More Recent News

  • Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

    Chemistry.com

  • Recent Chorvas


  • View My Stats
  • Advertise here

  • RSS Feed

  • Follow Chuva Chienes on Facebook

Rhian Ramos irritated by report linking her to Paolo Paraiso

rhian_ramos.JPG

Muling pinuntahan ang taping ng My Only Love para kapanyamin si Rhian Ramos sa latest issue na kinasasangkutan ng pangalan niya—ang diumano’y pagde-date nila ni Paolo Paraiso pagkatapos ng Star Awards for TV noong November 18.

“It’s funny ’cause there are people who want to put me in situations where I’m not actually in them,” pahayag ni Rhian. “Paolo and I are just friends, and it so happened that we have the same handler, si Michael Uycoco of GMA Artist Center, that’s why sabay na kaming nagpunta sa Star Awards that night.

“It was just for convenience. Kaysa magkahiwalay pa kaming magpunta doon, iisang sasakyan na lang ang naghatid sa amin, kasama namin siyempre yung handler namin,” paliwanag ni Rhian.

Iginiit ni Rhian na hindi raw sila magka-date ni Paolo. Katulad sa ibang pagkakataon na napuna ang closeness ni Rhian kay Mo Twister, binigyan din ito ng ibang kahulugan.

Ayon kay Rhian, “It’s really so funny because there are pictures of us, kami ni Paolo, na obviously taken sa Star Awards. Pero may nagpabago sa background, and they were even insisting that we went to Starbucks somewhere, at magka-date nga kami.

Read more

Angel Locsin enters “Pinoy Big Brother” house as guest housemate

angel_locsin.JPG

Amidst speculation and the unwanted news, pumasok na rin ang young actress na si Angel Locsin last Sunday night, November 25, sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Kaso, baka makaagaw ng atensiyon ang pagpasok ng isa pang celebrity this week—a much bigger one—ang international hip-hop singer na si Akon.Lumabas ngayong araw na ito, November 26, mula sa mga publicist mismo ni Angel na baka ma-preempt ang pagpasok ng young actress sa Bahay ni Kuya dahil naunahan na raw ito ng balita. Dahil advanced writing nga ang ginagawa sa diyaryo, hindi na nahabol na makorek ng publicists ni Angel ang kanilang mga naisulat sa columns nila dahil kagabi nga ay pumasok na ang young actress, na hindi agad nakilala ng mga natitirang housemates.

Kakaiba kasi ang pasok ni Angel sa Big Brother house. Para siyang sniper at pinagbabaril ng paintball ang mga male housemates. Later na lang siya nagpakilala, to the surprise of the housemates.

Nakibalita kami kung ilang araw ang itatagal ni Angel sa bahay. Ayon sa nakausap namin, limang araw lang daw sa loob ng Bahay ni Kuya ang dating GMA-7 artist.

Read more

Mark Herras exasperated by playboy image and drug rumor

mark_herras.JPG

Maagang dumating ang young actor na si Mark Herras sa grand opening ng Forever Flawless sa SM Muntinlupa kahapon, November 25. Mula sa Muntinlupa ay didiretso pa raw kasi siya sa last shooting day niya para sa Bahay Kubo, ang isa sa mga entry ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival.

“Pagkatapos ng Bahay Kubo, maluwag na ng konti ang schedule ko; taping na lang. Kapag wala akong taping, magbubuhat [workout] ulit ako. Talagang tumigil ako noon kasi sobrang wala nang time. Hindi rin ako nakapag- workout kapag maraming trabaho. Kaya ang nangyari, pumayat na lang ako,” lahad ni Mark.

Kahit pumayat ay masaya pa rin si Mark dahil tumangkad daw siya.

“Tama yung hula ko, tumangkad pa ako,” nakangiti niyang sabi. “Kasi yung kaibigan ko na dancer, mas mataas siya sa akin. ‘Tapos sabi niya, ‘Tumangkad ka ba?’ Kasi pantay na kami. Sabi niya, ‘Oo nga, tumangkad ka na.’

“Actually, feeling ko na tumigil ang pagtangkad ko dahil sa puyat. Hindi naman ganun kataas. Dati 5’7″ po ako. Ngayon, siguro mga 5’9″ na ako.”

BIRTHDAY CONCERT. Regalo nang maituturing ni Mark ang kanyang pagtaas ng ilang pulgada sa kanyang 21st birthday sa December 14. Pero bukod dito ay magkakaroon din siya ng birthday concert sa Music Museum sa mismong araw ng kaarawan niya.

Pinamagatang BAD (Bump And Dance), guests ni Mark sa kanyang birthday concert sina Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Rhian Ramos, Marky Cielo, Jose Manalo, Wally Bayola, Studs, Streetboys, Maneouvres, SOP Boys, Abztract Dancers, at Kids At Work.

Read more

Lorna Tolentino supports manager Lolit Solis with hope for end to conflicts

lorna_t.JPG

Nakausap ang mahusay na aktres na si Lorna Tolentino sa grand opening ng Forever Flawless sa SM Muntinlupa kahapon, November 25. Inusisa namin si LT tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang manager na si Lolit Solis kaugnay ng libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban sa kanya.

“Wala naman akong masasabi kasi kanya-kanya kami ng battles na nilalabanan, di ba? Basta ang importante, nakasuporta ka kung sino ang may pangangailangan sa inyo. Pareho naman kaming nagsusuportahan sa isa’t isa,” bungad ni Lorna.

Anong klaseng suporta ang ibinibigay niya sa kanyang manager?

“Tumatawag ako sa kanya. Inaaalam ko kung kumusta na siya,” sagot niya.

Kumusta naman si Manay Lolit off-cam?

“Okay naman siya. Sa dami na rin ng pinagdaanan ni Manay, di ba? Ilang taon na ba siya?” sabi ni Lorna.

“Sabi nga niya, marami na talaga siyang pinagdaanan. Pero tungkol sa kaso niya, hindi ko masasabi kung ano ang chance niya. Hindi ko alam. Mahirap magkomento tungkol sa kaso, di ba?

“Baka naman eventually… Sa show business wala pa akong alam na nag-away na hindi nagkabati. Kasi eventually, parang nagkakapatwaran sila. Hindi man sila nagkikita, pero alam mo nagkapatawaran na, na okay na sila,” pahayag ng aktres.

Speaking of bati, nagkaayos na ba sila ng nakaalitan niya noon na si Rosanna Roces?

“Matagal na, Dyusko!” reaksiyon ni Lorna. “Matagal na, di ba nga? Wala namang problema ‘yon. Baka sabihin na naman niya bakit siya papatawarin. Huwag na nating pag-usapan. Basta ako, wala akong nega. Hindi na kailangang maging nega ngayon. Tama na yung nakaraan. Iba na yung takbo ng buhay. Kasi, kumbaga, ibang level, di ba?”

On December 23 ay magsi-celebrate ng kanyang birthday si Lorna kasunod ang Pasko at Bagong Taon. Sa bahay lang daw sila magse-celebrate ng holiday season ng kanyang pamilya.

“Sa birthday ko? Sa bahay pa rin. Hindi ako magbi-birthday,” aniya.

May wish ba siya para sa kaarawan niya?

“Dati hindi ako nagwi-wish, puro thank you ako. Ngayon, magwi-wish ako at alam na siguro ninyong lahat kung ano ‘yon,” diin ni LT, na obviously ang tinutukoy ay ang paggaling ng kanyang mister na si Rudy Fernandez.

Source: PEP

Ynez Veneracion not ready to settle down with boyfriend Mon Confiado

ynez_veneracion.JPG

Aminado ang sexy actress na si Ynez Veneracion na kung ikukumpara ang relasyon nila noon ng boyfriend na si Mon Confiado ay ibang-iba sa itinatakbo ng relasyon nila ngayon.

For so many years of being together, kasal na nga lang ang masasabing kulang para masabing buo na talaga ang relasyon nina Ynez at Mon. Sinabi ni Ynez sa interview sa kanya na inaya na pala siya ng boyfriend na magpakasal this coming year, pero ayaw pa raw ng sexy actress na pumasok sa buhay may-asawa.

Read more

Marian Rivera flies to Vegas November 30 amid hectic schedule

marian_rivera.JPG

Wala na raw panahon sa mga personal na lakad niya ang young actress na si Marian Rivera. Simula nang sumalang siya sa primetime drama series ng GMA-7 na Marimar, hindi na raw siya talaga makahanap ng panahon para sa kanyang sarili. Tuluyan na raw talagang binago ng sobrang taas ng ratings ng Marimar ang buhay ni Marian Rivera. Sa isang kaswal na pakikipagkuwentuhan sa manager ni Marian na si Popoy Caritativo, sinabi nitong hindi na raw sila makatanggap ng mga schedule dahil halos lahat ng panahon ng kanyang alaga ay sa trabaho lahat napupunta. Sabay-sabay raw kasi ang proyektong dumarating, pero hindi naman daw nagrereklamo si Marian.

“She has everything to thank for,” sabi ni Popoy. “Para sa kanya, isang malaking suwerte itong biglaang pagbabago ng takbo ng career niya. At dahil dito, walang hanggan ang pasasalamat niya sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng matinding break.”

Ayon pa kay Popoy, marami raw silang natatanggap na inquiries mula sa mga show promoters hindi lang sa probinsiya, kundi sa ibang bansa. Pero talagang lagi nilang nabibitin at hindi masagot ang mga inquiries dahil hindi na talaga nila mahanapan ng panahon ang mga show proposals kay Marian.

“I just tell them that we will try when our sked allows us. Pero sa ngayon, talagang sarado ang schedule ni Marian. She tapes four times a week for Marimar ‘tapos yung ibang araw, sa pelikula niya sa Regal na kailangang makahabol ng playdate this Christmas, yung Bahay Kubo na kasali sa Metro Manila Film Festival. Wala talaga siyang time,” lahad ni Popoy.

Sa manager din ni Marian namin nalaman na tutulak patungong Las Vegas, Nevada, si Marian sa darating na November 30. Babalik daw ang young actress sa Pilipinas sa December 8 pa.

“That means na lahat ng mga araw niyang natira bago umalis, kailangang mag-taping siya sa Marimar para may pambangko silang mga episodes habang wala siya rito. Pagbalik naman niya sa December, lalagare naman siya kay Mother Lily dahil gaya ng sinabi ko, kailangang matapos ang pelikula [Bahay Kubo] bago mag-Pasko,” sabi ni Popoy. Bukod sa Bahay Kubo ay kasama rin si Marian sa isa pang MMFF entery ng Regal, ang Desperadas.

Makakasama ni Marian si Dingdong Dantes sa Las Vegas dahil sila ang ipadadala ng GMA 7 para i-promote ang opening ng Pinoy TV sa naturang lugar. Does this mean na tuloy na sa pagbabakasyon si Marian?

“Ay hindi po, trabaho lang po talaga!” tanggi ni Popoy. “Masyadong hectic ang itinerary nila ni Dingdong pagdating doon at sa tingin ko, kalahating araw lang yung bakante niya for her personal. Halos wala talaga, dahil pagbalik niya rito, trabaho muli ang aasikasuhin niya.”

Kailangan daw maghintay ang mga provincial promoters hanggang Enero kung sakaling malinis na nila ang takbo ng schedule ni Marian.

“Pagdating po ng Enero, saka ko pa lang puwedeng sagutin ang maraming inquiries sa amin,” panghuling sabi ni Popoy.
Source:PEP

Eric Quizon talks about playing father roles, singlehood, and dad Dolphy

quizon.JPG

Balik sa pag-arte ang aktor na si Eric Quizon pagkatapos magdirek ng sunud-sunod na mga programa sa GMA-7 at gumanap sa Regal Entertainment’s entry to the 2007 Metro Manila Film Festival, ang Bahay Kubo sa direksiyon ni Joel Lamangan. Nami-miss na rin daw kasi niya ang pagiging artista niya. Isa sa mga naka-inspire kay Eric na bumalik sa pag-arte ay nang mapanood niya muli ang pelikula nila nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Jackie Lou Blanco na Hihintayin Kita Sa Langit na idinirek ni Carlitos Siguion-Reyna.

Bukod sa pelikula, balik-ABS-CBN din si Eric bilang artista sa remake ng Annaliza na ipinalabas noon sa GMA-7. Dapat sana ay simula na ng taping ni Eric ng Annaliza noong Biyernes, November 23, pero ayon sa actor-director ay may inaayos pa sa script ng bagong teleserye ng Kapamilya network.

