a lot of drama, a lot of action. Hopefully, walang mangyaring pikunan. Pero as a sportscaster, I’m looking forward to this project. Alam ko malaki ang pag-asa na susundan ito hindi lang ng mga sports-minded fans but also those na inevitably na magiging boxing fans din dahil sa mga participants natin,” the sports anchor said.

Dennis Principe, on the other hand, was apprehensive about joining the show.

“I was having a few doubts and curious din ako kasi I have been covering a lot of professional fights. Kasi we know very well na pinaka-puhunan nila ay yung hitsura nila. Eh, pa-paano iyon, magbabakbakan. When I saw them na palitan talaga ng suntok, parang actual na yung pinagdadaanan nila. The more na na-convince ako na isang magandang idea ito.”

“Sila po ay araw-araw nag-tre-training. At ang iba po sa kanila, para makasiguro po sa lakas nila at kakayahan, dalawang beses po nag-tre-training sa isang araw, hindi lang po isang beses. Dinadagdagan po nila,” Cesar proudly tells Philippine Entertainment Portal (PEP).

The actor also recalled the bloody nose Jordan got in the mock fight. “Hindi po natin masisiguro na si Jordan po ay tatamaan ulit sa ilong sa susunod po. Iba pa yung sampahan sa ring at iba po talaga ang kanilang nararamdaman.”

But the show is not all about breaking each other’s faces.

Show creator Richard Arellano said the participants will be competing for their chosen charitable institution.

“They’re not fighting only for themselves, but they’re fighting for their family, their fighting for their fellowmen.

“Ma-di-discover din nila yung sarili nila kung hanggang saan ang kakayahan nila. Makilala nila yung pagkatao nila,” assured Richard.

Pinoy Mano-Mano: Celebrity Boxing Challenge is set to premiere on ABS-CBN this Saturday, October 27, after TV Patrol.

Source: PEP

Wendell Ramos dismisses intrigues embroiling him with Sheryl Cruz and Marian Rivera

wendell_ramos.JPG

Nasasangkot ngayon ang aktor na si Wendell Ramos sa dalawang babaeng artista—Sheryl Cruz at Marian Rivera. May relasyon diumano sina Wendell at Sheryl, samantalang pinag-aaway naman ang aktor at si Marian.

Sinagot ni Wendell ang mga naturang isyu sa presscon ng kinabibilangan niyang bagong suspense-drama series ng GMA-7, ang La Vendetta, noong October 23 sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila.

SHERYL CRUZ. Ang issue tungkol kina Wendell at Sheryl ay nagsimula pagkatapos ng kanilang pinagsamahang afternoon soap opera sa Kapuso network na Sinasamba Kita. Nagsimula sa mga blind items ang secret relationship diumano nina Wendell at Sheryl na nabuo noong nagte-taping sila ng naturang Sine Novela.

Ayon pa sa blind item ay super-asikaso raw ni Sheryl kay Wendell at dumating pa sa point na dinadalhan pa raw ng pagkain ng aktres ang aktor sa taping. Naisulat din na para hindi raw halata ay may dala rin diumanong pagkain si Sheryl para sa lahat ng cast and crew, pero nakabukod daw ang kay Wendell.

Nauna nang pinabulaanan ni Sheryl ang naturang isyu sa kanila ni Wendell. Si Wendell naman ay natawa nang usisain namin siya tungkol sa napabalitang relasyon nila ni Sheryl.

“Ano ba ‘yon?” tawa niya. “Tapos na show namin, huh! Ngayon pa ba kami matsitsismis? Wala naman ‘yon. Naging close lang kami ni Sheryl because lagi kaming may mga eksena sa Sinasamba Kita. Pero wala kaming naging secret relationship. Wala ‘yon. Nakakagulat naman ang tsismis na ‘yan!”

Wala rin daw matandaan si Wendell na dinalhan siya ng pagkain ni Sheryl. Minsan lang daw niya nakita si Sheryl na nagdala ng pagkain sa taping, pero ito’y para sa lahat daw at walang nakabukod sa para kanya.

“Bakit naman gagawin ‘yon ni Sheryl, di ba? I think one time nagdala siya ng food sa set pero para sa lahat ‘yon. May sarili akong baon minsan, pero hindi galing kay Sheryl,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, “Nakakahiya naman kay Sheryl kasi may asawa yung tao. Ayoko namang ma-involve sa ganyan kasi may sarili rin akong pamilya. ‘Tsaka nasa kabilang network [ABS-CBN] na si Sheryl kaya huwag na natin siyang intrigahin pa, kasi tapos na ang show namin. One of these days kapag aksidenteng nagkita kami ni Sheryl, I’m sure pagtatawanan lang namin lahat ng tsismis na ito.”

MARIAN RIVERA. Iyong tungkol kay Marian ang mas ikinagulat ni Wendell. Ayon kasi sa mga lumabas na balita, may nakarinig daw kay Wendell na sinabing masyado raw feeling maganda si Marian at feeling nito na lahat ng lalake ay magkakagusto sa kanya.

“Wala akong matandaan na nasabi ko ‘yan or naging comment ko ‘yan against Marian,” mariing tanggi ni Wendell.

“Unang-una, magkaibigan kami ni Marian. Ilang beses na kaming nagkatrabaho niyan. Just a week ago, nagkita at nagkuwentuhan pa nga kami. ‘Tsaka napaka-ungentleman ko naman kung sasabihin ko ‘yon sa kanya. It’s not true. In fact, masaya ako for Marian kasi ang ganda ng mga nangyayari sa kanya because of Marimar.”

In fairness, sa hiwalay na panayam kay Marian ay sinabi nitong hindi siya naniniwala na puwedeng sabihin ‘yon ni Wendell tungkol sa kanya.

“Oo naman! Ako pa ba magsasalita ng ganun?” bulalas ni Wendell.

“In fairness naman, maganda si Marian at marami talaga ang liligaw sa kanya, lalo na ngayon na sikat na sikat na siya. Basta kami ni Marian, magkaibigan kami at wala akong sinasabing hindi maganda laban sa kanya.”

Source: PEP

Snooky Serna grateful to GMA-7 for giving her another chance

snooky_serna1.JPG

In good mood ang aktres na si Snooky Serna nang dumalo siya sa presscon ng kauna-unahang suspense-drama ng GMA-7, ang La Vendetta, noong October 23 sa Ilustrado restaurant sa may Intramuros, Manila. Very happy si Snooky dahil sa bagong project niya at ang ganda ng aura niya dahil muling nagiging aktibo ang kanyang career. Sobra-sobra rin ang pasasalamat niya sa Kapuso network sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya.

“I feel so grateful kasi sila [GMA-7] ang nasaktan ko the most, yet they’re the ones who gave me another chance. Every time I go back to showbiz, Channel 7 is always there to take me in. Dapat magpakasipag ako kasi may usapan kami sa set na kapag na-late ng 30 minutes sa trabaho, may fine kami. Kapag hindi pa ako nag-behave, there’s really something wrong with me na,” sabi ni Snooky sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Thankful din daw siya dahil hindi siya pinagkakaitang bigyan ng trabaho, especially ng GMA-7, sa kabila ng iba’t ibang problemang kanyang kinakaharap.

“Talagang nagsisisi ako kasi I was going through so much at the time. Gusto kong bumawi nang husto. Not only for Channel 7 but for my kids who went through so much trials. I don’t want to make it appear na pa-self righteous ako, but God really humbled me so much,” sambit niya.

Suwerte rin daw si Snooky sa kanyang mga anak dahil hindi siya iniwan ng mga ito noong panahong magulo ang lahat para sa kanya.

“My children, Sachi and Samantha, I’m thankful they have a dad [Ricardo Cepeda] who has strongly influenced them. They’re very flexible. They’re very matured for their age.

“We’re not perfect people but our families [their dad's and mine] have instilled in them faith in God and gratitude. No matter how many times I stumble, my kids see me rise, that I think has rubbed off on them,” pahayag ni Snooky.

LESSONS LEARNED. Ano naman ang mga natutunan niya sa buhay sa dami ng mga pinagdaanan niya?

“For the first time in 41 years, I realized I’m strong” sabi niya. “Those two years turned out to be blessings in disguise. I think it’s God’s way of telling me I’m not weak. The Lord is really in control of everything. I owe my life to Him.

“Marami akong nagawang pagkakamali sa buhay, pero hindi pa huli ang lahat para magbago ako. Life is beautiful and I should cherish every minute of it. I have my children na sandigan ko sa lahat ng bagay.”

Meron bang dapat sisihin sa mga nangyaring ito sa kanya?

“I don’t blame anybody for my mistakes, it’s just me to be blamed. Kung anumang kapalpakan ang nangyari sa akin, it’s my choice. I can’t blame anyone,” sagot ni Snooky.

Kumusta naman ang relasyon nila ng kanyang ina na si Mila Ocampo ngayon?

“My mom and I always had a love-hate relationship,” pag-amin niya. “I don’t think there’s a perfect relationship anyway. Even though she’s my mom, we’re still two different individuals, so we have our own beliefs. My mom is not perfect, so am I, and so is everyone here,” sagot ng aktres.

Tungkol naman sa issue sa kanila ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na sinabihan niyang “pinaka-plastic na artista sa showbiz’,” nagbigay na ng pahayag ang aktres ukol dito.

“Kung sino man ang mga nakabangga ko lately, I don’t mean na saktan kayo. I ask for forgiveness. Opinion ko lang naman kasi ‘yon,” sabi niya.

After soul searching, ayon kay Snooky everything went into places at matapang na niyang hinaharap ang hamon ng buhay.

“I have a condition which my doctor calls a dystemic mood disorder, a little bit of a manic condition. I have to take certain medications at sa tingin ko naman, okay na ang lahat sa akin. Kailangan ko lang talagang mag-focus sa mga ginagawa ko and live life to the fullest. Life is so short, so I should enjoy every minute of it,” paliwanag ni Snooky bilang pangwakas.

Source: PEP

Major Cheezmax: Officials say Arson Behind Santiago Fire

image3401480g.jpgimage3401176g.jpg 

(CBS/AP) CBS News has learned a task force of agencies, including the FBI, ATF, the Orange County Fire Authority and the California Department of Forestry will announce shortly that the massive Santiago Canyon Fire – which has caused an estimated $10 million in damage – is being officially declared an arson, and a $50,000 reward is being offered to find the arsonist.

Investigators have identified two separate “points of origin” where they believe the fire was set, CBS News has learned. FBI agents secured the scene to “maintain its integrity.”

The Santiago Fire has burned about 19,200 acres east of Irvine, officials said, and it is around 30 percent contained. Six homes and eight outbuildings have been destroyed, with another eight homes and 12 outbuildings damaged. Four firefighters have been injured fighting the blaze and about 3,000 people evacuated.

