Response to Dear Chuva: Letter Number Three from “Walang True Love”

Okay mga ghels and gheys, heto po ulit si Ate Chuva (Thanks for the brand Tuliro) at sasagutin ang mga katanungan ni Walang True Love. Hindi naman talaga ako jaded masyado, I still believe in love kahit papano. I was actually surprised na biglang nag-comment ang mga old friends ko.. (hoy hindi mga matatandang kaibigan, kundi mga matagal ko ng kaibigan sa blogging world) dahil lang sa katanungan ni True Love.
We have three teams. Team Walang True Love, Team True Love, Team Pariwara.
Unang una, ang team True Love tulad ni James, buo ang pamilya, maganda ang trabaho.. everything is hunkie dorie sa buhay niya. Kasama rin niya sa mga votes si Jonel, si Pusa na in-love ngayon sa kanyang virtual partner, at si Ros, na may secret love affair. Achus!!
Shempre – believe kayo sa True Love! Eh ano pa ba naman ang hihingin ninyo? Garapal naman siguro kung makikipagplastikan pa kayo at sabihing wala pa kayong true love!! Si James buo ang lahat sa buhay niya, ano pang hahanapin niya. Si Jonel naman, pang sampu na kamo ang syota niya? Believe pa rin siya sa true love? Let’s get real naman. Kung hindi pa niya makita sa pang eleventh – ewan ko na lang kung maniniwala pa siya. Baka nga may naanakan na yang si Jonel hindi lang sinasabi sa ‘yo. Ano kaya ang feeling nung naiwan niya. Si Pusa naman, bilib din yan sa true love dahil umaasa pa siya na baka ito na nga. Hmmp! Tingnan lang natin. Hehe!! Si Ros naman, eh shempre – kasama ang mahal sa buhay kaya pati existence niya karugtong ng true love. Naniwala ba kamo ako sa true love? OB KORS NAMAN! Siguro nung two years old ako, nung ma-inlab ako sa sorbetero namin. Pero ang sinasabi ko lang, we have to be realistic – hindi puedeng uto-uto ka!
Ang team “Walang True Love” naman like, Tessa na iniwan ng boyfriend/asawa niya, si Kim na flight attendant na ilang lalaki na siguro ang naging hada, si Malen, at sa yo, Walang True Love. Obvious naman kung bakit ganun ang pakiramdam ninyong tatlo no. Iwan ka ba naman ng boyfriend mo after kang chorvahin at iwanan ng pakwan sa tiyan mo. True love ba yon? Eh si Kim naman, bow ako sa kanya. Alam ko kung bakit hindi na siya naniniwala – eh pano naman – ang daming guwapo sa buong mundo diba ghel?! Bakit ka nga naman magse-settle sa isa na wala namang idudulot sa yo kundi sakit lang ng ulo tapos bubugbugin ka pa. Lalo pa siguro kapag iniwan siya ng double-pakwan bago siya iwanan. Eh di lalong hindi na maniniwala yan sa true love. Ingat ka lang ghel dahil maraming mga diseases diyan. Suot kapote lagi dapat ang partner ha! Si Malen naman, nakow, ang hirap magtapat ng true love tapos walang sagot. Shet! Para kang sinampal ng sampung duwende. Pero oks lang rin yon. We are here to take risks di ba? You just learned from it. It is a growth experience di ba? Pero Walang True Love, gusto ko ang istorya mo. You really have to be content with yourself in order to love someone and you have to accept that if that someone never comes, you will be okay. Our lives depend on others pero hindi dapat yun ang sole source mo ng pagmamahal sa sarili mo. I’m sure you will be caught by surprise once that person appears in your life.
Sa mga team Pariwara naman na tulad ni Diwa at Speak. Eh, wala akong maitutulong sa inyong dalawa. Wala kayong ginawa kundi humada ng humada. Buti si Kim, may rason kung bakit hada na lang siya ng hada.. dahil nalaman niyang maraming manloloko sa mundo. Eh kayong dalawa, ano ba ang habol ninyo sa hada? Aber?!
To cut the long story short, Chuva believes in true love to an extent. I don’t believe in the fairy tale story of that Knight in Shining Armour coming to save me from my misery. But I believe that if the time is right, it will come. I don’t even have to wait for it. My goal in life now is to have fun in everything I do. Maging sa work, sa bahay, sa mga kaibigan at sa pamilya. That’s love for me. Life is too short no matter how long you live, so live! Hindi kailangang magmukmok ka sa sulok dahil walang nanliligaw sa yo, dahil lahat tayo may katapat. Life is there to be enjoyed. Every moment counts.
Kaya kung ang definition ninyo ng true love is to be swept off your feet dahil napaka guwapo niya at napaka bait niya.. dream on. Lalabas din ang baho ng mga yan. If you love yourself enough, you will find the right person for you because you have respected yourself before somebody else did. Hindi ka magiging abused, dahil alam mo na you don’t treat yourself that way – why should anyone else? Hindi ka rin puedeng lokohin dahil you have set yourself to accept na kahit hindi man siya dumating sa buhay mo, you will make the most of your life as it is.
So Chuva says, “There is true love yet true love can only be obtained if you have learned to love yourself for who you are, and for who you are not. Once you learn this, you will attract the people that will treat you the same way. And that is when you will find true love.”
O deba?! Kabog ba mga bords??
I will be away for several days – - maglalakwatsa sa Montreal, Canada ang ditse ninyo. Maghahanap ng true love.. kaya huwag na kayong umasa sa posting ko! Mamamahinga ang lowlah ninyo! Kung nagustuhan ninyo ang sagot ni Ate Chuva, sumulat lang kayo sa Dear Chuva segment ko. Follow the link here and type away.
Chorva Chorva!!!















bravo! pang missed universe ka talaga mama! mwahhhh
enjoy your vacation, sana makita mo ang true love mo dun
hahaha! missed na missed universe ang dateng!! hahaa!.. naku, hindi ko na hinananap yan.. true love is a state of mind.. bakit mo pa hahanapin eh dinadalaw naman blog ko.. hahahaha!!! super chorva!!!!
mwah!! ikaw na ang bahalang magmatsag sa katulong ko.. dahil minsan pariwara yan.. hahaha! jk lang.
korekness! dumadating nag true love hehehehe
ingats ka rin at wag pariwara LOL
hahaha! paminsan minsan, team pariwara din ako no?! sayang naman ang hada.. hahaha!! thanks pusa!
hahaha! missed na missed universe ang dateng!! hahaa!.. naku, hindi ko na hinananap yan.. true love is a state of mind.. bakit mo pa hahanapin eh dinadalaw naman blog ko.. hahahaha!!! super chorva!!!! – TALAGA LANG HA? HAHAHA!!!
mwah!! ikaw na ang bahalang magmatsag sa katulong ko.. dahil minsan pariwara yan.. hahaha! jk lang. – LECHE MO! LOLS
diwatang_byaning’s last blog post..Like Carrie Underwood, Britney Spears, Star Jones and Ricky Lake
hahahahahaha… Tapos na po akong maging pariwara.
Hmmmm, wala na akong sinabi lols…
diwatang_byaning’s last blog post..Here kitty-kitty… Puuuuurrrrr
HEARSAY!!!