“Magre-resume kami sa Monday. May Book 1 and 2 rin ang Annaliza. Yung Book 1 nung bata pa siya at yung Book 2, si Maja Salvador. Kasama rin ako sa Book 2 kasi ako ang tatay ni Maja,” kuwento ni Eric sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Bahay Kubo last Friday, November 23, sa Imperial Palace Suites.

REEL FATHER. This is the second time para kay Eric na maging tatay ng isang young star sa isang primetime soap opera.

“Nagawa ko na siya before,” sabi niya. “The very first time I did father role was nung kay Claudine sa Saan Ka Man Naroroon. During that time, Claudine was mga 18 or 19.

“Actually, nung una, supposed to be bata pa si Claudine kaya okay pa, e. Pero nung naging dalaga na siya, medyo nahirapan akong mag-adjust kasi iniisip ko kung paano ako magkakaanak ng eighteen years old kung thirty lang ako.

“Ang nangyari nun, the way I treated it was medyo light na parang younger sister ko lang si Claudine, pero tatay niya ako. Pero nahirapan talaga ako maka-relate na tatay niya ako doon kasi wala pa talaga akong experience sa pag-aalaga bukod siyempre mga pamangkin. Malaki nga kasi ang pamilya namin,” paliwanag ni Eric.

On a personal note, at 40 years old ay wala pa ring anak si Eric in real life. Kilala ng publiko ng mga Quizon na matitinik sa chicks at sagana sa pagkakaron ng mga anak.

“Oo nga,” ngiti ni Eric. “Wala pa, e. Although, gustung-gusto ko na siyempre na magkaroon ng anak.”

Is it by choice?

“It’s not a choice,” sagot niya. “I mean, as much as possible gusto ko magkaroon ng sariling anak and all that. Nothing’s keeping me, nothing’s holding me. It’s just that siguro sa circumstances na nangyayari. Marami akong inaasikaso muna. Kumbaga, naiisip ko man ‘yon, of course, iba yung… Well, darating din yun.”

Sa pelikula nila ni Maricel na Bahay Kubo, bukod sa anak nila sa movie na si Shaina Magdayao ay nag-ampon din sila ng anim na iba pa. Okay ba kay Eric ang ideya na mag-ampon ng bata?

“Puwede rin, bakit hindi?” aniya. “Kung ibinigay sa akin yung bata, tatanggapin ko. Pero yung para maghahanap pa ako ng aampunin, hindi siguro. Kasi iba yung nandiyan na at ibinibigay sa ‘yo yung bata. Hindi ko matatanggihan ‘yon o ipamigay ulit. Aampunin ko ‘yon kasi it was God- given.”

COMEDY KING. Samantala, tinanong din ng PEP si Eric tungkol sa kalagayan ng kanyang ama na si Dolphy. May balita kasi na isa sa mga dahilan kung bakit hindi na ipinagpatuloy sa ere ang John En Shirley—ang sitcom ni Dolphy with Maricel Soriano and Susan Roces sa ABS-CBN—ay dahil sa sobrang mahina na raw ang Comedy King.

“No,” paglilinaw niya. “Right now…I must admit na couple of months back, mga early this year, medyo mahina siya. He has a problem sa kanyang respiratory system, because of his asthma. Pero lately, the last six months, ganyan, okay siya. Wala na yung…kasi before may sumusunod na oxygen tank sa kanya. May kasama siyang nurse parati. Now, tinanggal na ‘yon kasi okay na yung kondisyon niya.”

Bilang patunay na okay na ang kanyang ama, ikinuwento ni Eric na nakipag-meeting ang Comedy King kay Vic Sotto para sa pelikulang pagsasamahan nila a day before ng presscon ng Bahay Kubo. Habang nagpi-presscon si Eric for Bahay Kubo, may pictorial naman ang komedyante para sa People Asia magazine.

“Kasi he was chosen, like, Asia’s Man of the Year, parang ganyan,” banggit ni Eric.

“My Dad is eighty years old. I mean, kumbaga, ang dami na rin niyang pinagdaanan. Pero ngayon, I can say na malakas siya. Sinasabi nga namin, parang na-renew ang spirit niya. Siguro ano lang siya…he’s a type of person na hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho, e. Gusto niya ganun. Mas nanghihina siya kapag walang ginagawa. Because of that also, nagkaroon siya ng chance na makagawa ng ibang bagay.

“Maraming naka-lineup na pelikula sa kanya na gagawin. So movies muna siya ngayon and at the same time, tinatapos namin yung book niya. Wala pang title, but it’s his autobiography.”

Natanong din namin si Eric kung may partisipasyon siya sa nalalapit na kasal ng bunso niyang kapatid na lalaki na si Vandolph sa dancer na si Jenny Salimao.

“Wala, bisita,” sabay tawa ni Eric. “I’m not part of the entourage kasi alam ni Vandolph na parati akong wala, e. But I’m happy for him.”

Source: PEP

Alfie Lorenzo dares Lolit Solis’s ghostwriters to come out in the open

alfie05.jpg

Dismayado si Alfie Lorenzo sa pagkakadawit niya sa isyu ng kapwa kolumnistang si Lolit Solis na nahaharap sa P12 million libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby.

Sa kanyang column sa Abante noong Miyerkules, November 21, naisulat ni Alfie, “Mistulang Makapili si Lolita [Lolit Solis] na naghahanap ng mga kakampi.”

Tinatawag na Makapili ang mga taong traydor na halaw sa mga Pilipinong pumanig sa mga dayuhan nang panahon ng mga Hapon.

 

Matatandaan na kinuwestyon ni Lolit ang pagsasampa ng kaso nina Sam at Piolo laban sa kanya. Aniya, bakit sa kanya lamang umalma ang dalawa gayong ang ibang kolumnista naman daw tulad nina Peter Ledesma, Pete Ampeloquio, at Alfie Lorenzo ay lantarang sinasabing bakla si Piolo.

 

Sa taped interview ng Entertainment Live kahapon, November 24, inamin ni Alfie na nagalit siya nang marinig niya ang tungkol dito. At ang paliwanag ng talent manager kay Lolit, “Isa lang siguro ang one-liner ko, Lolit, magkakapamilya kami dito. Lahat kami nagmamahalan, hindi nagdedemandahan. Siguro natatakot na siya talaga kasi binantaan na siya ni Atty. Joji [Alonso] na makukulong na siya.”

 

Sinulat ni Alife sa kanyang column, “Paninindigan na lamang ba ni Lolita ang ang sinulat ng kanyang “ghost writer” [meron nga kaya?] para hindi mabilad sa publiko na hindi naman pala siya [Lolit] manunulat talaga at iba lang ang sumusulat para sa kanya under her name?”

 

Sabay ang hamon niyang, “Speak up—Gorgy [Rula], Jojo [Gabinete], and Ronnie [Carrasco]. May alam ba kayo diyan?”

 

Sa interview naman ng Entertainment Live, naikuwento ni Alfie, “Three days ago, nakita ako ni Jojo, umiwas. Si Gorgy ayaw din.” Sinundan ito nang natatawang pahayag na, “Sabi ko, ‘Siguro isa sa inyo ang kriminal.’”

 

BE RESPONSIBLE. Ito ang isa sa mga naging mensahe ng kolumnista kay Lolit na ngayon ay eded 60 na.

 

Aniya, “Sixty years old, how come ganyan pa rin ang ugali niya, e, 60 na pala siya? Ako, aaminin ko, I’m 70 years old pero gusto kong itama kung anuman yung dapat itama, di ba? At wasakin kung anuman yung mali.”

 

Muli ding inalala ni Alfie ang mga panahong nagsama sila ng kapwa kolumnista. Sa kanyang huling mensahe, inihayag niya, “Lolit, it’s about time na makilala mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan. Kailan ka ba nag-umpisa? Saan ka ba nag-umpisa? Nag-umpisa ka sa akin, a.

 

“Magkakasama tayo sa Tower Productions, I was giving you ten pesos. Nagkasama tayo sa Regal Films, while I was getting P1,000, binibigyan kita ng P100. So, now you think you’re bigger than me? You think you know better than me? Hindi, a! Kailangan, you should be put in your proper place, e,” pagtatapos ng beteranong kolumnista.

Source: PEP

Martin releases statement about his non-appearance in Pop’s concert

martinn.JPG

Nakatanggap kami ng surprise text last Saturday afternoon (November 24) mula sa Concert King na si Martin Nievera. Unexpected sa amin ‘yon dahil mas malapit kami kay Gary Valenciano kesa sa kanya. Dedemahin sana namin ang text na ‘yon dahil baka isa siyang prank texter. But out of courtesy and part of cellphone etiquette, nag-text back kami ng, “Yes, can I help you?”

“Can you release a statement re going or not going to Pops [Fernandez] concert?”

Upang maging balanse sa bawat panig, pumayag kami sa kanyang request. Binanggit ni Martin sa amin kung kanino niya nakuha ang cell number namin, kaya hindi na kami nagduda na siya ang ka-text namin.

“I am just very, very concerned about all this talk about Pops supposedly saying that I might surprise her or that she hopes I come to her 25th anniversary concert,” kasunod na text ni Martin sa amin.

Nag-suggest pa kami kay Martin na i-email na lang niya sa amin ang official statement niya. But after ilang minutes, sa text pa din niya dinaan ang pahayag niya sa mga tinuran ni Pops sa nakaraang presscon ng Diva-Licious concert niya na gagawin sa December 8 sa Araneta Coliseum.

Heto ang statement ni Martin na una ninyong mababasa sa PEP (Philippine Entertainment Portal):

“Just tell all that as much as I would love to be there as her career turns 25, I will NOT be.

“It hurts me to have accepted work on that same day just to make sure I am not tempted to go. Why?

“After reading her YES! magazine and her last interview with Isah Red, I really don’t need to read anything more to get the hint that Pops doesn’t want me anywhere near her. Would you?

“My best wishes to our country’s Concert Queen. May all your wishes come true!” end ng text ni Martin tungkol sa kanyang dating maybahay.

Matatandaan na naging controversial para sa dating mag-asawa ang tell-all interview na ginawa ni Pops para sa October 2007 issue ng YES! magazine. Ang tinutukoy naman niyang interview ay may pamagat na “A Martin-less 25th year in show business” na isinulat ni Isah para sa broadsheet na Manila Standard Today.

Bukod pa rito, marami pang pinakawalang maaanghang na pahayag si Pops sa nakaraan niyang presscon para sa upcoming Diva-Licious concert. Naging dahilan pa ‘yon upang tumanggap ng kasabay na show si Martin (sa December 8 din ito sa SM Mall of Asia naman) para hindi na talaga siya magkaroon ng surprise appearance.

Kadarating lang ni Martin mula sa Guam at Saipan kung saan nagkaroon siya ng shows. Sa pagkakaalam namin, hanggang December 15 lang dito si Martin at sa Amerika siya magse-celebrate ng Christmas kasama si Katrina Ojeda and their baby boy Santino.

Source: PEP

Here’s the interview with Isah Red:

A Martin-less 25th year in show business

By Isah V. Red
TWENTY-FIVE years ago whenever someone mentioned Pops Fernandez’s name, immediately it would be followed by Martin Nievera’s. They were such an inseparable couple that their fans, either separately or united, couldn’t think of any of the two would do without the other.

Today, Pops is requesting, nearly begging in fact, the members of the media, if it would be possible, not to mention the name of her former husband in things written about her. “I have moved on, he has moved on. We have lives different from each other, so I don’t see why Martin should always be part of anything that is going to be written about me.”

Pops specifically refers to her forthcoming birthday concert and 25th anniversary celebration of being in show business for a quarter of a century at the Araneta Coliseum on Dec. 8.

The show is called Divalicious.

The singer, though, admits the inevitability of her name being attached to Martin’s (or vice versa) every now and then. “As a pair we have become part of the industry, and just like the other love teams whose members had gone their own separate ways, it will remain Pops and Martin or Martin and Pops for many years for as long people remember us as a tandem.”

Yet, on Dec. 8, Pops wants to mark her 25 years in show business as Pops Fernandez and not necessarily a part of a tandem that no longer exists.

Divalicious, which also features performances of Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Jay-R, Kris Lawrence and Sharon Cuneta, is, according to producer Arnold Vegafria (who is also Pops’ manager), the biggest and most expensive concert by a local artist.

It’s not unusual as everyone knows how fastidious Pops is with shows. She wants it to be perfect and with all the accouterments of a big production.

