banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Derek Ramsay says trust and time make his relationship with Angelica Panganiban work

derek_ramsay.JPG

Pagkatapos ng sunud-sunod na pagganap sa mga teleserye sa ABS-CBN, tulad ng Ysabella at Maging Sino Ka Man, marami ang nakapuna na mukhang nag-lie-low daw bigla ang career ni Derek Ramsay.

Hinulaan noon na kung maalagaan lang nang husto ang career ni Derek, maaaring sumunod ito sa yapak ni Piolo Pascual as leading-man material. Kaya nga may mga nanghihinayang sa pananahimik ngayon ng career ng Fil-Brit actor.

PEP (Philippine Entertainment Portal) had the chance to interview Derek recently at agad na kinumusta ang showbiz career niya, at ang relasyon nila ng girlfriend na si Angelica Panganiban.

“Lie low on TV pero di lie low sa pagtatrabaho, kasi full-force pa rin ako. Right after Ysabella and Maging Sino Ka Man, I’m glad mayroon akong bagong teleserye with Juday, it’s Humiling Ako Sa Langit. Nag-resume na kami ng taping. Tumigil lang kami for a while pero balik on track kami.”
Derek is also busy doing commercials right now.

“Diyan ako naging busy, abangan ninyo yung lalabas kong commercial sa San Miguel and mayroon din akong shampoo commercial. May bagong campaigns din kami for Oxygen and, of course, Swatch na nagsama sa akin sa Beijing.”
Isa si Derek sa mga personal na nanood ng nakaraang Olympics sa Beijing, China. Dahil kahit isang medal ay walang naiuwi ang Pilipinas, agad naming tinanong ang aktor kung ano sa palagay niya ang naging problema.

“Grabe yung mga atheletes natin, they performed their best. It’s not their fault na wala silang nauwi na medals dito, we need more funding talaga para sa ating mga athletes and I think we have to concentrate on other sports. Tingnan mo yung wushu, hopefully it will be an Olympic sports next Olympics and nag-gold tayo dun.”
NOT AFFECTED. Visible na uling nakikita sina Angelica and Derek together sa mga showbiz events and gatherings. According to Derek, everything is going great now between him and Angel.

“We’re perfectly very, very happy. Di kami affected sa mga lumabas na isyu before, na break na kami. Sabi ko nga, di ko alam kung saan nanggaling yun.

“Di ko masasabing mas tumatatag o tumitibay kami. Happy ako, ayokong pag-isipan yung ganun. Ayokong maging masyadong mechanical na iniisip kung ano ang dapat na takbuhin ng relationship namin. Gusto ko, natural, and right now everything is really doing well.”
TRUST AND TIME. For Derek, ang pagtitiwala nila ni Angelica sa isa’t isa ang malalim na rason kung bakit nanatiling matatag ang relasyon nila.

“Kami kasi ni Angel, mayroon kaming pagtitiwala sa isa’t isa. Like these past few couple of weeks na nag-abraod ako, kung yung ibang mga couples na ‘pag di magkasama, nag-aaway kasi natatakot na baka may ginagawa yung isa, walang ganun sa amin ni Angelica.

“We adjust with each other and at the same time sobrang balanse ang time naming dalawa. We have time for each other, we have time for our work, we have time for our families and we have time for other things na gusto naming gawin sa buhay namin. May oras kami para sa sarili namin kasi baka magsawa kami ‘ pag kami na lang ng kami ang laging magkasama.”

PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.
Stumble it!