Nangangampanya lang po. Please boat por her – nakasalalay ang buhay ko rito.

Ilang linggo na. Tuwing umaga, pagkatapos kong maligo – may kumakatok sa banyo. Yung katulong ko po. Nagtataka po ako dahil hindi naman niya gawain yun. Bakit ako kakatukin sa banyo eh naliligo pa ko.
Aba. Paglabas ko po sa banyo, mayroon na akong kape. Gawa na, complete with French Vanilla cream. Teka teka.. vaket???
Hindi ko po alam ang rason at hindi ko na rin po uusisain. Ang hinala ko lang po eh nilalagyan niya ng anti-freeze yung kape ko tuwing umaga. Alam ko na itong katulong ko ay may paghahangad sa ken. Che! Puwede ba?!
Ayun pala.. she told me today that her blog has been nominated daw.. DITO.
Habang unti unti po akong nilalason ng katulong ko, parang awa ninyo na – please lang po – iboto ninyo. Dahil kung hindi, baka po cyanide na ang ilagay niya sa kape ko sa umaga!~!
Nananawagan po ako sa mga makakatulong sa kanya – tulad ni malen , pusa, becca, fendi, ambo , manay beng at bluep.
Please lang mga ka-bords – iligtas ninyo ang buhay ko. Hindi masarap ang lasa ng anti-freeze no?!!!
Iboto po ninyo si DIWATANG BYANING!!
Yun lang po.












