Ken Zhu and Iza Calzado are now adopted children of Batanes
I guess this is another movie to watch out for. The plot of the moview sounds very interesting and know Iza Calzado, I’m sure this is going to be a super drama and Ken Zhu – OMG! He’s a gem waiting to happen.
- Chuva Chienes
Sa ginanap na press preview ng Batanes ng Ignite Media, Inc. at GMA
Films sa Cinema 1 ng Podium kahapon, December 3, ay personal na ipinagkaloob ang official testimonial and token bilang adopted sons and daughters ng lalawigan ng Batanes sa lead stars ng movie na sina Ken Zhu at Iza Calzado, sa mga direktor ng pelikula na sina Adolf Alix at Dave Hukom, at sa producer na si Arleen Cuevas.
Ang mga token na ipinagkaloob sa kanila—especially with Ken and Iza—ay ang vacul, na headdress para sa babae na siyang sumasagisag or sumisimbolo sa mga kababaihan ng Ivatan o ang mga sinaunang babae ng Batanes.
Ipinakita rin na isinuot ni Iza ang vacul pagkaabot sa kanya. Ipinagkaloob naman sa Taiwanese superstar na si Ken ang kanaye, isang uri ng vest na siyang isinusuot ng mga kalalakihan sa Batanes.
Ang mga namumuno sa Batanes na sina Governor Telefosforo Castillejos, Congressman Carlos Diasnes, at Mayor Demi Narag ang mga nagkaloob ng testimonial at token sa dalawang bida, mga direktor, at producer ng pelikulang Batanes.
Parehong masaya at flattered sina Ken at Iza sa pagkilala na natanggap nila. Bilang mga adopted children ng Batanes, malaya na silang bumili at magkaroon ng sarili nilang property sa malayong lugar na ito ng Pilipinas.
Pero siyempre, iba naman sa kaso ni Ken dahil hindi naman siya Filipino citizen. Pero ayon nga sa kanya, ang Batanes ay isang “paradise.”
Bukas, December 5, na magbubukas sa mga sinehan ang Batanes na magpapakita ng kagandahan ng naturang lalawigan.
Source: PEP