The devastating wildfires in Southern California have caused at least $1 billion in damage in San Diego County alone, officials said Wednesday, as easing wind gave firefighters hope that they begin to gain ground against the flames.

Other blazes were believed to have been started by downed power lines and a car fire.

The fires, now in their fourth day, have destroyed 1,500 homes and caused nearly 1 million people to flee – the largest evacuation in state history. At least 1,200 of the damaged homes were in San Diego County, and officials believe that number will rise.

“Clearly, this is going to be a $1 billion or more disaster,” Ron Lane, San Diego County’s director of emergency services, told reporters during a news conference.

The announcement of San Diego’s staggering losses came as President Bush signed a major disaster declaration for California in the wake of the wildfires that have burned about 426,000 acres, or about 665 square miles.

The declaration puts in motion long-term federal recovery programs to help state and local governments, families, individuals and certain nonprofit organizations recover.

“Americans all across this land care deeply about them,” the president said after a Cabinet meeting convened to coordinate federal relief efforts. “We’re concerned about their safety. We’re concerned about their property.”

With nearly 1 million people ordered out, it marks one of the largest evacuations in U.S. history, reports CBS’ The Early Show co-anchor Harry Smith.

The Bush administration’s disaster assistance chief promised no repeat of the Hurricane Katrina experience Wednesday, saying “this is a new FEMA” as Washington weighed options to help California wildfire victims.

“We’re going to make sure this operation runs as smoothly as possible given the size of this disaster,” said head of the Federal Emergency Management Agency David Paulison, when asked if people who lost homes can expect a more aggressive response than when Hurricane Katrina struck the Gulf Coast in late summer 2005.

The fierce Santa Ana wind that has stoked the explosive blazes had started to moderate slightly across the region Wednesday although stiff gusts continued to blow through some canyon areas. Forecasters said the wind eventually would be followed by cooling sea breezes.

Wind was reported blowing at a sustained speed of 21 to 36 mph in some areas Wednesday, considerably less than the gusts of up to 100 mph earlier in the week.

The shift could allow for a greater aerial assault and help firefighters beat back the most destructive blazes, said Homeland Security Secretary Michael Chertoff.

Crews were anticipating an injection of additional firefighters and equipment from other states, mostly throughout the West. Frustration over the firefighting effort began to emerge Tuesday when a fire official said not enough had been done to protect homes.

Orange County Fire Chief Chip Prather told reporters that firefighters’ lives were threatened because too few crews were on the ground. He said a quick deployment of aircraft could have corralled a massive blaze near Irvine.

“It is an absolute fact: Had we had more air resources, we would have been able to control this fire,” he said.

Twenty-one firefighters and at least 24 others have been injured. One person was killed by the flames, and the San Diego medical examiner’s officer listed four other deaths as connected to the blazes.

The state’s top firefighter said Prather misstated the availability of firefighters and equipment. Eight of the state’s nine water-dumping helicopters were in Southern California by Sunday, when the first fires began, along with 13 air tankers, said Ruben Grijalva, director of the California Department of Forestry and Fire Protection.

Grijalva said the fires, spread by wind that at times topped 100 mph, would have overwhelmed most efforts to fight them.

 “Anyone that is complaining about the planes just wants to complain because there’s a bunch of nonsense,” he said. “The fact is that we could have all the planes in the world here – we have 90 aircraft here and six that we got especially from the federal government – and they can’t fly because of the wind situation.”

Thousands of people packed emergency shelters, where many had an agonizing wait to find out whether their homes had survived.

“I’m ready to go, but at the same time, I don’t want to go up there and be surprised,” said Mary Busch, 41, who did not know whether her home in Ramona, in San Diego County, was still standing. She has lived at the evacuation center at Qualcomm Stadium since Monday, sleeping in her SUV with her 11- and 8-year-old sons.

Others were eager to return to houses they were confident had survived.

“I called my home and my answering machine still works, so that’s how I know we’re OK,” said Rancho Bernardo resident Fuli Du, who packed his belongings Wednesday preparing to leave Qualcomm.

He spent his 41st birthday Tuesday at the stadium, where he has been living with his wife and two young sons.

Thousands of people packed evacuation centers, where many had an agonizing wait to find out whether their homes had survived. At the Del Mar Fairgrounds in northern San Diego County, which was converted into a shelter, many stared at television sets blaring reports from the fire lines and damaged neighborhoods.

Paulison was optimistic about the conditions at Qualcomm. “I was just there yesterday, last night actually,” he told The Early Show anchor Hannah Storm. “Things are under control. There’s plenty of food, plenty of water. There’s lots of security.”

During Katrina, New Orleans’ attempt to shelter people in a sports stadium went terribly wrong. The Superdome turned into a small city of violence, filth and chaos. But even with an estimated 10,000 people sleeping in Qualcomm, the stadium is getting high marks, reports CBS Evening News anchor Katie Couric.

More evacuation orders were issued Wednesday. Residents of the San Diego County communities of Fallbrook and Julian, an area devastated by a 2003 wildfire, were ordered out of their homes. Officials also were evacuating De Luz, an unincorporated community north of Camp Pendleton that was being threatened by a wildfire on the Marine base. The fire also closed Interstate 5 and the Metrolink commuter rail, snagging the morning commute.

However, residents were allowed to return to some areas of San Diego County including Carlsbad, Chula Vista, Del Mar, Encinitas and Solana Beach.

“There are some hot spots and issues there, but we wouldn’t be letting people go back if it weren’t safe,” county spokeswoman Lesley Kirk said.

The city of San Diego was assessing whether to allow people to return to their homes in Rancho Bernardo, one of the hardest-hit areas, Mayor Sanders said.

So far, the fires have inflicted the worst damage in San Diego County, where five blazes continued to burn. The largest fire had charred 196,420 acres – about 300 square miles – from Witch Creek to Rancho Santa Fe, destroying 650 homes, businesses and other buildings. Other hard-hit areas included San Bernardino County, where hundreds of homes burned in the mountain resort communities.

The entire Lake Arrowhead area has been evacuated, reports CBS News correspondent Bill Whitaker. Officially, 300 houses that have been destroyed, but people fear that once they get back into these woods and take a full count, that that number will go much higher.

Source: CBS

U.S.-based Gladys Guevarra still hounded by intrigues

gladys_hummer.jpg 

August 18 nang umalis ng bansa ni Gladys Guevarra kasama ang Fil-Am boyfriend na si Philip Peredo papuntang New Jersey.

Iniwan ni Gladys ang showbiz career at buhay niya rito sa Pilipinas dahil pangarap niya talagang mabago ang takbo ng buhay niya. Ito ay sa kabila ng magandang itinatakbo ng career niya rito.

Bagama’t tahimik na siyang namumuhay sa Amerika, hinahabol pa rin ng tsismis si Gladys dahil sa biglaang pagkawala niya. Nariyang buntis daw siya, pero kanyang idinenay ito sa mga talk shows via phone patch. Nariyan ding ikinasal na raw sila ni Philip, pero pinabulaanan din ito ng comedienne.

Bago umalis si Gladys, nabanggit niyang mag-aaral siya ng culinary arts sa New York. Hilig daw kasi talaga niya ang magluto, na isa sa nagustuhan sa kanya ng boyfriend niya.

Ang latest na balita kay Gladys ay binilhan siya ng red Hummer ni Philip, na ginagamit nila sa mga lakad nila sa New York. Walang nabanggit si Gladys tungkol dito, pero pinadalhan niya kami ng picture kung saan katabi nila ni Philip ang Hummer.

Sa February next year ang balik ni Gladys sa bansa. Hindi lang kami sigurado kung magbabalik-showbiz pa siya dahil balita namin, tatakbo sa eleksiyon sa Amerika si Philip. Puwede ba niyang hindi tulungan sa kampanya ang lalaking nagmamahal sa kanya nang lubos?

Souce: PEP

Beth Tamayo tapes “Maalaala Mo Kaya” episode in New York

 beth_tamayo.jpg

Dumating last Sunday, October 21, ang magandang aktres na si Beth Tamayo mula sa Amerika kung saan nag-taping siya ng isang special episode para sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN.

“We left Manila for New York City last October 8. Magkakasama kami sa MMK episode nina Princess Punzalan na based na in Connecticut and si Raymond Bagatsing na based naman sa Los Angeles,” kuwento ni Beth sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through text message.

Kasama ni Beth na lumipad papuntang Amerika ang ina niyang si Mrs. Zeny Tamayo.

“Nag-taping kami for three days. Then the rest of the days ng stay namin, I spent with my Mom going around kasama ang best friend ko na based sa New York,” sabi pa ng aktres.

Then, lumipad na sila ng kanyang ina patungong Los Angeles to meet up with some relatives and friends. Nagkita rin sa Los Angeles sina Beth at ang best friend niyang si Judy Ann Santos, na may show doon with boyfriend Ryan Agoncillo.

“Hanggang Amerika, kami pa din ang magkasama!” bulalas ni Beth.

After L.A., ipinasyal naman ni Beth ang kanyang ina sa Las Vegas.

Ang Maalaala Mo Kaya episode nina Beth, Princess, at Raymond ay mula sa direksiyon ni John D-Lazatin. Last week of November or first week daw ng December ito malamang ipalabas sa ABS-CBN.

Source: PEP

Lotlot de Leon wishes nothing but happiness for mom Nora Aunor

lotlot.jpg 

Personal na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Lotlot de Leon kagabi, October 23, sa presscon ng bagong primetime soap opera ng GMA-7, ang La Vendetta, sa Ilustrado restaurant sa Intramuros, Manila.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad naming hiningi ang kanyang reaksiyon sa pagkaka-dismiss ng kasong drug possession na isinampa ng isang Los Angeles court laban sa kanyang ina na si Nora Aunor.

“I’m glad siyempre na tapos na ‘yon,” nakangiting bungad ni Lotlot. “Closed book na ‘yon and ‘yon naman ‘yong ipinagdadasal namin talaga.”

Ikinuwento ni Lotlot na nalaman niya ang magandang balita sa pamamagitan ng talent manager niya na si Cornelia “Angge” Lee.

“Good!” bulalas ni Lotlot nang aming tanungin kung ano ang nasabi niya sa sarili nang marinig ang balita tungkol sa pagkaka-dismiss ng kaso ng ina.

“At least, nakahinga na kami nang maluwag, lalo na mommy ko. Hindi na ‘yong maraming iniisip at kahit papaano nabawasan,” dagdag nito.

Ayaw na ring patulan ni Lotlot ang dati pang maugong na balitang diumano’y same-sex marriage ni Nora at ng longtime manager nitong si Norie Sayo sa Las Vegas, Nevada noong May 22, 2000.