Especially this time that she is marking a quarter of a century of her life in the business, she wants to give an impression. “Really, after 25 years, it feels like I’m just starting all over again,” she shares. “I want a new beginning. I’m a more confident person and performer now.”

And she is starting without a Martin in her career path. “He will always be there, that’s for sure. But now, isn’t it great that I’m becoming me again?”

No, she’s not expecting Martin to be in the audience on Dec. 8. But she won’t prevent him from coming and watching her show.

“Martin is full of surprises, really. And for the last 25 years that I’ve known him and part of those years we’ve spent together, I will no longer be surprised if he pulls another one this time. I will be surprised if he wouldn’t,” Pops says.

Eric Quizon refuses to take sides in Lolit-Piolo-Sam controversy

eric_quizon2.JPG

Minsan nang pinagdududahan ang pagkalalaki ni Eric Quizon at minsan na rin nai-ugnay ang kanyang pangalan sa aktor na si Piolo Pascual ilang taon na ang lumipas. Sa naganap na press conference ng Bahay Kubo kahapon ng tanghali (November 23), hiningan ng reaksyon ang aktor tungkol sa ginawang pagdemanda nina Piolo at Sam Milby sa TV host/talent manager na si Lolit Solis sa kasong libelo. Ito ay may kaugnayan sa isinulat ng huli sa kanyang October 15 column na inilathala sa Pilipino Star Ngayon. Ayon kay Manay Lolit, nakita nito ang dalawang aktor na “nagbubulungan” sa coffee shop ng Sofitel Hotel noong October 12.

Ani Eric, “Alam mo, sana walang demandahan. I mean, kapag nililimitahan natin ang sarili natin sa industriyang ginagalawan natin na napakaliit, parang lalong liliit ang mundo natin. So sana walang mga ganun.”

Umaasa ang aktor na mapag-usapan nang matiwasay at buong-puso ang nasabing problema. “Sana ma-solve nila sa pamamagitan ng ‘amicable settlement’ or sana di na lang ito dumating sa punto na may mga korte-korte. Sana mapag-usapan nang mas malinaw at mas maganda.”

Sa puntong ito ay natanong namin ito kung kanino siya pumapanig. “Wala akong puwedeng panigan kasi maganda ang relasyon ko kay Manay,” pahayag ni Eric. “Kumbaga nag-uumpisa pa lang ako ay nandiyan na siyang tumutulong sa amin.

“In the same breath, ay may mga karapatan sina Piolo at Sam Milby at mayroon silang nararamdaman. Kasi hindi naman sila magre-react ng ganyan kung wala silang nararamdaman. Kumbaga respetuhin natin ang both parties. Like in my case, pareho ko silang kasamahan dito sa industriya, wala akong karapatan pumanig doon sa isang tao.”

ON DADDY DOLPHY. Nilinaw ni Eric na maayos ang kalusugan ng kanyang tatay na si Dolphy. Sa katunayan, may offer pa nga ang Kapamilya para sa Comedy King. “Hindi na siya nag-renew ng contract sa kanilang sitcom na John En Shirley dahil gusto muna nitong magpahinga,” paliwanag ni Eric, taliwas sa mga balitang “poor health” ang rason kung bakit itinigil nito ang pagganap sa nasabing sitcom ng ABS-CBN.

“May offer pa rin sa kanya ang Kapamilya pero my dad said huwag muna. Magpapahinga muna siya kasi early this year medyo mahina siya dahil sa kanyang asthma. Ngayon okey na siya, wala nang nurse sa kanyang tabi at wala na rin ‘yong oxygen na naka-attach sa kanya.”

Dagdag nito, nagkaroon ng meeting si Dolphy kay Vic Sotto dahil may gagawin pelikula ang dalawa.

Source: PEP

Rayver Cruz reveals he is on speaking terms with cousin Sheryl Cruz

rayver_cruz.JPG

Bagamat may silent war diumano si Sheryl Cruz sa mga pinsan niya na sina Donna, Geneva, at Sunshine, open naman ang communication lines niya sa first cousin niyang si Rayver Cruz. Masayang ibinalita ni Rayver sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagkaharap at nagkausap na sila ng kanyang pinsan na si Sheryl. Sinasabing nagkaroon si Sheryl ng problema sa Cruz clan, nang mamatay ang kanyang tatay na si Ricky Belmonte noong 2001. Naganap ang masayang pagkukuwento ng 18-year old na aktor noong Biyernes, November 18, sa presscon ng Bahay Kubo. Pumunta rin sa nasabing press con ang co-stars ni Rayver na sina Maricel Soriano, Eric Quizon, Shaina Magdayao, Yasmien Kurdi, Mark Herras, Bearwin Meily, and Ms. Gloria Romero. Kasama din sa presidential table sina Mother Lily at Direk Joel Lamangan.
Ayon sa batang aktor siya ang unang lumapit para batiin ang kanyang “Ate Sheryl” na naging magiliw naman ang pagtanggap sa kanya. “Nagkita na po kami sa trade launch… kasi lately ang daming promo ng Princess Sarah so lagi kaming nagkikita. Sabi niya, ang laki ko na daw kasi ang huling kita ko kay Ate Sheryl, sobrang liit ko pa noon,” kwento ni Rayver.

“Sabi nga niya, ang laki-laki ko na daw at ang galing kong sumayaw. Sabi ko naman, thank you.”

ON SHAINA MAGDAYAO. Tungkol naman sa kanyang nililigawan na si Shaina Magdayao, sabi ni Rayver na isa sa mga katangian na gusto niya kay Shaina ay hindi ito madaling mapikon kahit kung minsan ay inaasar niya ito. Gusto nito ang pagiging palaban ng aktres dahil nagka-counter-asar din daw ito sa kanya.

Hanggang ngayon pala ay di pa rin naniniwala si Rayver na may lihim na unawaan si Shaina at John Prats.

“Hindi ko alam kasi wala namang sinasabi sa akin na ganun eh. Basta ako, ang alam ko close kami. Hindi kasi ako naniniwala sa sabi-sabi. Para sa akin, tanggap ko na ‘yon, given na ‘yon. Ang hirap kasing kontrolin ang mga nanliligaw sa kanya. Kasi maganda naman siya talaga, e, nasa kanya naman lahat. Wala, wala akong magagawa, maganda talaga ang ka-loveteam ko, e.”

What if, isang araw ay umamin sina Shaina at John na sila na pala? “Kung mangyari man ‘yon, siguro kahit papaano, maintindihan ko ‘yon sa kanila. Rerespetuhin ko naman kung ano ang decision ni Shaina. Pero sa tingin ko malabo, e. Kasi sa alam ko mas close kami ngayon, mas close kaysa dati. Mas komportable na kami sa bawat isa.

Nang tanungin ng PEP kung talagang mahal nito si Shaina, isang matunog na “Oo naman!” ang sagot ni Rayver. Subalit, nilinaw niya na hindi naman daw sila exclusively dating ng dalaga.

UNDERWEAR MODEL? Sa edad na 18 ay puwede nang maging underwear model si Rayver. Papayag ba itong maging endorser ng brief tulad ng ibang modelo ng Bench?

“Puwede naman siguro pero kailangan sobrang astig na ang katawan ko, di ba? Matagal-tagal pa ‘yan, ilang taon pa ang bibilangin.

“Puwede ako sa walang pang-itaas na damit at naka-jeans lang. ‘Di ko pa kaya ang naka-brief habang naglalakad sa stage,” pagwawakas ni Rayver.

Source: PEP

KC Concepcion looks forward to her father Gabby’s comeback movie

kc_concepcion.JPG

Tuwang-tuwa si KC Concepcion nang malaman niya na kumpirmadong gagawa na ulit ng pelikula ang kanyang biological father na si Gabby Concepcion sa ilalim ng GMA Films. Mismong mga taga-GMA Films ang nagkumpirma that the former matinee idol noong ‘80s ay muling magbabalik sa big screen. Ang huling pelikula ni Gabby ay ang 1994 Manila Film Festival entry na Loretta. Ang pelikulang ito ang naging dahilan upang masangkot siya sa tinawag na Film Fest Scam na involved din ang former manager ni Gabby na si Lolit Solis.

Nagpadala ang GMA Films ng movie contract kay with the hope na papayag ito to make a film comeback with the film arm ng GMA-7. Hindi nabigo ang mga taga-GMA Films dahil bumalik ang kontrata with Gabby’s signature which means may go signal na para masimulan ang matagal nang pagbabalik ni Gabby sa big screen.

Nahingan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KC ng pahayag tungkol sa showbiz comeback ng kanyang daddy habang nasa Artist Bargain Fair sa Eastwood Garden, Libis, Quezon City.

“That’s good news!” sambit ng anak ni Megastar Sharon Cuneta. “It’s confirmed na ba? Well, it’s so nice to know that my dad is going to his first love, which is doing film. I’m looking forward to it. Matagal din siyang nawala and I guess he can still be good at it.”

Noong malaman ni KC na sa United States isu-shoot ang comeback movie ng kanyang ama, nasabi nito na: “Gusto kong manood ng shooting niya!”

Constant pa rin ang communication ni KC kay Gabby. Minsan daw ay puro pag-exchange ng text messages ang ginagawa ng mag-ama.

“I’ve been busy at pati na rin si daddy. So usually text messages na lang. But if I have the time to call him, I give him a ring every now and then.”

Sa naturang bargain fair nga ay may sariling booth si KC kung saan binenta niya ang ilang mga gamit niya na mga ginamit siya pa noong nag-aaral siya sa Paris, France. Mabilis nga raw naubos ang kanyang mga paninda noong mag-open ito ng 1:00 pm that Saturday.

Lahat raw ng kikitain ng booth ni KC ay ipapamahagi siya sa dalawang charitable institutions para sa mga underprivileged children.

“Every cent that I earn from my booth will go to charity. Especially the ones with kids who can’t afford to go to school. Education is very important sa isang bata and we can help them in our own small way.”

YABANG PINOY. At the same time ay tinutulungan din niya ang rumored boyfriend niyang si Lino Cayetano sa pag-promote ng produkto at proyektong called Yabang Pinoy.

“We are actually helping in promoting our local artists,” sabi ni KC, na nag-aral ng apat na taon sa Paris, France. “We have so many talented people who are so good in the arts kaya we want to help them achieve their goal and, that is, na makilala sila sa expertise nila.

“This is something that I learned when I was in Paris. The artists there are supported by different groups. Gusto namin din na gano’n ang mangyari sa mga artists natin. Ipagmalaki natin sila sa buong mundo.”

Source: PEP

Big Brother apologizes to Mcoy Fundales and Ethel Booba

ethel_mcoy.JPG

A lot of people told me that they only watch Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 because of Ethel Booba.  I guess she is really animated and proceeds to tell everyone how she truly feels without intimidation.  I remember when Keanna Reeves won during PBB CE 1, I think she won because of the same exact reason.  And besides, she showed us that she is a real person.  Too bad Ethel didn’t have the chance to show us.

- Chuva Chienes 

Big Brother apologized to Mcoy Fundales and Ethel Booba one day after they left Pinoy Big Brother in a huff.

In the afternoon PBB program titled Über yesterday, November 23, Kuya explained his side to his former celebrity housemates. Kuya said that he did not want the two to end their stint inside the house with a voluntary exit. Nevertheless, he made an apology and wished them luck.

Kuya first talked to Mcoy about the rift that happened between him and the former housemate. A few days ago, they had a heated exchange of words after Kuya questioned the originality of Mcoy’s written script for their 15-minute independent film, which was their task for the week.

Kuya said, “Kung ako ang tatanungin, ayoko ko rin na humantong sa ganito ang ending sa aking bahay. Alam ko, Mcoy, mahalaga sa iyo ang respeto. Mahalaga rin ito sa akin. Anuman ang ating hindi pagkakaunawaan na nagresulta sa iyong desisyon ay gusto kong magpaumanhin. Sana sa iyong paglabas, iwaksi mo ang iyong poot sa iyong dibdib.”

Then, Kuya shifted his attention to Ethel who had issues about the punishment wherein the housemates had to walk kneeling, and for the phone call that the “Pasaway ng Bayan” was not able to avail of after winning in the Catapult game.

Big Brother reiterated, “Ethel, gaya ng parati kong sinasabi sa’yo, ang lahat ay may dahilan at malalaman mo sa takdang panahon. Una na rito ang iyong naging pagtingin sa pagsasakripisyo sa paglalakad ng paluhod. Ikaw ang unang nakaalam kung bakit ko ito pinagawa sa inyo.

