banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Jake Cuenca and Roxanne Guinoo reportedly broke up for the last time

jake_cuenca.JPG

Hindi na yata mabilang kung ilang beses napabalitang nag-break or nag-cool off sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo.

Sa lahat ng pagkakataon na yun, never kinumpirma ni Jake kung break o sila pa rin ni Roxanne. Ang madalas lang nitong sagot every time na nai-interview siya ay “Okay kami.”

Pero recently, may nakausap na reliable source ang PEP na nagsabing for the nth time ay nag-break na raw talaga sina Jake at Roxanne.

Ayon sa kuwento ng PEP source, na malapit pareho kina Jake at Roxanne, ang nag-provoke ng breakup ng dalawa ay nang huling magkasama ang dalawa sa Boracay noong Holy Week for the Fit ‘N Right Challenge.

Kuwento ng aming source, tila hindi na raw na-take ni Jake ang pagiging selosa ng girlfriend. Halos lahat daw kasi ay pinagselosan na ni Roxanne, hanggang sa umabot daw na maging mga fans ay pinagseselosan na rin nito.

Si Jake daw ang naghamon ng breakup na hindi naman daw tinanggihan ni Roxanne. So far, ganoon pa rin daw ang status ng dalawa ayon sa source. Pero kuwento rin nito, malabo pa raw sigurong magsalita ang dalawa about their status, especially on Jake’s part dahil hindi pa tapos ang primetime series na pinagsasamahan nila saABS-CBN, ang Palos—na magtatapos na actually sa April 24.

Kung matatandaan, last year ay nabalita rin na nag-break or nag-cool off ang dalawa dahil pinagselosan daw ni Roxanne ang longtime friend ni Jake na si Denise Laurel sa birthday party ng isang executive ng ABS-CBN. Yet, both Jake and Roxanne denied the issue.

Pero ayon sa source ng PEP, ang maganda lang daw sa dalawa, kahit break na sila ay professional pa rin sila pagdating sa trabaho.

Source: PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Popularity: 35% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.