banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Kris Aquino reprises Susan Roces’s role in “Patayin sa Sindak si Barbara”

kris_aquino.JPG 

Matapos ang kanyang pagganap sa dalawang horror movies, Feng Shui at Sukob, muling nagbabalik ang TV host-actress na si Kris Aquino sa horror-serye Patayin sa Sindak si Barbara.

Sa taped interview ng Entertainment Live kahapon, December 29, sinabi ni Kris na mas higit ang kanyang bagong role as Barbara kumpara sa unang dalawang roles na ginampanan niya sa pelikula.

“Parang walang sinabi yung pagod ko sa Feng Shui at Sukob,” paglalarawan ni Kris. “Napanood ko both versions. I saw the original, pinapanood sa akin the one starring Tita Susan [Roces] and the one starring [Lorna Toelentino]. This is very different in a sense na napalawak yung story.”

 

Dagdag pa ni Kris, “Grabe, sasabihin ko naman po sa inyo kung so-so lang ang performance ko. Pero dito, name it, parang nagawa ko talaga. Yung parang all levels ng emotions, all levels ng iba-ibang klase ng takot na-express dito. I mean, yung physical talaga.”

Bagama’t mas mabigat ang kanyang role sa nasabing horror-serye, ipinagmamalaki naman ni Kris na mapapamangha ang Filipino televiewers sa TV adaptation ng Patayin sa Sindak si Barbara.

Paniniguro pa niya, “Ito ang maga-guarantee ko sa inyo, yung sa tatlong linggo na itatakbo ng Patayin sa Sindak si Barbara, you will be amazed. Sabay-sabay kayong sisigaw, sabay-sabay kayong mamamangha.



Text Link Ads

Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Popularity: 6% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.