banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Martin Jickain puts his life back together after failed marriage with Aiko Melendez

aiko_melendez_martin_jickain.JPG

Ang actress-politician na si Aiko Melendez ang special guest co-host ng Startalk kahapon, July 26, kung kaya’t live niyang napanood sa studio ng GMA-7 ang taped interview sa dati estranged husband niya na si Martin Jickain.

Ayon kay Martin, naiayos naman daw niya ang buhay niya after nilang maghiwalay ni Aiko. That was the time daw na naipagpatuloy niya ang naudlot niyang pag-aaral sa International School of Culinary Arts & Hotel Management. Nagdyi-gym din daw siya at nagawa rin daw niyang pagandahin ang katawan niya.

“Back to school ako ngayon dahil noon, before akong magpakasal, hindi ko natapos ang pag-aaral ko. Kaya ngayon, itinuloy ko yung studies ko,” saad ng ramp and print model.

When it comes to his daughter Marthena, sa kabila ng Permanent Protection Order (PPO) na ibinaba ng korte laban kay Martin patungkol sa kay Aiko ay hindi ipinagkait ng batas ang regular na pagbisita niya sa bata kung kaya’t ganoon na lang ang daw ang laki ng pasasalamat niya kay Aiko.

“Nakakuha na ko ng letter from Q.C. RTC at nirerespeto ko naman ang desisyon nilang PPO, so I have nothing against it at nirerespeto ko ‘yon. Pero siguro naman, kahit walang PPO, wala akong gagawing masama kay Aiko dahil mataas ang respeto ko kay Aiko. Wala akong gagawing hindi maganda sa kanya dahil unang-una, nanay siya ng anak ko.

“At saka alam n’yo, simpleng tao lang ako, e. Hindi ako gagawa ng anything para kalabanin si Aiko. Actually, hindi na nga ako kumuha ng abogado. Si Aiko, wala akong masasabi. Sabi niya, ‘Martin, kung kelan mo gustong hiramin si Marthena, just let me know.’ Natutuwa lang ako dahil malapit sa akin yung anak ko. So yun lang, pasalamat lang talaga. At buti na lang, mabait ang Diyos, nakikita ko ang anak ko, every Sunday.”

In terms of financial support, kahit paano naman daw sinusuportahan pa rin niya ang kanilang anak na si Marthena.

“Kahit paano, nagbibigay ako. Kasi si Aiko naman, mabait na tao. Hindi siya yung, ‘O, Martin, magbigay ka ng ganito, kasi ganito-ganyan.’ Hindi siya ganoon,” sabi ni Martin.

RELATIONSHIP WITH AIKO. After being hostile to each other after their separation, ngayon nga raw ay nagiging civil na rin ang relationship nina Aiko at Martin, unti-unti.

Kuwento ni Martin, “Kapag susunduin ko si Marthena, nagte-text kami, kamustahan tungkol sa bata. Very civil. Okay naman, parang wala lang…parang wala lang nangyari. Usual na magkaibigan.”

When asked kung mahal pa rin ba niya si Aiko, ito ang sagot niya: “Si Aiko siyempre, mahal ko ‘yan… Pero iba yung mahal na in love ka sa tao at iba yung mahal mo dahil nanay siya ng anak mo. In all sincerity, hindi talaga. Marami rin kasi akong natutunan kay Aiko. Marami kaming pinagsamahan at meron kaming magandang anak, carbon copy ko!”

Para kay Martin, wala raw siyang kinikimkin na sama ng loob kay Aiko. Sabi pa, ang tipo naman daw kasi ni Aiko ang karapat-dapat mahalin ng kahit na sinong lalaki.

“Kahit sino naman talagang lalaki, mai-in love naman talaga sa kanya. And from what I heard, meron yata siyang bagong boyfriend at sa kuwento niya, mukhang mahal na mahal na mahal naman siya ng lalaki. At si Aiko naman ay hindi mahirap mahalin, so happy na ako ro’n. Kasi si Aiko, marami na ring pinagdaanan sa buhay niya. At least, nakita na rin niya ang right guy for her,” pahayag ni Martin para sa dating asawa.

