banner3.jpg

THIS SITE IS BEST VIEWED USING MOZILLA FIREFOX.

Vilma Santos-John Lloyd Cruz movie starts shooting in November

vilma_santos1.JPG

Sisimulan na sa Nobyembre ang shooting ng long-delayed Star Cinema project, top-billed by Star for All Seasons Vilma Santos and Box-office King John Lloyd Cruz. Ididirek ni Olive Lamasan ang pelikula, mula sa panulat nina Senedy Que (scriptwriter ng I.T.A.L.Y.) at Raymond Lee. Pero wala pa itong pamagat.

New York ang magiging setting ng pelikula at tutungo roon ang cast next year. Inaayos na raw ni Direk Olive ang ilang detalye ng script bago simulan ang shoot sa November.

Sa unang plano ng project, kasama raw sa cast si Ryan Agoncillo bilang anak na bading ni Vilma. Dadalaw si Vilma sa New York at doon niya madidiskubre na bading ang kanyang anak at mayroon itong karelasyon, ang John Lloyd character. Sa kalagitnaan ng movie, supposedly ay mamamatay ang character na gagampanan ni Ryan. Dahil pareho silang nagluluksa sa pagkamatay no’n, magbo-bonding sina Vilma at John Lloyd. Dito tatakbo ang kuwento.

Tinanong namin si Noel Ferrer, ang manager ni Ryan, kung kasali nga ba si Ryan sa project. Ayon sa kanya, hindi pa raw sila na-inform ng Star Cinema kung kasali sila sa project. Dati raw ay nagpasabi ang Star Cinema tungkol sa project, pero hindi raw na sila binalikan tungkol dito.

Baka raw hindi na kasali si Ryan, kaya hindi na sila sinabihan tungkol dito. Pero hindi naman daw sigurado ang manager ni Ryan sa bagay na ito.

Sa ngayon ay busy pa si Ryan sa hosting ng Pinoy Fear Factor. Siya rin ang gaganap na bida sa TV version ng award-winning film na Pieta under ABS-CBN.

PEP



Text Link Ads


Subscribe to the latest cheezemax - enter your email address here:

Delivered by FeedBurner

Popularity: 33% [?]

Post a Comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.