More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika

Lorna Tolentino supports manager Lolit Solis with hope for end to conflicts

lorna_t.JPG

Nakausap ang mahusay na aktres na si Lorna Tolentino sa grand opening ng Forever Flawless sa SM Muntinlupa kahapon, November 25. Inusisa namin si LT tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang manager na si Lolit Solis kaugnay ng libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban sa kanya.

“Wala naman akong masasabi kasi kanya-kanya kami ng battles na nilalabanan, di ba? Basta ang importante, nakasuporta ka kung sino ang may pangangailangan sa inyo. Pareho naman kaming nagsusuportahan sa isa’t isa,” bungad ni Lorna.

Anong klaseng suporta ang ibinibigay niya sa kanyang manager?

“Tumatawag ako sa kanya. Inaaalam ko kung kumusta na siya,” sagot niya.

Kumusta naman si Manay Lolit off-cam?

“Okay naman siya. Sa dami na rin ng pinagdaanan ni Manay, di ba? Ilang taon na ba siya?” sabi ni Lorna.

“Sabi nga niya, marami na talaga siyang pinagdaanan. Pero tungkol sa kaso niya, hindi ko masasabi kung ano ang chance niya. Hindi ko alam. Mahirap magkomento tungkol sa kaso, di ba?

“Baka naman eventually… Sa show business wala pa akong alam na nag-away na hindi nagkabati. Kasi eventually, parang nagkakapatwaran sila. Hindi man sila nagkikita, pero alam mo nagkapatawaran na, na okay na sila,” pahayag ng aktres.

Speaking of bati, nagkaayos na ba sila ng nakaalitan niya noon na si Rosanna Roces?

“Matagal na, Dyusko!” reaksiyon ni Lorna. “Matagal na, di ba nga? Wala namang problema ‘yon. Baka sabihin na naman niya bakit siya papatawarin. Huwag na nating pag-usapan. Basta ako, wala akong nega. Hindi na kailangang maging nega ngayon. Tama na yung nakaraan. Iba na yung takbo ng buhay. Kasi, kumbaga, ibang level, di ba?”

On December 23 ay magsi-celebrate ng kanyang birthday si Lorna kasunod ang Pasko at Bagong Taon. Sa bahay lang daw sila magse-celebrate ng holiday season ng kanyang pamilya.

“Sa birthday ko? Sa bahay pa rin. Hindi ako magbi-birthday,” aniya.

May wish ba siya para sa kaarawan niya?

“Dati hindi ako nagwi-wish, puro thank you ako. Ngayon, magwi-wish ako at alam na siguro ninyong lahat kung ano ‘yon,” diin ni LT, na obviously ang tinutukoy ay ang paggaling ng kanyang mister na si Rudy Fernandez.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails
« Ynez Veneracion not ready to settle down with boyfriend Mon Confiado
Mark Herras exasperated by playboy image and drug rumor »

Comments

3 Responses to “Lorna Tolentino supports manager Lolit Solis with hope for end to conflicts”
  1. mary ann says:

    ilove you ms lorna mary ann tayo 2

  2. mary ann says:

    sana maging mabuti ka
    pati mga anak nyo ni papa daboy we love you so much

  3. susan says:

    dapat lang magbago na kayo ng ugali lolit at lorna,maging aral na sa inyo na msamang manulot at mang agaw ng mga projects at role,masamang nag eescam ng awards…ang madaya kahit kailan hindi magwawagi..

    kawawa ka naman lolit kase laos na ni lorna kaya wla ka nang maharbat sa kanya.

    magaling ka sana lorna pero sana lumalaban kayo ng patas.lahat tuloy ng best actress awards mo questionable! kakahiya kayo

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled

Spam Protection by WP-SpamFree

Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com