Three Regal movies invited to two international film festivals
chuvachienes on Uncategorized
Hindi lang mga independent movies ang naiimbitahan ng mga international festivals, kundi pati rin ang mga mainstream movies. Nakatanggap ng dalawang letters of invitation ang Regal Entertainment recently, one from the 20th Tokyo International Film Festival sa Japan, and the other from the 23rd Torino GLBT (Gay, Lesbian, Bisexual, and Transgender) Film Festival sa Turin, Italy.
Invited ang dalawang 2006 Metro Manila Film Festival entries ng Regal—Super Noypi at ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh—for the Tokyo International Film Festival (www.tiff.jp.net/en, although wala pa sa listahan) na gaganapin this November 20 sa Tokyo, Japan.
Super Noypi starred Jennylyn Mercado, Mark Herras, Sandara Park, Katrina Halili, Polo Ravales, and John Prats.
Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh, on the other hand, starred Zsa Zsa Padilla, Rustom Padilla, Alfred Vargas, and Pops Fernandez.
Invited naman for competition sa Torino GLBT Film Festival (www.turinglfestival.com) ang dalawang gay-themed films ng Regal Films—ZsaZsa Zaturnnah again and Manay Po, both directed by Joel Lamangan. Manay Po starred Cherry Pie Picache, John Prats, Polo Ravales, and Jiro Manio.
Incidentally, may part two na ang Manay Po. Magkakaroon ng story conference and first shooting day next week. Scheduled playdate will be on January 30, 2008.
Source: PEP














ALJUR ABRENICA at LOVI POE, may international movie?
Written by Archie de Calma
December 7, 2008
MAYROON DAW FILIPINO indie film director from Hollywood ang interesadong gawan ng international movie sina Aljur Abrenica at Lovi Poe. Napag-alaman na ito ng GMA Artist Center at pumayag na ito sa kaso ni Aljur through his manager, si Rommel Gacho. Walang problema kay Leo Dominguez na manager ni Lovi.
Kaya lang, may existing contract pala sina Aljur at Lovi sa Regal. Nakapagtataka na sa ganitong pagkakataon, hindi raw pumayag si Mother Lily Monteverde na gawin ng dalawang artista niya ang nasabing proyekto, lalo na nang mabasa na nila ang script.
Palagay namin, gusto lang bumakas ng Regal Entertainment sa proyektong ito. Ang point lang dito, wala naman daw malinaw na plano kina Lovi at Aljur sa Regal. Itong huli, isinasali-sali lang sa kung anu-anong pelikula na tipong pamparami. Ganoon din si Lovi na minsan lang nakagawa sa Regal, and then, wala nang sumunod pa dahil ang nasagap namin, gusto itong paganapin ng roles na tipong best friend lang ng bida, which is a waste of time.
Kaya nga nakakapag-indie itong si Lovi, at siya ang bida sa pelikulang prinodyus ni Jacky Woo, ang Walang Hanggang Paalam, na anytime ay ilalabas na raw.
Nakatanggap kami ng e-mail from a certain Kriztine Diaz na nag-inform sa amin tungkol sa proyektong ito na malamang na hindi masimulan kung hindi nga papayag si Mother Lily.
Sabi pa niya sa e-mail, nakapag-organize na sila ng fan club para kina Aljur at Lovi, tinawag nilang Jury of Love. Ewan lang kung dahil sa naisulat naming ito, maka-catch namin ang attention ni Mother Lily, o baka tuluyang ibasura na lang niya ang Hollywood movie kuning at siya na lang ang mag-produce ng pelikulang pagbibidahan ng dalawa.