Tim Yap says he just want to be known as the “Ambassador of Pinoy Party”
Hindi pa man masasabing tuluyang pumasok sa mundo ng show business, naging laman na agad ng mga showbiz gatherings and news si Tim Yap. Takaw-eksena kasi siya dahil sa kakaibang istilo ng pananamit at pagiging life of the party, most of which he organized, since isa rin siyang events organizer, or to his own words, an “eventologist.” Malapit na kaibigan din si Tim ng ilan sa mga kontrobersyal at sikat na artista tulad nina Gretchen Barretto, ng mga Gutierrez, at iba pang celebs na mahilig sa party.
Bilang isa sa mga may-ari ng kontrobersyal na Embassy Bar and Restaurant sa The Fort in Taguig City, si Tim ang humarap sa press na nagtatanong nung nabalitang magsasara na ang sosyal na party place. Dahil kasi ito sa sunud-sunod at iba’t ibang gulo na kinasangkutan nito.
POKER IN EMBASSY. Pero nang makapanayam si Tim sa nakaraang presscon ng Philippine Poker Tournament for Charity, masayang ikinuwento sa amin ni Tim na sa Embassy gagawin ang nasabing event and when PEP asked him kung secured na ba ang katahimikan at kaligtasan ng mga pupunta sa Embassy, he assured PEP na ang ganitong concerns ay hindi na isyu pa sa kanila.
“Tahimik na. Ang ginawa namin, we increased our security measures 100%. Kung makikita ninyo sa ibaba, pagpasok nyo pa lang mayroon nang metal detectors. All our offices, all our hallways, lahat with CCTV [Closed Circuit TV security cameras]. We have our hidden cameras all over the venue inside and outside. So, bago pa man may mangyaring insidente, nakita na namin. Inayos na ng security namin. That’s foremost of our concern, the peace and order situation. We already know that Embassy is the most fun establishment, we also want it to be the safest as ever.”
Ang Embassy ang magsisilbing venue for the Philippine Poker Tournament for Charity kung saan, ayon kay Tim, ang magiging beneficiary sa kikitain nito ay mapupunta sa pipiliing charity institution in Taguig.
“They approached us para maging venue ng poker tournament and they asked us to do it on Sundays, Mondays, and Tuesdays, days that the club is not open. They told us it’s a charity event and 100% will go to the city of Taguig and it’s chosen beneficiaries.
“Yung beneficiary hindi manggaling sa akin, manggaling yun sa kanila. Kami we’re just the venue. Wala kaming alam kung sino ang pipiliin nila. Ako personally, we’re still establishing our own foundation pa lang.”
AMBASSADOR OF PINOY PARTY. With his popularity at sa maganda’t makabuluhang proyekto na tulad nito, agad naming tinanong si Tim if he plans to enter politics.
“Wala, none in our family, except I have a cousin, si Sec. Arthur Yap [Department of Agriculture secretary], but he was appointed. None of us decided to run for an executive post.
“I just want to continue being the Ambassador for Pinoy Party. On our own effort, we got media from all over he world, ‘tapos in cooperation with DOT [Department of Tourism], I became their tour guide, inikot ko sila around Manila in nightlife para makita nila how vibrant and how safe Manila is.”
MASTER’S DEGREE. Isa sa mga host ng Living It Up in QTV-11, kahit gustuhin mang pumasok na nang tuluyan sa show business ay hindi magawa ni Tim because he’s finishing his master’s degree in Asian Institute of Management.
“I’m studying right now, I’m on my second year of my master’s degree studies in Asian Institute of Management and I’m graduating this December. Nag-usap na kami ng GMA-7 na pagka-graduate ko, saka ako magpu-fulltime to do the showbiz stuff.
“Tapusin ko muna yung pag-aaral ko para may diploma naman akong ipapakita sa magulang ko na hindi lang negosyo, ‘di lang pag-e-enjoy, gusto kong ipakita na pinaghirapan ko siya. Mayroon na akong tinanggihang mga offers before. Kasi kung may gagawin akong bagay, gusto kong i-devote ang buong sarili ko. Pagkatapos ng pag-aaral ko, tuluy-tuloy na ako sa showbiz.”
SIMPLE TIM. Mahirap daw tanggapin sa showbiz ang may imahe na masyadong sosyal o hindi maabot ng masa. With his image and status in civil, hindi raw kaya maging malaking isyu ito sa TV host?
“Actually, yung mga kaibigan ko na talagang kilala ako, alam nila na nagkataon lang na itong ginagalawan kong mundo, parang sosyal pero alam ninyo kahit saan ka man pumunta, mapasosyal man ang mga tao o hindi, pare-parehong tao lang ang mga ‘yan and ako ang pakikitungo ko sa kanila, pantay-pantay lang.
“Kaya nga sa akin, sana people will give me the chance na makilala muna ako, na sana buksan nila ang puso at isip nila para sa akin. Ang totoong Tim Yap ay isa lang simple at mabuting tao.”
ABOUT GRETCHEN. Nabanggit din ng PEP kay Tim kung ano naman ang masasabi niya sa isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Gretchen Barretto, na nitong mga nakaraang araw ay laging nasasangkot sa kontrobersya.
“Gretchen kasi is a fighter. People often mistake her for somebody who likes to initiate chaos. Lahat naman ng tao, gusto ng peace of mind, ng kaligayahan, iba-iba nga lang ang method of how we achieve that kind of happiness. Gretchen is Gretchen, so kung anuman ang ginagawa niya para i-defend ang kaligayahan niya, nasa kanya yun.”
Source: PEP












