Marjorie Barretto enjoys life being alone: “I’m no longer anybody’s ‘better half!’”

Sa pagpasok niya sa mundo ng pulitika bilang isang konsehala ng Caloocan, kasabay nito ang kumpirmadong paghihiwalay nila ng asawang si Dennis Padilla.
Samut-saring mga balita, intriga, at kuwento ang lumabas tungkol sa paghihiwalay ng dalawa. Nandiyan ang paguugnay ng pangalan ni Marjorie sa isang mataas na pulitiko ng pinaglilingkurang distrito—na ilang beses din namang itinanggi ng aktres-politician—at ang kawalan diumano ng kakayahan ni Dennis na itaguyod ang kanilang pamilya. Hindi naman nabigyan ng kumpirmasyon ang mga usap-usapang ito.
Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Marjorie sa nakaraang dedication and first-year birthday party ng pamangkin na si Santino, agad naming kinumusta ang aktres at kung may bago na ba siyang inspirasyon sa buhay ngayon, pagkatapos ng paghihiwalay nila ng asawa.
“Wala pa rin, I’m focused on my job, my being alone. Ang tagal kong di alone and I’m enjoying it. Bata pa naman ako, ang dami pang opportunities na darating sa akin.
“Ako ngayon, I’m my own person now. I’m no longer anybody’s ‘better half’. I hope people will take it well. Sana ‘pag lumabas yun, hindi na manganak pa nang manganak yung istorya.”
Ang sinasabing “yun” ni Marjorie ay ang desisyon sa annulment case na kanyang nai-file June last year. Sa “Funfare” ni Ricky Lo sa Philippine Star (July 21), ibinalita ng kolumnista na pinayagan na the Quezon City Regional Trial Court ang annulment petition ni Marjorie three weeks ago.
HOW’S DENNIS? May balitang hindi pa rin nakaka-recover ang asawang si Dennis Padilla sa paghihiwalay nilang mag-asawa; lumalabas ang ilang kuwento na lalo raw nawalan ng direksyon ang buhay ng komedyante.
“Di natin masisisi kung sobrang naapektuhan siya kasi naging mabuti naman akong asawa sa kanya for fourteen years. But I think he has already moved on. May girlfriend na nga siya ngayon.”
May usap-usapang gagawa big announcement si Marjorie sa loob mga araw na ito. Nang tanungin siya tungkol dito, nanatili pa ring tikom ang bibig.
“It’s a matter of announcing it properly; syempre, baka maraming tao ang baka ma-offend. Basta, let’s wait na lang.”
SUPPORTIVE SISTERS. Kilala ang Barretto sisters na ‘pag may problema o intriga ang isa ay nandun ang isa pang kapatid para magbigay ng suporta at tulong. Pero nang tanungin ng PEP si Marjorie kung ano ba ang suporta niya ‘pag may problema ang mga kapatid, sinabi niyang kani-kanya raw sila ngayon ng nilalabanang sari-sariling battles. Although nandun naman daw lagi ang kanyang moral support para sa mga kapatid.
“Alam mo, kahit si Claudine ang pinakabunso sa amin, nakakalimutan namin na matanda na rin siya, isa na rin siyang ina, isa na rin siyang asawa. Ngayon, kung anuman ang problemang dumarating sa kanya, we do not under-estimate her. Kailangang ma-realize natin na kaya na niya.
“Kung dati-rati lagi kaming dikit-dikit, na ‘pag may problema ang isa, nakikisali ang lahat, it’s about time that we fight our own battles. Not that I don’t support her, pero ayokong i-undermine si Claudine. I know that she can take care of herself, na kayang-kaya niya kahit ano pa ang dumating sa buhay niya. Marami nang pagsubok ang dumating sa kanya na nalagpasan naman niya lahat.
“With Gretch, she’s a very happy person, kaya di ko maintindihan bakit ang daming lumalabas na talks against her. She’s the one who makes us happy. ‘Pag malungkot ako, siya ang nagpapaligaya sa akin.
“Ako kasi, I don’t read [magazine and newspaper gossip items] and I don’t watch [showbiz talk shows] anymore, I don’t bother myself para wala nang pressures.”
Source: PEP













