More Recent News

  • Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

    Chemistry.com

  • Recent Chorvas


  • View My Stats
  • Advertise here

  • Follow Chuva Chienes on Facebook

Miss Puerto Rico Shares Story of Apparent Sabotage at Pageant

miss-puerto-rico.jpg

It was revealed by the officials at the Miss Puerto Rico Universe 2008 Pageant that the newly crowned (beautiful and stunning, I might add) Miss Puerto Rico Universe, Ingrid Marie Rivera, the day after the crowning that she claims she suffered from rashes and itchiness due to what seems to be pepper spray that was used on her evening gown, bathing suit and makeup kit to sabotage her chance to win the pageant.

It was rumored that the reason for the sabotage was because of the ‘inside job’ where she had already been chosen as the winner months ago.  Apparently, she was a judge last year and now she’s a contestant.  Rumors are also flying saying that she said this just to take away the news from the ‘inside job’ scandal.

Who wins – Kellie Pickler or Miss Teen South Carolina?

I cannot believe this. I hope she was totally kidding and wanting the kid to win but for the life of me, I was trying and trying to believe that she was but I could honestly say, she wasn’t. Kellie Pickler makes Miss Teen South Carolina look freaking brilliant.

Watch this:

Judy Ann Santos-Piolo Pascual loveteam is over and done with, says Juday

juday.jpg 

I wonder why Judy Ann would say this.  You never close the door on opportunities.  She knows as well as Piolo that they had a lot of following when they were paired as a love team.  I think she made a mistake in declaring this – - what do you think?

- Chuva Chienes 

Sa ikalawang pagkakataon ay bibigyang-buhay ni Judy Ann Santos ang character na una niyang ginampanan sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo—si Angie. Exactly one year after kasi ay ipalalabas na bilang kalahok sa 2007 Metro Manila Film Festival ang sequel ng naturang pelikula na Sakal, Sakali, Saklolo mula sa Star Cinema.

Pero ayon kay Juday, hindi niya nakikita ang sarili niya sa katauhan ni Angie. Malayong-malayo daw siya sa character na ginagampanan niya sa pelikulang pinagbibidahan nila ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo.

“Alam n’yo po, kung magiging kagaya ko si Angie, yun na po siguro ang magiging bingit ng paghihiwalay namin ni Ryan kapag naging si Angie ako!” natatawang pahayag ni Juday sa presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo kahapon, November 29, sa 14th Floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound.

Dagdag niya, “Kung may similarity man siguro ko sa character ni Angie, ito lang siguro yung pagpapalaki sa bata. Pero malayo po kami ni Ryan kay Jed at Angie. Hindi ko po kakayanin si Angie dahil sobrang daldal niya at taklesa!”

Read more

Britney’s pregnancy: In Touch sets the record straight

Contrary to the statement J.R. Rotem released on November 28, In Touch has documented proof that on Monday, November 26, the music producer did indeed confirm in these text messages that Britney is pregnant and that he is the father. When asked about rumors about Britney’s pregnancy and whether he is the father, J.R. texted “It’s true.” And when questioned about Britney’s intentions regarding her unborn baby, he responded, “No clue on what she will do. She is unpredictable.”

spearsrotem1129.jpg

Pick up In Touch for the latest on Britney’s baby.

Source

Erap on Makati standoff: Don’t look at me

erap.JPG

A surprised Joseph Estrada denied that he had prior knowledge of the standoff in Makati City Thursday, saying he was busy for a medical mission in Quezon City with fellow opposition personalities.

The former president led the medical mission in Barangay Pag-asa with his wife, Dr. Luisa Ejercito, Makati Mayor Jejomar Binay and former senator Ernesto Maceda.

Following a speech, mediamen covering the event asked Estrada regarding the event that was unfolding in Makati. He denied that he knew about it.

“Hindi ko nga alam kung ano’ng agenda nila. Baka hindi pa ako kasama diyan (I don’t know what their agenda is. I may not even be included in their agenda),” he said.

Pressed for opinion, Estrada said he will monitor the events before he makes his next move.

Binay, meanwhile, declined media interviews despite the standoff that destroyed the lobby of one of his city’s luxury hotels, the Peninsula Manila.

After the medical mission, Estrada and his supporters motored off to a hotel in Quezon City to rest. Mediamen were barred from tailing the former president’s convoy for security reasons.

The former president went home to his mansion in Greenhills, San Juan City around 2 p.m.

At the height of the siege in Makati, meanwhile, reports reached abs-cbnNEWS.com that vehicles with alleged supporters of Estrada were on their way to support Sen. Antonio Trillanes IV, Army Brig. Gen. Danilo Lim and renegade soldiers.

Reports said residents of a squatter’s area in Quezon City were on their way to Makati.

In Manila, police said officers blocked four jeepneys loaded with some 100 Estrada supporters on their way to Makati.

The Philippine Star report said members of People’s Movement Against Poverty (PMAP) came from Isla Puting Bato in Tondo, according to Chief Superintendent Roberto Rosales.

Members said they were each paid P500 and promised free meals. Each vehicle was hired for P700.

Those apprehended named a certain Vergenia Balondo Totay of Purok 3 in Isla Puting Bato as the organizer. They said they were told to proceed to Makati, where they will converge with other groups on their way to the Peninsula Hotel.

The PMAP, headed by Ronaldo Lumbao, is composed of staunch Estrada supporters who figured in several protest rallies against the government, according to intelligence reports. Read more

TV Ratings (Nov. 26-28): “Whammy!” and “Daisy Siete” battle for daytime supremacy

whammy.JPG

Whammy! Push Your Luck and Daisy Siete once more took turns for the No. 1 spot this week in the daytime race while Marimar continues its grip on the primetime leadership despite the pressure being exerted by Kamandag.

For Monday, November 26, Whammy! Push Your Luck managed to pull out from a squeaker against the 17th season of Daisy Siete titled “Ulingling.” Paolo Bediones and Rufa Mae Quinto’s game show collected a slim 25.9 percent rating versus the 25.8 percent clip accumulated by Daisy Siete.

Trailing the leaders were Eat Bulaga! (24.4 percent) and the dangerous Kapamilya, Deal or No Deal (21.1 percent). Both shows nailed the third and fourth spot, respectively.