“At ang dahilan din, Ethel, kung bakit hanggang sa mga huling araw mo sa aking bahay hindi ko naibigay ang inaasam mong phone call na napanalunan mo sa Catapult War game. Gusto kong ipaalam sa ’yo na ginawa ko ang lahat ng paraan para maibigay ko sa ’yo. Kung nasaktan ko man ang iyong damdamin o ang iyong pisikal na katawan, ikaw na ang bahalang magpasensya.”

Towards the end of his statement, Kuya explained, “Ang lahat ng nangyayari sa loob ng aking bahay ay may mga dahilan. Baunin ninyo ang bawat leksyon at pangaral na naibahagi ko sa inyo. At kahit hindi ninyo ako nakikita, ang boses lang at walang mukha, nawa’y kahit paano ay naging bahagi ako upang mas mapatibay at maging matatag kayo sa labas ng aking bahay.

“Maraming salaamat ex-housemates. Hinahangaan ko ang inyong katapangan at pagiging totoo. Hangad ko ang inyong tagumpay.”

APOLOGY ACCEPTED. Mcoy then accepted Big Brother’s apology and assured him that he does not have any anger towards him.

“Gaya nung naging usapan natin bago ako lumabas, tinanong mo kung may galit ako sa loob. Sinabi ko sa’yo, ‘Wala.’ Kasi, miski sa isang pamilya, sa pamilyang Pilipino, parang hindi tamang magalit sa isang kuya,” said Mcoy.

He explained futher, “Ang emosyon sa loob ng bahay talagang mataas kasi we’re all stressed, lahat pagod, lahat puyat. Pero yung naramdaman ko po, hindi galit, munting tampo lang. Konting-konting tampo na alam ko na alam mong lumilipas sa takdang panahon.”

On her part, Ethel expressed her gratitude to Big Brother for all the advice he gave her. She said, “Thank you sa lahat ng encouragement. Alam ko marami siyang gustong maipakita ko pa para makilala ako ng mga taong humusga sa akin.”

The “Ultimate Pasaway” also mentioned that she has really been planning to leave the house so she took the opportunity when Mcoy decided to go.

She explained, “Sobrang plano ko talaga, noong isang gabi, na umalis ako. Hindi ninyo nakikita na habang nagagalit si Mcoy umiinom na ako ng maraming gamot sa table dahil sobrang plano ko talaga [ lumabas ng bahay].”

The actress said that she is really taking medication before going to sleep to calm her down and to make her fall asleep easily.

“Alam ko kaya ko naman talaga yung mga pisikal, e, pisikal na ganun. Sobrang walang reason lang talaga, naghi-hysterical lang ako, nag-o-OA [over-reacting] na lang talaga ako na masakit pero kayang-kaya ko yun.

“Plano ko na umalis [ng bahay], nagkataon lang na nagkasabay kami ni Mcoy. Ang nangyari nga parang ako ang nakisabay sa kanya pero, plano ko, nagkataon lang.”

Meanwhile, the two witnessed their fellow housemates win in their weekly task called “Lights, Camera, Action.” Despite what happened, the remaining celebrity housemates were able to finish their 15-minute short film just in time. They did not only win their 75 percent bet, but Kuya also gave them a hundred percent raise for their budget next week, giving them a total of P9,000.

Source: PEP

Kris Martinez open to having same-sex relationship

kris_martinez.JPG

I admire Kris Martinez for his courage to say exactly what he feels.  He is right, loving someone doesn’t have to be limited and if you fall in love with someone of the same sex, so be it right?  Love knows no boundaries so why should be put one.  Great answer Kris.  what’s your phone number?  ;)

- Chuva Chienes

Napabalitang may isang mayamang bading na naka-base sa Amerika ang nagpapadala ng pera at sustento sa sexy male actor na si Kris Martinez. Nakilala si Kris bilang first runner-up sa Close-up to Fame Season 1 noong 2005. Naging parte rin siya ng Twilight Dancers (2006) na idinirek ni Mel Chionglo at sinulat ni Ricky Lee tungkol sa mga macho dancers. Kaya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris kamakailan para sa promo ng pelikula nila nina Cristine Reyes at Andrew Schimmer na Green Paradise, inusisa namin siya tungkol dito. “Hindi totoo yun, walang nagpapadala sa akin ng pera,” pahayag ni Kris.
Pero inamin naman ni Kris na may kakilala siyang gay sa Amerika na nagpapadala sa kanya ng mga regalo at pasalubong, pero wala raw malisya ‘yun at hindi raw dapat lagyan ng kulay. Kaibigan niya lang raw ang naturang gay at natutuwa lang daw sa kanya. “Pero hindi mga ano…parang mga items lang na ano, mga items lang, walang money involved, mga ganun-ganun lang.”
Marami rin daw mga kaibigan si Kris na gays dito sa Pilipinas, sa loob man o sa labas ng showbiz. Wala naman daw masama sa pakikipag-kaibigan, hindi naman siya namimili, kahit anong gender, kung tao namang humaharap sa kanya, okay ‘yun kay Kris.
Which led us to the question na gusto naming itanong kay Kris: Sa tingin ba niya ay posible o imposible ang isang tulad niya na magkaroon ng isang seryosong relasyon sa isang bading?

“Siguro, depende sa sitwasyon, depende sa tao, depende kung gaano na kami katagal magkakilala. So, kung mas kilala ko na siya as a person talaga, so why not? Bakit hindi?”

So hindi niya isinasara ang pinto ng pagkakataon na makipagrelasyon siya sa isang gay? “Hindi ko isinasara. ‘Tsaka siguro, lahat naman tayo, nafo-fall tayo sa taong mabait sa ‘yo, na ipinapakita sa ‘yo yung pagiging totoo niya.
“Hindi lang siguro sa girls o sa gays o sa lesbians o kahit ano pa ‘yan. Dun ako nagbe-base, hindi sa personality o dahil sa tao, kundi sa kung ano ‘yung pinapakita mo.”

Depende ba ito kung gaano kabait ang tao sa kanya? “Kung totoo siya sa ‘yo, kasi yun ang pinakamahirap hanapin sa tao, e, yung totoo at puwede mong pagkatiwalaan,” huling binitiwang salita ni Kris.

Source: PEP

Dennis Trillo finally speaks up about Cristine and Carlene

dtrillo2.JPG

Binasag na ni Dennis Trillo ang kanyang katahimikan tungkol sa mga isyung nag-uugnay sa kanya sa ina ng kanyang anak na si Carlene Aguilar at sa sinasabing karelasyon niya ngayon na si Cristine Reyes.Galing pa si Dennis mula sa shows niya sa Tarlac at Subic nang humarap siya sa media kaninang madaling-araw, November 24. Halatang pag0d na pagod si Dennis dahil madaling-araw na naganap ang interview na ito.

Nakiusap ang manager ni Dennis na si Popoy Caritativo na maging direkta na ang mga tanong sa young actor dahil ayaw na nitong madagdagan pa ang stress ng kanyang alaga. Dinaramdam daw kasi ni Dennis ang mga nagaganap nitong mga huling araw.

Read more

Eula Valdes clarifies rumor linking her to model-actor Lauren Novero

eula_valdez3.JPG

Natawa lang ang isa sa stars ng Kamandag na si Eula Valdes nang malaman niya noon na may kumalat na balita na naging ka-affair daw niya ang naging leading man niya sa stage musical na ZsaZsa Zaturnnah na si Lauren Novero.

Ayon sa kumalat na balita ay ang pakikipagrelasyon diumano ni Eula kay Lauren ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa aktres ang kanyang mister na si Richard Litonjua.

Pinabulaanan at pinagtawanan lang ni Eula ang naturang intriga dahil wala naman daw katotohanan na hiwalay sila ng kanyang asawa na naka-base sa Australia. Lalo raw na wala siyang affair kay Lauren.

Paliwanag ni Eula, “Si Lauren kasi, naging barkada ko ‘yan when we did ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal. Siya kasi ang gumanap na Dodong. Tuwing tapos na ang trabaho namin, lahat naman kami sabay-sabay kumakain at lumalabas. Isang malaking barkada kami talaga.

“I think nabigyan lang ng malisya ng iba ang pagiging close namin ni Lauren. Kasi nga sa grupo namin, si Lauren lang ang hindi bading. Halos lahat sa cast ay mga bading kaya harmless sila sa akin. I guess nalagyan lang ‘yon ng malisya kasi nga wala ang husband ko rito, and si Lauren lang ang lalakeng nakakasama ko madalas during that time,” pahayag ng aktres sa panayam ng PEP.

Si Eula pa nga raw mismo ang nagparating sa kanyang mister na nali-link siya sa isang katrabaho niya sa entablado. Pinagtawanan lang daw nila ito ni Richard.

“Kasi nga, may trust kami sa isa’t isa,” sabi ni Eula. “Kahit na nandoon siya sa Australia at nandito ako, still, nandiyan yung tiwala at pagmamahal namin bilang mag-asawa.

“To prove na wala kaming problema, uuwi rito si Richard this December at dito niya gustong mag-Christmas. Sa Australia kasi, summer ang panahon tuwing December. Kaya dito siya ngayong Pasko at buong-buo kaming pamilya,” pagbabalita pa ng aktres.

As for Lauren, wala na raw masyadong communication si Eula sa model turned actor.

“Noong matsismis ako sa kanya, medyo umiwas na kami sa isa’t isa. Mahirap na kasi baka lalo pang intrigahin kami kapag makita pa kami together. But me and Lauren are good friends. I would definitely work with him again. Huwag lang lagyan ng kakaibang kulay ang working relationship ko with another man,” pahayag ni Eula.
Source: PEP

ABS-CBN acquires exclusive right to Pops Fernandez’s “Diva-licious” concert

popsp1.JPG

Concert Queen Pops Fernandez has granted ABS-CBN exclusive TV rights for her upcoming 25th anniversary concert, titled “Diva-licious,” at the Araneta Coliseum on December 8.

The contract inked by both parties yesterday, November 22, gave the Lopez-owned network permission to record and later on broadcast the big event.

Pops explained her decision to team up with ABS-CBN: “ABS-CBN is really a family to me. Somehow this is where I also grew up so it’s extra special and meaningful if I work with those I really know inside and out of showbiz.”

Talking to ABS-CBN News, Pops expressed gratitude. “Thank you for helping me throughout the 25 years, thank you for helping make my dreams come true and until now I’m still living the dream. [For me] it’s still a big dream and I’m still here and without you I won’t stay here that long.”

On hand to personally welcome Pops during the contract signing were ABS-CBN executives Cory Vidanes and Deo Endrinal.

Joining Pops for the grand event are Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Jay-R, John Prats, and Sharon Cuneta. Aside from the repertoire that will trace Pops’s stellar career, the concert will also bring out the fashionista in her.

In an e-mail she sent, the Concert Queen revealed the names of the heavyweight designers who will provide her attire for the evening.

“I will have a total of eight costume changes,” she wrote excitedly, “cause the show will have a fashion show concept.”

Rowell Santiago will direct the concert. Overseeing the musical aspect is renowned musical director, Homer Flores.

Source: PEP

Maricel Soriano does not seek new love while content with her children

maricel_soriano.JPG

Lahat ng cast members ng Bahay Kubo, Regal Entertainment’s entry in the 2007 Metro Manila Film Festival, ay naka-red nang dumating sila sa presscon kaninang tanghali, November 23, sa Imperial Palace Suites sa Quezon City.

Isang masayang Maricel Soriano—ang gumaganap na nanay ng anim na adopted children at ng nag-iisa nilang anak ni Eric Quizon—ang unang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

“This is my last movie sa contract ko sa Regal,” nakangiting wika ni Marya. “Pero anytime na gusto akong kuning artista ni Mother Lily [Monteverde], hindi ako tatanggi.

“I hope magustuhan ninyo itong movie na idinirek ni Joel Lamangan from the script of RJ Nuevas and Suzette Doctolero. Pinoy Mano Po ang sabi ni Mother Lily dahil Pinoy na Pinoy talaga ang tema nito. Tatawa, iiyak, tatawa ka. May kurot ito sa puso kapag napanood ninyo,” very proud na sabi ng aktres tungkol sa kanyang pelikula.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya with the younger members of the cast, lalo na ang mga taga-GMA-7 na sina Marian Rivera, Mark Herras, at Yasmien Kurdi?

