banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Dingdong Dantes shrugs off intrigue his success makes other young actors insecure

dingdong_dantes1.JPG

Ayaw patulan ng isa sa hottest young actors na si Dingdong Dantes ang intriga na dahil diumano sa sunod-sunod na endorsements niya at ang bagong project niya sa GMA-7 na Dyesebel, nagiging source of insecurity na siya ng ibang young actors sa Kapuso network.


Sa lahat ng ito, positibo lang ang outlook ni Dingdong. Katuwiran niya, although may mga nagsasabi sa kanya tungkol sa isyung ito, hindi pa rin daw niya basta paniniwalaan ito.

“Well, lahat naman kasi ng ito, wala namang kasiguraduhan. Unless, of course, merong konkretong ebidensiya. I’m not in the position to answer kung may nai-insecure or what. Kasi para sa akin, it’s more on sabi-sabi lang.

“At saka nakikita ko, wala namang reason para ka-insekyuran ako. In the first place, sa tingin ko, lahat naman kami na nagtatrabaho nang mabuti, nabibigyan talaga ng iba’t ibang klase ng opportunities,” paliwanag ni Dingdong sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero what if may mga ganito ngang insidente na posibleng hindi lang direktang nakakarating sa kanya? Ano ang mensahe niya sa iba na maaaring nai-insecure sa kanya?

“I believe naman to each his own,” sabi ni Dingdong. “May kanya-kanya tayong taglay na talents. May kanya-kanyang special talents. Ako naman, sa ngayon, siguro ang nangyayari lang is mina-maximize ko lang talaga kung anumang mga pribilehiyo na natatanggap ko ngayon.”

Kababalik lang ni Dingdong mula sa Coron, Palawan, kung saan kinunan ang ilang mahahalagang eksena nila ng leading lady niya sa Dyesebel na si Marian Rivera.

Source: PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Popularity: 21% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.