More Recent News

“Prinsesa ng Banyera” to end after one season, will be replaced by “Pare Koy”

pare_koy.JPG

Isang season lang pala ang itatagal ng Prinsesa ng Banyera nina Kristine Hermosa at Angelika dela Cruz. Napag-alaman ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa star ng isusunod na show kaagad dito, si John Prats. Kasali si John sa Shake, Rattle & Roll 9, “Christmas Tree” episode, at nakausap namin siya sa pictorial ng movie sa Valencia compound ng Regal kagabi, November 4.

Ayon kay John, this week, magsisimula na silang mag-taping nina Jason Gainza at Zanjoe Marudo ng isang comedy type of soap opera na may titulong Pare Koy. Sa darating na Tuesday, November 6, ang magiging first taping day ng comedy soap sa Quezon City area.

Ang mga role nila sa Pare Koy were culled from the characters na ginampanan noon nina John, Zanjoe, and Jayson sa defunct sitcom ng ABS-CBN na Aalog-Alog.

Sabi ni John, sa December na raw magpa-pilot ang Pare Koy pagkatapos ng Wowowee. This is the same time slot being occupied by Prinsesa ng Banyera ngayon katapat ang Sine Novela ng GMA-7 na Pasan Ko Ang Daigdig nina Yasmien Kurdi at JC de Vera.

Ang Prinsesa Ng Banyera ang unang afternoon soap ng ABS-CBN after a long while. Bale isang season lang ang itatagal nito sa ere kung sakaling papalitan nga agad ito ng Pare Koy by next month.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails
«
»

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com