More Recent News

Dear Chuva: Letter Number Two from Saudiborsyado – Part II

letter.jpg

Sorry mga ka-bords at binitin ko kayo.. alam ko namang nakaabang kayong lahat diyan at gusto ninyong malaman ang nangyari kay Saudiborsyado. Ika nga ni Ditseng Malen, sa Dear Ate Malen portion niya – abangan ninyo dahil iba ang level… Medyo mahaba kasi yung sulat niya kaya naisipan kong hatiin… heto ang continuation…from Dear Chuva: Letter Number Two from Saudiborsyado

Konting background para sa mga first timers dito.

Ang nakaraan: Nagtapat kay Chuva si Saudiborsyado na siya ay may asawa’t anak sa Pilipinas. Contract worker siya sa Riyadh, kasama ang pinakamatalik niyang kaibigan. Eh siguro may pagkasilahis silang dalawa kaya nagkakachorvahan sila dun. Pero wala pang nangyayari… heto ang kadugtong ng sulat ni Saudiborsyado…

Masikip po ang damdamin ko marahil kahit wala pa pong nangyayari sa aming dalawa ng best friend ko, ay parang nagkakasala na po ako sa misis ko at sa anak ko. Dahil lamang po na nararamdaman ko ang pagtingin sa kaibigan ko. Isang gabi po, habang kumakain kami ng hapunan ng misis ko, naitanong niya, “Mayroon ka na bang iba? Bakit parang malayo ang iniisip mong lagi? Sabihin mo lang, maiintindihan ko.”

Ikinaila ko po ng husto dahil hindi ko alam kung kailangan pa niyang malaman. Pero matindi po ang pagsasamahan namin ng best friend ko. May understanding na po kaming dalawa na bago pa may mangyayari sa amin, kailangan na hiwalayan ko muna ang misis ko at ang anak ko para hindi ako magkasala sa kanila. At kung wala naman po raw akong balak na maging kaming dalawa, kalimutan na lang daw namin ang isa’t isa.

Pramis po Ate Chuva, wala pa pong namamagitan sa aming dalawa pero may paghahangad na po kaming dalawa sa isa’t isa. Ika-apat na taon na po naming pagsasama dito sa Riyadh at hindi po biro na iwasan namin ang may mamagitan sa aming dalawa. Habang pinipigil po namin ang isa’t isa.. lalo lang pong lumalakas ang damdamin namin.

May naipon na rin po ako at maari ko na pong tustusan ang pag-aaral ng anak ko at ikabubuhay niya. Ayoko na pong magsinungaling pa sa asawa ko. Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko. Hihiwalayan ko na po ba siya at aaminin ko na may pagtingin ako sa kapwa ko lalake? Alam ko pong hindi ko na kayang magkahiwalay kami ng best friend ko. Mahal na mahal ko na po siya. Please lang po, humihingi lang po ako ng payo. Dinaan ko na rin po sa dasal pero hindi po malinaw ang sagot. Maaari po ba ninyo akong payuhan?

Nananatili,

Saudiborsyado

Okay mga kabords!! Masyadong open-ended ang dating nitong letter na ‘to. Napili ko siya among the letters dahil nangyari na rin sa aking ang magmahal – - divanetch? Alam ko piling nyan. Magulo, masakit, ma-chorva. Pero sa lahat ng bagay, may paglugar. There’s a time for everything ika nga.. so heto po ang sagot ko sa yon Saudiborsyado.

Magandang gabi Saudiborsyado,

Salamat sa pagsulat mo. Hindi ko akalaing halos lahat pala ng readers ko rito eh mga byaning at bading. Ngayon, kabilang na rin ang mga silahis. GUMISING KA NGA DIYAN!!!!!! Bakit kasi nag-asa-asawa ka pa eh mahilig ka naman pala sa talong! Yan ang hirap sa inyong mga nag-papaka menchu menchaka eh… kunwari lalake, pagerlpren, gerlpren… pero sa loob ninyo, naka-evening gown kayo!!!!!!!

I admire the fact na pinili mo pa ring walang mangyari sa inyong dalawa ng kaibigan mo habang sagrado ang kasal ninyo ng misis mo. Humanga talaga ko dun. Kasi, the fact is … naglipana ang mga pokpok na bakla diyan sa Saudi ‘no?! Ang balita ko nga, sila na ang tumatanggi sa mga lalaki diyan. Ano ba?! Bakit di ganyan dito sa Amerika? Dito lagi kami ang habol ng habol ng lalake, diyan sa inyo laging may banderitas ang mga kuwarto ng mga bakla dahil laging may fiesta!!!

Ito lang ang maipapayo ko sa ‘yo Saudiborsyado. Nararamdaman ko sa sulat mo na hulog na hulog na ang loob mo sa kaibigan mo. Maaaring dahil na rin sa kalungkutan. Nangyari yan dito sa akin sa ‘Merika. Na-inlove ako sa unang unang lalaking lagi kong kasama dahil sobra ang lungkot ko kahit hindi nararapat. Hindi kita masisisi diyan. Paglalaro yan ng tadhana.

Unang una mong kailangang gawin ay tanggapin mo sa sarili mong bakla ka! Dahil kung hindi.. magkakaloko-loko ang buhay mo. Magtitiis ka kay misis habang chumochorva ka ng lalaki on the side, magui-guilty ka, iinom ka gabi gabi, magsusugal ka para makalimot, isasanla mo bahay ninyo at tapos magpapakamatay ka in the end. Di ba ang sagwa? Dahil lang sa hindi mo tinanggap na bakla ka.

Next step is, aminin mo sa asawa mo kahit gaanong kalaking kahihiyan. Lahat ng nararamdaman mong hiya ngayon ay lumilipas at lilipas din. Tingnan mo si Rustom Padilla, lagi na siyang naka sabrina style top ngayon at laging nakabota ang bruha. Pero, ang maganda sa nangyari sa kanya, alam niyang mahal pa rin siya ng taong nakapaligid sa kanya.

Susunod, kausapin mo yung boypren mo ng masisinsinan. Sabihin mo sa kanya, dahil sa kaguluhang idinulot niya sa buhay mo, kailangang panindigan niya ang mga katarantaduhang pinagsasasabi niya sa ‘yo. Hindi ko siya kilala pero hanga din ako at hindi ka niya chinorva habang kasal ka. May mga bakla rin palang may moralidad sa mundo!

At huling huli, huwag mong pababayaan ang mag-ina mo. Kahit anong mangyari, pamilya mo pa rin sila. Kahit na ilantad mo ang kaluluwa mo sa putikan, sila pa rin ang kailangan mong itaguyod. At dapat…. AT DAPAT… maintindihan yan ng boypren mo!! INTIENDES?!!!

Sa bandang huli, I wish you and your friend the best. Mas mabuti na aminin mo na ngayon sa misis mo kaysa lumaki pa ang gulo. Mas masakit na lokohin mo siya ng maraming taon at hindi ipagtapat sa kanya kung sino ka. Walang masama sa pagiging bakla, nasa ginagawa mo sa buhay mo ang makakasama sa yo. Kung isa kang bakla, ang payo ko lang ay huwag mo pa ring kalilimutan ang pag-galang sa damdamin ng ibang tao. Sumunod ka pa rin sa mga kabutihang alam ng puso mo, pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Yun lang POW! (Shet, miss ko na sila Chikatime.com!!!!)

Ang iyong lingkod,

Chuva Chienes-Constipated

 

Related Posts with Thumbnails
«
»

Increase your website traffic with AutomaticSiteMap.com