Matatandaang naging very vocal si Lotlot sa pagsasabing hindi niya nagustuhan ang kumalat na balita, at lantaran din itong nagpahayag ng tampo kay Nora sa hindi paglilinaw ng issue sa kanilang magkakapatid.

“Basta ang importante sa akin maging okay siya, maging masaya siya, at maging at peace siya,” maikling pahayag ni Lotlot.

Wala naman daw galit si Lotlot sa kanyang ina bagama’t gusto muna niyang bigyan ng tamang panahon ang sarili bago harapin ito. Matagal na rin daw kasi mula nang huling nagkausap ang mag-ina.

“March ‘yon, birthday ko…pero matagal na talaga,” sambit niya.

Willing ba siyang tumulak patungang Amerika para bisitahin ang naabsuweltong ina?

“Not at the moment,” tugon nito. “Marami pa akong kailangang asikasuhin dito.”

Source: PEP

Jean Garcia felt nervous about her kissing scene with Polo Ravales

jgarcia_rovales.jpg

“Kissing scene wit Polo Ravales”?  I would be nervous too!!  Isn’t Polo Ravales such a hunk?!  Come on peeps!  Agree with me.  :D   He’s so cute and cuddly.  Jean is not bad at all.  Jean – you have the beauty and the brain – - just go for it!  ;)

- Chuva Chienes

Mapapanood na naman si Jean Garcia bilang bida-kontrabida sa pinakabagong serye ng GMA-7 na La Vendetta, na mapapanood simula October 29. Fresh from her contravida role in Impostora, may kaibahan ba ang pagiging kontrabida niya ngayon sa La Vandetta?”Ang kaibahan nitong La Vendetta sa Impostora…sa huli kasi, she’s bad, pero may nakakatawa. Dito kasi [sa La Vendetta], medyo serious talaga. Manipulative. May revenge siya pagdating sa mga kapatid niya because of her father,” paliwanag ni Jean tungkol sa kanyang character sa presscon ng La Vendetta kagabi, October 23, sa Ilustrado restaurant, Intramuros, Manila.

Hindi rin ikinakaila ni Jean na hanggang ngayon, tila mas identified pa rin siya ng mga tao bilang si Madam Claudia, ang role na pinasikat niya sa ABS-CBN drama series na Pangako sa ‘Yo.

Sabi ni Jean, “Actually, yun ang palaging tinatanong sa akin. Tinatanong din nila kung hindi raw ba ako nagsasawa sa pagiging kontrabida ko. Pero ako kasi, iniiba-iba ko naman ang atake.

“I always ask my director sa bawat soap na ginagawa ko. Tinatanong ko sila at sinasabi ko na siyempre, bilang direktor, kayo ang masusunod. Pero after two weeks, kapag kabisado at alam na alam ko na ang character ko, nagsa-suggest din ako at nag-i-input para maiba naman. Actually, madali naman kasi iba-iba naman ang istorya, tulad nga rito sa La Vendetta na may pagka-drama-suspense naman,” paliwanag ng award-winning actress.

KISSING SCENE WITH POLO. Sa ipinakitang trailer ng La Vendetta sa presscon, kasama rito ang isang kissing scene nina Jean at Polo Ravales. We asked Jean, how is it doing a kissing scene with a younger actor like Polo?

“Hay, my gosh! Come on! Naloloka ako! Kinabahan ako!” natatawa niyang reaksiyon. “Actually, first time akong makipag-kissing scene sa mas bata sa akin. Kasi usually, matanda sa akin. Even si Tonton [Gutierrez], mas matanda sa akin.”

Even in real life ba, first time niya na may makahalikan na bagets?

“In real life, hindi yata! Hindi yata si Polo ang bagets! Basta, hindi n’yo kilala!” natatawa niyang sabi.

Ano ang naramdaman niya sa naturang kissing scene nila ni Polo?

“Naku, hindi ko nga masyadong naramdaman kasi kinabahan ako!” tawa niya ulit. “Hindi naman siya torrid, pero medyo matagal lang. E, kasi hindi naman na talaga ako gumagawa ng mga kissing scenes na ganyan!

“Nanginig talaga ako…naloka talaga ako! Talagang sinasabi ko sa script, ‘Gagawin ba to?’ Feeling ko, dadayain naman. Pero noong sinabi nilang gagawin talaga, talagang ako, ‘Sigurado ba kayo?’” natatawang kuwento ni Jean.

Ano naman ang nakita niyang naging reaction ni Polo pagkatapos kunan ang kissing scene nila?

“After ng scene, sabi niya, ‘Ms. Jean, bakit nanginginig ka? Bakit kinakabahan ka?’

“Sabi ko, ‘Aba siyempre, kinakabahan ako! Bakit ikaw, hindi ka kinabahan?’

“Sabi niya, ‘Hindi ah!’

“Kaya sabi ko, ‘Naku, ewan ko sa ‘yo! Ang pangit mo ha!’ Para makaganti lang,” natatawa pa rin niyang kuwento.

OUT-OF-TOWN CONTROVERSY. Naitanong din namin kay Jean ang tungkol sa nakaraang insidenteng kinasangkutan niya sa isang out-of-town engagement niya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang i-reveal. Dahil sunud-sunod ang mga intrigang kinasasangkutan niya, ano ang masasabi niyang natutuhan niya sa mga ito?

“Siguro natuto na ako kung paano ko ba iti-treat na medyo maganda ulit at hindi maiiba ang ano… Well siguro, at my age right now, lahat ng pupuntahan ko or makakahalubilo ko, yung hindi ako ganun ka-trustful,” sagot ni Jean.

Na-trauma na ba siya dahil sa naturang pangyayari?

“Hindi ko masasabi, e. Ayoko na kasing pag-usapan. Siguro ang dapat ko lang gawin, mas pagtutuunan ko na lang ng pansin ang mga taong totoong nagmamahal sa akin. Kesa i-take for granted ko sila, mas sila ang mga taong dapat kong pagtuunan ng pansin. And I’ll be grateful at huwag muna kong maghanap ng mga taong akala ko mahal nila ako, pero hindi pala,” pahayag niya.

Kaugnay ng naturang insidente sa isang probinsiya, may naglabas ng kuwento na totoong nangyari diumano kay Jean. Nagsimula raw ang sinasabing insidente dahil naunang magwala rito ang aktres. Ano ang masasabi ni Jean dito?

“Ang masasabi ko lang, ever ba nagkaroon ako ng record na nagwala ako sa set, sa bar, sa disco? Sa party ni ganito? Actually, I don’t attend nga showbiz parties. Hindi talaga ako showbiz. Alam n’yo ‘yan. Sana lang, huwag na lang akong gawan ng ibang story para lang may masabi sa akin,” pakiusap niya.

Sa tingin niya ba ay tama ang naging desisyon niya na manahimik na lang?

“That’s my decision,” diin niya. “I would rather yung huwag nang palakihin. Maybe meron akong mga pinoprotektahan. Maybe I’m protecting myself, I’m protecting my family. Whoever I’m protecting, it’s my right. Hindi ko sinasabi na I am protecting myself dahil natatakot ako. Siguro mas maganda na ipasa-Diyos na lang natin ang lahat. Sabi nga nila, tanggapin mo na lang. Okay na ako.”

Source: PEP

Oyo Sotto insists that Kristine Hermosa is just a friend

oyosotto.jpg

It’s way too obvious that these two are dating.  Come on guys!  Just admit it.  Nothing’s wrong with dating specially if your marriage was ‘annulled’ anyway.  You’re free to see whomever you want to see.  They’re human – - they have needs!  :D

- Chuva Chienes

Kung naipakilala na ni Angel Locsin si Luis Manzano kay Ali Sotto, ang ina ng namayapang boyfriend ni Angel na si Miko Sotto, balita naman ang madalas na paglabas-labas at mga lakad ng ex-boyfriend ng young actress na si Oyo Boy Sotto kasama si Kristine Hermosa.

Matagal nang lumabas ang balitang ito tungkol kina Oyo at Kristine, pero naulit lang muli nang maging visible na naman sa mga showbiz gatherings ang dalawa. Ang pinakahuli ay nang sabay silang dumating sa nakaraang launching ni Anne Curtis bilang endorser ng isang clothing line.

Sa mga interview dati ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kristine, paulit-ulit niyang sinabi na mahal na mahal pa rin niya si Diether Ocampo. Ayon pa nga kay Kristine, si Diether daw ang taong alam niyang makakasama niya habambuhay, sa kabila na nasa korte na ang pagpapa-nullify ng kanilang kasal.

Sa panayam naman ng PEP kay Oyo, tinanong namin siya kung hindi kaya ang madalas na paglabas nina Oyo at Kristine ay pagsimulan ng away sa pagitan ni Diet at ni Oyo?

“Huwag naman, ayoko ng gulo!” bulalas niya. “Kung may ginagawa kaming masama, hindi kami lalabas at makikita in public. Sa akin, wala kaming itinatago, so ano ang kailangang ikatakot?

“Tinatanong nila ako kung ano ang totoo. Alam ko naman ang totoo, hindi naman ako magde-deny. Wala namang masama kung lumabas kaming dalawa. Alam ko naman sa sarili ko na wala kaming tinatapakang tao. Kung anuman ang mga isyu sa kanila or may problema sila, ayokong makialam dun. Kumbaga, sa kanila ‘yon,” paliwanag ni Oyo.

Bilang pagpapatunay na walang namamagitan sa kanila ni Kristine bukod sa pagiging magkaibigan, inisa-isa pa sa amin ni Oyo ang mga mga naging lakad nila ng aktres.

“Unang lumabas ‘yan nung nanood kami ng movie. Kasama namin ang Mommy niya, nanood kami sa Greenbelt. Then, sa launching nga ni Anne sa Freeway,” banggit ng binatang anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Nang tanungin naman namin siya kung nanliligaw siya kay Kristine, iginiit ni Oyo na magkaibigan lang talaga sila ng aktres. Pero hindi niya itinatanggi na espesyal at nandun ang admiration niya para kay Kristine.

“Hindi ako nanliligaw, close fiend lang talaga,” sabi ni Oyo. “Marami kaming bagay na napagkakasunduan. Okay kami, we’re enjoying each other’s company.

“She’s special to me. Tinatanong nga nila kung ina-admire ko si Tintin, ang tanga naman kung hindi, di ba? Sa ngayon, magkaibigan talaga kami. Hindi naman ako nagmamadali or humihingi sa kanya ng kapalit, walang ganun,” banggit niya.

Kinunan din namin ng pahayag si Oyo tungkol sa pagpapakilala ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin kay Luis Manzano sa tiyahin ni Oyo na si Ali Sotto. Wala ba siyang selos na naramdaman kahit kaunti sa naging aksyon ni Angel?

