Chuva and Mami Kengkay – EB in Frankfurt, Germany
O, mga ka-bords. Ika nga – labasan na kung labasan. Tama na mga tago-tago ng chorvaley. Magpakita na kayo! Ako, talagang ilalabas ko na rin ang mukha ko sa internet. Who cares diba? We only live once and kung ito lang ang paraan para madiscover ako ni Lolit Solis, gagawin ko na rin.
It was a beautiful day here in Frankfurt yesterday. I received an email from Mami Kengkay the night before telling me that we can go shopping daw sa downtown Frankfurt. Kasama raw si Kengkoy at little Kengkays. Excited naman ang ditse ninyo dahil talagang this is my last weekend to shop for “keepsakes” para sa “true” friends ko.. Diba ang shoray??!!
I was late getting in kaya hindi ko agad nabasa ang email ni Mami Kengks pero I responded immediately nung mabasa ko. Nagdecide kami na pi-pickapin nila ako sa hotel between 2:00 or 3:00 p.m. yesterday. Ang ditse ninyo, as usual – maraming ekek at Pedro Penduko sa Pasay – kaya ala una y media na, nakatanga pa rin sa computer. Until I received her email stating they will be on their way in a few minutes and the email said – “39 minutes ago”. Anak ng!!!! Hindi pa ko naliligo!! She said it takes them 45 minutes to get here so may 6 minutes pa aketch!!!!!!!
Dali dali na naligo ang ditse, nagpabango ng katakut-takot when the phone rang. “Chuva!!! We’re only 20 minutes away!! Magkikita na tayo!!!” Ako naman excited din ma-meet ang babaeng baklang ito! Mag-sa-SIGHT seeing daw kame (ng mga boylets hahaha!!).
I was standing in front of the hotel entrance when I saw this two cute little girls, may kasamang daddy-o na puti, and the mommy – of course isang kayumanggi. Sabi ko – - “Aba, si Mami Kengks na ‘to!” And I was right. Shempre, beso beso, chika chika. Ang bait ni Kengkoy mga ka-bords!! Tama nga sabi ni Malen. Sabi niya, saksakan daw ng bait si Kengkoy at Mami Kengkay. Trulaloo!!! I really enjoyed their company.
Nag-drive kami papunta sa downtown Frankfurt. Eh ang mga lekat pala eh ngayon lang rin nakatungtong ng Frankfurt chorva. Kaya ayun, nangapa kami. Paikot ikot kami sa city looking for a parking garage dahil ang daming tao sa city this time. Ang hirap maghanap ng parking. I met the two little Kengkays as well – -yung isa may corona pa!! Daig si Reyna Elena!!! Mga mestisahin!! Sabi ko kay Mami Kengks, pag-artistahin namin pag laki ng mga bata – ako manager!!! Anong laban nila Anne Curtis??
A little shopping here and there tapos, kain kami ng tinapay to carry us over sa gutom namen. After shopping, nag-all expenses paid dinner ang ditse ninyo. Flanggggggggggggg!! Nilibre ako ni Kengkoy!! Ang sarap ng dinner namen. After that, konting shopping pa ulit and then like any other kasiyahan, it must come to an end. They drove me back to my hotel – - and dropped me off.
It was an afternoon na chikahan. Mind you si Mami Kengks, mas mabilis maka-i-spot ng wafuuu kesa saken! Mas na mi-miss ko pa yung mga wafuuuu – siya pa nagtuturo sa ken!!! Mayroon kaming isang nakita, and I wanted to take a photo pero baka ma-ombag ako… so si Mami Kengks ang pinakuha ko ng picture. Sayang nga lang at tumalikod ang subject. Pero in fairview, kita ninyo pa rin sa profile niya na wafu siya!!!!!! Hayyyy gulay.
Without further introduction – here’s our EB in Frankfurt. Mga ka-bords!!! Huwag ninyong i-po-point out kung sino ako sa mga pictures ha!!! Baka machorva ako ng Malacanang!! Hahahaha!!

Si Mami Kengks at ang little Kengkay…
Si Mami Kengkay pa rin – huwag ninyong ituro kung sino si Chuva!!!
Si Daddy Kengkoy at ang isa pang little Kengkay.
Eh sino pa – - hindi naman si Judy Ann Santos yan – - eh di si Kengkay ulit.
At hindi rin po si Dingdong Dantes at Marian Rivera ito… hulaan mo kaya?
Yan po namin nilafung ang all-expenses paid dinner ni Kengkoy! Oho, hindi ko Sagrada de Familia yan…
Ayan po – nasa fountain of chorvaley ang family… cute ng anak mo Mami Kengks!!! Ako ang manager ha? Pag-aartistahin natin yang mga yan!!!
Heto naman yung wafung biglang tumalikod. Shet! Nice shot Mami Kengks!!
Heto naman po ang isang castle sa downtown Frankfurt. Hindi po si Myrna Castillo!
At diyan po nagwawakas ang pagkikita nila Chuva at Kengkay sa Frankfurt, Germany. Nag-chorvahan at nag-chikahan ng katakot takot. Nag-boylet watching kami at shempre – shopping to death (mamamatay ako sa mga presyo dito!!!) .
All in all, it was an afternoon of fun and chorvaley. Kaya mga ka-bords, kung bibisita kayu ng Germany – - call lang kayo kay Mami Kengks. Bigay ko sa inyo number! Hahahahaha!!














hay, ang uber kyut naman ng mga pipol dyan sa pekturs, parang kamukha ko yung isa, ahahaha. eto ang tanong ng mga little kengkays – tita ba daw o tito chuva, hahahaha sabi ko chorva lang! o ngayon may add na sila sa bokabularyo nila ‘chorva’. was real nice meeting you. sana sa sunod sa merika naman.
kengkay’s last blog post..Halikan
Haha! Mami Kengks!!!!! Tenchu din sa pagpasyal at dinner. Thank your Kengkoy for me too! I had fun sa mga chika chika natin. At tenchu din sa gift mow!
Sa susunod talaga, sana Merika naman ang dalaw ninyo…
Sa uulitin!!!