Derek Ramsay supports Judy Ann Santos’s “Ploning”
Supporting peers is a great asset most specially if you know that they do try their best to make it good in the industry. They are all actors and Judy Ann worked hard to get where she is now. She deserves her peer’s support. I agree with Derek, professionalism comes first.
Natiyempuhan ng PEP si Derek Ramsay sa Time Zone 5th Celebrity Open kahapon sa Trinoma Mall. Nalaman naming kararating lang nila ng girlfriend na si Angelica Panganiban mula sa Korea kunsaan sumali siya sa isang Frisbee competition. Dumating sila sa Pinas ng 1 a.m. at halos wala pa raw silang pahinga. Commitment na nga lang daw niya ang pagsali sa Time Zone Celeb Challenge.
Napag-alaman din ng PEP mula kay Derek na naka-third place lang siya sa Frisbee competition dahil sa kanyang bagong knee injury. Dati na kasi siyang may injury sa kabilang tuhod. Sa competiton sa Korea, ang isa naman niyang tuhod ang nagka-injury. Biro tuloy ni Derek, “pareho nang may diperensiya.”
Twenty-seven teams from different countries ang naglaro sa Savage-Jeju Cup. Hindi raw siya under Philippines since hindi naman daw nagpadala ng entry ang bansa. That’s why when team Hongkong called up and offered him to play with them, tinanggap niya agad ang offer being a sports Frisbee freak. Pero humadlang nga ang injury niya sa tuhod to get the championship title.
“Naka-third place ako, pero hindi ko kasi natapos yung tournament. Na ano yung tuhod ko. Sobrang lamig kasi ngayon sa Korea. Napunit yung ligament ko sa good side ko. Yung bad leg ko, yung right. Pero hindi yun ang nagbigay ng problema sa akin sa Korea, yung good leg ko naman. So, pareho na ngayon,” kuwento pa niya.
Nade-depress nga raw siya ngayon dahil hindi muna siya makakasali sa kahit na anong laro. Ipapahinga niya muna ang kanyang mga tuhod. “Nakaka-depress, sobra, sobra, pero pahinga muna,” aniya pa.
NEEDED SURGERY. Bago pa man maging artista, ang sports talaga ang maituturing ni Derek na passion niya kaya hindi nakakapagtakang nalungkot ito nang husto na pansamantalang matitigil siya sa paglalaro. This time nga raw, kailangan na niyang harapin ang pagpapa-surgery ng kanyang tuhod na noong una’y dine-delay pa niya.
“Magpapatingin ako bukas sa hospital. Hopefully, matapos na. At itong klaseng surgery naman, kaya ko namang maglakad pagkatapos. Hindi naman ako maglalaro. So, kailangan kong magpaopera.”
Ano naman ang naging reaction ni Angelica nang makita na nagkaroon na naman siya ng injury dahil sa paglalaro?
“Naiyak nga si Angelica nang makita niya ‘ko. Alam kasi ni Angelica na kahit masakit, pipilitin ko. Tumingin lang ako sa kanya at sabi ko sa kanya, hindi ko na talaga kaya. Pinipilit ko, e. Hindi ako makalaro. Painkillers. Kahit anong support, pero, hindi talaga ako makalaro, so…” kibit-balikat na lang niyang sabi.
RAMSAY SUPPORTS PLONING. Yung paglalaro lang daw niya ang alam niyang maaapektuhan at maiisantabi pansamantala dahil sa pagpapa-surgery niya. Pero yung mga trabaho naman daw niya as an actor ay tuluy-tuloy pa rin.
Nakapag-taping na raw sila for his new series with Judy Ann Santos. Although, hindi pa raw niya alam kung kailan ito ipapalabas. Pero aniya, “hula ko, siguro baka by mid-year.”
Tinanong din ng PEP si Derek kung aware ba siya na dahil sa pelikulang Ploning at pagkakasabay ng playdate nito sa pelikula ng Star Cinema na When Love Begins, medyo nagkaroon ng tampo ang leading lady niya na si Judy Ann sa ABS-CBN kunsaan pareho silang nakakontrata.
Ayon kay Derek, recently lang din daw niyang nalaman ang tungkol sa bagay na yun.
“Actually, nasabi lang sa akin yan today. Hindi ko rin alam yung details ng isyu na ‘yan. Basta ako, I’ll support Judy Ann with her new movie.
“Siyempre, I have a couple of friends na kasali sa movie na ‘yan, katulad ni Direk Dante Garcia. So, I’m gonna watch. I’m gonna support their movie.”
Hindi naman daw siya nakakaramdam ng kaba na baka maapektuhan pati ang seryeng ginagawa nila ngayon ni Juday.
“Hindi naman siguro,” sey nga ni Derek. “Kasi, they created this love team. Ginawa nila itong soap na ito dahil nag-work nga ang loveteam namin ni Judy Ann sa Ysabella. So, siguro naman, they are all professionals.
“At the end of the day, I know they are all professionals. And for Juday, she’s been in the industry for twenty years. Siyempre, maaayos din ‘yan.”
STILL GOING STRONG WITH ANGELICA. Sa huli, tinawanan na lang din ni Derek ang nagsisimulang isyu sa pagitan nila ni Angelica na kesyo, nagkakalabuan na raw sila. Yung pagsama nga naman ni Angelica sa kanya sa Korea ay isang patunay na walang katotohanan ang isyu.
“Of course, that’s not true. Angel supports me in every tournaments I do. At saka, mahilig na rin siyang mag-Frisbee. Akala k…ayoko ngang gawin niya yun ng dahil lang sa akin. Pero nalaman ko na may team na rin pala siya.
“Kaya sabi ko, ano ka ba, bakit ka lalaro sa ibang team? Sa akin ka na maglaro. So, she played her first game two weeks ago. Siya pa ang naka-score ng last point ng game namin. Binilhan ko siya ng Frisbee shoes, so, todo-todo na!
“Baka makita nyo’ng bagong Angelica, maitim,” natatawa pang kuwento niya tungkol sa girlfriend.
Source: PEP

Popularity: 26% [?]

