“Walang selos,” sagot niya. “Nag-umpisa kami ni Angel bilang magkaibigan. Kung matatapos man kami, magkaibigan pa rin. Sa akin walang problema ‘yon. Actually, wala pa ngang naikukuwento sa akin si Angel, pero ang dami kong nababalitaan.

“Sa akin naman, kung saan happy si Angel, okay ako. As long as she’s happy, I will also be happy. Kung sila na talaga ni Luis, okay sa akin. Ako naman, nandito lang ako para sa kanya,” pagtatapos ni Oyo.

Source: PEP

Judy Ann Santos’ manager upset with cancellation of “Ouija” U.S. premiere

jasantos_alfie.jpg

Why would that cause such a ruckus?  The movie wasn’t good I heard.  It wasn’t as scary as ‘Feng Shui’, and the plot is similar.   People don’t usually go for copycats, so who really cares?  I mean – promote the good movies.  Juday – be glad the promo was canceled.

- Chuva Chienes

Alfie Lorenzo is upset with the people who pressured the U.S. organizers to cancel the premiere of the horror film Ouija. The movie, which stars his talent Judy Ann Santos, was supposed to be shown in five U.S. cities.

In his Abante column today, Alfie wrote that there were efforts by The Filipino Channel (TFC) in the U.S. to cancel the premiere. Out of the five cities where Ouija was supposed to premiere, only the New Jersey premiere pushed through. The other four cities cancelled allegedly due to the influence of people working at TFC.

TFC is owned by ABS-CBN, where Judy Ann is a contract artist. Ouija was produced by rival company GMA Films in co-production withViva Films. Also in the movie were Jolina Magdangal, Iza Calzado, and Rhian Ramos.

Viva Films sold the distribution rights of Ouija to ABS-CBN’s Star Cinema for its U.S. video release. Viva earlier sold the U.S. distribution rights of another movie, Paano Kita Iibigin, starring Regine Velasquez and Piolo Pascual, to the same outfit.

A week before they left for New York, Alfie already prodded the New Jersey organizer to just cancel the premiere. The New Jersey organizer also told Alfie that someone also threatened them if they push through with the showing of Ouija.

“Hindi naman na-upset sina Juday at Ryan [Agoncillo, her boyfriend] dahil mas makakabakasyon sila at pasyal nang husto. Hayun nga at nag-enjoy sila nang husto sa Catalina Island,” Alfie wrote.

Judy Ann would have made stops at the following U.S. cities: Las Vegas, San Francisco, Los Angeles, San Diego, and New Jersey. This would have been the first time that Judy Ann would be present in a movie premiere in the U.S. Alfie shared that in the past, Judy Ann would have been unable to attend an event in the U.S. because of her busy schedule.

Alfie added, “Juday was never brought to America to attend the preem nite of her movies with Star Cinema. Ewan ko kung bakit? Gayung yung mga stars of lesser magic ay naibiyahe patungong Amerika para lang magteyping o mag-shooting ng movie nila sa iba’t ibang panig ng mundo, gayung heto si Juday at most qualified to represent the network’s movie arm.”

JUDAY-RICHARD MOVIE. Alfie also revealed that the movie of Judy Ann that will pair her with GMA-7′s prized talent, Richard Gutierrez, would push through with a planned showing date for February.

According to Alfie, the Juday-Richard movie was was to be produced by Mother Lily Monteverde. But the Regal matriarch backed out after some quarters said that an ABS-CBN executive told her to back off from the project. The planned movie would go up against an Angel Locsin-Piolo Pascual starrer in Star Cinema.

Alfie said that Ryan and Richard Gutierrez were able to get another financier, Attorney Richard Stein, who is based in California.

Alfie quoted Ryan: “With Richard and I producing the movie, no evil elements can stop us from doing the dream movie at ito ang first ever movie ni Juday na ipapa-premiere namin around the world, sa tulong ng aming legal adviser na si Atty. Stein.”

Alfie added it was Ryan who was upset at first about the aborted trip to New York. But the couple accepted the fact and there would be other times to do some sightseeing in the U.S.

Source: PEP

Angel Locsin introduces Luis Manzano to Ali Sotto

angel_luis.jpg 

Pagkatapos aminin ni Angel Locsin sa nakaraang grand presscon niya sa ABS-CBN last October 19 na personal na niyang ipinakilala si Luis Manzano kay Ali Sotto, ina ng namayapang boyfriend ni Angel na si Miko Sotto, nabuo na sa isipan ng lahat na mukhang nauwi na sa espesyal na relasyon ang balitang panliligaw kay Angel ni Luis.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Luis last Sunday, October 21, sa ASAP ’07 ay inamin ng binata na personal na niyang nakilala si Ali, sa kabila ng pangako ng binata noon na hindi na magsasalita pagdating kay Angel dahil na rin sa paratang sa kanya na ginagamit lang niya ang young actress.

“Not for anything, pero alam ko na nagsabi na ako na hindi na ako magsasalita about Angel. Yung aspect na ‘yan medyo personal ‘cause it brings someone else involved. Isa pang ibinabalik yung past niya, si Miko. But yes, ipinakilala na niya [Angel] ako kay Tita Ali.

“It happened nung lumabas yung issue, nabasa ko na ‘yan, a week back, two weeks back. Basta magkasama kami nun [ni Angel], sinabi niya na gusto niyang makilala ko si Tita Ali, parang ganun,” kuwento ni Luis.

Sa aksiyon na ito ni Angel, inisip ng iba that there’s something going between the two. Hindi naman ito itinanggi ni Luis at inaming ngayon ay masasabi niyang nagkakasundo na sila ng young actress.

“Siguro kasi nagkakasundo na kami and she wants me to meet the people special to her, aside from her family talaga. We’re perfectly happy and content, but work muna siya, mag-Lobo muna siya. I also have other things to focus on, especially siya na iba yung big leap niya,” paliwanag ni Luis, na ang tinutukoy na Lobo ay ang kauna-unahang serye ni Angel sa ABS-CBN, kasama si Piolo Pascual.

Nang tanungin namin kung may balak din ba siyang pormal na ipakilala si Angel sa inang si Gov. Vilma Santos, sinabi ni Luis na nakaplano na niya itong gawin.

“Definitely pag may oras, one of these days. Alam ko na gusto siya ng Mommy ko dahil nagkasama na sila sa Mano Po. Before I came in the picture, kahit papaano nakilala na ni Mommy si Angel off-cam.

“She’s excited but just like I always say, she never meddles when it comes to my relationship,” diin ni Luis.

Bukod kay Luis ang iba pang mga lalake na na-link noon o iniuugnay hanggang ngayon kay Angel ay sina Cogie Domingo, Marvin Agustin, at Atty. Michael Templo. Nang hingan namin ng reaksyon si Luis ay wala raw siyang alam tungkol sa mga nali-link sa dalaga.

“I have no idea and hindi ko papakialaman ang mga na-link sa kanya,” sabi ni Luis.

Best friend and soulmate na itinuturing ni Luis si Anne Curtis. Sa nakaraang mga interview kay Anne ay nagbigay siya ng approval para kina Luis at Angel, isang bagay na ipinagpapasalamat naman ng young TV host-actor sa malapit na kaibigan.

“Salamat, thank you!” bulalas niya. “Alam ko naman ang stand ni Nippy [palayaw ni Anne] pagdating diyan. I am very, very secured and kampante ako na ‘pag may nanakit sa akin, bubugbugin niya kahit babae o lalake. Ganun niya ako kamahal. ‘Pag may nanakit naman sa kanya, katakut-takot na sakit ang aabutin sa akin.”

Source: PEP

The new heartthrob – Miguel Esqueta – Isipin

Miguel Escueta is the newest heartthrob to hit the music scene of Philippine entertainment. The singer-songwriter tried his luck in showbiz in the past but failed. Now he decided to pursue once more his once halted music career and everything seems to work out this time. His latest single “Isipin” is now climbing the charts of various radio stations and music channels. But of course, aside from his talent, Miguel’s charm and “it” factor is working for him. ABS-CBN or GMA should be considering to contract this artist by now because this guy has a lot of potential to be a big star in the future. Itaga niyo sa bato yan ha! HeheheCheck out Miguel’s “Isipin” music video and lyrics …


Miguel Escueta – Isipin Music Video
Uploaded by starmometerdotcom

Ai Ai delas Alas: ‘Matatalbugan Ko si Beyonce!’

Kararating lamang ng comedy concert queen na si AiAi delas Alas mula sa concert tour sa Amerika ay ibinato na sa kanya ang intriga tungkol sa paratang sa kanya ni Snooky Serna na siya raw diumano ang pinaka-plastic na artista. Pabiro ding idineklara ng komedyante na tatalbugan niya ang concert ni Beyonce sa November 7.


Ai Ai delas Alas Sinagot ang Paratang na Plastic ni Snooky
Uploaded by starmometerdotcom

Mariel Rodriguez is the Viewers’ Messenger in PBB Celebrity Edition 2Mariel Rodriguez is the Viewers’ Messenger in PBB Celebrity Edition 2

Sa “Uber” episode ngayong hapon ay binigyan ng task ni Big Brother si Mariel Rodriguez na maging “messenger” ng mga manonood. This is similar to USA’s Big Brother 8 kung saan tinawag na “America’s player” ang napiling housemate na makikipagsabwatan sa mga manonood.Subalit hindi lang ito ang ginaya ng PBB sa Big Brother US edition. Maging ang “Head of Household” ay doon din nanggaling. Ok na sana kung inadopt din ang “Power of Veto” competition kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang nominated housemates na tanggalin ang sarili sa nominasyon. Ito ang nagbibigay ng “excitement” at “competitiveness” sa Big Brother US edition but I guess hindi ito kayang i-adopt ng PBB dahil mawawala ang “text voting” na isa sa mga nagpapasok ng pera (revenues) sa programa.


pud9
Uploaded by kapover

Dingdong Dantes ecstatic over high ratings of Marimar

dindong.jpg

Bumisita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Marimar last week na ginawa sa Riverbend Hotel sa Marikina City. Si Dingdong Dantes ang unang nakausap ng PEP na high na high sa ilang araw na plus-40 percent rating ng telenovela. Ang pinakamataas, so far, ay 44.6 percent.

“This is it! This is worth the wait. Dream come true sa aking maging effective actor sa isang show at nangyari na nga. ‘Tapos sinasabayan pa ng mataas na rating. Masaya ako!” Hindi mapigil ni Dingdong ang kasiyahan.

Anong high ang naibibigay sa kanya ng Marimar?

“Satisfaction!” bulalas niya. “Nakakatuwang makitang maganda ang response ng viewers sa ginagawa ko. Assurance sa akin ‘yon that I’m doing the right thing.”

