banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Joross Gamboa turns down offer to play the actor-lover in Rustom Padilla’s filmbio

jorossg_160×120_09.jpg

“Daring kasing masyado. So, siguro on my part lang, nandoon pa rin yung limitation,” explains Joross Gamboa why he said no to play Rustom Padilla’s actor-lover in the latter’s filmbio.

 

Kahit hindi masyadong visible lately sa telebisyon ang young actor na si Joross Gamboa, hindi naman pala ito nangangahulugan na nakatengga lang siya. In fact, sa loob lang halos ng wala pang dalawang buwan, nakakadalawang balik na si Joross sa Japan para mag-perform.Nagustuhan daw kasi ang pagiging very lively ni Joross kapag nagpe-perform kaya kahit kagagaling pa lang sa Japan ay nakabalik siyang muli last Holy Week para mag-show. Ayon sa kuwento ni Joross sa PEP (Philippine Entertainment Portal), natutuwa rin daw siya dahil sa ikawalang pagkakataon lang ng pagbalik niya sa Japan siya mas nag-enjoy.

“Enjoy rin naman yung first dahil mas matagal kami nag-stay sa Japan sa unang punta namin. Kasama ko rin ang mommy ko. Yun nga lang, sobra ang snow noon kaya hindi rin kami masyadong nakapasyal. Pero yung experience masaya kasi first time ko lang na maka-experience ng snow,” kuwento ng young actor.

NOT PANICKING. Bukod sa mga out-of-the-country at out-of-town shows na ginagawa ni Joross, nakatapos na rin siya ng isang independent/digital film na may titulong I Love Rogers para sa Cinemalaya.

Ayon kay Joross, okay naman daw siya at hindi tipong nagpa-panic na artista kapag wala pang regular show na ginagawa. Pagdating daw sa kanyang career, ipinauubaya na niya ang lahat sa kanyang bagong manager na si Becky Aguila.

“Ako kasi, okay lang ako na maghintay,” sabi niya. “Hindi naman ako nagpa-panic and I trust Tita Becky, alam naman niya kung ano ang dapat gawin. In fact, may sinasabi na raw na plano ang ABS-CBN, pero hindi pa sinasabi sa akin kung ano. Basta ako, kung ano ang dumating at okay naman, gagawin ko.

“Enjoy naman ako sa mga shows na ginagawa ko. Naipagpapatuloy ko rin yung pag-aaral ko ng college,” pagbabalita pa ni Joross, na second year college student sa Southville International taking-up Mass Communication.

RUSTOM FILMBIO. Hindi na rin itinanggi ni Joross nang tanungin namin siya tungkol sa balitang pagtanggi niya na gumanap sa role ng popular actor na sinasabing nakarelasyon ni Rustom Padilla sa filmbio ng huli. At press time ay hindi pa sure kung matutuloy na gawin ang pelikulang ito tungkol sa buhay ni Rustom.

Pero bakit nga ba niya tinanggihan ang role bilang lover ni Rustom?

“Siguro, on my part, gusto ko rin namang i-try yung iba naman. Hangga’t maaari sana, iba naman, other than gay role. Yung sa independent film kasi na ginawa ko, may pagka-ganoong tema rin, although iba naman kasi yung attack ng character,” paliwanag ni Joross.

May nagsasabing masyado raw kasing “given” yung identity ng sikat na actor na dapat ay gagampanan ni Joross at medyo daring pa ang mga love scenes nila ni Rustom kaya niya ito tinanggihan. Totoo ba ito?

“Isang factor din siguro ‘yon,” pag-amin niya. “Daring kasing masyado. So, siguro on my part lang, nandoon pa rin yung limitation.”

TEAM-UP WITH ROXANNE. Last March 14, sila ng dating ka-loveteam at ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo ang nagkasama at nagkapareha sa episode ng Maalaala Mo Kaya. Dahil sa pagsasama nilang muli, hindi maiwasan ang may mag-isip kung posible kayangmaibalik ang team-up nila.

“Depende sa ABS ‘yon,” saad ni Joross. “Para kasing ayaw pa rin nila kong i-pair sa iba. Mukhang mas gusto pa rin nila ko kay Roxanne.”

Pero magkaganunman, itinanggi ni Joross ang sinasabing posible na pagbabalikan nila ni Roxanne, lalo pa’t inamin na ng dalaga na break na rin sila ni Jake Cuenca.

Aniya, “Hindi na siguro possible ‘yon, if ever. Trabaho na lang lahat.”

Source: PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Popularity: 9% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.