Carrying a much safer lead, Whammy! confidently asserted its presence the following day, November 27, through its 26.1 percent showing. Daisy Siete, on the other hand, garnered a 22.3 percent rating to settle at second place.

There’ll be no three in a row feat, however, for Whammy! as Daisy Siete finally caught them taking a nap on November 28, Wednesday. Pouncing on the opportunity, Daisy Siete overtook Whammy!, which slipped to third place behind Deal or No Deal‘s 22.9 percent rating. The rest of the daytime contenders remained pretty much the same except for Prinsesa ng Banyera, which nailed the tenth spot based on the strength of its 12.3 percent rating.

The primetime battle remained one-sided.

Talking about the top spot, Marimar remained unruffled despite Kamandag‘s unrelenting hustle. On November 26, Marian Rivera and Dingdong Dantes earned 44.9 percent while Kamandag gathered 41.4 percent.

Despite relinquishing the second spot since Kamandag‘s entry, Zaido is still an adversary to contend with. Last Monday, November 26, Zaido took the fourth spot, pacing 24 Oras‘s 36.3 percent rating.

Pangarap na Bituin and Princess Sarah were also engaged with their own battle. November 26 witnessed Princess Sarah getting the better of Pangarap na Bituin as proven by its 26.7 percent rating against the latter’s 25.2 percent. The next day weaved a different result as Pangarap na Bituin gained a 27.1 percent rating while Princess Sarah gathered 26.0 percent.

Read more

Angelica Panganiban rushed to hospital due to hyperventilation

angelica.JPG

Magtatapos na noon ang Book 1 ng Maging Sino Ka Man nang pumasok ang isa sa mga bagong characters ng naturang ABS-CBN soap opera—si Angelica Panganiban. Misteryosa ang dating ng character niya na bigla na lang sumulpot dito at hanggang sa magtapos ang Book 1 ay walang naging linaw kung ano ang totoong koneksiyon niya sa apat na lead cast ng serye na sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis, at Sam Milby.

Sa huling episode nito, hindi na lang si Angelica ang ipinakita kundi maging si Rosanna Roces. Hudyat na siguradong hindi lang doon nagtatapos ang Book 1 at siguradong totoo ang napapabalita pa lang noon na may Book 2 ang naturang serye.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa presscon ng Book 2 ng Maging Sino Ka Man last November 27, naikuwento ng young actress kung gaano kabigat ang character na ginagampanan niya sa primetime series na ito ng ABS-CBN.

“Sa ngayon, sa sobrang bigat, hindi ko alam kung ano ang pinasok ko! Sobrang bigat pala ng teleserye na ito!” natatawa niyang sabi.

Kuwento pa ni Angelica, sa taping daw nila isang araw bago ng presscon ay bigla siyang naisugod sa hospital.

“Nag-hyperventilate ako kasi everyday kaming nagte-taping,” panimulang salaysay ng young actress. “So, parang everyday mabigat ang karga mo at hindi mo naire-release sa maayos na paraan. So, kahapon [November 26] ng umaga, nang nagte-taping kami, tumatakbo ako at hinahabol ako ng nanay ko [Rosanna]. Umiiyak kaming dalawa. So, ilang takes ‘yon.

“Siyempre, ang hirap sundan ng camera. Takbo ulit. ‘Tapos may eksena kami ni Kuya Ipe [Philip Salvador], so parang ang lahat nandito lang [sabay turo sa dibdib niya]. Parang gusto mong sumabog. So, noong gabi na siya, parang noong buong araw nga, parang nanginginig ako. Nahihirapan akong huminga kasi nga may sakit ako sa puso, di ba? So, alam ko na hindi na normal ang paghinga ko.

“So, noong gabi, biggest scene sa akin yung kukunan. Noong binabasa ko pa lang ang script, kinakabahan na ako. Kabadung-kabado na ako. Nanginginig na ako. Sinabi ko sa kasama ko, ‘Ate, pahingi naman ng tubig. Siyempre, nakabihis na ako, nag-i-internalize na ako. ‘Tapos, noong nilalagyan na ako ng garter for lapel, nanginginig ang paa ko na hindi ko na siya makontrol. ‘Tapos, sabi nila ang lamig ko nga raw hanggang sa wala na akong namalayan,” lahad ng young actress.

Read more

Gladys Guevarra’s manager is last to know about her entry in PBB house

gladys_g.JPG

Bumulaga na nga sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ang comedienne na si Gladys Guevarra bilang bagong housemate kahapon, November 28, sa Uber edition ng reality search ng ABS-CBN.

Bilang naturingang manager ni Gladys, sunud-sunod ang tanong sa amin ng ilang kaibigang entertainment writers nang malaman nila ang pagpasok ng aming alaga sa Bahay ni Kuya.

Clueless talaga kami sa desisyon ni Gladys na pumasok sa Bahay ni Kuya. Wala rin namang kumontak sa aming taga-ABS-CBN upang ipaalam na magiging housemate ang aming alaga sa PBB Celebrity Edition. Wala ring sinabi sa amin si Gladys sa plano niya noong bumalik siya ng bansa last November 16.

Pero last Monday, November 26, nakatanggap kami ng text message galing kay Gladys. Nagpapaalam siya dahil meron daw siyang matinding desisyon na kailangang gawin.

Bago bumalik ng bansa si Gladys after three months sa New Jersey kasama ang boyfriend na si Philip Peredo, a day before (November 15) ng dating niya ay tumawag siya sa amin. Kailangan daw ang presence niya sa pagbubukas ng branch ng Lugawan Republic niya sa Metrowalk na nagbukas last November 22 sa publiko.

“May offer ba sa akin ang GMA? Kung wala, pasok tayo sa ASAP,” sambit ni Gladys sa amin sa phone. Ang tinutukoy ni Gladys ay ang musical variety show ng ABS-CBN.

Of course, hindi muna kami nag-commit. Sinabihan lang namin siyang bumalik muna at saka kami nag-usap.

Pagdating niya, sa guesting ng StarTalk noong November 17 na kami nagkita. Sa Manila Peninsula sa Makati City pala siya naka-check-in, courtesy of her boyfriend.

She was in her usual self habang kumakain kami sa lugawan niya sa Timog, panay ang kuwento niya ng ginawa niya sa New Jersey na buhay prinsesa raw sa piling ni Philip. Ipinakita pa nga niya ang singsing na ibingay sa kanya ng boyfriend niya.

