“Something big” will happen to Dingdong Dantes in March
Pagkatapos ng kanyang daring pictorial para sa Cosmopolitan magazine at pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash last year, former Viva teen actor Dingdong Dantes bares anew sa ilulunsad ng malalaking billboards ng Bench underwear.
Si Dingdong ang latest addition sa lumalaking pamilya ng Bench na pag-aari ng businessman na si Ben Chan. Ang PEP ang unang nagbalita ng naturang photo shoot ni Dingdong.
Napag-alaman din ng PEP mula sa isang source na higit pa raw ang ginawa ni Dingdong sa Bench photo shoot niya na kinunan sa Subic Bay Freeport sa Zambales ilang linggo na ang nakararaan. Mas exciting din daw ang photo shoot ng leading man ng Marimar kesa sa sexy pictorials niya sa Cosmopolitan kung saan naghubo’t hubad si Dingdong.
“Naku, tiyak na pag-uusapang muli si Dingdong kapag lumabas na ang kanyang Bench pictorial! Ibang-iba siya rito. Ang lakas ng kanyang dating. Papable na papable ang dating niya sa akin!” says the PEP informant who witnessed Dingdong’s pictorial.
Sa isang interview kay Dingdong sa set ng Marimar, sinabi niyang “something big” is happening on him in March at dapat daw itong abangan ng kanyang mga tagahanga. Ang Bench pictorial na marahil yung sinasabi ni Dingdong na “something big” na magaganap sa kanyang buhay bilang isang artista at celebrity endorser.
Sa pagkukuwento pa ng source ng PEP, sinabi nitong it’s really something big for Dingdong—ang pagpayag niyang magpaka-daring lalo sa kanyang photo shoot para sa Bench. Ikakagulat daw ng mga umiidolo at nag-iilusyon kay Dingdong kapag inilunsad na ang malalaking billboards ng aktor sa metropolis, lalo na sa kahabaan ng EDSA, at ilang key cities sa lalawigan.
Idinagdag pa ng source na tila hirap na hirap daw ang Bench management na pumili mula sa pictorial kung alin ang kanilang ilalabas dahil sa sobrang ganda ng mga kuha. Pero kung ang source ang tatanungin at papipiliin, pinakagusto raw niya yung naka-brief lang si Dingdong, nakadipa, at nakaharap sa dagat.
Isa pa raw sa gustung-gusto niya ay ang pictorial ni Dingdong kung saan naka-G string lang ang aktor. Lutang na lutang din daw ang ganda ng pangangatawan ng matinee idol sa kanyang push-up shots.
“Ang gaganda ng mga kuha ni Dingdong!” bulalas ng source. “Wala kang itatapon sa kanyang pictorial. Walang dudang si Dingdong nga ang maituturing na hottest sexy actor sa kasalukuyang panahon. After this, I bet lalo siyang pag-uusapan sa lahat ng sulok ng bansa. And I tell you, baka maraming maaksidente sa kahabaan ng EDSA kapag nakaposte na ang billboard ni Dingdong!” biro pa niya.
Sa nakalap pang impormasyon ng PEP, magkakaroon daw ng launching at unveiling ng Bench billboards ni Dingdong sa March 8. Kasama na rin daw si Dingdong sa mga rarampa sa pinaplanong Bench fashion show sometime in July.
Nagpadala ng text message ang PEP kay Dingdong upang kunan siya ng pahayag, pero ayaw pa rin niyang magbigay ng anumang komento tungkol dito. Pero kinumpirma ni Dingdong na may isang malaking event na magaganap sa buhay niya sa March 8.
Source: PEP

Popularity: 4% [?]





























One Response to ““Something big” will happen to Dingdong Dantes in March”
By gayza on Mar 2, 2008 | Reply
grabe iba n tlaga c dingdong sobrang he makes use of d opportunity dat comes to him..nku i can`t wait to see him na nakabrief lng..ulala tlaga xa..sna mgawa din yan nla jc de vera, mark herras, richard guttierez at ni papa dennis.. let`s admit dat showing r naked glory makes us more popular db?! tsaka carir move din yan.
[reply this comment]