“Anak ng Kumander” director cuts Valerie Concepcion’s kissing scene with Pacman
Well, I believe that it was a good act on the director’s part to take out the scene that is causing much controversy. Someone hailed as a hero like Pacman needs to have his reputation away from controversies. He is due to fight again and the last thing he needs is bad publicity.
- Chuva Chienes
Dahil sa nilikhang ingay ng kampo ni Valerie Concepcion tungkol sa kissing scene niya with Manny “Pacman” Pacquiao sa pelikulang Anak Ng Kumander, minabuti ng direktor nitong si Jose “Kaka” Balagtas na tanggalin na lang ang naturang eksena sa final cut.
Sabi ni Direk Kaka, pagkatapos kinunan ang kissing scene nina Valerie at Manny, wala naman daw siyang narinig na reklamo mula kay Valerie. In fact, nagbibiruan pa nga raw sila ni Manny before and after makunan ang eksena. Kaya takang-taka si Direk Kaka kung bakit nag-iiyak si Valerie sa TV at tila ang direktor pa ang sinisisi.
“Nagpasabi na lang sana siya at nagawan ng solusyon ang problema niya, kung problema nga ‘yong matatawag,” diin ni Direk Kaka sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “Kung talagang may reklamo siya at hindi niya gusto yung eksena namin, nagsabi sana siya agad. Maiintindihan ko naman ‘yon. Hindi yung idadaan pa niya sa media at doon siya umiiyak. Matino naman kaming kausapin. Huwag naman sana nilang palabasin na binastos namin siya.”
Hindi tuloy maiwasang sabihin ni Direk Kaka na gumagawa lang ng ingay ang kampo ni Valerie para ito mapansin. Sa totoo lang naman, iilan lang kasi ang may alam na kasama pala si Valerie sa movie.
“Ang hindi maganda ay yung pati mabait na misis ni Manny na si Jinky ay idinamay nila. Kung galit sila sa akin, sa akin na lang at huwag na silang mandamay ng ibang tao. Para tuloy ginagamit nila si Manny sa ganyang paraan.
“Kung sabagay, sino ba ang sikat between Manny and Valerie, di ba? Kaya para di na humaba ang usapan na ito, tinanggal ko na lang ang eksenang ‘yon. Para wala na silang mapag-usapan pa at may mga madamay na mga inosenteng tao,” pagtatapos ni Direk Kaka.
Source: PEP














hi ma mztah na…. sana mkapnta ka d2 sa province namin…miss u chabilita…
Panay Tsismis naman wala naman HALAGA kung hindi naman IPAPAKITA ang nasabing TORRID KISSING para malaman ng mga nakakabasa kung ito ay totoo or publicity Stunt .Wala ng maniniwala o manunuod sa inyong Palabas na ANAK ni Kumander dahil GIMMICK lang ito. Sawa na kaming lahat ng ganitong pamamaraan para magkaruon ng interes sa inyong palabas. We would like to see if its TORRID or MAARTE LANG SI VALERIE.ITS AN HONOR TO KISS A WORLD CHAMPION ,ASKED ANY CELEBRITY .