Pagkatapos ay nagkita kami kinagabihan nang mag-show siya sa Klownz Quezon Ave. Wala pa rin kaming hinagap na may hakbang siyang gagawin.

Nagkita kami ulit sa opening ng Lugawan Republic sa Metrowalk noon ngang November 22. Kinausap namin siya sa isang booking na tinanguan niya, pero the next day ay kinansel din niya.

Hanggang sa nag-text siya sa amin last Monday, November 26, informing us na hindi muna siya tatanggap ng trabaho sa amin. Pero nandoon pa rin daw ang respeto niya sa amin. We respected her decision to part ways.

Then, naka-receive kami ng text last Tuesday night from our other talent, Teri Onor, asking kung papasok ba sa PBB si Gladys. Nalaman daw niya sa plugging ng show.

We denied knowing about Glady’s decision na pumasok sa PBB. But deep inside, alam naming gusto niyang mapanood siya ng boyfriend niya sa Amerika komo walang GMA Pinoy TV roon kundi The Filipino Channel (TFC) lang.

Read more

Bobby Andrews discusses ups and downs of being family man

bobby_andrews2.JPG

Kasama si Bobby Andrews sa pang-MMFF entry ng Imus Productions na Resiklo. Hindi maikakaila ni Bobby ang kanyang tuwa dahil so far, hindi naman daw siya nababakante ng projects, mapa-movies or telebisyon man.

 

 

Malaki rin ang kanyang pasasalamat kay Senator Bong Revilla dahil isa raw ito sa nag-kunsidera na isali siya sa cast ng naturang pelikula. Aniya, he’s really proud to be part of the movie.

 

 

And among his peers, si Bobby na lang yata ang visible pa rin sa showbiz. “Siguro kasi, yung ibang mga kasama ko, they concentrated in other things. Like si Red Sternberg, sa ibang work siya nag-concentrate. Si Onemig Bondoc naman, sa business niya at si Michael Flores, ang alam ko, may mga ginagawa pa rin naman siyang project dahil alam ko, may show siya ngayon,” ang sagot ng dating member ng defunct youth-oriented show, T.G.I.S.

 

 

Pagdating naman sa kanyang marriage, more than seven years na raw silang kasal ng kanyang non-showbiz Chinese wife na si Bien Co. At ni minsan, never raw siyang nagsisi na pag-aasawa ang naging priority niya over his career.

 

 

“Sa totoo lang, wala akong pinagsisihan. You know, it’s funny…yes, it’s true I’m at the peak of my career before I got married, but what’s funny is that, when I got married, I was able to do roles na siguro, hindi ko magagawa during the time, na tipong matinee idol…I’m just so happy and so proud na napalawak yung range ko as an artist,” ang masayang pahayag ni Bobby.

 

 

Alam naman ng natin na nakilala si Bobby during T.G.I.S. days kung saan maituturing na isa sa pinakasikat na loveteam noon ang tandem nila ni Angelu de Leon. In fact, nagkaroon ang dalawa ng napakaraming pelikula under Viva Films.

 

At present, magkasama raw sila ni Angelu sa Super Inggo. When asked kung hindi ba nagiging isyu or napagseselosan ng asawa niya si Angelu or ibang nakakapareha niya, natawa lang si Bobby.

 

 

“Ay hindi, hindi siya nagseselos! In fact, ang nakakatawa nga niyan, yung wife ko, mas showbiz pa kaysa sa akin. Mas marami pa siyang kaibigan sa showbiz kaysa sa akin. Lahat ng mga functions, events, siya na ang hinahanap at hindi ako, which is funny, ‘no? Pero okey lang dahil kahit hindi siya part ng industriya, nagiging kaibigan niya rin ang lahat.

 

 

“Si Angelu, kaibigan niya rin. At saka kaming dalawa naman ni Angelu, mula noon at hanggang ngayon, when we work, ganoon pa rin kaming dalawa.”

 

 

Pagdating sa usaping pamilya, hindi itinanggi ni Bobby na dumaan at dumadaan pa rin sila ng asawa sa iba’t ibang pagsubok, especially during the first few years of their relationship. Pero never raw silang dumating sa punto na naisip niyang maghiwalay or magkakahiwalay sila.

Read more

Talent manager Alfie Lorenzo says he and Lolit Solis have love-hate relationship

lolit_alfie.JPG

Habang nagaganap ang tensiyon sa Manila Peninsula sa Makati City kanina, November 29, kalmante na magkausap sa cell phone ang talent managers at entertainment columnists na sina Lolit Solis at Alfie Lorenzo.

Ang kanilang topic? Ang mga giveaway nina Senator Manny Villar at DENR Secretary Lito Atienza na matagal nang hinihingi ni Alfie mula kay Lolit. Parang walang tampuhan na nangyari sa pagitan ng dalawa na ikinamangha ng mga kaharap ni Alfie. Ang kanilang tanong: “Pinaglalaruan lang ba tayo nina Alfie at Lolit?”

Nang magsalita si Alfie laban kay Lolit dahil idinamay siya nito sa Piolo Pascual-Sam Milby gay issue, marami ang humula na matinding away ang mangyayari sa pagitan nila dahil kapwa palaban ang dalawang showbiz columnists. Pero malabo o hindi mangyayari ang inaasahan na malaking away nina Lolit at Alfie.

Sa interview kay Tito Alfie, sinabi nito na hindi sila magkaaway ni Lolit at hinding-hindi sila mag-aaway dahil normal na ang kanilang love-hate relationship. Hindi rin daw basta masisira ng mga intriga ang kanilang pagkakaibigan na maraming taon na ang ibinibilang.

Ayon kay Alfie, nakababatang kapatid ang turing niya kay Lolit at kung naging matapang man ang kanyang mga pananalita, ‘yon ang paraan niya ng pagpapaalaala kay Lolit.

