More Recent News

  • Meta

  • Advertise here

  • I bet online readers haven't read
  • Old Chika

Dear Chuva: Letter Number Two from Saudiborsyado

letter.JPG

Mga readers!!! Anovey, ang mga sulat to me ay kakaiba! Puro mga love chorva at laging ewan… basahin ang ating second letter….

Dear Ate Chuva,

I hope that my email reaches you well at sana po ay mapili ‘nyo na mapublish ang letter ko. I am a 27 year old male living and working in Riyadh. Lagi po naming binabasa yung blog ninyo. I have lived here for four years and the life here is very challenging. Meron po akong asawa sa Pinas at isang anak. Mahal ko po sila at minsan sila po ang dala ng lungkot ko. Gusto ko lang naman pong maiangat sila sa buhay and I am willing to sacrifice for them.

Hindi po ako naghahanap ng kung ano man. I am simply here to work and send money home for our future. Mabait po ang asawa ko at maayos naman po siya sa pagaaruga ng nag-iisa naming anak. Hindi ko po alam kung bakit biglang nagiba ang takbo ng buhay namin nung magkahiwalay kami. I did a two-year contract the first time I was here and returned for two more. Nung una pong matapos ang first contract ko, napansin ko ng bumalik ako sa Pinas na nagiba ang pagtingin sa akin ng misis ko. Parang may alam po siya sa mga nangyayari sa akin sa Saudi at parang may nababasa po siya sa aking mga mata.

Hindi ko siya masisi dahil kilala niya kung sino ako. Madasalin akong tao, mabait po ako at hindi marunong manakit. Kahit na magmura ay di ko po ugali. Pero isa lang ang alam kong pagkakasala ko sa kanya. Napakabigat po sa akin na aminin ang pagkukulang kong ito dahil hindi ko po talaga sinasadya.

Kasabay ko po na mag-apply yung best friend ko nung college para pumunta at mag-abroad. Sumubok po kaming dalawa sa Singapore pero medyo mahirap pong makakuha ng trabaho doon. Yun po ang iniuna namin dahil mas malapit po sa Pilipinas. Sa ka-a-apply po namin, pareho po kaming natanggap sa Riyadh. Tuwang tuwa po kaming dalawa. Siya po ay walang pamilya niyang sarili at nag-iisa lang. Ang contract po namin ay sabay na magsisimula as Civil Engineers sa Riyadh. Malungkot ko pong naiwan ang aking maybahay pero masaya naman po ako at kasama ko ang matalik kong kaibigan.

Ang dalawang taon po ay mabilis lang kung tutuusin natin. Sa dalawang taon po namin sa Riyadh, kaming dalawa ang laging magkasama. Araw araw po ay nagkikita kami para hindi kami malungkot. Nagkaroon din po kami ng mga kaibigang Pinoy na masasaya rin pong kasama pero mas masaya po kaming dalawa dahil nagkakaintindihan kami ng ugali at kilala na namin ang isa’t isa.

dear_chuva.JPG

Nung mabasa ko po ang liham ni Tuliro, parang tinamaan po ako ng kidlat. Halos magkahawig po ang aming kuwento. Ang kabaligtaran lang po, yung kaibigan ko ang nahulog ang loob sa akin. Hindi ko rin po hinangad na magkaroon ng bunga ang pagkakaibigan namin pero dahil na rin po sa lungkot sa pangingibang bansa, parang nararamdaman ko po na may pagtingin na rin ako sa kanya. Siya po ang hingahan ko ng mga problema ko at kung may kailangan po ako ay dali-dali siyang tumatakbo upang tulungan ako. Hindi ko po nakuha ang ganung pagtingin kahit kaninong kaibigan kong lalake. Wala pong nagbigay ng ganung halaga sa pagkakaibigan namin kung hindi siya.

Mahal ko po ang asawa ko ko Ate Chuva, at mahal ko rin po ang anak ko. Pero ang nararamdaman ko po sa kaibigan ko ay kakaiba. Minsan nga po, pag wala kaming kasama, natatakot kami na parang may mamamagitan sa aming dalawa. Habang lumilipas po ang araw, lalo po kaming napapalapit sa isa’t isa. Masasabi ko pong mahal ko na rin siya. Nung huli po naming pag-uwi, parang naramdaman ng asawa ko ang pagkakalayo naming dalawa. Nagkaroon po kami ng distansya sa isa’t isa.

Read the continuation here.

Related Posts with Thumbnails
« Where would we be without technology?!
Dear Chuva: Letter Number Two from Saudiborsyado – Part II »

Comments

7 Responses to “Dear Chuva: Letter Number Two from Saudiborsyado”
  1. chuvaness says:

    aaaayayayaaaaaaaaaaaaaaaayyyy

    exciting ito!!! ibang level!!!!

    chuvaness’s last blog post..Crazy Pinoy Signs

  2. roni says:

    hehehe, parang kapit-bahay yata kita karding. pede pong makiraan? tabi-tabi po!

    roni’s last blog post..hip to be square

  3. roni says:

    ngek! ke malen pala si karding, erase erase!

    roni’s last blog post..hip to be square

  4. Chuva says:

    hi roni!! oo nga naman, kay ditse si karding no?! haha!! Sa akin si saudiborsyado… may karugtong pa yan – ipopost ko na…

  5. pia says:

    actually ala po akong alm about sa dear chuva,nacurious lang ako kay kris aquino ksi sa kapapnuod ko ng shows nila ni boy abunda hanggang sa mapunta ako kay prince william hanggang sa makita ko ung dear chuva.
    maganda ung mga kwento nila ksi detalyado at halatang mabigat ang kani kanilang dinadala.
    kay tuliro at saidiborsyado mahirap mgbigay ng advice ksi ala ako sa lugar nila.pero pinahanga nila ako dhil d sila nahiya at nging honest sila.kay tuliro kung maaari habang maaga pa iwasan na nya si jeana ksi may sabit na sya at baka mas may darating pa na mgndang opurtunidad.at para d sya lalong masaktan pa.
    d ako against sa mga gnyang relationship dhil d nman nila pinili bgla na lng umusbong.mahirap pigilan ang isang damdamin mo sa isang tao.ingat at God Bless Po

Trackbacks

Check out what others are saying about this post...
  1. [...] you got plenty of time…bisitahin nyo po ang ditse ko sa kanyang DEAR CHUVA SEGMENT….baka maka-relate kayo [...]

  2. [...] Sorry mga ka-bords at binitin ko kayo.. alam ko namang nakaabang kayong lahat diyan at gusto ninyong malaman ang nangyari kay Saudiborsyado. Ika nga ni Ditseng Malen, sa Dear Ate Malen portion niya – abangan ninyo dahil iba ang level… Medyo mahaba kasi yung sulat niya kaya naisipan kong hatiin… heto ang continuation…from Dear Chuva: Letter Number Two from Saudiborsyado [...]



Speak Your Mind

Tell us what you're thinking...
and oh, if you want a pic to show with your comment, go get a gravatar!

CommentLuv Enabled

Spam Protection by WP-SpamFree

Pinoy TopsitesEntertainment & Lifestyle - Top Blogs PhilippinesBlog Directoryblog search directoryBlog Directory & Search engineBloglisting.net - The internets fastest growing blog directory Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com