“I’m very blessed na nakilala at nakasama ko sila,” sagot ni Maricel. “Magaganda sila, hindi lamang sa panlabas kundi magaganda rin ang kalooban nila, at ang sisipag nila. Kaya hindi totoo ang tsismis na may mga attitude sila dahil mababait at very professional sila. Kahit galing sila sa shooting or taping, pagdating nila sa set, nakahanda na sila. Parang wala silang kapaguran.

“Nalaman ko nga na si Marian, nanggagaling pa sa Zambales dahil doon ang taping ng Marimar, ‘tapos pupunta siya sa location namin—sa Magdalena, Laguna at sa Pagsanjan, Laguna.

“Kung minsan, nagpa-flashback ako. Naalaala ko noong kasing-age ko rin sila, yung hindi rin ako halos nagpapahinga, sunud-sunod ang trabaho. Kaya sabi ko sa kanila, ‘Mga anak, magpapasalamat kayo sa mga blessings na tinatanggap ninyo. Kaya n’yo ‘yan dahil mga bata pa kayo. Nasa inyo kung paano kayo magtatagumpay,” kuwento ng multi-awarded actress.

Kasama rin ni Maricel sa Bahay Kubo si Shaina Magdayao, na gumanap bilang pamangkin niya noon sa sitcom nila ni Cesar Montano sa ABS-CBN. Ngayon ay mag-ina naman ang kanilang role.

“Oo nga, e. Sabi ko, ngayon anak ko siya, baka sa susunod kaagaw ko na siya sa isang lalaki sa pelikula tulad noong kami ni Angelica Panganiban sa A Love Story!” natatawang wika ni Marya.

“Pero mahal ko talaga ‘yang si Shaina,” patuloy niya. “Very protective ako diyan, kaya sabi ko sa kanya huwag muna siyang makikipag-boyfriend. Siguro puwede na when she turned 21. Kaya lang, hindi naman mapipigilan ang puso. Kaya kung hindi na talaga mapigilan, humayo siya, sa kung sino ang mahal niya.”

Medyo matagal-tagal na rin ang huling pakikipagrelasyon ni Maricel, wala pa ba siyang napupusuang bago?

“Wala pa,” sambit niya. “Masaya ako ngayon sa piling ng mga anak ko, kaya bakit pa ako maghahanap ng magpapasakit ng ulo ko? Saka depende pa rin kung mai-in love pa ba ako. Wala rin akong problema sa mga anak ko, pareho silang mabait. Kung anuman ang nangyayari, ipinauunawa ko sa kanila ang lahat ng bagay.”

Tinanong na rin ng PEP kung ano ang plano nila ng mga anak niya sa Christmas. Last year kasi ay nagpunta sila sa United States.

“Wala pa, wala pa kaming napag-uusapan para sa Christmas,” sagot ni Maricel.

Source: PEP

Cristine Reyes and Carlene Aguilar kiss and make up

carlene_aguilar4.JPG

All’s well that ends well sa pagitan ng young actress na si Cristine Reyes at ng beauty queen na si Carlene Aguilar. Naging emosyonal ang pagtatagpo nina Cristine at Carlene—kasama ang kanilang mga abugado at ilang pinagkakatiwalaang mga tao—nang sa wakas ay mapagdesisyunan ng parehong kampo na magkapatawaran at mag-usap nang masinsinan.

Sa isang kuwarto sa Rembrandt Hotel sa Quezon City naganap ang pag-uusap ng dalawang kontrobersiyal na showbiz figures kaninang alas-dos y media ng hapon, November 23.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), ang abugadong si Dexter Licuanan ang nag-initiate ng pagkikita nina Cristine at Carlene, makaraang mapanood nito ang panayam at paghingi ng “sorry” ni Carlene sa The Buzz ng ABS-CBN last Sunday, November 18.

Si Atty. Licuanan ang tumatayong abugado ni Cristine sa isinampa nitong kaso laban sa dating beauty queen makaraang kumprontahin siya nito sa taping ng All Star K ng GMA-7 sa Broadway Centrum noong November 7. Ang pinag-ugatan ng kanilang alitan ay ang young actor na si Dennis Trillo, na ama ng anak ni Carlene at nababalitang karelasyon ngayon ni Cristine.

Sa panayam ng PEP kay Atty. Licuanan, ipinaliwanag niya, “I sincerely feel her [Carlene's] apology and so I spoke to Cristine. Nagkataon naman na napanood din pala ni Cristine ang nasabing The Buzz interview at nauunawaan din daw nito ang pinanggalingan ni Carlene bilang isang babae. Dun lang nagsimula until my client decided to schedule a meeting with Carlene—at ito na nga.”

Kasama ni Cristine ang kanyang ina na si Mrs. Frances Marie Klenk habang si Carlene naman ay kasama ang isang kaibigan na tumatayong legal adviser din niya.

Ayon sa kuwento ni Atty. Licuanan, nag-usap nang sarilinan sina Cristine at Carlene, nag-iyakan at nagkapatawaran. Ang resulta ay ang pag-uurong ng demanda ni Cristine laban kay Carlene.

At press time ay kasalukuyang dina-draft ang motion para i-withdraw ang kaso at nangako ang kampo ni Cristine na first thing in the morning sa Monday, November 26, ay isusumite na nila ito sa korte.

Ayon pa sa abugado ni Cristine, nagbigay rin ng statement si Carlene na bukod sa paghingi niya ng apology kay Cristine ay nauunawaan na raw niya ang mga taong kanyang tinatawag na kaibigan. Hindi niya raw dapat na itinuturing na kaaway ang young sexy actress dahil gaya niya ay isa lamang din itong biktima.

Sinubukan din ng PEP na kunan ng pahayag si Dennis Trillo habang nag-uusap pa ang dalawang babaeng nauugnay sa kanya, subalit hindi nito sinasagot ang aming tawag.

Source: PEP

TV Ratings (Nov. 20-22): “Whammy!” and “PBB Celebrity Edition” improve their ratings

tv_ratings4.JPG

Whammy! Push Your Luck escaped Kapamilya, Deal or No Deal‘s gallant stand last Tuesday, November 20. Carrying a slim margin, Paolo Bediones and Rufa Mae Quinto’s game show on GMA-7 posted a 23.5 percent rating against Kris Aquino’s ABS-CBN game show, 22.4 percent, to claim the top spot anew in the daytime column.

Despite falling short once again, Deal or No Deal‘s Tuesday performance was strong enough to outmuscle Eat Bulaga, Daisy Siete, and Pasan Ko ang Daigdig—all perennial topnotchers in the group.

In the primetime race, Marimar remained rock solid at the No. 1 spot, with Kamandag looming steadily at second place. Collecting a 43.4 percent rating last Tuesday, Marimar still got the better of Richard Gutierrez’s new fantaserye, which registered a 40.9 percent rating.

Unpredictable Lastikman pulled a 24.2 percent rating to shoot its way back to the Top 10. Lastikman was followed by Princess Sarah‘s 23.7 percent grade.

Wednesday, November 21, still belonged to Whammy! although following it this time was Eat Bulaga. Settling at second best, Eat Bulaga! tallied a 22.4 percent rating to beat Daisy Siete‘s 21.8 percent. Filling in the bottom part were Pilipinas, Game KNB? (17.8 percent) and Pinoy Movie Hits (17.4 percent).

Marimar once again topped the primetime block, while four other Kapuso shows made it into the Top 5—Kamandag (No. 2, 40.1 percent), Zaido (No. 3, 36.8 percent), 24 Oras (No. 4, 33.3 percent), and La Vendetta (No. 5, 31.8 percent). Another GMA-7 show, Hwang Jini, tied with Lastikman in No. 10 with identical 21.5 percent rating.

Meanwhile, the sixth to ninth spots were occupied by ABS-CBN programs: TV Patrol World (28.1 percent), Princess Sarah (27.2 percent), Pangarap na Bituin (26.1 percent), and Pinoy Big Brother Celebrity Edition (24.2 percent).

November 22, Thursday, was more interesting as daytime shows were locked in fierce competition, resulting in deadlocks.

Eat Bulaga! and Daisy Siete both got 22.5 percent rating to share the top spot while Wowowee, Pasan Ko ang Daigdig, and Deal or No Deal each collected a rating of 19.3 to crowd the No.3 position.

The logjam enabled other programs usually outside the Top 10 to barge in like Prinsesa ng Banyera, which accumulated a rating of 13 percent, good for ninth spot, followed by SiS‘s 10.5 percent.

Pinoy Big Brother Celebrity Edition, meanwhile, improved its ranking thanks to the voluntary exit of two of its housemates, Mcoy Fundales and Ethel Booba. PBB moved a few steps higher to nail the No.6 position with its 28.4 percent rating.

But it’s business as usual in the Top 10 positions as the top five slots were occupied by five Kapuso shows while the bottom half were occupied by Kapamilya shows.

Here are the Top 10 shows for daytime and primetime programming from November 20 to 22 according to the overnight ratings conducted by AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:

November 20 (Tuesday)

Daytime:

  1. Whammy! Push Your Luck (GMA-7) – 23.5%
  2. Kapamilya, Deal or No Deal (ABS-CBN) – 22.4%
  3. Eat Bulaga! (GMA-7) – 20.7%
  4. Daisy Siete (GMA-7) / Pasan Ko Ang Daigdig (GMA-7) – 18.7%
  5. My Only Love (GMA-7) – 18.4%
  6. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 17.6%
  7. Couple or Trouble (GMA-7) – 17%
  8. Wowowee (ABS-CBN) – 16.8%
  9. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 15.5%
  10. Pinoy Movie Hits (ABS-CBN) – 11.6%

Primetime:

  1. Marimar (GMA-7) – 43.4%
  2. Kamandag (GMA-7) – 40.9%
  3. Zaido (GMA-7) – 37.1%
  4. 24 Oras (GMA-7) – 33.8%
  5. La Vendetta (GMA-7) – 27.5 %
  6. TV Patrol World (ABS-CBN) – 27.3%
  7. Pangarap Na Bituin (ABS-CBN) – 25.8%
  8. Pinoy Big Brother Celebrity Edition (ABS-CBN) – 25.5%
  9. Lastikman (ABS-CBN) – 24.2%
  10. Princess Sarah (ABS-CBN) – 23.7%

November 21 (Wednesday)

Daytime:

  1. Whammy! Push Your Luck (GMA-7) – 23.5%
  2. Eat Bulaga! (GMA-7) – 22.4%
  3. Daisy Siete (GMA-7) – 21.8%
  4. Kapamilya, Deal or No Deal (ABS-CBN) – 21.6%
  5. Pasan Ko Ang Daigdig (GMA-7) – 21.1%
  6. Wowowee (ABS-CBN) – 20.3%
  7. My Only Love (GMA-7) – 20.1%
  8. Couple or Trouble (GMA-7) – 18.2%
  9. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 17.8%
  10. Pinoy Movie Hits (ABS-CBN) – 17.4%

Primetime:

  1. Marimar (GMA-7) – 45.3%
  2. Kamandag (GMA-7) – 40.1%
  3. Zaido (GMA-7) – 36.8%
  4. 24 Oras (GMA-7) – 33.3%
  5. La Vendetta (GMA-7) – 31.8%
  6. TV Patrol World (ABS-CBN) – 28.1%
  7. Princess Sarah (ABS-CBN) – 27.2%
  8. Pangarap Na Bituin (ABS-CBN) – 26.1%
  9. Pinoy Big Brother Celebrity Edition (ABS-CBN) – 24.2%
  10. Lastikman (ABS-CBN) / Hwang Jini (GMA-7) – 21.5%

November 22 (Thursday)

Daytime:

  1. Eat Bulaga! (GMA-7) / Daisy Siete (GMA-7) – 22.5 %
  2. Whammy! Push Your Luck (GMA-7) – 22.4%
  3. Wowowee (ABS-CBN) / Pasan Ko Ang Daigdig (GMA-7) / Kapamilya, Deal or No Deal (ABS-CBN) – 19.3%
  4. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) – 18.1%
  5. My Only Love (GMA-7) – 17.2%
  6. Takeshi’s Castle (GMA-7) – 14.7%
  7. Couple or Trouble (GMA-7) – 14.1%
  8. Pinoy Movie Hits (ABS-CBN) – 13.9%
  9. Prinsesa Ng Banyera (ABS-CBN) – 13%
  10. SiS (GMA-7) – 10.5 %

Primetime:

  1. Marimar (GMA-7) – 46.1%
  2. Kamandag (GMA-7) – 41.6%
  3. Zaido (GMA-7) – 38.8%
  4. 24 Oras (GMA-7) – 33.2%
  5. La Vendetta (GMA-7) – 29.7%
  6. Pinoy Big Brother Celebrity Edition (ABS-CBN) – 28.4%
  7. TV Patrol World (ABS-CBN) – 28.3%
  8. Princess Sarah (ABS-CBN) – 26.7%
  9. Pangarap Na Bituin (ABS-CBN) – 26%
  10. Lastikman (ABS-CBN) – 23.2%

Source: AGB Nielsen Philippines

Maging Sino Ka Man Book (Season) 2 – Coming in December

ABS-CBN winner of Star Awards’ Best Drama Series is about to begin in December for its second season.

