banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

John Lloyd Cruz blushes when told about the possibility of working again with ex-girlfriend Krista Ranillo

john_lloyd_cruz.JPG

Agad na nakuha ang reaksyon ni John Lloyd Cruz sa mga pahayag ng ex-girlfriend niya na si Krista Ranillo sa presscon ng Your Song kahapon ng tanghali, Biyernes. Hindi sinasadyang inabutan pa kami ni John Lloyd sa Grams Diner sa ABS-CBN Loop pagkatapos ng presscon ng Your Song. Gulat pero nakangiti si John Lloyd habang isa-isa naming nire-reveal sa kanya ang mga sinabi ni Krista about him. Hindi naman itinanggi ni John Lloyd ang naging relasyon nila ni Krista noon.

“Oo, mga seven months. Pero matagal na ‘yon,” lahad ni John Lloyd.

Dito, mukhang nagkaiba lang sila ng bilang sa tagal ng kanilang short-lived romance.

Three months kasi ang sinabi ni Krista na tumagal ang kanilang relasyon ni John Lloyd at four months siyang niligawan ng aktor. It could be na isinama na ni John Lloyd ang pagbilang sa sinasabi ni Krista na courtship nila noon.

Iisa ang comment ng ilang entertainment press na nakausap ni Krista sa presscon ng Your Song at ito ay ang malaking pagkakahawig sa pisikal na katangian ng current girlfriend ngayon ni John Lloyd na si Liz Uy kay Krista.

May nagsabi naman na si Krista ang mas pinaganda at pumuti na version ni Liz.

“Talaga? Hmmm…” reaksyon ni John Lloyd.

Pagkatapos ay ipinakita namin kay John Lloyd ang FHM kung saan cover si Krista na nakasuot ng two-piece swimwear.

“Meron ako niyan,” sabi ni John Lloyd. “Nakita ko yung loob.”

Sa kabila nito, mas marami ang ngiti na sagot si John Lloyd sa aming tanong. Nag-blush naman siya when PEP mentioned to him the possibility na magkatrabaho sila ni Krista sa I Love Betty La Fea.

And then, kinuha namin ang reaksyon ni John Lloyd sa sinabi ni Krista na boto sa kanya ang mga magulang ng dating kasintahan.

“Good boy kasi talaga ako,” nakangiting tapos ni John Lloyd.

Source: PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Popularity: 41% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.