Hindi ba nagdaramdam si Dingdong na kahit sinisikap niyang mapahusay pa ang acting niya ay may mga nakukulangan pa rin sa ipinapakita niya?

“Okay lang kung may ganun pa rin ang paniniwala at hindi offending ang ganung remarks,” sagot niya “Ang alam ko, maganda ang performance ko at ipu-prove ko ito sa mga susunod pang episodes ng soap. We still have a long way to go dahil February next year pa yata matatapos ang Marimar.”

In fairness, nakita ng PEP kung paano ginampanan ni Dingdong as Sergio ang eksenang muli nilang pagkikita ni Marimar (Marian Rivera) pero ayaw siyang kilalanin ng huli. Real tears ang tumulo sa mga mata ng young actor at may kasama pang uhog.

Nang sumigaw si Direk Joyce Bernal ng “Dingdong, be handsome!” ay kanya rin itong sinunod. With a little effort nga lang dahil natural na siyang guwapo. Papungay na lang ng mga mata at killer smile na lang ni Dingdong ay okay na kay Direk Joyce.

Hindi lang sa ratings ibinabatay ni Dingdong kung nagugustuhan ng tao ang isang particular episode ng Marimar. Mas nauuna pa raw ang kanyang mga kapitbahay kesa sa media group na AGB Nielsen sa pagbibigay ng resulta ng ratings.

“Kapag nanonood ako sa bahay, nadidinig ko ang reaction ng neighbors ko. Sabay-sabay silang sumisigaw pag nagugustuhan ang eksena, gaya nung hinabol ko ang kotseng sinakyan ni Marimar nang muntik kaming magkita sa Tiendesitas. Natuwa ako,” nakangiting kuwento ni Dingdong.

Dahil matagal pang tatakbo ang Marimar, ayaw munang mag-isip si Dingdong ng kasunod na project niya. Dito raw muna ang concentration niya at alam niyang hindi siya pababayaan ng GMA pagdating sa bagay na ito.

Wala ring maisagot si Dingdong nang tanungin namin siya tungkol sa pelikulang Dagaw, na gagawin niya sa GMA Films at pagsasamahan nila nina Richard Gutierrez at Marvin Agustin. Hindi pa raw siya nagsu-shooting dahil inuuna muna ni Direk Chito Roño ang London Caregiver ni Sharon Cuneta under Star Cinema. Tuloy, mukhang nagbago na naman ang isip nito’t hindi na naman siya sigurado kung gagawin pa ang horror movie ng GMA Films.

Source: PEP

Sam Milby: “I am a Filipino. I have dual citizenship.”

smilby.jpg

Lumipad na patungong Canada kaninang 6:30 a.m. via Northwest Airlines si Sam Milby kasama sina Pokwang at Piolo Pascual para sa kanilang series of shows doon. Kasama rin ni Sam ang kanyang manager na si Erick Raymundo at mawawala sila for two weeks at babalik sila ng Pilipinas on November 7.

Bago umalis si Sam ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap siya sa ABS-CBN compound kahapon, October 22, dala-dala ang ilang musical instruments na dadalhin niya raw sa Canada. From ABS-CBN, dadaan daw muna siya sa ipinapatayo niyang bagong bahay sa Pasig.

Pagkatapos ng interview kay Sam sa The Buzz last Sunday, October 21, kaugnay ng pagde-demand niya ng retraction at public apology mula kay Lolit Solis, kinabukasan ay agad ding lumabas ang mga kasagutan ni Lolit sa kanyang mga column Isa sa mga isinulat ni Manay Lolit ang pagiging American citizen ni Sam.

Nang hingan ng reaksiyon si Sam tungkol sa kanyang citizenshipn, mariin sinabi ng matinee idol na: “I am a Filipino. I have a dual citizenship.”

Nilinaw ni Sam na hindi siya galit kay Manay Lolit. “I’m not angry with her. But what she did to me was wrong. We have to stand on what is true and righteous,” sabi niya.

Pursigido si Sam na ituloy ang pagdedemanda niya kay Lolit kapag hindi raw ito nag-retract o humingi ng apology sa kanya. Nakahanda raw maghintay si Sam na humingi na apology mula sa talent manager.

Kahit mawawala ang actor-singer sa bansa ng dalawang linggo, puwede pa rin daw humingi ng apology o retraction sa kanya si Lolit dahil makakarating naman daw sa kanya ang balita through TFC. Or else, he will pursue with his case against Lolit.

Habang wala si Sam ay patuloy naman daw ang pagmu-monitor ng mga abugado niya sa iba pang makikisawsaw sa isyu at magsusulat ng hindi maganda sa controversial actor. Masusing pag-aaralan ng mga abugado ni Sam ang lahat ng mga naninira sa kanya at sasampahan daw ng kaukulang kaso kung kinakailangan.

This time, hindi na ang manager ni Sam na si Erick at ang ABS-CBN Star Magic ang magmo-monitor ng write-ups tungkol sa kanya kundi ang mismong mga abugado nila. Hindi raw magdedemanda ang Star Magic, pero very open sila sa pagbibigay ng suporta kay Sam.

Posible raw na hindi lang si Lolit ang sampahan ng kaso ng kampo ni Sam kung sakali kundi pati na ang ibang magsusulat ng malisyosong bagay tungkol sa aktor.

Source: PEP

TV Ratings (Oct. 19-22): “Pedro Penduko” torches competition to snare top spot

ppenduko.jpg

Picking up from where it left off, Kung Mahawi Man ang Ulap retained the number one spot in the daytime category last Friday, October 19, through its 22.5 percent rating. Concurrent afternoon drama series, Pasan Ko ang Daigdig, came in second with 20.8 percent.

This is based on the overnight ratings conducted by AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households.

After a strong start GMA-7′s new game show Whammy! Push Your Luck slid to No. 7 overall on the same day with 17.5 percent clip. This is in contrast to Kristine Hermosa’s Prinsesa ng Banyera, which moved a notch higher with its 16. 8 percent grade, good for No. 9. A day before, October 18, Prinsesa ng Banyera made its entry into the winning circle at No. 10 with a 12.6 percent rating.

Due to the afternoon bombing in Glorietta Mall 2, Makati City, news program 24 Oras tallied an impressive 30.1 percent rating, while ABS-CBN’s TV Patrol World also gathered a strong 28.1 percent.

Ending its epic run, Jumong bid goodbye to Philippine primetime television by landing at the No. 5 spot with its 29.6 percent rating. The country’s longest running gag show Bubble Gang proved that it still holds the nation in stitches, thanks to its 22.3 percent rating, which is good for No. 10 overall. The hilarious gang showed the first installment of their two-part series called Dosena.

Despite falling short to land inside the Top 10, Angel Locsin and Sam Milby’s Maalaala Mo Kaya episode boosted the show’s figures exponentially at 21.7 percent—definitely one of the highest among the longest-running drama anthologies in recent months.

In its strongest showing to date, Matt Evans’s Pedro Penduko at ang mga Engkantao drew out its collective spell to put the October 20, Saturday, competition dead in its tracks. Raging its way to the top spot in the daytime category, Pedro Penduko gathered a 22.7 percent rating to overtake Eat Bulaga, which after a long while found itself tied with archrival Wowowee. Both noontime shows shared a 20.8 percent rating to occupy the second spot.

ABS-CBN’s Fernando Poe Jr. tribute also weaved positive results for the Kapamilya network as Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN barged into fourth place, based on the strength of its 16.7 percent performance.

Saturday primetime said goodbye to powerhouse show Celebrity Duets as it ended its season with social butterfly and columnist Tessa Prieto-Valdes taking home the crown, despite her suffering from a hoarse voice due to the unpredictable weather and long hours of practice. For its last airing, Celebrity Duets nearly stole the thunder from Bitoy’s Funniest Videos with its 27.7 percent rating as compared to Michael V’s gag show 28.5 percent lead.

Sunday daytime was Showbiz Central day as it edged out rival The Buzz with its 17.7 percent rating. The Buzz (14.6 percent) settled for fourth spot overall. Showbiz Central featured the birthday celebrations of co-hosts Pia Guanio and Mo Twister, while The Buzz had an exclusive interview with Sam Milby, who threatened to sue Lolit Solis if she fails to retract or apologize for what she wrote about him and Piolo Pascual.

Comedian Brod Pete scored a touchdown as his new show debuted at No. 10 in the daytime race. For its premiere telecast, Ka Pete Na! Totally Outrageous Behavior managed to collect 8.8 percent rating.

The primetime contest did not offer anything new. Kap’s Amazing Stories still held the No. 1 position with its 32.8 percent rating against closest rival Tok! Tok! Tok!‘s 31.1 percent.

Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2 continues to climb its way to the top. Its Sunday edition saw it occupying the eighth spot with its 15.9 percent rating. It’s important to note that PBB, on paper and before it unveiled its curtain, was being touted as a strong contender to rank high in the ratings game.

Daytime programming yesterday, October 22, revealed an interesting twist. Shooting its way to the top, Kris Aquino’s Deal or No Deal engaged Kung Mahawi Man ang Ulap in a deadlock at the No. 1 spot. Both shows carried identical ratings of 22.6 percent.

Whammy! Push Your Luck (19.6 percent) redeemed itself by rallying at No. 3 behind Eat Bulaga’s 20.4 percent.

Primetime Monday was still under Marimar‘s mercy as Marian Rivera sat solely at the No. 1 spot followed by Zaido‘s 35.4 percent rating. GMA-7′s primetime newscast 24 Oras placed No. 3 with 32.1 percent.

Numbers four, five, and six were all occupied by ABS-CBN: Kokey (25.8 percent), TV Patrol World (24.8 percent), and Pangarap na Bituin (24.5 percent) improved their performance to inch closer to the top three positions, all being held hostage by GMA-7 programs.

Here are the Top 10 daytime and primetime programs last October 19 to 22.