Confirmed Cast:

  • John Lloyd Cruz
  • Bea Alonzo
  • Anne Curtis
  • Sam Milby
  • Angelica Panganiban
  • Christopher de Leon
  • Philip Salvador
  • Rosanna Roces
  • Chin-Chin Guttierez
  • Bembol Roco
  • Glenda Garcia
  • Bing Pimentel
  • Irma Adlawan
  • Smokey Manoloto
  • Keanna Reeves
  • Malou de Guzman
  • Ronaldo Zamora

Watch the trailer after the jump…

Read more

Piolo Pascual and Ryan Agoncillo bury the hatchet

ryan_piolo.JPG

The death of Maja Salvador’s father paved the way for Piolo Pascual and Ryan Agoncillo to finally resolve their differences.

According to reports, the two feuding actors talked last Monday, November 19, during the wake of former actor Ross Rival at the St. Peter Chapels, Quezon Avenue in Quezon City. Ryan’s manager, Noel Ferrer, revealed that it was Maja’s handler, Chit Ramos, who initiated the reconciliation.

Prior to the incident, sources said that Piolo arrived with Erik Santos and Mark Bautista while Ryan was accompanied by girlfriend Judy Ann Santos. Chit, however, refused to say anything when asked by reporters how she managed to convince Ryan and Piolo to settle their differences.
Judy Ann, on the other hand, said that she never heard the conversation, but she was very happy that everything turned out fine between Piolo and Ryan.

A LOOK BACK. The feud between the two male stars started last year when rumors started circulating that Judy Ann—supposedly owing to Ryan’s jealous streak—personally requested to Star Cinema to edit out her steamy kissing scenes with screen partner Piolo in the movie Don’t Give Up On (2006).

Ryan later defended himself by saying, “Kung seloso ako matagal na ako nagpakamatay. Araw-araw almusal ko, nakikita ko sa diyaryo picture ng ka-loveteam ng karelasyon ko. Di naman ako ganun kaseloso na may masamang mangyayari. I watched the movie and it’s one of the few movies that I liked.”

The already volatile situation was aggravated when Piolo made a comment on Juday and Ryan’s relationship.

Irked by what seemed Piolo’s meddling, Ryan lashed out by sending an open letter to the press in which he indicated: “1.) Walang tunay na lalake ang magsasalita o makikialam sa relasyon ng iba. 2.) Whatever happens between me and Juday is between us, and we are OK. And for Piolo to talk about my girlfriend outside work is rather ungentlemanly. 3.) I learned that in a recent The Buzz interview with Piolo & Juday, Juday was caught by the camera saying “Echosero” referring to Piolo—after she repeatedly brushed off Piolo’s advances as soon as the camera lights went on. I just have this today. Next time I see him, I’ll put him in his place.”

Months dragged on and the feud hung fire.

Both parties had repeatedly told the press that a ceasefire was possible but they didn’t want to force it or do it in public.

A couple of months back, Piolo had the chance to settle the issue but backed off instead.

“Noong nag-taping kami for Sharon, I was backstage. Judy Ann and Ryan were singing,” shared Piolo to PEP. “Sabi ko, ‘Lord, kung ito na ‘yong time, ‘yong chance, then, you know, so be it.’ Gusto ko na rin ma-settle. At least, you know, kahit papaano, naghi-heal na ‘yong sugat. Ayoko na magkaroon ng ganoon. Ready na po ako nung time na ‘yon, kaso hindi pa rin [nangyari]. Pero there will come a time…”

Last Monday, that moment finally came.

Source: PEP

Gladys Reyes pregnant with her second child

gladys_reyes3.JPG

Nang makagat ng ligaw na pusa si Gladys Reyes sa presscon ng afternoon drama series na My Only Love, walang kamalay-malay si Gladys na kasalukuyan na pala siyang nagdadalang-tao sa magiging second baby nila ng mister niyang si Christopher Roxas—pangatlo na sana kung hindi nagkaroon ng miscarriage si Gladys noong una siyang magbuntis. Noong Tuesday, November 20, lang daw nalaman ni Gladys na buntis pala siya.Ayon sa aktres, na nakusap sa telepono kaninang hapon, November 22, natatandaan daw kasi niya na ang huling period pa niya ay noong September at kalahatian na ng November ay hindi pa rin siya nagkakaroon. Noon lang daw niya naisipang mag-self-pregnancy test.

“Sobrang linaw talaga ng lumabas na color at two lines, siguro dahil ilang weeks na nga siya sa tiyan ko, wala pa kong kamalay-malay,” natatawang kuwento niya.

Kinabukasan, Wednesday (November 21), daw ay nagpa-check-up na rin siya kaagad sa kanyang O.B.-Gyne para makumpirma pa ang pagbubuntis.

Kung may worry man si Gladys, ito ay ang vaccination na ginagawa sa kanya dahil sa pagkakagat nga sa kanya ng pusa. Ten injections daw ng anti-rabies ang ginagawa sa kanya at ang huling injection niya raw ay sa December 5 pa.

Una talagang inalam ni Gladys nang makumpirmang buntis siya ay kung wala bang magiging masamang epekto sa baby at sa ipinagbubuntis niya ang naturang injection.

Kuwento ni Gladys, “Well, sabi naman, wala naman daw bad effect sa situation ko at sa baby. Yung nagba-vaccine sa akin, si Dra. Novales, nakipag-coordinate na siya sa OB-Gyne ko, kay Dra, Florendo ng Asian Hospital. In-assure na niya ako na okay lang.

“May mga cases pa nga raw na minsan, malalaki na talaga ang tiyan pero binabakanuhan pa rin nila kapag nakakagat. Siyempre, panghahawakan ko na yung sinabi nilang wala naman siyang magiging hindi magandang effect sa baby. At saka siyempre, puro prayers talaga.”

Sa January 23 ay magtu-two years old na ang first baby nina Gladys at Christopher na Christophe. Kaya kung tutuusin ay tama lang ang magiging agwat ng edad ng kanilang mga anak Although aminado si Gladys na this time, hindi nila plinanong sundan na nga si Christophe.

“Pero siyempre, natuwa kami. Masaya na magkaka-baby na ulit. Talagang medyo nag-worry lang ako doon sa vaccine. Pero si Chris, kahit hindi niya ine-expect na magiging daddy na siya ulit, parang slight ha…biglang nagpaluto, tinawag ang mga kaibigan niya sa village. Para bang biglang first time dad ang pakiramdam!” natutuwang kuwento ni Gladys.

Ayon kay Gladys, ang plano nilang anak kung sakali ay tatlo hanggang apat since si Chris ay isa lang ang kapatid. Iba pa rin daw talaga kapag medyo marami ng konti dahil mas masaya. Pero isinunod din ng aktres na, “Hanggang doon na lang siguro, grabe ang mahal na ng tuition fee, ‘no!”

Pakiramdam din ni Gladys, although nasa seven weeks pa lang ang kanyang pagbubuntis, tipong mas magaan ang pakiramdam niya ngayon compared sa una na nakunan nga siya at sa ikalawa. Bagama’t meron pa rin daw siyang nararamdaman na pagkahilo, pagsusuka, at pangangasim ng sikmura.

Dahil mas magaan naman ngayon ang pagbubuntis niya at hindi pa naman halata ang tiyan niya, tuloy-tuloy pa rin daw siya sa taping ng My Only Love at sa kanyang show sa NET 25 na MoMents kung saan siya ang host.

Source: PEP

Bianca King is no hurry to achieve leading-lady status

bianca_king2.JPG

Naka-relax si Bianca King sa kanyang folding bed nang dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last Saturday, November 17, sa set ng My Only Love sa Loyala Grand Villas, Quezon City, at naabutan namin siyang nanonood ng feature about the Cristine Reyes-Carlene Aguilar controversy sa StarTalk.

“Kung ako sa kanya [Cristine], hindi na lang ako magsasampa ng demanda,” sabi ni Bianca nang tanungin namin ang kanyang opinyon tungkol sa isyu. “Para sa akin, aksaya lang ng pera ‘yan at saka oras. Wala ring pupuntahan ‘yan. The best thing to do, pagharap-harapin kami with Dennis [Trillo], at doon natin tingnan kung sino sa amin ang nagsasabi ng totoo.”

Ayon pa kay Bianca, dapat ay pinag-uusapan na lang daw ang problema nila in private. Kaso nga, hindi naman siya direktang kasangkot sa sitwasyong ito.

“Ayoko namang makaladkad pa sa ganyan. Kaibigan ko si Cristine, and I think I just have to respect her decision. Since tinanong mo ako about that, I just gave a piece of my opinion,” nangingiting pahayag ni Bianca.

Nabanggit din na hindi na natuloy si Cristine sa Joaquin Burdado bilang isa sa leading ladies ni Robin Padilla. Nanghihinayang si Bianca rito.

“Sayang, kasi, kung sa akin inalok ‘yan, wow, grab na!” natawang sabi ni Bianca. “Pero hindi rin natin masasabi kung ano ang gusto talaga ni Cristine. Siya lang ang nakakaalam sa sitwasyon niya, at nakaabang lang tayo sa puwede niyang sabihin.

“Pero doon sa reason ni Cristine, ‘pag nalaman natin, baka nga hindi natin panghinayangan kung bakit ganoon ang naging decision niya.”

FROM BAD TO GOOD. Kung tutuusin, maganda ang takbo ng career ni Bianca. Pagkatapos ng partisipasyon niya sa Marimar, mayroon na agad kapalit—ang My Only Love, na isang pambihirang pagkakataon for her to play a goody-goody role.

“Marami na kasi akong nagampanang contravida roles, and this is a breather na rin for me,” sabi ni Bianca. “Noon kasi, kapag nagpupunta ako sa mall, may mga lumalapit sa aking matatanda. One time, may pumalo sa akin ng payong. Ang sabi ba naman, ‘Ikaw talaga, ang sama-sama mo!’

“Nakakaloka! I just explained to them that it was just a role. Hindi naman ibig sabihin, masamang tao na talaga ako,” napapailing na kuwento ng mestisahing aktres.

MANAGER’S CHOICE. Kinumusta namin kay Bianca ang sitwasyon nila ng manager niyang si Arnold Vegafria. May lumabas kasing isyu na si Say Alonzo ay parang tumiwalag na sa kampo ni Arnold at nakatikim daw ito ng panunumbat at masasakit na salita mula kay Arnold dahil doon.

“Narinig ko na ‘yan, pero matagal nang nangyari,” paliwanag ni Bianca. “I guess, more than a year na. Kami ni Arnold, hindi naman siguro maiaalis sa ibang manager-talent relationships ‘yon, na may time na nagkakalabuan din kami. Small hitches, but we always talk. Wala namang hindi naaayos sa magandang usapan, di ba?

“May time kasi na may katigasan din ang ulo ko. Mapili kasi ako sa trabaho. Naiinis si Arnold kapag ganoon, tanggi ako nang tanggi. Sometimes kasi, hindi niya naiintindihan. Ayokong magtrabaho kung pinipilit ko lang ang sarili ko doon sa trabaho at hindi ko gusto ang ginagawa ko.

“Pero siyempre,” patuloy niya, “ang gusto ni Arnold, bigyan ako nang bigyan ng trabaho. Marami nga namang iba na walang trabaho, pero ako, may inaalok sa akin.

“Laging may nakukuhang trabaho si Arnold sa akin, kaya naiinis siya kung lagi akong nagtatatanggi. Baka raw kasi kung nariyan na ang right break, hindi na ibigay sa akin kasi ang naging image ko, I always turn down offers. Kaya iniintindi ko na lang ‘yon.”

