Bangs Garcia keeps mum on real deal between her and Jake Cuenca
Naayos na ang anumang problema sa pagitan nina Bangs Garcia at Roxanne Guinoo bago pa man mag-premiere telecast ang Palos. Nakita na silang nag-promote together sa ilang ABS-CBN shows at halatang nag-uusap na.
“Naging awkward lang kami talaga dahil sa mga intriga,” naipahayag ni Bangs. “May mga nasabi siya, may mga nasabi ako. Ganoon na lang yun. Nag-usap kami at nagkaintindihan.
“Nang magkita kami noon sa A.S.A.P. 08, nagkatawanan na lang kami. I think, that’s just how showbiz goes.”
Tinanong namin si Bangs kung totoong pinormahan siya ni Jake at kung ito ang pinagmulan ng gulo sa kanila ni Roxanne.
“Baka kasi kung magsalita ako, hindi naman pala yun ang ibig sabihin ni Jake. What I mean is, mahirap basta nagsasalita ng ganyan, lalo na’t ako ang babae. Ako ang lalabas na kahiya-hiya ‘pag nag-deny ang lalaki.
“I have learned my lessons. Wala akong sinasabi, and I will remain that way,” natatawang sabi pa ng baguhan.
Obviously, ang binabanggit ni Bangs ay ang nangyaring pangde-deny ni Sam Milby sa kanya.
“Sinabi naman niyang exclusively dating kami noon, so yun lang yun,” sabi ni Bangs. “Kung yun ang dating sa kanya, na walang commitment, yun naman yun.
“Sa akin kasi, I don’t think nag-deny si Sam. Iniintindi ko na lang dahil iba na ang situwasyon niya ngayon. Nangyari pa yun before he entered Pinoy Big Brother.
“I was so busy then with Close Up 2 Fame. I was one of the finalists. Ipinaliwanag ko na yun, ‘di ba? Ngayon kasi, isipin na lang natin, mayroon silang relationship ni Anne [Curtis], so inaasahan ko na lang na parang balewala na sa kanya yung exclusively dating na yun,” ang mahabang kuwento ng dalaga.
Kahit baguhan pa lang si Bangs, namumulat na siya unti-unti sa totoong kalakaran sa showbiz.
Aniya, “Ganoon na lang. Ayoko nang palakihin ang isyu. Naiintindihan ko na at natuto na akong huwag maunang magsalita kapag tungkol sa ganyang mga bagay ang tinatanong sa akin. Ayoko lang kasi ng nagsisinungaling. Hindi ako sanay.”
Medyo traumatic ang unang pagsalang ni Bangs sa mga intriga. Itinapat siya kay Rox over Jake, hayun at dinenay-deny naman diumano siya ni Sam.
“Okey lang ako, hindi naman trauma. Pero, kailangang mag-ingat ako. Hindi lahat ng totoo, would work favorable for me,” depensa na lang ni Bangs.
Hindi naman talaga sinabi ni Bangs, in fairness to her, na nag-on sila ni Sam. Exclusively dating nga lang na inabot ng two months or even less.
“Hindi ko na kasi matandaan pero totoong hindi inabot ng three months yun. Maiksing time lang talaga dahil naging busy na ako, at ganoon din siya,” lahad ng lovely newcomer.
Kung sa kanya raw ay walang epekto yun, pero sa mga nakakaalam tungkol sa real score sa kanila ni Sam, hindi maiiwasang magtaka o magtanong ang mga ito.
“Ayoko namang ipilit yun sa publiko, pero yung mga kaibigan ko at relatives na nakakaalam, ang feeling nila, ganoon lang yun? Balewala kay Sam yung exclusively dating na yun.
“Siguro nga, ganoon na lang yun, and we just have to put it that way na lang, na walang naging importance pala sa kanya yung phase na yun,” pagkikibit-balikat ni Bangs.
So, ibig bang sabihin ay walang dapat ika-insecure si Anne sa kanya?
“Ano naman ang ikaka-insecure niya?” at natawa na lang si Bangs. “Eh, siya na nga ang gusto ni Sam, ‘di ba? Ang sa akin ay napag-usapan lang naman.
“Never na kaming nagkausap ni Sam since then. Ang huling text niya sa akin, noong bago mag-Christmas. He just wished me ‘Merry Christmas.’ Ganoon lang,” at muli siyang napangiti.
Ang mahalaga, tuloy-tuloy ang exposure ni Bangs. Nagbunga ang kanyang pagsisikap at ngayon ay unti-unti na siyang nakikilala. Una, sa kanyang bagong image sa Palos, at tuloy ang pagpapa-sexy-comedy niya sa Banana Split, isang bagong gag show na inspired from that comedy show of
yesteryears, Goin’ Bananas.
Source: PEP












isa po akong staff sa palos at ako po ay matagal ng nagtitimpi dahil madalas pong nabibitin ang shooting namin ng dahil sa pagkukulong ni cesar montano at bangs garcia sa sasakyan ni cesar.. kami pong mga staff ay apektado ng dahil dito. matagal na po itong nangyayari. kunwari poy nililigawan lang ulit ni cesar si sunshine para hindi masira sa kanyang endorsements. hindi lamang po naman alam kung ito po ay alam na ni sunshine cruz. hindi po ito gimik dahil alam po nating mahina ang palos.. lalo po kaming humihina ng dahil sa “KABABUYANG” ginagawa ng dalawang ito sa araw-araw na pagte-taping namin.. ang ibang staff po ng palos ay bumili na lamang ng ibang sim card at nagpapanggap na si sunshine at patuloy na tinetext si bangs dahil hindi maganda sa isang katulad nya ang ginagawa. sobra po silang dahil pati po sa harap ng ibang artista at staff ay wala silang tigil sa paglalandian!
hoy paul bayot! mag ingat ka sa pananalita baka ma baril ka!
is that even true????