October 19 (Friday)

Daytime:

  1. Kung Mahawi Man ang Ulap (GMA-7) – 22.5%
  2. Pasan Ko ang Daigdig (GMA-7) – 20.8%
  3. Eat Bulaga! (GMA-7) – 20.1%
  4. Daisy Siete (GMA-7) – 19.4%
  5. Kapamilya, Deal or No Deal (ABS-CBN) – 19%
  6. Wowowee (ABS-CBN) – 18.6%
  7. Couple or Trouble (GMA-7) – 17.8%
  8. Whammy! Push Your Luck (GMA-7) – 17.5%
  9. Prinsesa ng Banyera (ABS-CBN) – 16.8%
  10. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 16.5%

Primetime:

  1. Marimar (GMA-7) – 41%
  2. Zaido (GMA-7) – 31.7%
  3. 24 Oras (GMA-7) – 30.1%
  4. Hwang Jini (GMA-7) – 30%
  5. Jumong (GMA-7) – 29.6%
  6. TV Patrol World (ABS-CBN) – 28.1%
  7. Kokey (ABS-CBN) – 27%
  8. Lastikman (ABS-CBN) – 26.9%
  9. Ysabella (ABS-CBN) – 23.8%
  10. Bubble Gang: Dosena (GMA-7) – 22.3%

October 20 (Saturday)

Daytime:

  1. Pedro Penduko at ang mga Engkantao (ABS-CBN) – 22.7%
  2. Eat Bulaga! (GMA-7) / Wowowee (ABS-CBN) – 20.8%
  3. Fantastic Man (GMA-7) – 16.9%
  4. Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN (ABS-CBN) – 16.7%
  5. Wish Ko Lang (GMA-7) – 16.4%
  6. StarTalk (GMA-7) – 14.4%
  7. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 13.3%
  8. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 12.9%
  9. Entertainment Live (ABS-CBN) – 11.5 %

Primetime:

  1. Bitoy’s Funniest Videos (GMA-7) – 28.5%
  2. Celebrity Duets (GMA-7) – 27.7%
  3. Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) – 26.6%
  4. 1 vs. 100 (ABS-CBN) – 23.2 %
  5. TV Patrol World (ABS-CBN) – 22.9%
  6. Imbestigador (GMA-7) – 21.4%
  7. XXX (ABS-CBN) – 21.2%
  8. Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 (ABS-CBN) – 18.1%
  9. John En Shirley (ABS-CBN) – 17.2%
  10. Nuts Entertainment (GMA-7) – 12.2%

October 21 (Sunday)

Daytime:

  1. Showbiz Central (GMA-7) – 17.7%
  2. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 15.8%
  3. SOP (GMA-7) – 15.5%
  4. The Buzz (ABS-CBN) – 14.6%
  5. ASAP ’07 (ABS-CBN) – 14.3%
  6. Your Song (ABS-CBN) – 13.3%
  7. Boys Nxt Door (GMA-7) – 12.2%
  8. Love Spell Presents: Cindy-Rella (ABS-CBN) – 11.8%
  9. Coke: Ride to Fame (GMA-7) – 11.4%
  10. Ka Pete Na! Totally Outrageous Behavior (ABS-CBN) – 8.8%

Primetime:

  1. Kap’s Amazing Stories (GMA-7) – 32.8%
  2. Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok (GMA-7) – 31.1%
  3. Mel & Joey (GMA-7) – 23.2%
  4. Goin’ Bulilit (ABS-CBN) – 20.8%
  5. Rated K (ABS-CBN) – 20.4%
  6. All Star K (GMA-7) – 19.3%
  7. TV Patrol World (ABS-CBN) – 17.6%
  8. Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 (ABS-CBN) – 15.9%
  9. Sharon (ABS-CBN) – 15.6%
  10. Ful Haus (GMA-7) – 15.2%

October 22 (Monday)

Daytime:

  1. Kung Mahawi Man ang Ulap (GMA-7) / Kapamilya, Deal or No Deal (ABS-CBN) – 22.6%
  2. Eat Bulaga! (GMA-7) – 20.4%
  3. Whammy! Push Your Luck (GMA-7) – 19.6%
  4. Wowowee (ABS-CBN) – 19.4%
  5. Daisy Siete (GMA-7) – 19%
  6. Pasan Ko ang Daigdig (GMA-7) – 18.9%
  7. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 16.6%
  8. Couple or Trouble (GMA-7) – 15.8%
  9. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 15.7%
  10. Prinsesa ng Banyera (ABS-CBN) – 14.2%

Primetime:

  1. Marimar (GMA-7) – 42.6%
  2. Zaido (GMA-7) – 35.4%
  3. 24 Oras (GMA-7) – 32.1%
  4. Kokey (ABS-CBN) – 25.8%
  5. TV Patrol World (ABS-CBN) – 24.8%
  6. Pangarap Na Bituin (ABS-CBN) – 24.5%
  7. Hwang Jini (GMA-7) – 23.2%
  8. Lastikman (ABS-CBN) – 22.9%
  9. Ysabella (ABS-CBN) – 22.2%
  10. Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 (ABS-CBN) – 20.3%

Source: AGB Nielsen Philippines

Lolit Solis ready to face Sam Milby’s threat to sue her

lotitl.jpg

“Ready na ako sa anumang kaso na isasampa ni Sam [Milby] laban sa akin,” pahayag ni Lolit Solis sa kanyang column na lumabas ngayon araw, October 23, sa Pilipino Star Ngayon.

Kaugnay pa rin ito ng naisulat ni Lolit sa kanyang column noong October 15 kung saan sinabi niya na nakita niyang “nagbubulungan at halos magkadikit ang mga pisngi” nina Sam at Piolo Pascual sa coffess shop ng Hotel Sofitel noong October 12.

Dahil dito, nag-demand si Sam ng public apology at retraction mula kay Lolit. Hiniling din ng actor-singer na bawiin ng kolumnista ang kanyang naisulat. Bagay na hindi naman pinaboran ni Lolit.

Paliwanag ng Startalk host, “Mas gugustuhin ko na idemanda ako ni Sam kesa bawiin ko ang statement ko. Puwede akong mag-sorry kung talagang na-hurt siya sa aking mga sinabi, pero never kong babaguhin ang kwento ko!”

Nagtataka pa rin si Lolit kung bakit tanging sa kanya lamang nag-react ng ganito si Sam gayong marami na rin daw ibang tao ang diumano’y kumukuwestiyon sa kasarian nila ni Piolo.

Sabi ni Lolit, “Kapag itinuloy ni Sam ang pagdedemanda, ipinakita lang niya na hindi siya patas lumaban. Bakit hindi niya idinemanda ang mga tao na nagsasabi noon na gay siya? Ako, never akong nagsulat na gay si Sam o si Piolo.”

Dagdag pa niya, “Amateur na amateur nga ang statement ko kumpara sa mga sagot noon ng mga naging guest sa radio program ni DJ Mo [Twister] na itinanong nito kung sino sa palagay nila ang mga artista na sasabihan nila ng ‘Dude, I think you’re gay!’ Kaninong pangalan ba ang kanilang isinasagot, pero hindi naman nagbanta ng demanda?”

OTHER WITNESS? Nabanggit din ni Lolit sa kanyang column na isang empleyado ng produktong nagdaos ng event sa Hotel Sofitel ang tumawag sa kanya at nagsabi na nakita rin niya si Piolo noong October 12 sa naturang hotel.

Binanggit din diumano ng naturang emplyedo ang uri ng sasakyan na gamit ng aktor. Salaysay ni Lolit, “Ikinuwento pa nga nila sa akin na Hummer ang sasakyan ni Piolo. Paano nalaman ng mga tumawag sa akin ang klase ng sasakyan na gamit ni Piolo kung hindi nila nakita?”

AMERICAN CITIZEN? Binanggit din ni Lolit ang pagiging American citizen ni Sam sa kanyang column.

Ayon kay Lolit, “Welcome na welcome sa akin ang pagdedemanda na gagawin ng isang American citizen. O ayan ha, baka sabihin na naman ng fans na nagbibigay uli ako ng malisya dahil sinasabi ko na American citizen siya. Na inililihis ko ang isyu.

“It’s a fact na American citizen si Sam, ‘no! Baka nga hindi niya memorized ang lyrics ng ‘Lupang Hinirang’ kapag ipinakanta ito sa kanya!” pahabol pa ng palabang kolumnista.

Source: PEP

Gladys Guevarra receives a new Hummer from Fil-Am boyfriend

gladys.jpg

Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa manager ni Gladys Guevarra na si Jun Nardo, napag-alaman naming isang bagong red Hummer ang iniregalo sa comedienne ng kanyang boyfriend na si Phillip Peredo.

Stable at maykaya raw ang boyfriend ni Gladys na isang Filipino-American businessman sa Amerika kaya hindi na nakapagtataka kung kaya nitong regaluhan ng mamahaling sasakyan ang comedienne.

Ayon kay Jun, hinihintay na lang ni Gladys ang processing ng lisensiya niya para makapagmaneho na siya sa Amerika. Kaya for the meantime, madalas ay nagsa-subway sila from Jersey City, kung saan sila nakatira, to Manhattan kung saan naman located ang opisina ng business ni Phillip.

Pagdyi-gym, pagsa-shopping, at pamamasyal daw ang pinagkaabalahan ni Gladys sa Amerika. Kaya habang nasa opisina at nagtatrabaho ang kanyang kasintahan ay madalas namang rumarampa ang comedienne na pasumandaling iniwan muna ang kanyang showbiz career.

Hindi pa alam ni Jun kung kailan uuwi ng Pilipinas si Gladys para muling harapin ang kanyang showbiz career. Pero malamang ay sa Amerika raw magse-celebrate ng Pasko ang kanyang alaga kasama ang pamilya ni Phillip, na balita namin ay tanggap na tanggap si Gladys.

Three months na si Gladys sa Amerika at ayon sa kanyang manager ay hindi totoong buntis ito gaya ng napapabalita.

Source: PEP

Jean Garcia vehemently denies report that she is an alcoholic

jgracia.jpg

Readers, I cannot believe that they will go this low.  Imagine accusing someone who has just been through a traumatic incident in Surigao del Norte of being an alcoholic?  What is that about?  Do they just really kick you when you’re down?  Unbelievable.

- Chuva Chienes

Katatapos lang ng issue ni Jean Garcia with the province of Surigao del Norte, pero may bagong nabasang intriga na naman ang ina ni Jenica Garcia about her—ang pagiging lasenggera niya diumano.

“Nagulat talaga ako doon!” sabi ni Jean sa last presscon ng launching movie nina Jenica at Mart Escudero na Hide And Seek last Saturday, October 20, sa Imperial Palace Suites. “Noong nabasa ko nga na nakita raw akong naglalasing sa isang bar, ang una kong nasabi, ‘Ako ba talaga ito?’

“Sobrang dami naman yata ng mga issues sa akin ngayon. Mabuti pa saksakin n’yo na lang ako ng harapan,” pabiro ngunit may laman niyang dagdag.

“I drink, yes, sino ba ang hindi? Pero socially lang. Madalas ang mga kasama ko, mga co-stars ko, bonding-bonding. Pero para sabihing lasengga ako at alcoholic pa raw, sobra na yun!

“As is, harassed na ako…sa trabaho ha,” dinagdag niya agad bago siya natawa nang malakas dahil sa paggamit ng salitang “harassed.”