Read more

Derek Ramsey will compete in Asian Ultimate Frisbee, postpones knee operation

derek_ramsey.JPG

Isang challenge para Derek Ramsey na gampanan ang isang pobreng karakter sa Maging Sino Ka Man (Ang Pagbabalik) samantalang nakilala siya bilang isang mayaman na chef sa TV series na Ysabella. Kung kaya’t maraming nagtanong kay Derek noong presscon ng Maging Sino Ka Man Book 2 kung papaano nito gagampanan ang kanyang role bilang Joaquin na malayo sa katauhan ni Chef Mito sa Ysabella na ongoing pa rin hanggang Pebrero 2008.

“Mahirap ako dito [sa Maging Sino Ka Man],” pambungad ng aktor sa panayam sa kanya. “Ang challenge sa akin dito, the whole Chef Mito, tatanggalin ko sa mga mata ng mga tao. That’s my biggest challenge kasi everywhere I go, Chef Mito ang tawag sa akin.”

Sa ngayon, malaki ang pagpapasalamat ang aktor dahil natapos na nilang i-tape ang buong istorya ng Ysabella. Kung hindi ay mahihirapan itong gampanan nang sabay ang dalawang karakter.

“Ang hirap siguro pagsabayin ang dalawang karakter, one day ang Mito, one day ang Joaquin. At dahil tapos na nga ang taping sa Ysabella, I will have time, ‘yong mga mannerism ni Mito, matatanggal ko na sa sistema ko and start anew.”

JOHN LLOYD MOOD. Naging running joke na sa showbiz ang sinasabing “John Lloyd mood,” isang pag-ugali ng aktor na tatahimik lang ito sa isang sulok sa buong shooting para ‘di ito ma-distract sa pag-internalize ng kanyang karakter. Ini-apply din kaya ng aktor ang nasabing “mood” para agad maalis ang kanyang karakter bilang Mito at gagampanan ang bagong karakter na Joaquin?

“Alam mo hindi siya mood, e, it’s actually a good method especially kung mabigat ang eksena. For you to just stay by yourself and internalize and think about what you have to do, doon sa eksena kasi, at the end of the scene, mag-isa siya.” Read more

Paninindigan ko to!!!!!!! Walang kokontra!!!

Hay nako, wala na akong magagawa – talagang gustong ibulalas ng mga prends ko ang mukha ko rito sa internet. Kahit anong gawin kong tago, panay ang chorva ng mga byutipul prends ko – - gusto talaga ako nilang sumikat kahit A-lister na ko… he-he!! Dahil sa award na to, mapipilitan akong ibulgar ang sarili ko sa blog na to!

beautiful.JPGsexy.JPG

Kaya, dahil sa mga panunuya at pangdarambong ng mga lekat na ire!! At, due to papyular demand, ilalabas ko ang ang pinakahihintay na posting… the posting of all postings…

Unang pasasalamat ko ay kay Manay Malen dahil sa pagbigay niya sa ken ng awards na to, tapos, kay Manoy Bluepanjeet na nagbigay buhay sa blog ko dahil sa ipinilit pa niyang tapusin ang banner ko at favicon icons in between sa pagsusunog niya ng kilay (although may issues dahil kapag ginagamit ko yung bagong template, eh nag-e-exceed ang CPU errors ko kaya balik muna sa dati), then si Manay Reyna na hanggang ngayon ay namumuno sa sambayanan sa kalokohan. Si Manoy Ambo naman, na minahal ko ng panandalian dahil sa paglagay niya ng post kung paano magluto ng paniki – - eh yun pala, napitas na ang prutas niya. (he-he! joke lang Ambo). And for the inspiring blog of Manay Dom Lawrence at walang humpay na naghihintay na dumalaw ako sa monasteryo nila (Marami bang guwapo diyan? Kakilig naman!! he-he!).

Ita-tag ko ngayon si Manoy Diwa, Manay Tita Cee , Manang Ros , Minay Solitary Bird , Monay Life is Good . Sila ang mga unang naging kahalukay ko ng buhay dito sa blogging world. Dahil kay Reyna, nakilala ko sila at naka eyeball ko pa.

Tantararannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn!!

View the Pictures after the JUMP!

Read more

Fanny Serano’s Oasis

 fanny13.JPG

It could have been the biggest slump in Fanny’s beauty and fashion career. After years of attending to clients in his home salon on Annapolis Street in Greenhills, he was being “evicted” from the village. He explains: “Ang istorya nito, the homeowners association, para bang ayaw nila ako dun at maging business place ang lugar na yun.”


MORE PICTURES AFTER THE JUMP…

Read more

Bong Revilla: “Hindi ako santo.”

bong_r.JPG

Pakiramdam ni Senator Ramon “Bong” Revilla ay nabunutan siya hindi lang ng tinik kundi sibat pagkatapos niyang personal na humingi ng tawad sa kanyang ninong at dating Pangulo na si Joseph Estrada.Naganap ang pagbabati nina Senator Revilla at former President Estrada sa birthday celebration ni Precy Ejercito, misis ng kaibigan ni Bong at panganay na anak ng dating Pangulo na si Senator Jinggoy Estrada, noong November 21 sa Cirkulo restaurant sa Makati City.

Kuwento ni Bong sa presscon ng pelikula niyang Resiklo kahapon, November 28, noong una raw ay atubili siyang pumasok sa loob ng restaurant dahil sa sobrang kaba niya nang malaman niya na nasa loob na si Erap. Hindi niya raw kasi alam kung paano siya haharap kay Erap pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila sa EDSA Dos noong 2001.

Matatandaang kumampi si Bong sa panig ng oposisyon na nagnanais bumaba sa puwesto sa Erap matapos ibasura nag impeachment case laban dito. Napatalsik nga sa puwesto si Erap at pinalitan siya ni Gloria Macapagal-Arroyo, subalit nagkaroon naman ng lamat ang relasyon ni Bong kay Erap at maging kay Jinggoy.

Hinintay raw ni Bong ang kanyang misis na si Lani Mercado at sabay silang pumasok ng venue. Kahit nakita na raw ni Jinggoy si Bong, hindi raw siya nilapitan nito at tila binibiro pa na bahala siyang lumapit sa dating Pangulo.

