banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Young actress Andi Eigenmann has crush on Robi Domingo and Victor Basa

pbb_teen_edition_plus.JPG

Nag-celebrate ng kanyang 18th birthday ang youngest member ng kilalang showbiz clan na Eigenmann na si Andi Eigenmann last June 27 sa club house kung saan sila nakatira ng mommy niya na si Jaclyn Jose. Pero ang actual birthday ni Andi ay noong June 25.

“Actually, hindi ako nag-settle sa usual debut party na may cotillion. Party lang talaga,” kuwento ni Andi sa PEP.

Ang motif ng party ni Andi ay black, white, and gray na favorite colors niya. Kulay red naman ang kanyang dress na binili niya sa Zara.

Inimbita rin daw ng young actress ang buong Eigenmann family, sa pangunguna ng ama niyang si Mark Gil at ang kanyang mga kaklase nung high school.

Kapatid ni Andi sa ama ang dramatic actor na si Sid Lucero at ang singer-actor na si Gabby Eigenmann. Ang nagbabalik-telebisyon na si Bing Pimentel ang ina ni Sid at si Irene Celebre naman ang nanay ni Gabby.

May half-brother din si Andi sa ina niyang si Jaclyn na si Gwen, na ang ama ay miyembro ng bandnag True Faith. Seven years old na raw si Gwen at nag-birthday rin ito last June 7.

STAR MAGIC TALENT. Hindi pa pumipirma ng kontrata si Andi sa ABS-CBN Star Magic, pero verbally nagkasundo na ang kanyang ina at ang pamunuan ng talent managent ng Kapamilya network.

“My contract is being processed,” sabi ni Andi.

May pressure ba on her dahil kilala bilang mahuhusay na artista ang kanyang mga magulang na sina Jaclyn at Mark?

“Ano po minsan, nararamdam mo na yung pressure. Pero sa akin, hintayin po muna ng tao what I can offer, at ano ang pagkakaiba ko sa mom and dad ko sa gusto ko,” saad ni Andi.

Payag ba sila sa pag-aartista niya o siya lang ang may gusto na maging Star Magic talent?

“Gusto ko po talaga,” sagot niya. “Si Mommy, ang ayaw lang niya yung mag-acting workshop ako. Sinabi niya kay Mr. M [Johnny Manahan] yun. Kasi para sa kanya, either you have it or not. It’s not a hobby, it’s a gift.”

BACK TO SCHOOL. Nagtapos ng high school si Andi last March, pero hindi siya nakapag-enroll ngayong first semester sa college.

“Nag-take ako ng exam sa UP [University of the Philippines] for Fine Arts. Kaya lang, wala kasing masyadong variation ang Fine Arts sa UP kaya nag-Painting muna ako. Sa second semester mag-aaral ako ng Fashion Design sa College of St. Benilde; July 1 ang enrollment. ‘Tapos, next year na ako magyu-UP.”

PBB HOUSE PLAYER. Unang lumabas si Andi sa Prinsesa ng Banyera, kung saan nakasama niya ang kanyang ina na si Jaclyn. Recently, napanood siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus bilang isa sa house players.

“Nag-enjoy po ako. “Four weeks lang po ako doon, pero nag-enjoy ako,” natutuwang sabi ni Andi tungkol sa PBB.

Paano siya napasama sa PBB Teen Edition Plus?

“Kinuha po ako talaga ni Direk Lauren [Dyogi]. Nakita niya kasi ako sa commercial [Lactacyd]. Hindi pumayag si Mommy that time, ayaw niya akong pumasok. Ako lang po talaga, gusto ko. Nakakahiya nga po kasi ako na rin yung nag-request na lumabas ng Bahay ni Kuya.”

ROBI & VICTOR. Kanino siya nagka-crush among the boys sa loob ng PBB house?

“Si Robi [Domingo],” diretsong sagot ni Andi. “Kasi nung nasa loob ako ng bahay, kami yung madalas nag-uusap. ‘Tsaka kahit wala pa kami sa loob ng Bahay ni Kuya, magkakilala na kami. Nagkikita na kami kasi magkatabi lang ang school namin. Sa Miriam [College] po ako, siya sa Ateneo. ‘Tapos nagho-host-host ako ng affair sa Ateneo. Nagte-training din ako sa school nila ng Ultimate Frisbee; nagti-training din doon si Robi.”

Inimbita rin daw ni Andi si Robi noong debut niya.

Bukod kay Robi, inamin ni Andi na crush din niya ang CoverBoys member na si Victor Basa. Kinikilig ba siya kapag nagkikita at nagkakasama sila ni Victor sa ABS-CBN?

“Wala naman po,” sagot ng dalaga. “For me, if there’s a normal guy na hindi taga-showbiz na crush ko, hindi rin ako nagre-react kapag nakikita ko.”

Bakit siya nagka-crush kay Victor?

“Maganda po yung mukha niya. Sa billboard ko po siya unang nakita. Pero sobrang tagal na po noon. Kasi recently lang ako nag-Star Magic kaya hindi pa niya siguro ako kilala.

“Pero neighbors po kami before sa Valle Verde. Kinakarga-karga pa niya ako nung bata ako. Family friend sila ng mommy ko. Kaya madalas nagpupunta kami sa kanila, minsan sila sa amin,” lahad niya.

Paano kapag nalaman ni Victor na siya yung dating bata na kinakarga-karga niya at ngayon ay crush pa niya?

“Hindi ko na po iniisip yun dahil kakilala ko na siya. Kailangan alisin ko na kung anuman yung nararamdaman ko para sa kanya,” saad ni Andi.

Source: PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Popularity: 86% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.