More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika


  • View My Stats

Snooky Serna wants to publish her own compilation of poems

snooky_serna3.JPG

Gusto ring pasukin ng aktres na si Snooky Serna ang mundo ng pagsusulat ng libro. Na-inspire daw kasi si Snooky sa mga children books na isinulat nina Tintin Bersola-Babao at Maricel Laxa-Pangilinan kaya gusto naman niyang gumawa ng sariling compilation of poems.

Ayon kay Snooky, marami na raw siyang isinulat na poems na never pa raw niyang ipina-publish. Ito raw ay patungkol sa kanyang masalimuot pero makulay na buhay sa loob at labas ng mundong kinalakhan niya—ang showbiz.

Ang goal daw ni Snooky sa paglabas ng kanyang compilation of poems ay kapulutan ng aral ang kanyang buhay.

Paliwanag ng aktres, “Sa tinagal-tagal ko sa business na ito, I’ve come to realize na marami pa pala akong dapat matutunan sa buhay ko. Nagsimula ako at a very early age and up to now, nandito pa rin ako. I’m very thankful sa mga taong walang sawang tumutulong pa rin sa akin.

“Like what I said, there is still so much to learn in life. Through the poems na ilalabas ko, I want people, especially women, to get something out of what happened sa buhay ko—bilang isang ina, bilang isang babae. I must admit that are many phases in a woman’s life na mahirap i-explain and it is through your own words that you can really get your message through,” pahayag ni Snooky.

May kinakausap na raw na ilang publishers si Snooky at ipinagdarasal niya na sana ay matuloy ang plano niyang ito.

“I want to leave a lasting impression sa mga anak ko at sa ibang tao,” sabi ng dating child actress. “Na si Snooky Serna, hindi lang siya naging artista o naging isang separada. Gusto ko namang mabasa nila na nagkaroon ng worth ang buhay ko, lalo na when I gave birth to my two beautiful daughters, Samantha and Sachi.”

Sa ngayon ay pinagkakaabalahan ni Snooky ang paggawa ng ilang indie movies. Kabilang na rito ang Manananggal Me, Crossroads, at isang yet-untitled project with Direk Elwood Perez.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails
«
»

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled
Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com