Read more

Dingdong Dantes reassures Karylle, defends Marian Marian Rivera

dingdong.JPG

Nagkaroon ng unang presscon ang pelikulang Resiklo ng Imus Productions, na official entry for 2007 Metro Manila Film Festival, sa Annabel’s restaurant kahapon ng tanghali, November 28. Isa si Dingdong Dantes sa may mahalaga at malaking role na ginagampanan sa naturang pelikula.Kapansin-pansin ang billing ni Dingdong sa poster ng movie na bagama’t magkahanay ang pangalan nila ng leading lady ni Bong na si Jennylyn Mercado, nakakahon ang pangalan ni Dingdong. Tuloy, during the question-and-answer portion, may nagtanong kay Dingdong kung hindi raw kaya ‘tulad ng billing niya sa poster ay de-kahon din ang acting niya sa movie.

Pabiro naman itong sinagot ni Dingdong na, “Hindi lang siya naka-kahon, naka-sealed at naka-ribbon pa!”

Aware ba si Dingdong o nag-request sa side niya na kailangang naka-kahon ang name niya para mas maipakita ang weight ng pangalan niya by doing that?

“Alam n’yo, hindi ko rin alam,” sagot ng young actor. “Pero kung titingnan n’yo kasi ang movie, wala namang symmetry ‘yan, e. Hindi ko alam kung bakit may box. Ako kasi, personally, wala akong isyu sa ganyan. Actually, kung ako, tanggalin na nga lang natin. Kasi walang problema sa akin yung ganyan.”

Puring-puri rin naman ni Dingdong ang naging working experience niya sa Imus Productions at ang pagkakataon na makatrabaho niya si Bong Revilla.

Read more

Jennylyn Mercado not closing her doors to ABS-CBN

 

 mercado1.JPG

Isang very slim na Jennylyn Mercado ang dumalo sa presscon ng Resiklo—the official entry of Imus Productions for 2007 Metro Manila Film Festival—kahapon, November 28, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Jen plays the love interest of Bong Revilla sa futuristic movie na ginawa para sa mga bata, sa direksiyon ni Mark Reyes. Kumusta naman working with Bong na first time niyang nakatrabaho?

“I’m honored and flattered nang malaman ko pong ako ang napili ni Senator Bong na makatambal niya,” sagot ni Jen. “Masaya siyang katrabaho. Akala ko nga seryoso siya dahil isa siyang senador. Pero kapag nasa set siya, palabiro pala siya at hindi niya ipinakikitang mataas siya kesa amin. Nagbibiro siya at alaga niya ang buong cast at staff. Lagi kaming busog sa set dahil madalas siyang nagtatanong kung ano ang gusto naming kainin, ipabibili raw niya.

Read more

Sam Milby will not drop libel case against Lolit Solis unless she retracts and makes public apology

sam_solis.jpg

Kinuyog ng mga manunulat ang controversial actor-singer na si Sam Milby sa engrandeng presscon ng ABS-CBN drama series na Maging Sino Ka Man Book 2, kagabi, November 27, sa Plaza Ibarra sa may Timog Ave., Quezon City. Mainit pa rin kasing pinag-uusapan ang libel case na isinampa nila ni Piolo Pascual sa kolumnista at talent manager na si Lolit Solis.

May mga nakapansin na sobrang apektado si Sam sa pagdedemanda niya kay Manay Lolit dahil medyo haggard ang hitsura niya sa naturang presscon.

“Actually, ano, I’m shaving. Di ba, sa dulo ng Book 1 [ng Maging Sino Ka Man] may bigote ako? Pero ngayon, dahil sa movie na Big Love [with Kristine Hermosa and Toni Gonzaga], I have to keep it. Kasi ano, I go from shooting-taping, taping-shooting, ‘di ba? I can’t just grow it out all of a sudden then shave it. So, I need to keep it,” paliwanag ni Sam.

Nilinaw rin ni Sam na hindi siya apektado sa libel case na isinampa nila ni Piolo at hinahayaan na niya ang korte na mag-decide sa kaso. Pero sa kabila nito, may mga sinasabi pa rin daw si Lolit tungkol sa kaso. Ano ang masasabi ni Sam dito?

“I don’t really have anything to say,” sagot niya. “But like I’ve always said, na all we’ve asked for, the only thing we’ve asked for is the way we want to solve it—na retraction and public apology, and that’s it. And the truth is that it’s not true. That’s all we’ve been asking for.”

Nakahanda raw si Sam na bawiin any moment ang demanda niya kay Lolit kapag ni-retract nito ang kuwento at humingi ng public apology.

Read more

Jed Madela says he has nothing to do with Rachelle-Christian breakup

jed_madela.jpg

Nang pumutok ang balitang nag-break na ang magkasintahan na sina Christian Bautista at Rachelle Ann Go, lumabas din ang pangalan ni Jed Madela na siya diumanong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Ang balita pa nga, si Jed talaga ang boyfriend ni Rachelle at hindi si Christian.

According to stories, itinago raw nina Rachelle at Jed ang kanilang totoong relasyon dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa mga shows and concerts ‘pag sina Rachelle at Christian ang magkasama. Ngayon daw na balak nang i-reveal nina Jed at Rachelle ang kanilang relasyon, this break-up news popped out para nga namang makapasok na si Jed sa senaryo.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to talk to Jed last Sunday, November 25, during the live presentation of ASAP ‘07, he said that there’s no truth to this rumor. According to him, he was even amused by the different stories coming out.

“I don’t know where they got those information because definitely, it’s not true,” sabi ni Jed. “Magkaibigan lang kami ni Rachelle. Ever since nag-start ako sa ASAP… Actually, kahit wala pa ako sa ASAP at nagbabanda-banda pa ako, magkakilala na kami ni Rachelle. So it’s unfair na binibigyan nila ng malisya yung closeness namin.”

Read more

Gladys Guevarra enters “Pinoy Big Brother” house as the new celebrity housemate

gladys_g.jpg

Isang sorpresa na naman ang inihatid ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition sa kanilang mga masugid na manonood kaninang hapon, November 28 sa afternoon program ng nito na Über. Marami ang nagulat sa pagkakakita nila sa komedyanteng si Gladys Guevarra na ipinakilala bilang bagong housemate sa Bahay ni Kuya. Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas magmula nang bumalik sa Pilipinas si Gladys mula sa New Jersey, kung saan nagbakasyon siya kasama ang U.S.-based boyfriend niya na si Philip Pedero.

Kahit ang PBB host na si Toni Gonzaga ay excited nang makita ang kanyang Ate Gladys. Ang dalawa ay huling nagsama sa afternoon variety show na Eat Bulaga! sa kabilang network, ang GMA-7.

Matapos magyakapan ang dalawa, tinanong ni Bianca Gonzales, isa pang host ng PBB, si Gladys kung ano’ng pakiramdam na maging bahagi na ng mga Kapamilya.

“Siyempre ang saya kasi, una, ‘di ba, bago lang ‘tapos ang ganda ng welcome, ang warm. Wala namang, ano e… Hindi naman nakatali ang buhay ng bawat tao, e, so allowed ka namang gumalaw at magdesisyon ng mga bagay-bagay para sa ‘yo,” pahayag nmi Gladys.

Sa kanyang muling paglabas sa telebisyon, ipinarinig ni Gladys ang talent niya sa panggagaya ng mga boses ng iba’t ibang tao. Sa boses ni Mahal, sinabi ni Gladys, “Siyempre naman, nandito na ako sa Kapamilya. Pasensya ka na. Churi, Churi [sorry, sorry)]“At sa boses naman ni Annabelle Rama, “Alam mo, ‘Day, dito sa pagalabas mo sa Bahay ni Kuya, siyempre alam ni Ropa ‘yan, nagpaalam ako kay Ropa. Nagpaalam ako kay Ropa, ‘Day.”

At bago nga tuluyang pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya, tinanong ng hosts si Gladys kung ano ang kanyang expectations sa loob ng bahay. Aniya, “Hindi ko nga alam, e, siyempre lahat surprise pa ‘to for me. Pero nire-ready ko ang sarili ko dahil… Normal na buhay sa loob ng bahay. Gusto ko lang maramdaman kung papaano ako bibigyan ng task ni Kuya, kung papaano yung mga makakasama ko sa loob, kung papaano sila.”

Read more

Toni Gonzaga will not allow boyfriend Paul Soriano to enter Big Brother house

tonig1.jpg

Ilang beses binanggit ni Toni Gonzaga ang salitang “no” tanda ng pagtutol niya na pumasok ang kanyang kasintahan na si Direk Paul Soriano sa Bahay ni Kuya at maging housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nakunan ng pahayag ang young actress-TV host kagabi, November 27, sa engrandeng presscon ng Maging Sino Ka Man Book 2 sa Plaza Ibarra sa Timog Ave., Quezon City.

Ayon kay Toni, nakausap na niya si Direk Lauren Dyogi ng PBB na hindi nito papayagan si Paul kung sakaling hihikayatin itong pumasok bilang isang housemate. Naranasan na raw kasi ni Toni ang hirap sa loob ng Bahay ni Kuya noong naging guest housemate siya at ayaw niyang maranasan ito ng kanyang boyfriend.

“Hindi ko talaga siya [Paul] papayagan, masyadong maraming temptations. Mahirap tumira sa bahay na ‘yon kaya saludo ako sa mga housemates, kasi mahirap ‘yong ginagawang pagtu-torture ng emotion. Okay lang ‘yong pisikal na bagay. Kaya nga for you to survive a day inside that house is a big deal,” paliwanag ni Toni.

Sinabi ni Toni na sa apat na raw na pamamalagi niya sa loob ng Bahay ni Kuya ay totoo ang nakita sa kanya ng mga manonood.

“Mahirap naman mag-pretend sa bahay na ‘yon,” sabi niya. “Kahit anong gawin mong pagpi-pretend at pagpapanggap, lalabas at lalabas ‘yong totoo kasi 24 hours kang nandoon. Mahirap magkubli ng totoong pagkatao.”

MARIEL RODRIGUEZ. Hanggang ngayon ay isa rin si Toni sa nag-aabang sa paglabas ng kanyang co-host sa PBB at Entertainment Live na si Mariel Rodriguez mula sa Bahay ni Kuya. Ilang linggo na rin kasing nasa loob si Mariel bilang guest housemate at wala pang katiyakan kung kailan siya palalabasin ni Kuya.

Read more

Gerald Andreson believes that his Best New Male TV Personality award is not jinxed

ganderson.jpg

Itinanghal na Best Male New TV personality sa 21st Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Gerald Anderson, pero naka-tie niya ang Pinoy Dream Academy runner-up na si Ronnie Liang. Kapansin-pansin ang hindi pagsipot ni Gerald sa awards night kung kaya’t nalagyan kaagad ito ng kulay na parang hindi niya tanggap na naka-tie niya si Ronnie.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald ay nilinaw niya agad ang pang-iintriga sa kanila ni Ronnie. Ayon sa Fil-Am young actor, masaya nga siya na naka-tie niya sa natanggap na karangalan ang singer.

“I’m happy na ka-tie ko si Ronnie,” diin niya. “Bago nga siya but he has his own achievements naman as a singer. Hindi siya artista, pero sobrang magaling na singer ‘yan. Ang galing niyang kumanta and may mga hits songs na rin siya.

“Actually, siya nga ang nag-share sa akin kasi hindi ako nakaabot, so sayang talaga. Masaya ako kasi hindi lahat ng artista nananalo ng award. This is an inspiration for me to work harder.”

Gerald also explained kung bakit hindi siya nakasipot sa awards night. Isang out-of-town show pala na natanguan ng kanyang manager na si Jun Reyes ang rason kung bakit hindi siya nakarating.

Read more

Derek Ramsey on girlfriend Angelica Panganiban: “She’s my inspiration now.”

 

derek_angie1.jpg

Bagong pasok sa cast ng teleseryeng Maging Sino Ka Man Book 2 ng ABS-CBN ang character ni Derek Ramsey. Siya ang gaganap na Joaquin delos Santos at makakatambal niya ang real-life girlfriend na si Angelica Panganiban.

Masarap kausap ang binata dahil very candid at straightforward itong sumagot sa mga tanong at intrigang ibinabato sa kanya. Walang kiyeme, kumbaga.

Ang unang tanong ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal) sa kanya during the presscon of ABS-CBN’s upcoming TV series last night—November 28—sa Plaza Ibarra, Timog, ay tungkol sa pagsasama nila ni Angel sa isang proyektong pang-telebisyon. How does it feel na makakatrabaho mo si Angel (ang tawag ni Derek kay Angelica)?