Sabi pa ni Bianca, nawala na lang daw bigla si Say, at hindi na niya nakausap pa. Hindi siya puwedeng magbigay ng komento dito dahil hindi niya alam ang puno’t dulo ng anumang misunderstanding, kung mayroon man, between her manager and Say.

“Pero para sa akin, old issue na nila ‘yan. So far, okay kami ni Arnold kaya walang problema sa amin,” pahayag ni Bianca.

STRUGGLING ACTRESS? Ang impression ng iba kay Bianca ay struggling pa rin dahil hindi pa dumarating sa kanya ang mas malaking offer, samantalang may kontrata rin naman siya sa GMA-7, na guaranteed na may two shows siya a year. For two years ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA-7.

“Hindi ako nagmamadali,” paglilinaw niya. “Alam kong darating din ang tamang break for me. At ayokong isipin na struggling ako, kasi magaganda na rin ang exposures na naibibigay sa akin sa GMA-7.

“Nagpapasalamat ako sa GMA-7 dahil masaya ako sa ibinibigay nila sa akin. Besides, I’m still studying at gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral. Hindi ako puwedeng basta mag-full time sa showbiz career ko.

“Naka-enrol ako sa Dela Salle College of St. Benilde, taking up Filmmaking. Pero yun nga lang, naka-leave ako dahil ang akala ko, matutuloy ang shoot ko for Batanes. E, nagkaroon ng hassles sa sked ng tapings ko. But I have to go back immediately. Tuloy-tuloy pa rin dapat ang studies ko, at gusto ko talagang makatapos.”

Source: PEP

Rhian Ramos gets roughed up as leading lady in “My Only Love”

myonlylove.JPG

Nakakatuwa si Rhian Ramos kapag nakakakuwentuhan namin. Para lang kaming nakikipagtsikahan sa isang Ingleserang bagets na kapitbahay. Lalo na sa set ng My Only Love, as in, pati kami ay para na ring kolehiyala kung magsalita.

“They slap me here, pull my hair, sometimes they even kick me!” says Rhian. “My gosh, it’s kinda painful, you know! But once our director shouts, ‘Action!’ I can’t feel the physical hurt that much anymore. It’s more of the emotions which I just use to react on some scenes.

“Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang role ko rito sa My Only Love, and they say it’s what the fans love to watch. They all love this melodramatic stuff of crying, wallowing in pain and emotions.

“But it’s fun. Yeah, especially if I go out in malls. Napapansin ko, nilalapitan na ako ng mga bagets. They don’t hesitate. Not like during those times that I play pasosi roles, even some lolas make palo to me, kasi ang arte-arte ko raw.

“I didn’t know na ganoon pala ang reaction ngayon ng mga tao. They easily get affected by what they watch on TV,” nakakalokang kuwento pa ni Rhian sa amin tungkol sa experience niya playing her role in My only Love.

Sina Sherilyn Reyes at Stef Prescott ang mga kontrabida ni Rhian sa My Only Love. Pareho silang grabe raw kung makapanakit sa kanya.

“They’re both professionals, I must say,” papuri ni Rhian sa kanyang “tormentors.” “We always talk on the set and discuss the things that we must do. Kailangan kasi, lagi kaming take on, or else, dusa para sa akin dahil uulitin na naman yung sasaktan ako.

“But I tell them, that’s okay. It’s not that I’m being masokista already. I don’t love being hurt. It’s not fun. The fun lies on breathing life to a role, na malayo talaga sa totoong personality ko,” sabi pa ni Rhian.

RHIAN’S TORMENTORS. Si Sherilyn daw ang laging nananakit sa kanya, pero minsan sinampal at sinabunutan daw ni Stef si Rhian sa isang eksena na wala sa script, much to the shock of their director, Louie Ignacio. Totoo ba ito?

“Uy, wala namang ganyan! Who told you that?” tanggi ni Rhian. “Stef is very nice. She can be a nasty contravida on the screen, but when you get to know her, she’s one of the best. Everybody is extra nice to me on the set, kasi alam nilang sasaktan nila ako, na hindi naman nila gusto.

“But I’m very particular about the script. Hindi naman yata puwedeng sasaktan na lang ako, na hindi naman required doon sa istorya. But in this case, sinabi mong may nangyari sa set na ganoon, wala. Unfair kay Stef na pagbintangan na sinaktan niya ako na wala roon sa script,” depensa ni Rhian.

TEAM-UP WITH MARK. Madalas din daw silang magkaasaran ng leading man niya sa My Only Love na si Mark Herras. Sa set, yung kulitan nila nauuwi umano sa asaran.

“Kami ni Mark, we’re just like that,” sabi ni Rhian. “But seriously, determined si Mark sa trabaho, and he’s very professional. Yung mga sinasabing kesyo ganito o ganyan siya, yung tsismis na nagda-drugs, I don’t think he’s into it.

“Kasi pagdating niya sa set, naka-focus siya. Lagi nga lang siyang pagod. He has a lot of things to do. Kawawa naman, ‘tapos iniintriga pa,” pagtatanggol ni Rhian.

Her team-up with Mark excites her, katulad din ng sa kanila ni Richard Gutierrez noon sa Captain Barbell at Lupin.

“At least, it’s a new combination,” pahayag ng young actress. “Noong una, may mga nagagalit sa akin na fans nila ni Jennylyn [Mercado], pero ‘pag napapanood na nila ang series, and it’s doing okay sa ratings, that goes to prove that they’re slowly accepting the team-up.”

Source: PEP

Carla Humphries “loses” best friend and loveteam to Big Brother

carla_humphries.JPG

Parang lumalabas na inagaw ni Kuya ang ka-loveteam ni Carla Humphries sa Abt Ur Luv na si Victor Basa. Hindi pa nagkasya ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 at pati ang best friend ni Carla na si Megan Young ay sumali rin sa reality TV program ng ABS-CBN, leaving Carla alone bilang isa sa strong survivors at pillars ng youth-oriented show na Abt Ur Luv.

“Noong una, tinatanong ako kung hindi ko ba raw nami-miss si Victor,” sabi ni Carla. “Sagot ko, hindi. Pero habang tumatagal, parang may kulang sa taping.

“Friends lang naman kami ni Victor talaga. Pero yung pagiging close namin doon sa show namin, hindi ganoon kadaling i-set aside. Kaya nang mawala siya sa Abt Ur Luv at mapunta sa Bahay ni Kuya, habang nagtatagal ay nakakaramdam ako ng lungkot,” pagtatapat ng young actress sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Abt Ut Luv kagabi, November 21, sa ABS-CBN compound.
DEFENDING MEGAN. Pero mas apektado raw si Carla sa pagkawala ni Megan. Naging super-close daw kasi talaga kay Carla ang dating GMA-7 artist mula nang mapabilang ito noon sa Abt Ur Luv.

Paliwanag ng dalaga, “Kasi, kami ni Megan, hindi lang doon sa taping ng show nagkikita. Maski tapos na ang taping namin, we still go out, watch a movie, do something else together kaya naging close kami.

“Kami naman ni Victor, as in friends lang talaga, pero napapanood ko sila minsan sa PBB. Hindi ko talaga ma-imagine si Victor na hindi nakadikit ang iPod earphones niya sa tenga niya. Sa Bahay ni Kuya, hindi na niya basta magagawa ‘yon.

“Hindi ko rin kasi masasabi kung ako yung ipinasok sa Bahay ni Kuya, or I was given such privilege, pero makikita roon na ibang-iba sila sa karaniwang nakikita natin,” sabi pa ni Carla.

Si Megan daw ay hindi kumakain ng tuyo. Napanood ‘yon sa PBB Celebrity Edition 2. Taliwas ito sa ugali ni Carla.

“Oh, I love tuyo!” bulalas niya. “Masarap sa almusal ang tuyo at kahit saan, if I feel like eating tuyo, why not?

“Yun kasi ang totoo kay Megan. Hindi ka naman dapat mag-pretend sa Bahay ni Kuya. Kung ano ka doon, lalabas at lalabas, the way I see it,” banggit ni Carla.

SMELLY FEET. Pero ang medyo shocking sa fans ay si Victor na pinag-uusapan ng ibang housemates ‘pag nakatalikod. The guy has smelly feet, according to the housemates.

“Hindi ko naman naaamoy na mabaho ang paa ni Victor,” sabi ni Carla. “I never had the chance. Ewan ko lang, siguro nagsasapatos siya nang walang medyas. O baka nagsasapatos siya at saka basa ang mga paa niya.

“I am close to him, but these details can be very private. I still don’t know much about that, pero wala naman akong nakikitang parang marumi sa kanya, or what.

“Tawas lang naman ang katapat ng mabahong paa, at saka hygiene talaga. Naku, huh! Ayokong ilaglag si Victor, pero he should do something about it, at sana the housemates can tell that to him straight.

“Wala sa atin ang perfect. We just have to learn to have proper hygiene, na minsan nakakalimutan din natin,” tuluy-tuloy na pahayag ni Carla.

BIG SISTER. Si Carla ang tumatayong Ate ng mga co-star niya sa Abt Ur Luv. Natutuwa ang young actress kahit ganito ang trato sa kanya.

Sabi niya, “May respeto kasi, and it’s hard to earn that especially from people na mas bata sa ‘yo. They look up to you as a good example, kaya may maturity yung level ng pagtrato ko sa kanila.

“They see the difference. At saka natutuwa ako sa co-stars ko, like Empress Schuck. I can see the next Claudine Barretto in her. Marami pang iba sa kanila ang may ibubuga at mapapanood sa show yung improvement nila as time goes by.

“I’m proud of them. I’m very happy, kasi hanggang ngayon, hindi pa rin ako nawawala sa show,” pagwawakas ni Carla.

Source: PEP

Allan K admits going to the casino but denies being hooked

allank.JPG

Hindi itinanggi ng comedian na si Allan K ang nasusulat sa kanya—blind item man o hindi—na nagka-casino siya. Ito ang inamin niya sa presscon ng pelikulang Pasukob kahapon, November 21, sa Guilly’s restaurant sa Mother Ignacia Ave., Quezon City. “Hindi naman ako yung burara o waldas ‘pag nagka-casino. May control ako sa pera dahil kung wala, lalalago ba ang mga negosyong itinayo ko?” rason niya.

Patuloy ni Allan, “Kung yung walang pera, pumupunta sa casino, ako pa kaya na kahit paano ay may naipon? Para namang mortal sin sa mga artista ang pumunta sa casino? Mas mayayamang tao at kilala pa ang nagpupunta doon. Parang ako, hindi puwede. Naku, kung alam lang nila ang enjoyment ko ‘pag nakakapasyal doon!”

Kuwento nga ng komedyante, bata pa lang siya ay namulat na sila sa bahay nila sa Bacolod na may nagsusugal.

“Mahilig ang tatay ko sa mahjong,” sabi niya. “Mga pamangkin ko nga, bata pa lang, marunong nang sumalat sa mahjong, huh! Pero kasiyahan lang yung pagma-mahjong sa amin. Hindi naman ini-encourage ‘yon.

“Ako nga, marami rin akong alam na sugal. Ang hindi ko gusto, yung poker dahil natatagalan ako. Mas masarap laruin ang slot machine dahil alam mo na agad ang magaganap. Malaki pa ang jackpot!” tawa niya.

Tinabla rin ni Allan ang balitang milyon siya kung magpatalo ng pera sa casino.

“Ay, hindi naman ako umaabot sa stage na ‘yan. Yung perang nilalaro ko, sobra lang sa kinikita ko,” depensa niya.

“Tuloy pa rin naman ang sustento ko sa kapatid at pamangkin ko sa Bacolod. Normal ang takbo ng negosyo ko. Kaya tsismis lang yung milyon ang natatalo sa akin.

“Of course, hindi ko naman ini-encourage na magpunta sa casino yung iba. Sa akin, form of therapy kumbaga dahil alam naman ninyo, trabaho sa tanghali sa Eat Bulaga! at show sa gabi.

“So kapag fresh at bored sa bahay, saka lang ako pupunta sa casino. Naku, kung alam lang ninyo ang feeling!” katuwiran pa ng tinaguriang Pambansang Ilong ng Pilipinas.

Lingid sa kaalaman ng marami, nagbabalak ding magtayo ni Allan ng foundation upang makatulong sa mga nangangailangan. Hopefully next year, masimulan na rin niya ang kanyang import-export business ng mga damit.

At this point na medyo kumportable na sa buhay si Allan after ilang years ng struggle at kandakuba sa trabaho, he is just enjoying the fruits of his labor.

