More Recent News

  • Advertise here

Response to “Tuliro” - on Dear Chuva

I Kissed A Girl - Katy Perry

Hello everyone, matapos ko kayong paiyakin sa video nung Father and Son.. basahin naman ninyo ang sagot para kay Tuliro. I will be frank and uncensored - walang personalan. Unang una, hindi ako nanunuya - - nag-a-ala Dr. Phil lang ako para magising ka sa katotohanan….

Heto na po ang sagot…

Dear Tuliro,

Maraming salamat sa pagsulat mo. I really appreciate the trust that you’ve given me and that you opened up so freely out of your own will. It gives other people the chance to share their thoughts and feelings about your situation. I hope it will enable you to sort out the responses of our readers and my response as well.

Sisimulan ko na. Alam mo Tuliro, lukaret ka ba? Kulang ba ang prescription ng drugs mo? Sabi mo nga, hindi ka naman byaning - wala kang history ng pagkagusto sa tulya. Eh bakit biglang bigla naman yatang bumaliktad ang mundo mo? Nalipasan ka ba ng gutom? Eh ang dami daming makakainan diyan sa Hong Kong. Mag-merienda ka kaya?

I noticed when you said na, “wala kang masyadong kaibigan”. Naku ‘day, kulang ka lang sa kalabit. Eh papano ka naman magkakaroon ng kaibigan eh para kang flight attendant na palipat lipat ng lugar. Pumirme ka kaya dyan. You have to establish your ground. Treinta y dos ka na gurl! Anuvey? Maraming lalaki diyan! (Kahit hindi ko sila mahagilap - lagi akong pinagtataguan). I feel that you are just feeling lonely and you attach yourself to the next best thing. Isang taong nagbigay ng atensiyon sa ‘yo.

It’s a good thing that you’ve seen the world. Tama na ang paglipad lipad kung saan saan.. baka umurong na ang matres mo, mawalan ka pa ng pag-asang makapag asawa no? Give guys a chance. May manliligaw ka naman pala. What you are feeling is pure infatuation in my opinion. Eh bakit ko nasabi yon? Pano ba naman, sa mga sinulat mo - lagi mong sinasabing - “nung minsang nalasing kami” - ano ka ba?! Alcoholic?! Babae ka pa naman. Baka naman kaya walang makapanligaw sa yo ng maayos eh kasi lagi kang bangag. Mag drinks ka for socializing lang. Hindi naman sinabing uminom ka ng diesel.

Pasensiya ka na anak. Hindi naman kita nilalait, ginigising ko lang ang diwa mo because I feel that you are threading the wrong path. Unang una, may relasyon na yong minamahal mo. That’s a big NO-NO! Lalo pa’t hindi ka sigurado sa sarili mo, pag sinabi mo sa kanya - baka masira ang relationship nila tapos in the end bigla kang uurong parang hipon diyan. Eh pano na yung lab team nila? Nachorva ng di oras!

Someday you will thank me for this. Seriously, my advice to you is to seek yourself first. Hanapin mo kung ano ang makapagpapaligaya sa ‘yo without anyone. Dahil hangga’t hindi ka masaya ng mag-isa, hindi ka sasaya kahit isang libong bakla at byaning ang chorvahin mo. Eh ang mga yan pa naman, high maintenance yan. Yung mga bading gusto ng puro designer clothes, yung mga byaning naman kailangan ng isang katutak na sinulid para mag-gantsilyo. Nakow day - - mahirap pumatol sa byaning sinasabi ko sa yo. Masaya silang kasama, nandun na ko pero kung hindi ka ka-tribo eh gurllllllll… isipin mong mabuti.

For your peace of mind, tama ang mga advice nila Kotsengkuba . Baka nalulungkot ka lang. Maghanap ka ng kaibigang kauri mo. Maraming diretso diyan. Yun nga lang, balita ko pag nagsama-sama daw ang mga babae, walang ginawa kundi magkalmutan. Eh, iwasan mo na lang yon.

Huwag mong pakinggan si Chuvaness dahil mahilig mandamay yan. Hahahahaha!!! Si Diwa naman, layuan mo rin yan… baka magsisi ka.. (Joks lang mga prens!!!) At kung hindi ka naman nakuntento sa advice ko, sumulat ka rin kay Chuvaness. Mas malakas bumulyaw yon!

As for me naman, sana eh natauhan ka na. Hubarin mo yang helmet ng kahibangan. There are plenty of opportunities for you to meet the right man. You will never know until he shows up. Love simply happens.

Sa uulitin (please naman, sumulat ka ulit)…

Nagmamahal,

Chuva

P.S. Lakasan ninyo ang loob ninyo!! Kung may dinaramdam kayu, isulat kay Chuva at ng makarinig kayo sa ken!! hahaha!! Heto po ang link. Isulat ang nararamdaman…..ang kinagigiliwan ang kung ano anong kalokohan…

« It has been a while since I cried… this video just did it…
James Yap and Kris Aquino to embark on 16-day U.S. vacation »

Comments

17 Responses to “Response to “Tuliro” - on Dear Chuva”
  1. chuva says:

    $hahaha bluep and pusa… i remember naaaaaaaaa.. nga pala si shaider at si annie.. hahahaha!! kayo naman di na kayo mabiro… diba characters sa Voltes V yan? hahahaha!!!

    anak ng…. napaghahalata na aketch!!!

    chuva’s last blog post..Response to “Tuliro” - on Dear Chuva

  2. chuvaness says:

    hahahah inferness ang sagot mo tita nega…kinareer mo ‘day wahahahahhahahah

    susulat ako hehehehehe

    mag imbento muna ako ng istorya hahahaha

    chuvaness’s last blog post..The Return of the Comeback: Dear Chuvaness Segment

  3. kengkay says:

    ako ako, nakataas ang kamay ko, may i write din ako ng letter! pero sempre sikret, kuno!

    kengkay’s last blog post..Libro Adik

  4. Chuva says:

    $ hahaha! sulat na dali! nagdadatingan na ang mga letters.. namimili na ko ng susunod na humihingi ng payo….hahaha!!!

  5. Chuva says:

    $ mami kengks!! sige sulat ka rin, idaing mo ang mga dinaramdam mo… doncha worry - - anonymous ang dating mo.. hahaha!! kahit ano pa… hahaha!!!

  6. chuvaness says:

    ditseeeeee

    sa restday ko na ipapadala ang sulat ko ha medyo busy you know lol

    chuvaness’s last blog post..How Can You Mend A Broken Heart

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...


Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines