banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Iza Calzado enjoys working with Robin Padilla in “Joaquin Bordado”

iza_calzado.JPG

May kumakalat na balitang kaya raw hindi mabigyan-bigyan si Iza Calzado ng plum role, gaya ng Darna or Dyesebel, sa GMA-7 ay sa dahilang hindi raw kasi ma-achieve ng aktres ang magandang pangangatawan na kailangan sa mga nabanggit na projects.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa set ng E.S.P., ang bagong suspense-thriller series ng Kapuso network. Aniya, maski siya, hindi niya alam ang dahilan.

“Besides, hindi naman ako naghahangad in particular na maging Dyesebel or Darna. Siguro nga, hindi bagay sa akin. At saka hindi ko carry ang magkaroon ng sexy image na kailangan din sa ganoong klaseng portrayals,” ang paunang paliwang ng aktres.

Ang sabi pa niya, “Kahit gustuhin ko man, kung hindi para sa akin, at hindi ibibigay sa akin, walang problema yun. Kasi, tama na sa akin ang magagandang breaks na ibinibigay ng GMA-7 sa akin. Masaya ako at talagang tinututukan pa rin nila ako.”



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Si Iza ang major leading lady sa Joaquin Bordado opposite Robin Padilla. Bukod pa ito sa E.S.P. na siya rin ang bida.

“Sobra-sobra na ang magagandang breaks na yun para hangarin ko pa ang mga bagay na hindi para sa akin. Sa GMA-7, alam nila kung saan kami ipupuwesto.

“At saka interesting para sa akin ang drama. Dito ako nalilinya. May challenge din siguro ang mag-play na Darna or Dyesebel, pero kung hindi nga for me, ayoko nang hangarin pa,” paliwanag pa ni Iza.

Nilinaw rin ni Iza na siya ang klase ng talent na masunurin sa GMA-7 executives. Never daw siyang nanguwestiyon sa mga desisyon ng network sa career niya.

“Ginagawa nila ang nararapat, and I just have to trust them. Hindi naman masama ang katawan ko, but in a way, ayoko ring malinya sa sexy roles dahil hindi ko mabibigyan ng justice. I know my limitations.

“Ayokong tumanggap din ng roles na hindi bagay sa akin. At kung talagang bagay sa akin ang mag-Darna or Dyesebel, I’m sure, ibinigay na rin sa akin ‘yan ng GMA. Pero, nasa kanila ang desisyon,” banggit pa ng dalaga.

Baka naman ang rason kung bakit hindi ibinigay sa kanya ng GMA-7 ang mga naturang roles ay dahil alam ng mga TV executives na hindi naman niya iniisip talaga mag-Darna or Dyesebel. Hindi kaya?

“I’m getting what I deserve,” aniya. “Walang dahilan para magreklamo pa ako. I don’t think much of my TV career, kasi, for the past few years, nararamdaman ko namang sigurado na ang future ko rito.

“Nagtatrabaho pa rin ako para hindi magsawa ng suporta ang GMA-7 sa akin, pero nakatutuwa ang malalaking breaks na ibinibigay nila. Masaya na nga ako na nabigyan ako ng Amihan role noon sa Encantadia. Yeah, it’s true. Akala ko, hanggang doon lang ako, pero marami pang dumating. During that time, masaya na ako sa break na yun for me,” kuwento pa ni Iza.

Ang isa pang medium na gusto ni Iza ay ang pelikula. So far, she’s getting nice roles na hindi basta naibibigay sa mga artistang kasabayan niya.

Ayon kay Iza, “In the past years, maski sa indie films, I was able to get meatier parts. Napatutunayan ko ang worth ko as an actress, and that’s good enough for me.

“Iba’t ibang klaseng roles na ang naibibigay sa akin. Nakatrabaho ko na nga si Robin [Padilla] sa Blackout before, isang indie film, and this time, mahabang panahon ang pagsasamahan namin sa Joaquin Bordado.
Kumusta naman si Robin bilang katrabaho?

“It’s always a pleasure working with Binoe. Off-camera, sobrang asaran ang inaatupag namin. May ganoong kulitan factor, pero pagdating sa trabaho, since I play his wife in the series, I have to project somebody who’s really head-over-heels in love with him,” sabi pa ni Iza.

At hindi naman daw siya masyadong nahirapan sa ganoong aspeto dahil nakaka-in love naman daw talaga si Binoe.

Source: PEP

Popularity: 8% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.