Supporters visit FPJ’s resting place
It’s amazing how our culture is so strong that to this day, people are faithful to the departed. Respect is always given and I really appreciate that. The Philippine culture shows a lot of respect not only for elders for also for those who have died. Rarely would you see anyone disrespecting tombs even if they don’t know who’s buried underneath. I miss the overnight stay at Manila Memorial Park with cousins, aunts and uncles on November 1st. It was a place to bond with family members. A place with lots of good memories for me…
- Chuva Chienes
Halos tatlong taon na ang nakalilipas mula noong bawian ng buhay ang Da King of Philippine Cinema na si Fernado Poe Jr. pero buhay na buhay pa rin ang alaala nito sa kanyang mga taga-suporta.
Kahapon, ika-1 ng Nobyembre at Araw ng Mga Santo, daang-daang Pinoy ang dumagsa sa himlayan ni FPJ sa Manila North Cemetery; ang iba ay galing pa raw sa probinsiya. Bitbit ang mga posters at larawan ng kanilang idolo, pati na rin mga bulaklak at kandila, nag-alay sila ng dasal para sa Da King.
“Nag-iisa lang talaga siya. Siya ang aming action hero at presidente,” wika ng isa sa masugid niyang fan.
Samantala, ang maybahay ni FPJ na si Susan Roces ay nauna nang nagpunta noong ika-30 ng Oktubre. Ang dating pangulong Joseph Estrada naman ay bumisita, sa unang pagkakataon, noong ika-31 ng Oktubre.
Namatay si FPJ noong December 14, 2004, matapos atakihin ng stroke. Milyun-milyong Pinoy at mga kasamahan sa industriya at kaanib sa pulitika ang nakiramay sa naiwang pamilya ng Hari ng Pelikulang Pilipino at nakipaglibing.
Source: PEP
fernado poe jr manila memorial park pelikulang pilipino philippine cinema philippine culturePopularity: 4% [?]