“We’ve worked together sa Ysabella ni Angel. Excited uli ako working with her dito. Ever since, bilib na ako kay Angel as an actress, especially noong mapanood ko siya sa movie na A Love Story. She’s really good and great actress. I’m also looking forward working with new people. This is such a wonderful cast, and I’m so proud to be part of this teleserye,” bungad ni Derek. Read more

Rosanna Roces realizes the importance of her craft

Nagmamadaling umalis si Rosanna Roces sa malaking presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik kagabi, November 26, sa Plaza Ibarra, Timog, Quezon City.

 

Marami pa sanang gustong makipag-usap sa kanya matapos na siya’y maringgan ng mga kakaibang pagbabago sa kanyang trabaho, pero dahil nga sa balitang isinugod sa ospital ang kanyang ina-inahan, agad din niyang nilisan ang venue.

 

Iba ang karakter ni Osang nang humarap siya sa media along with the rest of the cast ng magsisimulang Book 2 ng PMPC Star Awards for Best Drama Series na Maging Sino Ka Man.

 

“Ewan ko, pero dumating na siguro ako dun sa point na yung pagiging artist ko naman ang gusto kong pansinin,” ang bahagi ng deklarasyon ng aktres.

 

Kung dati raw ay wala siyang pakialam sa “art” ngayon ay nais na ni Rosanna na tawaging “craft” ang lahat ng kanyang ginagawa.

Read more

Manny Pacquiao settles issues with Korina Sanchez and Cristy Fermin

Nagharap, nag-usap at nagkaunawaan na rin si Manny Pacquiao at ang mga nakaalitan niyang mga broadcasters na sina Korina Sanchez at Cristy Fermin last Friday afternoon, November 23, sa Friday’s restaurant na katabi ng Hotel Rembrandt sa Quezon City.

 

Narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkukuwento ni Korina sa pagharap nila ni Pacquiao sa morning show nila ni Ted Failon sa dzMM.

 

Pagdating naman sa afternoon show ni Cristy kasama si Jobert Sucaldito sa parehong istasyon, kinumpirma ng TV host-columnist ang pag-uusap nilang tatlong nasangkot sa kontrobersiya.

 

“Kami muna ni Manny ang nag-usap,” sabi ni Cristy. “Kapagdaka ay tinawag ko si Korina at pinapunta sa Friday’s. Parang alam na niya ang mangyayari, pero pumunta pa rin siya. Nag-usap nang personal yung dalawa kaya hindi ko alam ang detalye ng napag-usapan nila.

 

“Kami naman ni Manny, dalawang bagay lang naman yung naging puna ko sa kanya. Yung hindi niya pagpunta sa Manila nung nanalo siya sa laban niya kay [Marco Antonio] Barrera. Hindi raw niya alam ang schedule na ‘yon at nirerespto namin siya. Pangalawa na nga yung balitang pinatatanggal niya si Korina [sa ABS-CBN] dahil sinabing wala siyang utak dahil para sa matatalino ang larong poker.

 

“Sabi ko kay Manny, kapag may nakakarating sa kanyang paninira, huwag agad siyang maniniwala. Ako ang sandata niya sa mga naninira sa kanya. Pero kapag nagkamali siya, ako naman ang unang magbibigay ng pahayag laban sa kanya!” paliwanag ni Cristy.

 

Naging mapagkumbaba naman daw si Pacquiao sa usapang ‘yon, sa kabila ng mga tirang natanggap niya mula sa kolum ni Cristy. Matatandaang nagbanta pa nga si Manny na idedemanda niya ang kolumnista kung hindi nito ititigil ang pagtira sa kanya. Dagdag pa ni Cristy, si Pacquiao ang pang-anim sa mga celebrities na tinatawag niyang “anak” bukod kina Piolo Pascual, Cogie Domingo, Claudine Barretto, at dalawa pa.

 

Kinausap din daw ni Cristy ang isang bit player-stuntman na nakaikot sa mundo ngayon ng Pambasang Kamao.

 

“Sinabi ko lang na nung duguan pa lang ang kamay ni Manny, nandoon na kami sa tabi niya. Pero sila, nung itinataas na lang ang kamay niya bilang kampiyon at saka sila dumating. Kung magsasabi sila o manghuhusga sa mga tao, sabihin nila ‘yon nang harapan at hindi yung talikuran,” katuwiran ng TV host-columnist.

 

Incidentally, noong araw rin ng Biyernes nagkabati sina Carlene Aguilar at Cristine Reyes sa Hotel Rembrandt.

Source: PEP

Powered by ScribeFire.

Angelica Panganiban on boyfriend Derek Ramsey: “He’s almost perfect and he treats me like a princess.”

panganiban.JPG

Tiyak na magmamarka ang role ng young actress na si Angelica Panganiban
sa Book 2 ng isa sa pinakamalaki at award-winning teleserye ng ABS-CBN,
ang Maging Sino Ka Man.
Ginagampanan niya rito ang character ni Maria Lena Rubio Madrigal, ang
“jologs at lukaret” na anak ni Rosanna Roces. Kapatid niya sa ama si
Bea Alozno at mai-involve din siya rito kay John Lloyd Cruz.

Makakatambal din ni Angelica sa naturang serye ang kanyang real-life
boyfriend na si Derek Ramsey kaya’t tiyak na mas lalong lalalim pa ang
kanilang samahan dahil lagi silang magkasama sa taping. Tanong tuloy ng
entertainment press kay Angelica sa presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik kagabi, November 27, ay kung gaya nina Anne Curtis at Sam Milby ay magkakaroon din sila ng kissing scenes at love scenes dito.

“Naku, marami kaming kissing scenes dito ni Derek na dapat abangan!
Kayo ang mananawa sa dami ng kissing scenes namin at may love scenes
din kami!” natatawang sabi ni Angelica.

Nakunan na ba ang mga eksenang ‘yon? May kaba ba sa kanilang dalawa?

Read more

John Lloyd Cruz: “Hindi ko puwedeng ikumpara ang sarili ko kay Piolo.”


johncruz.JPG

Sa Book 1 ng Maging Sino Ka Man ay hindi maikakaila ang husay ng performance na ipinamalas ni John Lloyd Cruz, rason kung bakit siya ang nanalong Best Drama Actor sa ginanap na 21st Star Awards for TV ng Philippine Movie Pres Club (PMPC).

