ABS-CBN denies intrigue that Jericho Rosales and Carmen Soo caused Direk Gilbert Perez’s stroke
Isinugod kahapon ng umaga, July 1, sa St. Luke’s Medical Center ang direktor na si Gilbert Perez na na-stroke habang nagte-taping ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN na co-venture sa isang Malaysian TV network.
Madaling-araw pa lang ay napapansin na ng bidang aktor ng teleserye na si Jericho Rosales ang madalas na paghagod ng kanyang dibdib ni Direk Gilbert, na mas kilala sa showbiz bilang si “Manong Gilbert.” Hindi nagtagal at itinakbo na mismo ni Jericho ang direktor sa ospital.
At press time ay nananatili pa rin sa Coronary Care Unit ng St. Luke’s si Direk Gilbert, taliwas sa unang report na nasa Intensive Care Unit (ICU).
Ito na ang ikalawang pagkakataon na na-stroke si Manong Gilbert. This time, maaaring mag-undergo siya ng angioplasty surgery. Ayon sa Medline Plus, ang angioplasty “is a procedure to restore blood flow through the artery.”
BLAMING JERICHO & CARMEN. Sa second stroke ni Manong Gilbert ay mabilis na kumalat ang tsismis na ang dahilan ng kanyang atake ay ang kanyang mga artista sa ginagawang teleserye sa ABS-CBN; namely si Jericho at ang Malaysian actress na si Carmen Soo.
Mariin namang pinabulaanan ito ng kampo ng ABS-CBN/Star Cinema Productions, na siyang nagpo-produce ng teleserye nina Jericho at Carmen. Bago pa man ang kanilang shooting dito sa Pilipinas ay nakapag-shooting na si Direk Gilbert sa Malaysia, kasama sina Jericho at Carmen, pati na ang iba pang members of the cast. Kaya naman nakapag-bonding na raw silang tatlo ng kanyang mga artista.
Ayon pa sa aming source mula sa ABS-CBN/Star Cinema Productions, sina Direk Gilbert, Jericho, at Carmen ang madalas pa nga raw na magkakasama sa Malaysia. At kahit natsitsismis na si Carmen ang isang dahilan ng hiwalayang Jericho at Heart Evangelista, hindi raw naapektuhan ang samahan nilang tatlo sa Malaysia.
Hanggang sa dumating naman dito sa Pilipinas si Carmen, naging malapit pa rin si Manong Gilbert sa Malaysian actress. Matagal-tagal na rin daw dumating dito sa Pilipinas si Carmen at mukhang hahaba pa ang kanyang pananatili.
Pansamantalang itinigil din muna kasi ang pagte-taping ng teleserye nina Jericho at Carmen. Kung sakali, posibleng si Jerry Sineneng muna ang hahalili kay Manong Gilbert bilang direktor sa joint venture production ng ABS-CBN/Star Cinema at ng Malaysian TV network.
Malabo rin daw ang tsismis na nagkaproblema si Direk Gilbert kay Jericho dahil sa breakup nila ni Heart. Nakapag-move on na raw nang husto si Jericho mula sa hiwalayan nila ng dating girlfriend kaya naging smooth naman ang taping ng direktor with his lead actors.
Bukod dito, nagsabi na rin si Jericho sa ABS-CBN/ Star Productions na magiging smooth ang kanyang pagtratrabaho sa proyektong ito dahil ayaw niyang sayangin ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng management. Kaya naman nangako raw si Jericho na ibibigay niya ang kanyang pinakamahusay na performance.
Hindi rin daw maaaring bigyan ng problema ni Carmen si Direk Gilbert sa set dahil, unang-una, aware siya na nagtatrabaho siya sa ibang bansa. Kaya naman gagawin niya ang lahat para maging mabait sa set at sa lahat ng mga katrabaho niya rito.
Kaugnay nito, napakalaki rin ng tiwala kay Jericho ng ABS-CBN/ Star Cinema Productions, sa pangunguna ng kanilang Managing Director na si Malou Santos
Wala pa rin daw official title ang nasabing teleserye nina Jericho at Carmen, taliwas sa mga lumalabas na reports. Pero napanood na ng ABS-CBN/Star Cinema Productions ang mga eksenang kinunan sa Malaysia. Sobrang na-impress daw ang mga pamunuan ng ABS-CBN/Star Productions sa nakita nila.
Nakatakdang ipalabas ang teleserye ni Jericho at Carmen sa last quarter ng 2008.
Source: PEP

Popularity: 86% [?]




























One Response to “ABS-CBN denies intrigue that Jericho Rosales and Carmen Soo caused Direk Gilbert Perez’s stroke”
By luvsushi on Jul 3, 2008 | Reply
hello…morning!
i came across your blog and i’m attracted to this article.
what does it say? english translation please…
tq so so much!
[reply this comment]