“Ngayon, wala pa akong tulog, dumiretso ako from [San Fernando] Pampanga dahil doon ang taping ng soap namin [La Vendetta]. Dumiretso ako rito to promote, ‘tapos babalik ako sa taping bukas. Saan pa ako magkakaroon ng oras para uminom at maglasing?

“Saka isa pa, kahit naman noong nagsisimula ako, wala naman akong image na manginginom. Wala rin akong issue na nagwala ako sa isang bar na lasing na lasing. Why now?

“Lumalaki na ang mga anak ko, si Jenica may career na rin. Ngayon pa ba ako maglalasing?

“Nakakatawa nga ang anak ko, kung kailan nakapasok sa showbiz, saka nagpapa-baby. Sabi niya sa akin kanina bago kami nagpunta dito [sa presscon], ‘Mommy may Startalk po ako pagkatapos, samahan n’yo ako ha.’ At ang isinagot ko, ‘Anak may career din si Mommy,’” natatawa niyang kuwento.

Magkasunod na magbubukas ang Hide and Seek at La Vendetta. This October 29 magpa-pilot ang La Vendetta sa GMA-7 at sa October 31 naman mag-o-open nationwide ang Regal movie directed by Rahyan Carlos and will have a premiere on Sunday, October 28, sa SM Megamall.

Source: PEP

Lorna Tolentino bursts vein in her eye as hubby Rudy Fernandez recuperates

lornat.jpg

I admire Lorna’s steadfastness in all the trials that she’s going through.  Just imagine being in her shoes.  Don’t give up Lorna  – - you are your husband’s stronghold.  He needs you to be strong.  Someone up there is watching – - you’ll be okay.

- Chuva Chienes

Nagbukas ang ika-17 branch ng Forever Flawless last Sunday, October 21, sa Festival Mall, Alabang. Ang aktres na si Lorna Tolentino ang muling nag-cut ng ribbon nito along with other Forever Flawless celebrity endorsers na sina Mark Herras, Alyssa Alano, Pauleen Luna, Prince Stefan, at Yasmien Kurdi.

Hindi pa masyadong nakakabawi ng lakas si Lorna pagkagaling sa Amerika dahil sunud-sunod agad ang commitments na naghihintay sa kanya sa Pilipinas. Marami tuloy ang bumibilib at nai-inspire sa lakas ni Lorna.

“Hindi naman!” natatawang bungad ni Lorna sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “E, pumutok nga yung vein sa mata ko pagdating namin from the U.S. So, akala ko…sabi kasi ng doctor, 10 to 14 days. Luckily, magaling yung gamot na ibinigay sa akin ni Dr. Enriquez. Yung dropper na para sa mata ko, nawala siya in five days.”

Sobrang pagod sa biyahe at stress daw ang dahilan ng pagputok ng vein sa mata ni Lorna.

“Tumawag nga sa akin si Senator Jinggoy [Estrada] na nasa Switzerland. Sabi niya, ‘Uy, ano yung nilagay mo sa mata mo? Kasi ako naman ngayon ang nagkaganun.’ Tinext ko sa kanya yung pangalan. ‘O, made in Switzerland pa yung gamot.’ Sosyal!” kuwento ng aktres.

Ang doktor din sa sa mata ng mister niyang si Rudy Fernandez ang tumingin at nagreseta ng gamot kay Lorna. Nagulat pero hindi naman daw nag-worry si Daboy nang makita ang pula sa mata ng misis niya.

Speaking of Daboy, okay naman daw ang mister niya as of last Sunday.

“One month siyang free ng chemo. Nung October 19, start na ‘yon. So, nag-a alternative kami. Pahinga siya ngayon, nagpapalakas. Nakapag-badminton na siya last week.”

Ano ang ibig niyang sabihin sa “alternative”?

“Iba-ibang alternative… Ayokong sabihin kasi siyempre alam mo naman yung mga iba. Kung ano yung magwo-work sa kanya, saka namin ire-reveal, ganun na lang ‘yon,” pahayag ni Lorna.

Sa himig ng pagsasalita ni Lorna, mahuhulumigan na may ibang kahulugan ang huli niyang sinabi.

“Hindi,” tanggi niya. “Kasi may mga nababasa ako na parang bang, ‘Hay naku, dapat ito ang tini-take niya. Imbes na kung anu-ano yung tini-take niya ‘tapos nagki-chemo pa siya.’ Ganyan-ganyan. Yung mga ganun na para bang…

“Hindi naman ako nagagalit,” paglilinaw ni Lorna. “Kasi siyempre, gusto namin yung concern nila, nakaka-touch din. Kaya lang siyempre, depende sa katawan ‘yan, e. Yung pwede sa ‘yo, hindi naman automatic puwede sa kanya. Ganun ‘yon, di ba? Nasa katawan ng tao ‘yon, pero tina-try namin lahat, iba-iba.”

Ano ang gagawin ni Daboy habang wala siyang chemo?

“Pahinga lang muna at saka nag-eensayo siya. Lalabas muna siya. Kasi kung anuman ang mapag-usapan sa Wednesday [October 24], talagang kailangang well-rested siya,” sagot ng misis ng action star.

Ano ang pag-uusapan nila?

“Depende kasi if he will have to go on with another chemo or if he’ll have an operation. ‘Yon yung mga alternative.”

Kung si Lorna ang masusunod, alin ang pipiliin niya?

“Depende kasi,” sagot niya. “Depende kung ano talaga ang sasabihin ng doktor sa ‘yo. Kung alin yung makakabuti. Siyempre, kung saan makakabuti para sa kanya [Rudy], kung saan ang kakayanin ng katawan niya.”

Sa kabila ng karamdaman ng action star, matikas pa rin ang pangangatawan ni Daboy nang huli namin siyang makita sa birthday party ni Jude Estrada bago sila tumulak patungong Amerika.

“Lalo na ngayon!” bulalas ni Lorna. “Kasi yung discoloration ng face niya, ng mga ano niya, nawala na. Makapal na ulit ang buhok niya. Inunahn na kasi namin. Nung naglulugas-lugas na, nagpakalbo na agad siya. Parang two days, inunahan namin. Ang hindi pa bumabalik sa katawan ni Rudy yung laman dito sa braso, medyo manipis.”

Source: PEP

Angel Locsin wants to mend fences with former home network

 

angel_abscbn.jpg

Despite all the animosity that transpired between Angel Locsin and her former home network, GMA-7, the young actress revealed that she’s just waiting for the right time to reach out and, hopefully, mend all the wounds brought by the unfortunate fallout.

“Lahat ng taong tumulong sa akin para marating kung nasaan ako ngayon, importante pa rin po sila sa akin. Mahal ko pa din po sila, hindi magbabago ‘yon,” said Angel to the members of the press last Friday, October 19, in an exclusive press conference prepared by ABS-CBN.

Angel rose to fame during her stay with GMA-7 and was then heralded as one of the network’s treasured talents brought by the success of her fantaseryes: namely, Mulawin, Darna, Majika, and Asian Treasures. Aside from the said shows, the dusky actress also appeared in several youth-oriented films and graced numerous commercials, which only reinforced her growing reputation as one of the most popular young actresses of the past four years.

However, Angel decided to severe ties with GMA-7 when her five-year co-managerial contract with the said network expired last March 31, 2007. What followed next was a bitter exchange of words—aggravated even more when Angel inked an exclusive contract with rival station ABS-CBN—between the ex-talent and her former home studio.

IN GOD’S GIVEN TIME. Months after the controversy, Angel is slowly regaining her bearings, although she admitted that she’s still in the process of adjustment.

Angel said she’s happy with the roles she’s currently getting as it requires her to do serious acting. Recently, she starred alongside Sam Milby in an episode for Maalaala Mo Kaya, also aired last October 19. She’s still ecstatic with the experience of working with the likes of Maricel Soriano and Dolphy, among other veteran stars affiliated with ABS-CBN.

But despite all of these, she reiterated once more that she’d forever be grateful to the people who guided her when she was just a fledgling showbiz neophyte. Revealingly, Angel said that given the proper time and place, she’d be the first one to extend a hand as a sign of truce to the people whom she felt were offended because of her decision to jump ship.

“Ako po ang unang lalapit,” she humbly stated before adding that the gesture would be carried out in private so as not to smear the sincerity of her intention.

NOT MEANT TO BE. Prior to leaving her former home network, it is very well known that the part of Marimar was initially offered to Angel. But given her already uncertain mindset at the time, she turned down the offer before officially announcing her transfer to ABS-CBN.

The part of Marimar eventually went to Marian Rivera. Just like in Angel’s case when she was just an upstart, Marimar is currently doing great wonders for Marian’s career. Ratings wise, the local adaptation of the Mexican soap is consistently dominating the primetime race since its debut last August 13, 2007.

“Ibig sabihin hindi po talaga siya para sa akin,” replied Angel when asked if there’s any regret on her part for passing the said role.

She’s also happy and proud of Marian for doing a great job.

“Masaya po ako para kay Marian and sa success nung show,” said Angel, who went on to say that she finds Marian very nice and sweet.

Incidentally, Angel holds a record in terms of rating percentage when her GMA-7 Darna TV series registered a whooping 52.1 percent rating on April 14, 2005.

Preceding that milestone, Darna’s debut on local television on April 11, 2005, gained a 47.1 percent rating—the highest rating for a pilot episode in Philippine television history. The said figure consequently shattered the 46.5 percent rating previously held by ABS-CBN’s Pangako Sa ‘Yo.

Source: PEP

On money and investments

Are you investing your hard-earned money now? How do you invest it? In real estate? In stocks and bonds? Your 401K? Where do you rely for information? Newspaper publications? What would you say if you have a tool where you can collaborate with others and gain the knowledge among your peers on what’s hot and what’s not?

I know that this is such a cliche but two heads are definitely better than one. If you are investing your money and find that you can’t get through the hurdle of not knowing what you need to know to enable you to succeed, MyWallSt.net may be right for you. Have you ever played “Who Wants to be a Millionaire?” If you remember, you have what they call a life-line where if you are not sure about your answer, you can call a life-line and be given a chance to get the answer right. This is exactly what MyWallSt.net is all about. It is a place to meet regular people such as yourself and many experts in the field of investing who can tell you probably what’s best for your investments. If you have most of your money in large cap stocks and bonds are the way to go, would you know it? What if your money has been stuck in CD’s all this time when there are other and much better ways to earn interest on it? Would you know what to do?

MyWallSt.net is a real-time social network of investors who collaborate and provide information about great stock picks, current trends and investing expertise. For a newbie investor such as myself, having a network like this is better than going at it alone. 20 people reviewing a stock worth investing on is much better than one. At least you can get their feedback and know whether to put your money into it or not. It could probably provide you and I a good stock pick if we have this much people in the network right?

