More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika


  • View My Stats

Mark Herras looks forward to being a godparent of Jennylyn Mercado’s child

mark_herras.JPG

Bagama’t hindi pa nila napag-uusapan ni Jennylyn Mercado, sigurado na ang young actor na si Mark Herras sa pagiging ninong ng magiging anak ng ex-girlfriend niya. Nasa ika-anim na buwan ngayon ng pagbubuntis si Jennylyn at inaasahan na lalaki ang kanyang anak sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia.

Sa panayam ni Rey Pumaloy ng Abante kay Mark, hindi raw kataka-taka na kunin siya at ilan pang ka-batch nila sa StarStruck na maging godparents ng baby ni Jennylyn dahil matalik na kaibigan nila ang young actress

Tinanong din ng shoiwbiz columnist si Mark, paano kung hindi pumayag si Patrick na maging ninong siya?

“Bakit, may magagawa ba siya kung si Jen ang may gusto?” sagot ni Mark. “At saka ano naman ang masama kung maging ninong ako?

“Matagal nang tapos ang relasyon namin ni Jen at magkaibigan naman kami ngayon. So, dapat hindi na bigyan ng kahulugan ‘ yon. Para naman ‘yon sa baby.”

Dagdag ni Mark, “Bahala na lang si Jen doon. Kung ano ang sasabihin ni Jen, ‘yon na lang ang susundin ko.”

Hindi rin naman iniisip ni Mark na magiging isyu pa ito sa pagitan nila ni Patrick dahil nagkasama na rin sila sa trabaho, sa Fantastic Man. Bukod pa rito, ayaw na ring makialam ni Mark sa problema nina Jennylyn at Patrick.

“Hindi na rin namin pinag-uusapan ‘yon ni Jen. Ang mahalaga ngayon ay masaya si Jen.”

IT’S A BABY BOY. Natutuwa rin si Mark nang malaman niya na lalaki ang magiging anak nina Jennylyn at Patrick. Ito raw ang naging hula niya noong mga unang buwan ng pagbubuntis ni Jennylyn.

“Nung two months pa lang ang baby sa tiyan ni Jen, nakipagpustahan ako sa kanya. Sabi kasi ng iba, babae raw ang magiging baby niya dahil maganda nga raw at blooming si Jen.

“E, maganda naman talaga si Jen at ibang-iba ang aura niya. Pero kinontra ko ‘yon at sinabi kong lalaki ‘yon. E, lalaki nga, so tama ako,” lahad ni Mark.

Sa panganganak ni Jennylyn, nangako si Mark na tutulungan niya ang dating kasintahan at ka-love team sa pagbabalik nito sa showbiz.

Source: PEP

Related Posts with Thumbnails
«
»

Comments

One Response to “Mark Herras looks forward to being a godparent of Jennylyn Mercado’s child”
  1. pearly says:

    hello!!!po muzta ka na kuya mark sana wag ka magbbgo idol pa rin kita!!!!bye ingat sa laht

Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled
Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com