Mark Anthony Fernandez becomes an ‘object of desire’ because of “Kim Samsoon”
It’s funny how that tables are turned now huh? It’s no longer just the women - it’s the men too! I now know why gay-themed films are a hit even in the Philippines. Men are becoming more and more the “object” rather than the “substance”. I wonder who’s going to protect the men from all this abuse? Haha! Yeah right. Like they really care.
Bago ang live interview nina Pia Guanio at John “Sweet” Lapus kay Mark Anthony Fernandez sa Showbiz Central last Sunday, June 29, ipinakita muna ang VTR interview sa young actor. Sa naturang VTR ay nangako ang young actor na gagalingan niya ang trabaho dahil sa paniniwalang kahit hindi na niya kapiling ang yumaong ama na si Rudy Fernandez ay nakikita pa rin nito ang lahat ng ginagawa niya.
Bumalik sa leading-man status si Mark sa bagong romantic-comedy-drama series ng GMA-7 na Ako Si Kim Samsoon, kung saan siya ang katambal ni Regine Velasquez.
Si Pia ang unang nagbato ng tanong kay Mark. May isang eksena raw kasi sa Ako Kim Sam Soon na ikinagulantang ng karamihan dahil nakitang naka-swimming trunks lang ang young actor.
“Opo, meron po talaga na kung saan kaming dalawa ni Arthur Solinap, we had to wear our trunks,” pag-amin ni Mark. “Okey naman, na-good naman ni Direk [Dominic Zapata]. Luckily, na-good niya, so thank you.”
Ayon kay Sweet, na kasama rin ni Mark sa Ako Si Kim Samsoon, marami raw mga gays and even girls na ang tingin sa kanya ngayon ay pantasya. Napa-flatter or nahihiya ba siya ganoong tingin sa kanya?
“Siyempre po, napa-flatter,” sagot ni Mark. “Flattered po akong talaga at siyempre po, thank you po sa Creative Team namin dahil hindi naman po magiging ganito kung hindi rin naman po dahil sa kanila. Kung ano ang dapat suotin, tinutulungan po nila ko sa porma.”
Tinanong ni Pia si Mark kung kinailangan daw ba nitong mag-prepare, just for that particular scene na kinailangan nga niyang magsuot ng swimming trunks.
“I’ve prepared for the whole show,” sabi ni Mark. “Workout ako nang workout nang workout! Kasi, sabi nila, ‘Si Cyrus [his character] ganito, si Cyrus ganyan…’ So I have to live up to it.”
Ayon kay Sweet, may balita raw na sa mga unang taping days nina Mark at Regine ay medyo nahihiya-hiya pa raw ang aktor sa Asia’s Songbird. Tinanong ni Sweet si Mark kung paano ito nawala.
“Siyempre, si Songbird, e, alam n’yo yun…” nakangiting pag-demonstrate ni Mark na mataas. “Ang nangyari, noong minsan nag-taping kami, kinakabahan ako. ‘Tapos sinabihan ako ng EP [executive producer] namin na, ‘Huwag mong isipin na siya si Regine Velasquez, isipin mo na lang siya si Kim Samsoon.’ So since then, medyo gumaan na, nawala na yung kaba ko kay Ms. Regine. ‘Tapos may isang fight scene na siguro sa ika-third week na, after no’n, naging kampante na ako, naging at ease na ako.”
Sumunod na tanong ni Sweet kay Mark ay kung ano ang na-feel niya na noong una ay tila kinukuwestiyon kung bakit siya ang ipinareha kay Regine.
Pero ayon kay Mark, “Personally speaking, nang malaman ko na ito ang assignment ko, sabi ko, kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, hindi ko na papakinggan yun. Basta ako, it’s a dream come true for me and I’m gonna have fun with it. So thank you na noong biglang nakita nila ang mga footages na ginawa namin, naging successful naman at nagustuhan naman ng mga tao. So, what can I say?”
Source: PEP

Popularity: 49% [?]




