Source: PEP

Mcoy Fundales and Ethel Booba exit voluntarily from “Pinoy Big Brother” house

ethel_booba_pbb2.JPG

Many avid viewers of Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition 2 were surprised by the sudden decision of former Orange & Lemons frontman Mcoy Fundales to exit from the PBB house. Mcoy along with comedienne Ethel Booba left at 3 a.m. today, November 22.

“Musikerong Dad” Mcoy flared up yesterday, November 21, after Big Brother raised the issue of plagiarism in connection with his script for housemates’ task, which was to produce a 15-minute film. Big Brother compared Mcoy’s plot with Gabriel Garcia Márquez’s short story, The Ghosts of August.

Mcoy pointed out that the group could hardly create scenes that will look more Pinoy because the interior of the house is inspired by the Victorian era. Even the garden appears foreign, Mcoy said, because of the cherubim and peacock statues.

Aside from being offended, Mcoy said that the scandal that was faced by his former band two years ago also stigmatized him. Orange & Lemons allegedly ripped off “Pinoy Ako,” PBB’s theme song for its first season, from the song of UK-based ’80s band The Care titled “Chandelier.”

Big Brother called Mcoy inside the confession room to set things straight after seeing that the former was still affected by the whole incident. But their one-on-one conversation did not resolve anything. In fact, he became more furious with their exchange.

PRANING THEORY. After Mcoy’s session with Big Brother in the confession room, Ethel told about her own confusion in the house. Ethel, dubbed as the “Pasaway ng Bayan,” put forward their “Praning Theory” about Mariel’s status inside the Big Brother house. They were suspecting that Mariel is not a guest housemate but is actually an official housemate like them.

Ethel and Mcoy then said that they are both prepared to be “kicked out.”

Almost two weeks ago, Ethel packed her things and was very determined to leave the house. But she calmed down after Big Brother spoke to her alone in the confession room. A few days after Ethel’s plan to leave the house, Mcoy confessed to Kuya that he wanted out because he felt that he had already served his purpose inside the Big Brother house.

In Pinoy Big Brother Primetime tonight, the show will give the details about the decision of these two celebrity housemates to leave.

WHO’S NEXT? Now that two housemates are out, will a new housemate come in?
In this year’s Celebrity Edition, it seems that the Big Brother house became more open to guest celebrity housemates. Viewers have witnessed how Kuya trapped Mariel Rodriguez inside his house, making her the guest celebrity housemate until today, November 22. Toni Gonzaga also became a victim of Kuya after he brought the medallions for nomination inside the house. Toni stayed inside the house for only a few days and went out in time for her mother’s birthday.

This coming weekend, Mariel’s wish would come true as she is set to leave the house. However, there’s a strong rumor that new Kapamilya star Angel Locsin will replace Mariel as the guest celebrity housemate.

Let’s see. We’re keeping our eyes open for confirmation of this rumor.

The TRUTH that transpired in the video after the JUMP:

Read more

Plenty. That’s what I have to be thankful for.

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

thanksgiving.gif

HAPPY THANKSGIVING TO ALL!!

Today, we celebrate Thanksgiving here in the United States. A humble celebration and what a wonderful holiday it is. I wish every continent and every country can celebrate this holiday.

There were tragedies, heartaches, sadness this year. However, there were also triumphs, glory and happiness. Without the other, we can’t celebrate the latter. It is my post today to thank everyone.

First thanks to God; whom through His constant and everlasting love, has given me strength to move forward regardless of any adversities. To my family, whose undying love and support has kept me strong and grounded. And to my friends, whom I have met along the way of this journey – I thank you. You’re the only part in this whole circle that I chose – the rest chose me.

To my loyal readers and my blogging friends – - thanks!

Let’s give thanks for all the blessings and His mercy and goodness and while we prostrate ourselves, let us remember the less fortunate, the poor, the desolate, the abused, the neglected. Let us lift them up in prayer and lift ourselves up in the same voice that we may do what we can to assist them in many small ways we can.


Queen of Soul Jaya returns to the recording scene after two years

jaya.JPG

Matagal na panahong naging prized possession ng Viva Records si Jaya, pero ngayon ay nagdesisyon siyang lumipat sa GMA Records, ang recording arm ng Kapuso network. Ikinuwento ni Jaya ang pagsisimula niya sa recording scene during the presscon of her first album with GMA Records titled Cool Change last November 15, at Circle Café in Quezon City.

“Yung album namin ng 1998, dun na nag-start yung Baby Child Productions, nag-branch out. ‘Tapos pumasok din kami sa Viva, parang co-prod ‘yon. After ng ’98, ’99…2001, umalis na rin ako, naghiwalay na rin kami ng asawa ko [her first husband], so we have to cut the ties with Baby Child Productions and Viva. Bumalik ako sa Viva na wala nang tie-up with any other company.”

GOODBYE, VIVA. Bale apat na taon din nakakontrata si Jaya sa Viva Records kung saan siya nakilala bilang Queen of Soul. Nang mag-expire na ang kontrata niya sa Viva Records ay nagdesisyon si Jaya na magpaalam na.

“Nagpaalam ako nang maayos,” paglilinaw niya. “Sinabi ko kay… ‘Eto yung time kasi na si Wyngard [Tracy], yung dati kong manager, magre-retire na. So, nagpaalam siya sa akin.

“Sabi ko, ‘Ah, e, di puwede akong magpa-manage kay Maristel San Pedro?

“Sabi niya, ‘Ay, oo, great! Go, go for it!’

“Sinabi ko kay Maristel na gusto kong magpaalam sa Viva, kasi parang I don’t see any other hope, or anything big that might happen with the contract.

“So, sabi niya, ‘Sige, try natin. Kung paaalisin ka, great. Kung hindi, tapusin natin yung commitments.’ Pinayagan naman ako, walang hard feelings with them [Viva],” kuwento ni Jaya.

Kaya ba siya nagdesisyong umalis ay dahil pinabayaan na siya ng Viva?

“Hindi siguro pinabayaan,” paglilinaw niya. “Parang naiba lang siguro yung takbo ng pamamalakad nila. Nagsulputan kasi ang mga mas batang singers. Wala akong magagawa, ganun talaga ang buhay.”

“Malaki ang utang na loob ko sa Viva, malaking-malaki. Alam ni Boss Vic [del Rosario] ‘yan, alam ni boss Vincent ‘yan, nina Tita Baby Gil. Lahat ng mga tao sa Viva, wala silang nagawa sa akin kundi puro kabutihan.

“But there comes a time when everything must end,” patuloy ni Jaya. “You’ll never know, malay mo, bigla na lang may mangyari na namang something, maging co-production ang Viva. Hindi ko alam, di ba?”

Pero aminado rin si Jaya na kahit papaano ay sumama rin ang loob niya sa Viva Records noong mga huling bahagi ng kontrata niya sa naturang recording company.

“Sige, wala nang plastikan, sumama ng konti ang loob ko,” diretsahan niyang sabi. “Pero hindi ko ‘yon ikinahimatay. Nung nagsara yung pinto na ‘yon, ang daming nagbukas, in fairness. Basta ang alam ko, that’s one episode in my life na dapat magpasalamat pa rin akong nangyari dahil kung hindi, wala, wala ito.”

TWO-YEAR DARKNESS. Ang “ito” na tinutukoy ni Jaya ay ang album nga niyang Cool Change. Naglalaman ito ng mga revivals na “Is it Over?” bilang carrier single; ang title track na “Cool Change”; Just Once”; “Through The Fire”; “Points of View” na duet niya with Regine Velasquez; “On The Radio” na original song ni Donna Summer; “Girlfriend”; “For The First Time” ni Kenny Loggins; “Just Because” ni Aretha Franklin; “Why Can’t It Be?”; “Living Inside Myself”; at “Cody’s Song” na handog ni Jaya sa kanyang anak na si Sabriya.

Pagkatapos niyang hindi mag-renew ng kontrata sa Viva Records, dalawang taong nabakante bilang recording artist si Jaya.

“Walang gustong mag-sign up sa akin!” tawa niya. “Kunwari ikaw, writer ka, wala nang gustong tumanggap sa ‘yo. Di ba, nakakaloka ‘yon? Parang hay! Na parang hindi na siya kailangan ng music industry.

“Una kong inisip ‘yan, na ano ba ang gagawin ko? Pero nung after a while, sabi ko, ‘Ay, gusto ko ito, challenge! May dahilan.’”

Walang nag-approach na ibang recording company kahit Jaya na siya?

“Talaga!” sagot niya.

Hindi siya kinuha ng IndiMusic nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid?

“Ay, hindi kami nakapag-usap about that, yung I Music,” sabi ni Jaya. “At that time, wala, e. Kasi even them [Regine and Ogie], kunwari magkakasama kami, hindi naman kami nag-uusap na, ‘Hoy, gagawa ako ng album, Iyay [nickname ni Jaya], puwede bang ano, tsumika ka sa production?’ Wala, wala kaming napag-uusapan. Kaya nga nung nag-I Music siya, hindi ko alam. Hindi ko namalayan na may I Music pala.”

Kaya dalawang taon na madilim ang kanyang paligid?

“Sa recording lang siguro,” sabi naman ni Jaya. “Pero you know, kapag may dilim talaga, may liwanag. At pag lumiwanag naman, sumusobra. Hindi, talaga, pasalamat na din ako sa Diyos na binigyan niya ako ng hirap. In fairness, kayang-kaya ko talagang dalhin. Walang nakaalam, di ba? Ano ba ‘yan, walang nakakaalam kapag malungkot ako!”

SEXBOMB SNUB ISSUE. Samantala, lumabas ang balita na inisnab daw ng ilang SexBomb Girls si Jaya nang minsang nasa sa studio sila ng Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP. Pero nilinaw naman ng singer-TV host na hindi siya humingi ng apology mula sa all-female group dahil sa nangyari.

“Ay, hindi! Sabi ko nga, hindi naman kailangang mag-apologize,” giit ni Jaya. “Si Miss Joy Cancio [SexBomb manager] na mismo ang nag-text sa akin, na humingi na siya ng pasensiya.

“Sa akin, hindi ko nga kailangan, e. Ang nangyari, nagkukuwento lang ako, nakalabas. Sabi ko, ‘My God, anong nangyari?’ Baka naman sabihin ng tao, gumagawa ako ng gimik. Katsipan, di ba? Hindi ako magimik na tao. Alam ninyo ‘yan, kilalang-kilala ninyo ako.”

Nagbigay rin ng mensahe si Jaya para sa SexBomb: “Alam ninyo, maiksi ang buhay ng tao, lalo na ang career ng tao sa industriya. Ngayon, kung may mga pagkakataon, magkusang-loob na lang kayo na kahit smile lang. Alam ko naman na pagod kayo, pangkaraniwan na ‘yan sa mga artista. So just try to nod, or do acknowledge yung mga tao. Kahit ako, huwag na ninyo akong pansinin, dedmahin na ninyo ako habang buhay, okay lang. Pero sa ibang tao, napapansin talaga.”

Marami na rin daw kasing nakakapansin sa pangde-dedma ng ilang miyembro ng SexBomb sa ibang artista, pero si Jaya lang ang naglakas ng loob na mag-voice out ng kanyang obserbasyon.

“Marami kami na nakakapansin, pero wala kaming hinaing. Napag-usapan lang,” sabi ng Queen of Soul. “Siguro, alam mo, in a span of few weeks na, e. Yung last-last… Two weeks ago? Basta yung last na nag-guest sila [SexBomb] sa SOP na kasama ako sa opening.

“Feeling ko, mga pagod. Paroo’t parine sila sa hagdan. Sa akin lang, wala akong ginawa sa inyo. Kahit ganun, kindat, kilala ko naman sila, e.”

Ano ba ang eksaktong sinabi ni Jaya tungkol sa SexBomb na pinagmulan ng isyu?

“Kay Allan K. ko sinasabi. ‘Allan, ano ba’ng tsika ng Sexbomb?’

“Sabi niya, ‘Bakit?’

“‘Bakit walang nag-aano? Parang dedmatic society?’

“Sabi niya, ‘Ay, say ko sa kanila!’

“Sabi ko, ‘O sige!’”

Pero nilinaw ni Jaya na hindi si Allan ang nagkalat. “Hindi! May mga tao sa dressing room kasi,” sabi niya.

Sina Jaya at Allan K ang hosts ng All Star K.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails

« Previous EntriesNext Entries »

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com