May panawagan nga lang si Martin para kay Aiko. Aniya, “Ang sa akin lang, bilang tatay ni Marthena, kahit siguro naman kahit sinong tatay, wini-wish na sana tratuhin ang anak niya na para na rin nilang tunay na anak. Yun lang ang masasabi ko. I have nothing against them. Happy na rin ako na nakahanap siya ng tunay na lalaki na mahal niya at mamahalin siya.”

Sa kabila ng isyu sa kanya na napariwara siya after nilang maghiwalay ni Aiko ay ang hangarin daw nito na magkaroon ng bagong karelasyon at makapagsimula muli ng bagong buhay.

“Mukha bang sira ang buhay ko?” tawa niya. “Hindi naman siguro. Yun nga, e, tulad nga ng nasabi ko, inayos ko ang buhay ko. Dati ang taba ko, nag-gym ako. Inayos ko ang katawan ko. Inayos ko ang buhay ko. Nag-aral akong muli. Sa taas po ng presyo ng buhay ngayon, e, mahirap pong magka-girlfriend. Saka na lang, kapag bumaba na ang presyo ng gasolina.”

NEW MAN IN AIKO’S LIFE. After ng VTR interview kay Martin, si Aiko naman ang live na in-interview nina Lolit Solis at Joey de Leon. Pero bago sinagot ni Aiko ang tanong ni Joey kung ano ang masasabi niya sa pahayag ni Martin na mahal pa rin siya nito, nagpaliwanag muna si Aiko kung bakit tumatawa siya habang ipinapakita ang interview ni Martin. Baka raw kasi isipin ng mga tao na tinatawanan niya si Martin, pero patawa raw kasi nang patawa sa harapan nila si Arnell Ignacio, na guest din kahapon sa Startalk.

“Ang reaction ko ro’n, maraming-maraming salamat sa respetong ibinibigay niya sa akin hanggang ngayon. Hindi lang bilang isang tao kundi bilang isang nanay ni Marthena, maraming-maraming salamat,” mensahe ni Aiko.

Ano naman ang reaction ni Aiko sa sinabi ni Martin na bagong karelasyon ni Aiko na si Patrick Meneses, ang vice mayor ng Bulacan, Bulacan, na hindi mabanggit ni Martin ang pangalan.

“Well, with regards to that, nauna pa si Martin na umamin talaga kesa sa amin, di ba? Si Patrick is someone na very, very special to my heart. Noong time na nakadapa ako, siya ang isa sa umalalay sa akin na tao. And marunong akong tumanaw ng utang na loob sa isang mabuting tao,” sabi ni Aiko.

Matagal na raw kakilala ni Aiko si Patrick.

“Matagal na, he was my classmate in UP [University of the Philippines] when I took up the crash course on local government. Nagpapasalamat ako sa kanya ro’n with the friendship and, until now, I don’t deny the fact he’s still special on my heart.”

Ang tanong ni Lolit kay Aiko ay kung nakatitiyak daw ba siya na si Patrick ay hindi nag-e-aerobic? Pero sinundan agad ito ni Joey na tinanong daw yun ni Lolit at baka hindi masundan ng mga tao. May koneksiyon daw kasi yun sa sinabi ni Martin na nagdyi-gym siya at si Arnell na nasa studio that time ay tila patawa nang patawa kunsaan, nagpapakita off-cam ng ilang aeroboxing technique. Tinawag na nga ito ni Joey sa harapan.

Nag-comment si Lolit kung bakit mukha raw pambabae ang exercise nila. Nagkataon daw kasi na magkapareho ng gym sina Martin at Arnell.

Magtu-two years old na ang anak nina Aiko at Martin na si Marthena bukas, July 28. Hindi ba sila nag-uusap ni Martin on their daughter’s birthday celebration?

“Actually, nag-text kami,” sabi ni Aiko. “Kasi yung naka-state naman sa PPO, meron kaming arrangement kung anuman do’n. Pero ako naman, bilang nanay, meron man ganoong arrangement. I’m very flexible with Martin spending time with his daughter. So ako, any time he wants to spend time with Marthena, wala siyang magiging problema sa akin, wala talaga. Mas gusto ko pa nga kung dalasan pa niya ang pag-spend ng time niya.

“And I’d like to thank Martin dahil sa sinabi niyang noong time na naghiwalay kami, itinuon niya ang pansin or panahon niya sa pag-aaral niya. And pinaganda niya ang katawan niya. At least, maganda rin pala ang nagawa ko sa kanya.”

