No ‘Boo!’ greeted Rhian Ramos and Mark Herras at premiere of “I.T.A.L.Y.”
Nawala ang takot ni Rhian Ramos noong premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) ng GMA Films last Sunday, September 14, sa SM Megamall.
Bago kasi ang premiere night ay may nagpakalat ng e-mail na susugod daw ang mga detractors ni Rhian at ibu-boo raw nila ang young actress, pati na si Mark. Nag-abang daw si Rhian kung meron ngang magbu-boo, o magsisimula ng gulo, pero natuwa siya’t natapos ang pelikula nang wala naman gano’n.
“Mga narinig ko lang ay mga palakpakan at tawanan,” nakangiting sabi ni Rhian sa panayam sa kanya. “I am so relieved kasi may threat talaga ang mga taong ito na gagawa sila ng gulo sa premiere night. Mabuti na lang at walang katotohanan ang mga banta nila sa amin ni Mark.
“Pero I will admit na kinabahan din ako. Pati nga si Mark, parang bothered na baka nga may mga manggulo na mga tao. Naaawa nga ako kay Mark kasi pati siya nadadamay sa mga ginagawa ng mga taong ito. Pero we were both happy na walang nanggulo at maganda ang feedback ng pelikula naming lahat. We pray na it does well sa box-office.”
LA LOLA. Ngayon ay naghahanda na si Rhian para sa first solo primetime show niya sa GMA-7, La Lola. Nakapag-taping na raw siya at makakasama niya rito sina JC de Vera, Angelika dela Cruz, Wendell Ramos, Marvin Agustin, Eddie Garcia, Gladys Reyes, Eula Valdes, Lovi Poe, Marky Cielo, at marami pang iba.
“Nakakatuwa kasi it’s a star-studded show at nakakatuwa ang istorya niya,” sabi ni Rhian. “This is based on a very popular and hit Argentinian telenovela, na ngayon ay may iba’t ibang versions na sa buong mundo. I think sa U.S. meron na silang sariling version na sinisimulan. Our director here is Dominic Zapata, kaya abangan nila ang mga nakakatuwang mga mangyayari sa show.”
Papalitan ng La Lola ang Ako Si Kim Samsoon. Nakapag-last taping na raw si Rhian para sa Codename: Asero para walang maging conflict sa bago niyang show.
Tamang-tama ang pagpasok ng La Lola dahil matataon ito sa 18th birthday ni Rhian on October 3. Ayon kay Rhian, ito na ang best birthday gift na kanyang natanggap.
PEP





One Response to “No ‘Boo!’ greeted Rhian Ramos and Mark Herras at premiere of “I.T.A.L.Y.””
By Crazy Animal on Sep 17, 2008 | Reply
Rhian Ramos is so beautiful.
Crazy Animal’s last blog post..The World’s Amazing Photos