banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Ariel & Maverick explain delay of their movie for GMA Films

ariel_maverick.JPG

Medyo matatagalan pa raw bago matapos ang pelikula nina Ariel and Maverick para sa GMA Films dahil nagkaroon daw ng konting aberya. Unang-una ay bigla raw nabuntis ang kanilang director na si Aleah Aliporo Eugenio at pangalawa, marami pa raw silang kulang na mga eksena kaya kailangan nilang bumalik sa Amerika.

Paliwanag ni Maverick, “Hindi naman maiiwasan ang mga ganyan, e. Alam namin na marami ang naghihintay for the movie at one year in the making na nga ito. Pero mga 70 percent of the movie na ang na-shoot namin. May mga eksena na kaming nakunan dito, e. Yung mga scenes na lang sa U.S. ang kulang. Kapag okey na ang lahat at matuloy na kami, mga ten days of shooting ang gagawin namin. So, malamang na baka early next year na ito maipalabas.”

Mabuti na lang at may bagong show ang tinaguriang Dynamic Comic Duo ng Philippine television. Sila ang mga host ng bagong show ng GMA-7 na Masquerade. Bahagi ito ng “Bilib Ka Ba Nights” ng Kapuso Network starting August 18.

Ang Masquerade, na mapapanood every Wednesday nights, ay long-running primetime comedy show sa Japan kung saan ang mga contestants ay pinoporma ang sarili nila bilang iba’t ibang bagay. Sa ipinakita ngang AVR ng naturang show, mukhang maaaliw ang marami dahil bukod sa mga nakatutuwang contestants ay sasabayan pa ng pagpapatawa nila Ariel and Maverick.

“Kung inakala nila na madali ang show, naku, hindi po!” diin ni Ariel. “Kahit na once a week lang kami, grabe ang taping namin. Sa isang taping day, three episodes ang binubuo namin. ‘Tapos may mga shoot pa kami sa labas ng studio, may voice-over commentary kami na ilang oras din ang binubuhos namin. So it’s hard work, pero enjoy naman kami kasi nakakatuwa ang mga contestants. Game na game sila sa show.”

Nami-miss na raw nina Ariel and Maverick ang magkaroon ng regular na soap drama. Masyado raw kasi silang nag-enjoy sa Joaquin Bordado ni Robin Padilla.

“Iba na rin kasi yung napapanood ka every day sa isang drama series, di ba? Sana nga, nanawagan kami sa GMA-7 na available pa naman kami. Open pa ang schedules namin para sa isa pang show!” sabay tawa ni Ariel na sinabayan pa ni Maverick.

Source: PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Kasama rin sa “Bilib Ka Ba Nights” ang show ni Chris Tiu na Ripley’s Believe Or Not tuwing Lunes at World Records ni Paolo Contis tuwing Martes.

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.
Stumble it!