Ngayon ay magbabalik muli ang character ni John Lloyd na Eli sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man. Naitanong kay John Lloyd sa presscon ng naturang drama series ng ABS-CBN kagabi, November 27, sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City kung posible kayang isa na naman acting award ang naghihintay sa kanya dahil sa naturang role niya.

“Alam n’yo, medyo malayu-layo ang atensiyon natin diyan,” sagot ng mahusay na young actor. “Kasi sa bigat ng trabaho namin dito sa Book 2, hindi ka pa…or hindi mo naman agad maiisip ang award na makukuha mo. In other words, hindi ka naman magtatrabaho para makukuha ng award. Read more

Yasmien Kurdi to spend Christmas & New Year in Lebanon with her father

yasmienk.JPG

Kitang-kita ang pagiging slim ng katawan ngayon ng young actress na si Yasmien Kurdi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand opening and blessing ng 18th branch ng Forever Flawless sa SM Muntinlupa last Sunday, November 25. Ngarag-ngaragan daw siya dahil umaga na siya umuwi mula sa shooting nila ng Bahay Kubo, entry ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Last shooting day na po kasi namin sa Magdalena, Laguna. Tinapos na ni Direk Joel [Lamangan] ang eksena doon, kahit nga hindi naman siya dati nagpapaabot ng umaga sa shooting,” kuwento ni Yasmien.

Hindi raw alam ni Yasmien kung makakaabot sa original December 25 playdate nito ang Bahay Kubo, lalo pa’t napabalita nang makikipagpalit ito sa playdate ng isa pang entry ng Regal sa MMFF, ang Desperadas.

Ginagampanan ni Yasmien sa Bahay Kubo ang role ng isa sa mga adopted daughters nina Maricel Soriano at Eric Quizon. Sa pelikula ay gustong mag-artista ni Yasmien at minsang nagalit sa kanya si Maricel ay tumanggap siya ng sampal at sabunot dito. Hindi ba nagka-trauma si Yasmien sa eksena nila ni Maricel, lalo pa’t nabalitang nagkasakitan daw talaga sila?

“Hindi naman po and it’s an honor na nakatrabaho ko si Ms. Maricel,” saad ng young actress. “Alam ko naman po na ganoon ang eksena dahil nasa script. Pagkatapos po ng take, nag-sorry sa akin si Ms. Maricel.”

CHRISTMAS IN LEBANON. Tuloy ba ang Christmas vacation niya sa Lebanon, kung saan nakatira ang kanyang ama?

Read more

Iza Calzado has her own “film festival” as year 2007 ends

iza_calzado.JPG

Hindi makapaniwala si Iza Calzado na may tatlong pelikula siyang ipalalabas nang sunud-sunod ngayong magtatapos na ang 2007.

Naganap ang premiere ng independent film niya na Mona kagabi, November 16, sa SM North Edsa. Next week naman ay ipalalabas ang Batanes kung saan katambal niya ang Taiwanese superstar na si Ken Zhu ng F4. Kasama rin siya sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Desperadas, kung saan kasama naman niya sina Rufa Mae Quinto, Ruffa Gutierrez, at Marian Rivera.

ON DOING MONA. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Iza kagabi, kitang-kita na excited siya sa ginawa niya sa Mona dahil ang mga fans niya ang agad niyang kinausap pagkatapos ng premiere night. Ang role niya sa naturang pelikula ay Pinay escort sa Singapore.

“Two days lang kami sa Singapore. And mostly naman, nakita mo na most of them [shots] are indoors. ‘Tapos, at that time also, I was doing Atlantika, ‘tapos yung Shake, Rattle & Roll. I only had two days or three days to spare. Including na diyan yung paglipad ko or pagbalik.

Read more

Piolo Pascual says “Princess Sapphire” is the most special woman in his life

piolo_pascual.JPG

Matinee idol Piolo Pascual, despite the controversies brought about by his and Sam Milby’s case against Lolit Solis, found time to answer The Buzz’s 10 most controversial questions in 10 minutes yesterday, November 25. The multi-talented celebrity—and probably one of the most eligible bachelors today—looked ready for the question-and-answer session. Confidence seemed to ooze out of him and there was absolutely no hint of apprehension.

He is celebrating his 10th year in showbusiness at the Araneta Coliseum on November 30th.


Piolo Pascual – 10
Uploaded by starmometerdotcom

The relaxed and always smiling Piolo brought out a jovial mood with The Buzz co-hosts Boy Abunda and Cristy Fermin. After the exchange of pleasantries, they got down to business.

THE HUNKS. First question, is there any hope for a reunion concert with him and The Hunks—the all-male group composed of Diether Ocampo, Bernard Palanca, Carlos Agassi, and Jericho Rosales.

“Gusto po namin, kung papayagan,” Piolo replied, “But may ibang ginagawa ang mga kasama ko, e. Abala na po sila sa ibang bagay, but amongst ourselves, gusto talaga namin sana. You know, in time.”

Read more

Alfred Vargas says why make a big deal of gay issue if it’s not true

alfred_vargas.JPG

Idinepensa ng sexy actor na si Alfred Vargas ang manager niyang si Lolit Solis dahil sa tindi ng pressure dito ng libel case na isinampa nina Sam Milby at Piolo Pascual.

“Basta ako, natural lang na susuporta sa manager ko,” sabi ni Alfred. “Loyal ako kay ‘Nay Lolit. Walang laglagan sa pagkakataong ito, at naniniwala ako sa kanya. Pinaninindigan naman niya ‘yan, e.”

Dinalaw si Alfred sa taping ng My Only Love sa Lamayan St., Sta Ana, Manila, para makuha ang panig niya, lalo sa pagkakasangkot na rin ni Alfie Lorenzo sa mga usapin tungkol sa demanda kay Manay Lolit.

“Yung kay Tito Alfie, hindi kasi maliwanag sa akin ‘yan, e. I just don’t have to make a comment. I just hope that they would be able to settle whatever differences they have, kung mayroon man. Kasi, ang alam ko, magkakaibigan naman sila [Lolit and Alfie],” pahayag ni Alfred.

Si Alfred na mismo ay gagawing example ang sarili niya sa ganitong mga gay rumor.

Read more

Related Posts with Thumbnails

« Previous Entries

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com