If you are looking to invest and you believe that stocks are for your, visit http://www.mywallst.net/ and experience the advantage. It’s a win-win situation with nothing to lose and so much to gain. Take a peek and get your money moving to the right direction.

Lolit Solis to Sam and Piolo: “Any time they want to talk to me, okay.”

 

piolo_sam_lolits1.JPG

“Bakit, ano ba ang mga nasulat ko? May sinabi ba akong masama doon sa article?” bungad na pahayag ng talent manager-TV host na si Lolit Solis sa phone-patch interview niya sa Showbiz Central kahapon, October 21, nang tanungin siya tungkol sa balak na pagsasampa ng kaso diumano ng kampo ni Sam Milby laban sa kanya. Ang bantang pagsasampa ng kaso ni Sam kay Lolit ay bunga ng isinulat ng huli sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon noong October 15. Ayon kay Lolit, nakita niya si Sam at si Piolo Pascual na nagbubulungan sa isang coffee shop sa Sofitel Hotel noong October 12.

“Ang isinulat ko lang, nakita ko silang nabubulungan at nagmemeryenda doon sa Sofitel Hotel. Wala akong isinulat na iba,” depensa ni Lolit.

Ayon pa kay Lolit, wala naman daw siyang motibo upang magsulat ng masama laban kina Piolo at Sam. Aniya, “Alam mo, actually nga, ang feeling ko dito sa isyu na ito, ako pa ang nagamit, e. Kasi wala naman akong masamang motibo, wala akong against kay Piolo at kay Sam para magbalita ng mali. Ang sinabi ko lang, nakita ko silang nagko-coffee, nagbubulungan doon sa coffee shop. So wala akong masamang sinabi. Bakit sila nag-react ng ganoon?”

Ilang araw makalipas lumabas ang nasabing artikulo, nagbigay ng pahayag ang Timex pati na ang pamunuan ng Sofitel Hotel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung saan pinabulaanan nila ang nasabing insidente. Maging ang kampo ni Sam , sa pamamagitan ng manager nitong si Erick Raymundo, ay nagbigay na rin ng pahayag na taliwas sa kuwento ni Lolit.

Ayon sa Timex, kasalukuyan daw nagpi-pictorial si Piolo sa studio ng sikat na photographer na si Raymund Isaac sa oras na sinabi ni Lolit na nakita niya sina Piolo at Sam sa Hotel Sofitel. Maging ang receptionist ng Hotel Sofitel na naka-duty noong araw na ‘yon ay nagsabi sa PEP na hindi nagpunta ng oras na ‘yon ang dalawang matinee idols.

Samantala, sinabi naman ni Erick na nasa Essensuals Toni and Guy si Sam noong oras na ‘yon kaya imposibleng nasa naturang hotel ang Fil-Am singer-actor.

“Yun nga ang sinasabi ko, nagkaroon na ng roll call niyan, e, nung loyalty check, di ba?” reaksiyon ni Lolit. “Lahat na ng Piolo nagsasalita, lahat na kinukuha nilang witness. Ako, wala akong kinukuhang witness, ang sarili ko lang. I mean, nakataya dito ang kredibilidad ko.”

Dagdag pa ng kolumnista, “Kung sino ang gustong paniwalaan ng tao, yun ang paniwalaan nila. Kung maniniwala sila sa akin, salamat. Kung hindi, okay. Wala naman talaga akong motibo sa pagsasabi nito, e.”

Napansin din ni Lolit ang pagiging defensive ng kampo ng dalawang aktor ukol sa isyu, gayong wala naman daw masama sa dalawang lalaki na nag-uusap at kumakain nang sabay sa isang lugar.

Aniya, “Ang nagtataka ako, doon sa defensive na reaksyon nila. Ang dami-daming nagde-deny, ang dami-daming ano… Actually nga, napakaraming fans ni Piolo, napakaraming fans ni Sam, na galit na galit sa akin ngayon, di ba? Pero wala akong idinagdag doon sa nakita ko. Wala akong sinabing nakita ko silang naglalampungan. Actually, yun lang ang nilagay na headline ng editor ko [sa Pilipino Star Ngayon], pero wala ‘yon sa loob ng article.”

Ipinagtataka din diumano ni Lolit kung bakit lumaki pa ang isyu ng ganito. Aniya, “Kasi talagang doon sa haba ng itinakbo ng istoryang ito, ako na ang nagtaka. Nagtataka na ako kung bakit lumaki ng ganito. Parang major event na talaga, di ba? Parang lahat na lang, ‘Wow, chuchu, ganito-ganito. Hindi totoo ‘yan, heto si ganito makakapagpatunay.’ Para bang ano ba ang dapat patunayan, di ba?”

Nang tanungin kung bakit sa palagay niya ay defensive ang naging sagot ng kampo nina Sam at Piolo, sinagot ni Lolit na, “Ewan ko, baka siguro… Hindi natin alam, di ba, matagal nang kumakalat yung kung anu-anong tsismis. Baka naman akala nila pinandagdag ko pa ‘yon sa tsismis, di ba?

“Ayoko naman isipin na another case ito ng isang Rustom Padilla na baka later may magka-come out, di ba? Ayaw ko nga mag-isip ng kung anu-ano, e. Kaya nga nagtaka ako kung bakit ganun na lang ang depensa. Kasi ano talaga, halimbawa, magiging isang Rustom Padilla ang isa sa dalawang lalaking nakita ko, okay, di ba? Wala namang masama.”

Samantala, sa kabila ng mga pangyayaring ito, inamin ni Lolit na handa naman siyang makipag-usap sa dalawang aktor.

Paliwanag niya, “Actually, sabi ko hindi ko sila kilala, hindi nila ako kilala, kaya ano ang magiging motibo ko para sabihin ko ang mga bagay na ito? At wala naman ako mapapala, hindi naman ako magkakapera dito.

“Kaya nga any time they want to talk to me, okay. Kung sabihin nilang wala sila doon, hindi sila ang nakita ko, okay maniniwala ako. Kung gusto pa nga nila i-deny ko na, e.”

Source: PEP

Ruffa Gutierrez on relationship with Yilmaz: “There’s nothing, no development.”

 ruffaa_g1.JPG

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng fantaserye ng ABS-CBN na Kokey. Nakausap namin ang isa lead stars dito na si Ruffa Gutierrez at agad naming kinumusta sa kanya ang asawang si Yilmaz Bektas. Pero ayon sa aktres, wala raw siyang masasabi dahil ang estado ng relasyon nila ng Turkish husband ay may pagka-kumplikado.

“There’s no ending yet, that’s why I can’t say that there’s a new beginning. There’s nothing, no development,” sabi ni Ruffa.

Hindi naman daw totally nawala na lang si Yilmaz sa buhay niya dahil ito pa rin ang ama ng kanyang mga anak.

“We still talk, but not as often as before. We have to talk about the kids, yun na lang. Of course, ang masaya sa nangyayaring ‘yan ay ang Mommy ko [Annabelle Rama]. ‘Yan naman ang gusto niya, and that’s what happened.

“Pero ang talagang wish ko kasi, intact ang family. You all knew naman that I grew up na buo ang pamilya namin, kaya ganoon din ang gusto ko sana.

“Minsan nade-depress ako but, there are times na masaya. Depende na lang sa nararamdaman ko, pero I can’t say na totally happy ako,” paliwanag ni Ruffa.

NOT TOTALLY HAPPY. Tama na raw muna kay Ruffa na nagtatrabaho siya. Sa kontratang pinirmahan niya sa ABS-CBN, mayroon siyang dalawang regular shows ngayon—The Buzz at Kokey.

“I feel so blessed. Mayroon pa akong bagong endorsement, which is a skin whitening soap. Mayroon pang isa, na known and reputable beauty product. That means additional income and exposure,” nangingiting pahayag ni Ruffa.

Sa kabila ng mga pangyayari, hindi siya totally happy. Pero tama na sa kanya yung maramdaman niyang blessed siya.

“I’ll be a hypocrite if I will say that I’m happy, e, hindi naman nag-work ang marriage ko,” pag-amin niya. “Pero hindi dahilan ‘yon para balewalain ko ang magagandang bagay na nangyayari rin sa buhay ko. God is good to people with good hearts. Alam Niyang ang hangad ko lang, is to really take good care of my kids.”

Guaranteed ang nature ng contract na pinirmahan ni Ruffa sa ABS-CBN, na ang ibig sabihin, tiyak ang lahat ng proyektong nakasaad sa kontrata, for a year.

“Nasusunod yung dalawa, but I still have to do a dramatic teleserye. I just heard that they’re planning to give me Gumising Ka, Maruja as part of the Susan Roces Collections. Pero next year na siguro ‘yan. Wala pang sinasabi talaga sa akin.

“‘Yung isang light romance, hindi pa rin sigurado. Basta, apat na projects ‘yan, good for a year,” banggit niya.

Pero hangga’t hindi pa niya hinaharap ang pagma-materialize sa mga plano, magiging abala na muna siya sa mga ibinibigay na assignments sa kanya.

“Kailangan ko rin namang mamili, at hindi yata puwedeng kung ano na lang ang ibigay nila, okay na,” sabi ni Ruffa.

Very kid-friendly ang Kokey kaya enjoy si Ruffa rito, much to the delight of her two kids, Lorin and Venice.

“Tuwang-tuwa sila, pero sometimes ang hindi nila gusto, yung uuwi ako ng bahay na purple ang kulay ng face ko dahil sa make-up. They ask me, ‘What did Kakay do to you?’”tili ni Ruffa.

Si Kakay kasi ang nanay ni Kokey sa nabanggit na fantaserye ng Dos.

“Well, enjoy pa rin ako sa role ko kahit makati yung make-up na nilalagay sa face ko. Uncomfortable din ang costume. I don’t mind being an alien for the series. I just have to feel it’s Halloween every time!” at natawa na lang si Ruffa sa sinabi niya.

KAPAMILYA & KAPUSO. Since kuntento naman siya sa Dos, hindi kaya maisipan ng kapatid niyang si Richard Gutierrez na samahan na siya bilang Kapamilya, dahil ang dati nitong kapareha na si Angel Locsin ay nasa ABS-CBN na rin?

“Naku, malabong mangyari ‘yan!” mabilis na tugon ni Ruffa. “Bonggang-bongga ang career niya sa GMA-7! Hindi naman siya laos para gawin niya ‘yon. Ang mga lumilipat lang ay yung mga laos na.

“Nakakontrata sn Richard sa GMA-7 at alagang-alaga siya roon. Ang point lang diyan, walang dahilan para layasan niya ang Siete. Tama na yung ako na lang ang Kapamilya, at sila ni Raymond, mga Kapuso!” bulalas ng aktres bilang pangwakas.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails

« Previous EntriesNext Entries »

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com