Sumingit si Arnell sa sinabi ni Aiko na aniya, maganda raw ang katawan ni Martin ngayon. So, Lolit asked Aiko kung hindi ba siya nanghihinayang.

“Nanghihinayang na maganda ang katawan niya? Maganda rin naman ang katawan ko ah, so dapat siya ang manghinayang sa akin, ‘no!” tawa ni Aiko.

ANNULMENT CASE. Kinumusta naman ni Joey ang annulment case ng kasal nila?

“Naka-file na po,” ani Aiko.

Hindi na raw kukuha si Martin ng lawyer. Ano ang reaksiyon ni Aiko rito?

“Well, siguro he wants the annulment na rin also. And it’s a closure na. Tapos na talaga kami ni Martin and, I think, mas maganda at mas napaganda ang buhay namin ni Martin noong wala na kami.

“And I’d like to think na I’m in a better position na nang maghiwalay kami. And I owe it to him dahil lahat ng time ko ngayon and lahat ng taong nakapaligid sa akin ay yung totoong nagmamahal talaga sa akin.”

MARTIN’S LOVE LIFE. Since may lovelife na si Aiko, ano naman ang balita niya kay Martin, may love life na rin ba ito?

“Nakakatawa nga, kasi inunahan niya akong umamin na may love life ako. E, siya nga, way, way back pa! Martin…naku, Martin ha, magpakatotoo ka ha! Ikaw talaga, ibinubuko mo ako, e, ikaw nga ang unang may love life! Peace ha?” natatawa niyang sabi.

Tanong ni Lolit ay kung babae raw ba ang love life ni Martin?

“Babae po… ‘Nay Lolit ha, you’re so mean ha! May galit ka ba kay Martin, ‘Nay? Grabe, pinagpapawisan ako rito ha!” sabi ni Aiko.

Katuwiran naman ni Lolit, wala raw siyang galit kay Martin, pero may masama raw ba sa tanong niya.

May panawagan din si Martin kay Patrick na sana lang daw, tratuhin niya si Marthena na parang anak na niya. Ano ang reaksiyon ni Aiko rito?

“Martin, when it comes to that, you’ll never really have a problem on that. In fact, ngayon nga, sasabihin ko rito sa Startalk na habang nagtatrabaho ako ngayon, ang kasama po ni Marthena at ni Andrei [Aiko's son with Jomari Yllana] ay si Patrick ang nagbabantay ngayon.

“Dahil nga birthday ni Marthena sa Monday and may school si Andrei, si Patrick is spending time with my kids. So I’m assuring you, Martin, magkaroon man kami ni Patrick ng mas malalim na relasyon, more than just boyfriend-girlfriend or kung saan man papunta itong meron kami ni Patrick, huwag kang mag-alala because your daughter is in good hands. At huwag kang mag-alala, the mere fact na ako ang nanay ni Marthena, doon na lang, e, huwag kang mag-alala dahil aalagaan namin ni Patrick si Marthena,” pahayag ni Aiko.

Ano naman ang birthday wish ni Aiko kay Marthena?

“Ang message ko, sana paglaki niya, she wouldn’t take it against us na naghiwalay kami ng daddy niya dahil mas makakabuti ito sa kanya at sa paglaki niya. At kahit magkahiwalay kami, we will be the best parents for Marthena. And also, it goes also for Andrei na kahit nagkahiwalay kami ni Jomari, yung panahon lang sana na maibibigay nila for Andrei and Marthena, please, ipinapakiusap ko yun na ibigay sana nila.”

Hindi ba natatakot si Aiko na umibig muli?

“You know, ‘Nay Lolit, life is too short. You’ll never know what will happen tomorrow. Only God knows, di ba? Pero ako kasi, habang nadarapa ako, ang gusto ko sa sarili ko, kasi fighter ako. Whenever I stumble, whenever I fall, tatayo ako, lalaban ako and that goes also with my lovelife. Hindi porke two failed marriages, e, katapusan na yun, wala nang ikatlong glorya.”

Puwede rin daw ikaapat or ikalima?

“No! I think, ikatlo na lang talaga,” diin ni Aiko.

Source: PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.
Stumble it!